Miracle Destiny Chen's Pov "Buti nalang at dumating kana!" bunggad ni Ollie pagkapasok ko palang sa kwarto ni Boy Tulak-tulak ko ang wheelchair kung saan ko pinaupo si Lanie, mabuti nalang pala at sa isang lumang kwarto sya nagtago, may naiwang wheelchair. Yun lang ang sakit ng braso kong binuhat sya paupo "Why what happen? And where's Viel?" pansin ko agad sa higaan ni Boy na wala doon ang kapatid kong antukin Paano namang nakatakas yun? "She went through the window" problemadong sagot ni Boy na ikina-alala ko Napapikit nalang ako para kalmahin ang sarili Ayokong magalit, at hindi naman ako galit sakanila. Pero hindi ko maiwasang mag-alala sa ginawa ni Viel. Lalo na ang isipin na hinayaan nila syang makaalis at sa bintana pa dumaan "Bantayan nyo si Lanie, hahanapin ko nalang sila" tukoy ko sa dalawang nawawala pa at syempre ang kapatid ko Ang laki ng ginawa mong problema, Viel... Palabas na sana ako ng marinig kong bumukas ang speaker ng radyo, ang radyong yun, bumubukas lang kapag may special announcement. Either may bagong pasyente sa ward o may sasabihin (Announcement everyone, this is the Head Nurse of the Crazy Ward, Daisy Salamanca. Paging code red, please help us find Ms. Xiera Santiago and Ms. Zealan Payne De Vera. To report in our office. Ms. Marviel Chen is looking for you ladies. So please report here. ASAP) Pagkatapos nun, nag-off na ulit ang speaker What the.. Napaatras ako ng may mga nurses at doctors na pumasok sa kwarto ni Boy at isa-isa nilang nilapitan ang mga kasama ko "A-anong nangyayari?" nagising ng tanong ni Rodnie, habang tinatanggal ng mga nurse ang pagkakatali ko sakanya "Ang galing ni sleepy" napangiting puri ni Ollie, habang naiiling na chinicheck up Napangiti nalang din ako. She is good... Pero pagsasabihan ko parin sya sa ginawa nyang pagdaan sa bintana. Napaka-delikado nun! "Saan daw sila dadalhin?" Napalingon ako sa pinto at napangiti ng makita si Kara na kasama si Xiera Ibig sabihin si Zealan nalang "Sa opisina daw ng head nurse" sagot ko Tumango lang naman si Kara at hinila na ulit si Xiera. "Nasaan na si Viel? Diba dapat nandito na sya?" kunot-noong tanong ni Boy Oo nga no? Pwede nya naman ng hintaying mahanap si Zealan dito, kaya wag nyang sasabihin na sumama sya sa paghahanap? "I think, pinapunta sya ni Ma'am Daisy sa Cancer ward, kasama ang ilang nurses" sagot ng isang lalaking nurse na ikina-inis ko Ang babaeng yun talaga! ------------------------------------------------------------------ Zealan Payne De Vera's Pov "Excuse me.." kalabit ko sa isang lalaking nakalabcoat Alam kong kabaliwan ang gagawin ko, pero hindi naman matatawag na 'crazy ward' ang ward namin kung hindi kami mga baliw. Atleast hindi kami katulad ng mga nasa mental na baliw na nga ang sasama pa ng mga ugali "Yes?" nakangiting lingon nito Hindi ko alam kung sya ba yung sinasabi ni Kara, dati na gusto ni Viel. Pero mas mabuti na ang sigurado "Sino dito si Dr. Kurt Thomas Salamanca?" lakas loob kong tanong Lalo din namang lumawak ang ngiti ng lalaki na nagpalabas ng dimple nito sa gilid ng labi. "Speaking, what can I do for you?" mukha naman itong mabait Ang tanong, gusto nya ba si Viel? "Hindi para saakin, kundi para sa kaibigan ko" Gusto ko na talagang magpakain sa lupa! Sasabihin ko na sana ang totoong pakay ko ng tumunog ang speaker na nasa paligid (Announcement everyone, this is the Head Nurse of the Crazy Ward, Daisy Salamanca. Paging code red, please help us find Ms. Xiera Santiago and Ms. Zealan Payne De Vera. To report in our office. Ms. Marviel Chen is looking for you ladies. So please report here. ASAP) Napakunot ang noo ko. Mukha ba akong bata?? Parang nagtatawag sila ng nawawalang bata sa