logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 16

Sinuot ko ang roba at dahan-dahang umakyat sa hagdanan. Nanginginig pa ang kalamnan ko habang iniisip ang ginawa ni Levi. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Kilig? Takot? Galit? Inis? Pero, baka wala naman talaga 'yong kahulugan. Binigyan niya lang ako ng hangin. 'Yon lang siguro. Wala nang hidden meaning.
Huminga ako nang malalim at binagtas ang daan pabalik sa cottage. Pumantay na sa mga puno ang sinag ng araw. Mukhang alas-siyete na.
Maraming guest na rin ang naglalakad sa paligid. May ilang bata pang naghahabulan sa malapit. Marahan akong ngumiti sa mga bata bago muling tinuon ang atensyon sa daan.
Ano kaya ang dapat kong gawin kapag kaharap na si Levi? Magtatanong? Magagalit? Magtataka? Ay ewan. Nakakalito na!
Niyakap ko ang sarili. Ngayon ko lang din naramdaman ang lamig ng hangin. Kailangan ko na talagang magbihis ng damit. Patakbo ko nang tinunton ang cottage. Agad akong pumasok sa loob at napahinto ako sa paghakbang nang makita ko si Levi na nakatayo sa gitna ng sala.
Topless at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa buong katawan niya. Tinutuyo niya ang buhok gamit ang mas maliit na tuwalya.
Sumulyap siya sa akin. Nagtama ang paningin namin, at nakita ko na naman ang kakaibang kulay ng mga mata niya. Ngumiti siya at kinuha ang isang paper bag sabay abot sa akin. "Use this. It's the same with the one you wore yesterday," sabi niya.
"Uh." Nagbaba ako ng tingin sa paper bag. "Thanks... L-Levi."
Nanginginig kong tinanggap ang paper bag. Agad akong naglakad palampas sa kaniya, at papasok sa bed space. Nang tingnan ko ang kama, tulog pa rin si Nicole.
Mabilisan akong nagbihis. At tama nga ang sinabi niya. Pareho nang white dress na sinuot ko kahapon. Napangiti ako at dahan-dahang pinasadahan ng daliri ang design na naka-engrave sa bandang baywang ng damit.
Lumabas ako ng banyo at bumalik sa lounge. Nakabihis na si Levi. Isang maroon T-shirt at khaki shorts. Ngumiti siya pagkakita sa akin. "Let's go grab some foods?" aya niya.
"Uh, nasa'n pala 'yong tatlo?"
"Somewhere. Maybe playing boards with other guests."
"Ah." Ngumiti ako. "Same restaurant lang ba?"
Natawa siya. "That's the best they've got here."
Napangisi ako at sabay kaming lumabas ng cottage. Napapikit pa ako nang tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Hindi naman masakit dahil kakasikat lang din sa kalangitan.
"About earlier... I didn't mean to scare you."
Nahigit ko ang hininga. Tinutukoy ba niya ay 'yong nangyari kanina? Napaikhim ako. "Hindi mo kailangang mag-sorry. Sa katunayan, first time kong maranasan na mahalikan sa ilalim ng dagat. Salamat, Levi."
Hindi na siya umimik kaya nagkibit-balikat ako. Hindi naman pala awkward kaya ayos lang. Nahinto lang ako nang may bolang papalapit sa gawi ko. Umiwas ako at tinanaw ang mga bata na hinahabol ang bola.
"Let's hurry. We'll drop you off to El Grande Lat before traveling to Poblacion."
Napatingin ako kay Levi. "Poblacion? Pupunta talaga kayo sa Ili Rock?"
Sumulyap siya saglit sa akin. Tumaas ang sulok ng labi niya. "Yes, with the whole team. Maingey wanted a strong Vine before the concert. So, she asked us to visit tourist spots."
"Uhm... sobrang dedicated mo pala sa Vine."
Huminto siya saglit sa paghakbang. Napahinto na rin ako at napatingin sa kaniya. Huminga siya nang malalim at nakangiting tumingin sa gawi ko. "Rish, I love this band. It is my life."