supermarket eh! "Are you, Ms. Xiera or Ms. Zealan?" tanong din naman ng Doctor na crush ni Viel, na ikinakaba ko Napalunok akong umatras. Paano nya nalamang isa ako sa hinahanap sa announcement? Pero teka.. hindi ko pa nasasabi ang kailangan ko sakanya "You have to go back, Miss whoever you are, bago pa pumunta dito si Miss Chen" sabi nito na ikinakunot ng noo ko Miss Chen? Kilala nya si Viel? Akala ko ba-- "Best friends kami, at mukhang alam ko na kung bakit ka nandito" nakangiti ito, pero kitang-kita ko ang pamumula ng mukha nya Ay, so magkakilala talaga sila?? "Hindi ikaw ang naunang makiusap saaking ligawan sya, but let me tell you this Miss" nawala ang ngiti nya at biglang nagseryoso "Hindi ko sya pwedeng ligawan dahil lang sinabi nyo. Kasi masasaktan ko lang sya kapag ganun" dagdag nya na ikinabagsak ng balikat ko Sorry, Viel... "Zealan!" Gulat akong napalingon ng bigla akong yakapin ng taong topic lang namin kanina. Napapikit nalang ako para hindi nya makita ang lungkot sa mga mata ko Ginawa ko naman ang lahat, kinapalan ko na ang mukha ko at ginamit pa ang pag-atake ng sakit ko para makakuha ng sapat na lakas ng loob. Pero wala pa rin "Salamat sa pagtawag, Thom" rinig kong sabi ni Viel Tumugon nalang din ako ng yakap, para lang hindi sya bumitaw agad. "Nag-alala kami sainyo, ano ba kasing ginagawa mo dito?" naiinis pero nag-aalalang tanong nya na ikinangiti ko ng magkalas kami ng yakap Hindi halatang concern sya saakin ah. Hehe "Ang layo pa nito sa ward natin. Buti nalang tinawagan ako nitong si Thomas" nabura ang ngiti ko sa sinabi nya at kunot-noong napatingin sa lalaki Paanong natawagan nya si Vie-- Napatingin ako sa kamay nyang nakapamulsa at masama ko syang tinignan, nang nakangisi nyang nilabas ang phone na nasa bulsa. Dimunyu! "Hay. Lika na nga, kailangan mong magsession ulit" hila ni Viel saakin na ikinalingon ko sakanya Humanda talaga saakin ang lokong yan, baka narinig ni Viel ang pinag-usapan namin. Paniguradong magagalit sya mamaya saakin pagbalik "Kismet, wait" Sabay kaming napalingon ni Viel sa dimunyung doctor. At mabilis naman itong naglakad palapit saamin, hanggang sa tumigil ito sa tapat namin, habang nakangiti Ano nanaman ang gusto ng lalaking ito?? "Can.. can we go out for dinner? Mamaya? After my shift?" Parang nahihiya pang tanong nito Napalingon naman ako kay Viel na parang nafrozen na ata sa sobrang pagkagulat Sino bang hindi? Teka.. tinatanong ba ng lalaking ito kung pwede silang magdate? Akala ko ba hindi sya manliligaw? "B-bakit?" alanganin pang tanong ni Viel na ikinangiti din ng lalaki, habang namumula "What do you mean why? Hindi ba kita pwedeng ayain makipagdate?" Napasinghap ang kasama ko sa sinabi nya, pag ito inatake ng sakit nya ah. "D-date?" Tumango ang doctor "S-sige. Mamaya" tango din naman nito Pagkatapos nun nagpaalam na kami. Pero bago pa kami makaalis may binigay pang papel yung lalaki saakin na pinapabigay daw ng isa sa kasamahan nya Tsk! Gumamit pa ng iba. Pasimple kong binuklat ang papel at binasa. Hindi naman ito mababasa ni Viel dahil malabo din ang mata nya. [I won't court her, because you said so. But I will, because I like her too.] Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti Okay.. mabait na ang Kurt Thomas na yun. ------------------------------------------------------------------ Braille Onix Yu's Pov "Favorite movie?" tanong ni Kara Nasa rooftop kami nagpapahinga. Pagkatapos ng nakakapagod na araw. Bumalik nalang kasi si Mira sa kwarto nya para magpahinga, sinamahan din naman sya nila Zealan na tapos na din sa emergency session nila Ewan ko ba, pagkatapos ng araw na ito. Mas nadagdagan ang kagustuhan kong makakita na ulit. Pakiramdam ko kasi ang useless kong kaibigan kanina, hindi ko man lang sila natulungan ng umatake ang mga sakit nya, kaya nga tumakas pa saamin si Viel eh Napahinga nalang ako ng malalim "Kahit ano. Basta korean" pilit ang ngiting sagot ko "Ikaw?" "Kahit ano din, basta romcom, pero mas gusto kong manood ng zombie movie" Napangiti ako sa sagot nya Pareho pala kami eh, mahilig din kasi ako sa mga zombie movies. "Pagod ka sa kanina no?" Mukhang napansin nyang tanong Mahina naman akong natawa "Paanong mapapagod ako? Wala naman akong nagawa?" pilit kong biro pero ang totoo nagi-guilty ako Kalalaki kong tao, pero hindi ko magawang tumulong sakanila bilang kaibigan. "Hindi yan totoo" kotra nyang ikinalingon ko sakanya "Dahil sa una palang hindi namin magagawang umalis kung hindi mo binantayan si Viel nang makatulog sya. Sinamahan at kinausap mo din si Ollie para mawala sa isip nya ang nararamdaman nyang sakit sa pag-atake ng acid nya. siniguro mo ding hindi makakatakas si Rodnie at Lanie ng mahanap na sila ni Mira" pagpapaalala nya "At ginawa mo yun kahit bulag ka. Kaya wag mong iisipin na wala kang nagawa. Ok? Alam kong pinapalakas nya ang loob ko, and I must say that it works, napangiti ako sa mga sinabi nya. Hindi ako makapaniwalang malaking tulong na yun kahit papaano Tumango nalang ako at sincere na ngumiti sakanya Kahit hindi ko sya nakikita, alam kong napakaganda ni Kara, silang lahat naman eh. Panloob man o panlabas "Favorite color?" tanong nya naman na nagpabalik sa random topic namin Wala kaming magawa, kaya kinikilala nalang namin ang isa't-isa "Hmm" isip ko "Pink" sagot ko "Ikaw?" "Cyan" parang nagpipigil ng tawang sagot nya Cyan? Diba parang blue yun? Hindi ko tuloy maiwasang matawa ng maisip na baliktad kami. Ako na lalaki paboritong kulay ang pink. Habang sya na babae gusto ang blue. Baliktad lang eh "Nagets mo din" tawa nya na ikinatawa ko na din I can't believe na magagawa kong tumawa ng ganito sa ganun kasimpleng usapan. Pero ramdam ko for the first time ang saya, na hindi ko naramdaman these past few months. Parang sa mga oras na ito nawala ang mga problema ko. At dahil yun kay Kara "Paano na nga ba ulit yun?" natatawang tanong nya na ikinatawa ko nalang din ulit Alam kong yung pagtawa ko ang tinutukoy nya, since sa tinagal ko dito sa hospital hindi ko pa nagagawang tumawa ng ganun kalakas "Yan" alam kong nakangiti sya, napangiti na din tuloy ako "Pinagtritripan mo naman ata ako eh" kunwari nagtatampong sabi ko "Hindi ah! mas gwapo kang tignan kapag nakangiti ka" depensa nya Mas napangiti tuloy ako lalo sa sinabi nyang yun Ibig sabihin pala, nagwagwapuhan din sya saakin, haha! "Pero wag lalaki ang ulo ah" bunggo nya sa balikat ko na ikinatawa ko, tumango nalang ako "Swerte mo kaya. Kahit na nabulag ka dahil jan sa depression mo. Atleast alam mo ng makakakita ka ulit kapag ginusto mo na" Tama sya, pero hindi ko nga alam kung paano eh. Yun nalang talaga ang problema ko. Ilang beses ko na din kasing hiniling na makakita para makita ko sila, pero dilim parin ang nakikita ko "Dagdag pang blessing sayo na kahit papaano may chance ka ulit na mabuhay. Hindi katulad ng iba. Ako, dati natakot ako ng malaman kong may sakit ako sa puso. Lalo na ng sabihin na kailangan ko ng heart transplant, buti nalang at maswerte ako, Kaya wag mong sasayangin yan" ramdam ko yung tingin nya "Sabi nga nila diba, everything happens for a reason. At mabulag ka man ngayon, makikita mo din balang araw ang liwanag." tumango nalng ako "Kung hindi man, edi hanap ka ng flshlight" pabirong dagdag nya pa, mahina akong natawa "So, Smile, Just Smile"
gago
10/10/2024
0more story po so nice author,😍
23/03/2024
0it so good story.
09/01/2024
0View All