Napangiti ako. "Me, too. My home is Vine, specially you, Levi." Lumunok ako at dinukot ang Xiaomi sa bulsa ng white dress. "Pwede bang magpa-picture sa 'yo? Wala pa tayong picture kahit isa. At puro naka-side view ka sa pictures sa net kaya gusto ko sanang mag-selfie kasama ka."
"Sure thing." Kinuha niya ang Xiaomi sa kamay ko at hinapit ako sa baywang. "Smile, Rish."
Ginawa ko ang sinabi niya. Narinig ko ang click ng camera. Lumayo na si Levi at binigay ulit sa akin ang Xiaomi. Agad kong tiningnan ang kuha at napangiti nang makitang kapwa kami nakatingin at nakangiti sa kamera.
Tumingala ako sa kaniya. "Salamat, Levi. I'll treasure this precious shot."
Marahan siyang ngumiti at inaya akong magpatuloy sa paglalakad. Tinago ko sa bulsa ang Xiaomi at masayang sumunod kay Levi.
KAHIT GUSTO kong sumama ay mas pinili ko na lang na manatili sa El Grande Lat. Team building 'yon, at alam kong nakakasira lang ako ng moments nila. Kumaway ako sa papalayong kotse at napabuga ng hangin.
Hay... mananatili sa isipan ko ang nangyari sa Club Fort Med. Napangiti ako.
Pumihit ako at pumasok sa bahay. Nakita ko ang ilang katulong na naglilinis. Kinalabit ko 'yong malapit lang sa akin. "Nasa'n si Mama?" tanong ko.
Ngumiti ang katulong. "Nasa veranda, Miss. May kausap na lalaki. Ay, nando'n din ang Papa niyo."
Si Papa? Nangunot ang noo ko. Hindi siya 'yong tipong nagbuburyo sa bahay tuwing weekends. Inayos ko muna ang sarili bago umakyat sa hagdan at nagtungo sa veranda.
Nakita ko sila. Nakaupo sila palibot sa round table. Nakatalikod ang lalaki sa gawi ko. Pamilyar. Tumingin ako kay Mama at ngumiti. "Ma, Pa."
Napatingin sa akin si Mama at napatayo. "Mabuti't nandito ka na? Sa susunod, magpaalam ka nang maayos sa akin, Joy."
"Sorry, Ma. Sige po, sa susunod." Huminto ako sa likuran ng lalaki.
"Rishell, maupo ka," aya ni Papa.
Tumalima ako at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ng lalaking bisita. Pasimple akong bumaling sa lalaki at natigilan ako nang makilala ko siya. "Engineer?"
Sumulyap siya sa akin at ngumiti. "Pleasant morning," bati niya.
Napatingin tuloy ako kay Papa. Anong ginagawa niya ng isang Engineer dito sa bahay? Napahinga ako nang malalim.
Hindi ko pa nakakalimutan ang pagiging tatay-figure niya sa akin. 'Yong pagbabawal sa mga gusto kong gawin, at 'yong... Nothing. I just want to tease you. Aba nga naman, nagkita pa talaga kami rito sa bahay?
"Kumain ka na ba, Joy?" tanong ni Mama.
Tumango ako. "Kakakain ko lang sa Club Fort Med, Ma."
"Kumain na pala ang anak mo," sabi ni Mama kay Papa. "Sige na, Joy, mag-aral ka na ng lesson mo."
Tumayo ako at ngumiti sa kaniya. "Sige, Ma. Punta lang po ako sa kuwarto."
Nag-excuse ako kay Papa, pati na kay Engineer. Saka humakbang papunta sa kuwarto ko. Pero nahinto ako sa paghakbang nang marinig ko ang sinabi ni Mister Engineer. "Amoy alak ang anak niyo, Mister Larica."
Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong tumakbo papunta sa kuwarto. Napahinga ako nang malalim. Hindi pa ako nakapag-toothbrush kaya baka naamoy ni Engineer ang alak sa akin. Pero kumain naman ako ng agahan kaya akala ko hindi na amoy-alak ang hininga ko.
Pero sobrang taas naman ata ng pang-amoy ng lalaking 'yon. May lahi kayang aso 'yon? Naningkit ang mga mata ko.

Book Comment (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

    Β Β 0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

    Β Β 4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

    Β Β 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters