logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

HAND TO HELP

Elleina Zeal's POV
Pagkagising ko 'di ko na nagawang sumilip pa ulit sa bintana. Pilit kong tatanggalin ang excitement sa aking sarili para makita si Kean dahil ako lang din ang mahihirapan.
Nakaupo ako sa kama nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at awtomatikong napatingin ako doon.
"Good Morning Princess, bilisan mo aalis na tayo!" Masiglang sabi ni Kuya Zeke na sumilip lang sa pinto.
"Okay!"
Umalis na ang buong pamilya namin pumunta kami sa bundok para mag-ensayo. Palagi namin itong ginagawa dahil gusto ni daddy maging malakas kami na kaya namin ipagtanggol ang mga sarili namin.
"Lakasan mo pa ng suntok!" Si daddy habang magkaharap kami ngayon at naglalaban. "Sa ensayong ito walang prinsesa! Oo malakas ka na kaya mong patumbahin ang tatlo mong kapatid pero bakit ako hindi!" Sigaw ni daddy sa akin.
"Dad, I don't want to hurt you" mahina kong sabi.
"Then, I can hurt you!" Nagmadali siyang sugudin ako at suntukin sa mukha.
"Dad!?" Sigaw ng mga kuya ko.
Natumba ako at napahawak sa ilong ko na ngayon ay dumudugo. Akmang tatayo na ang mga kapatid ko pero pinigilan sila ni dad sa isang senyas lang, si mommy naman ay makikitaan ng pag-aalala sa mukha.
"Tumayo ka! Babaeng Suarez!" Kung magsalita siya ay parang hindi niya 'ko anak. Ano man ang dahilan niya alam kong para sa ikabubuti ko iyon.
Tumayo ako at hinarap siya pero may halong pagmamahal kung tumingin ako sa kaniya. Lagi siyang ganito sa ensayo walang anak kung ituri pero 'pag nasa loob kami ng bahay ay itinuturi niya akong prinsesa.
"Kailangan mong ipagtanggol ang mommy at mga kuya mo 'pag nagkataon! Pamilya tayo at dapat maging malakas tayo pare-pareho dahil 'di natin alam kung kailan magkakaroon ng delubyo!" Pasigaw niyang sabi sa amin.
Humakbang siya at sumugod muli.
Daddy naman! Ayaw ko siyang labanan!
"Maging mabilis na parang hangin upang malito ang kalaban" umakma siyang umilag sa mga suntok ko, napakabilis niya pero kung ako ang tatanungin kaya ko ang ginagawa niya pero hindi ko nga lang siya talaga kayang labanan.
"Suntok na may kasabay na sipa" ginawa niya iyon sa akin pero nasangga ko. "Magaling" sabi niya habang ngumisi.
Tumakbo siya at 'di ko namalayan kung nasaan na pero naramdaman ko siya sa likod ko bago pa niya ko masuntok ay nailagan ko na.
"Malakas na pakiramdam ang kailangan upang maging alisto at laging handa" sinabi niya iyon ng nakangiti. "Pero patamaan mo ako babaeng Suarez!"
Tiningnan ko siya ng walang emosyon bago pa siya muli makapagsalita ay sinugod ko na siya mabilis na suntok na may kasabay na sipa panay ang ilag niya hanggang sa masapol ko siya sa mukha. Ngumisi ako sa kaniya.
"Mahusay ang bilis at lakas" habang nagpupunas siya ng dugo sa gilid ng kanyang labi dahil iyon ang tinamaan ko.
Akmang sumugod ulit siya pero nag-isip ako. Naisipan kong bumaling sa kanan, yumuko at sikmurain siya ng ubod ng lakas.
"Princess!" Narinig kong sigaw muli ng mga kuya ko.
Tiningnan ko si daddy na ngayon ay nakahiga na sa lupa, nakangiti sya sa akin habang hawak ang tyan niya na nasuntok ko.
Lumapit ako sa kaniya at inilahad ang aking kamay. Hinawakan niya iyon pero binalibag niya ako na ikinagulat ko. Rinig ko nanaman ang sigawan ng mga kuya ko pati si mommy.
Sakit ng katawan ko dahil tumama ako sa mga bato at kahoy na nakakalat sa lupa.
"Traydor! Hindi lahat ng kalaban ay sumusuko ang iba ay traydor kaya 'wag kang masyadong mabait sa lahat, babaeng Suarez!" Diretso ang tingin niya sa aking mata. "The practice is enough for this day. We will go home, pack your things" iyon lang ang nasabi niya pero lumingon muli sya sa akin. "Kaunting husay pa, Princess" At saka siya naglahad ng kamay sa akin.
Inabot ko iyon at katulad ng ginawa niya ay ibinalibag ko rin siya. Gulat na tumingin ang mga kuya ko at natigilan sa pag-aayos ng gamit nila.
"That's my girl!" Sapo ni daddy ang kanyang mga balakang habang nakahiga pa din pero masayang-masaya ang kaniyang mga mukha.
Tumayo siya kahit nahihirapan, nagdal'wang isip naman akong tulungan siya dahil baka ibalibag niya ulit ako. Tinulungan ko pa rin siya pero naging alisto na ako, hinugot niya ang kamay ko at ibabalibag nga ako pero binigatan ko ang kamay ko kaya naglaban ang lakas namin at saka ko siya nasuntok muli pero pigil ang lakas dahil baka mapuruhan ko siya.
Nang makatayo na siya ay agad siyang yumakap sa akin at hinaplos ang aking buhok.
"I'm so proud of you, Princess. I can say, I trust you to protect our family and you will never be a victim again because you are now resilient" bulong niya sa akin nang may malambing na tono.
Nangilid ang luha ko, may kung anong saya ang naidulot niyon ngunit di ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin at kung kanino ko pro-protektahan ang pamilya pero kahit 'di niya iyon sabihin ay gagawin ko pa rin lahat para maprotektahan sila.
Victim? Ako? Nabiktima ng ano?
Gustuhin ko mang magtanong pero 'di ko na ginawa. Ngumiti nalang ako sa kaniya.
Nang makarating kami sa bahay ay nag-ring ang cellphone ko.
*Lance calling..
Pinindot ko ang answer button.
"Hello?"
"Elle! Pinapatawag tayo ni BossRill!"
"Bakit daw?"
"Di ko rin alam dadaanan kita dyan sa bahay niyo"
"Okay"
"Sa Sikreto tayo"
Iyon lang at ibinaba ko na ang cellphone nagpaalam ako sa pamilya ko na aalis ako. Maya maya pa ay dumating si Lance, tinahak namin ang daan papunta sa Sikreto.
"Entrance key" sabi ng bantay sa gate.
"Bago ka lang siguro 'no? Kaya 'di mo kami kilala" sabi ni Lance sa gwardiya.
"Entrance key" nababagot niyang ulit sa sinabi.
"z4" sabi ko sa kaniya tiningnan niya iyon sa logbook na nasa harap niya at binuksan ang gate.
"LJ" ani ni Lance, tiningnan din nito ang logbook at pinapasok na si Lance.
Nang makapasok kami sa loob ay nakita agad namin si Bossrill, aligaga at malalim ang iniisip.
"BossRill!" Pagtawag ko sa kaniya nang makita ko siya.
"May ipapagawa ako sainyong dalawa" nagmamadali niyang sambit.
Ano kayang mayroon at parang aligaga siya?
"Kailan niyong magmadali z4 at LJ kayo lang ang maari kong asahan dahil alam kong magaling kayo" bumuntong hininga siya at ngumiti. "Kahit delikado ang ibibigay kong mission sa inyo ngayon" tiningnan niya kami parehas. Kami ay pareho lang naka-focus sa kung anong sasabihin niya.
May pinakita siyang address.
"Ang inyong mission ay iligtas ang mag-ina. Nabuntis si Passina sa lalaking pinakamamahal niya hindi niya alam na isa pala itong sindikato. Nang malaman niya ay huli na ang lahat. Nagtago siya at gusto niyang ilayo ang bata sa ama nito dahil siguradong gagamitin niya ito sa masasama niyang gawain. Nanganak siya at minsan ng natunton ng lalaki pero nakatakas siya at ngayon ay hinahanap pa rin siya ng ama ng bata upang kunin ang sanggol" tinapik niya ang balikat namin ni Lance. "Unahan ninyo ang lalaking sindikatong iyon. Aasahan ko ba kayo?"
"Yes, BossRill" sabay naming sabi ni Lance.
"Umalis na kayo! Bilisan niyo at siguraduhing maililigtas ang mag-ina!"
Iyon lang at tumalikod na kami.
Kasali kami ni Lance sa isang organisasyon na ang layunin ay makatulong. Hand-to-help, ang pangalan ng aming organisasyon. Kahit anong oras kapag may nakakita kang kailangan tulungan ay dapat na tumulong. Mahigpit na pinagbabawal ang panoorin lang ang mga taong humihingi ng tulong. Sumumpa kami na handang mamatay para sa kapakanan ng ibang tao.
Sikreto, ang tawag sa tagpuan namin at lihim lang din ang organisasyon na ito dahil madalas ay may malalaking tao kaming nababangga dahil sa pangingialam at pagtulong namin sa mga tao. Maingat dapat sa lahat ng plano dahil maaring ikamatay ng lahat ng taong kasali sa organisasyon kapag nalaman ito ng iba dahil marami na rin ang tumutugis sa amin upang patahimikin at patayin. Ang matataas na tao ay binibigyan ng misyon katulad ng sa amin ni Lance.
Highest rank in HTH organization.
Nang marating namin ang bahay ni Passina ay agad kaming pumasok ngunit napatago kami bigla nang marinig ang mga tao.
"Kunin niyo na ang sanggol!"
Tumango kami ni Lance sa isa't isa, nagsuot ng mask at cap na itim.
"Parang awa mo na Bloody! 'Wag mong kunin ang bata!" Ani ng isang babae. Sumilip ako at kitang-kita kong nakaluhod na siya at nagmamakaawa sa isang matikas na lalaking nakatalikod sa lugar kung saan kami nakatago.
"Kung nakuntento ka nalang sana sa bahay ay hindi na tayo umabot sa ganito, mahal ko!" Ani ni Bloody.
Tumingin ako kay Lance.
"I'm going to turn off the light" bulong niya sa akin at nagsimula ng maglakad ng dahan-dahan.
Tumingin muli ako kala Bloody, may mga baril sila at anim na lalaki ang nakapalibot sa kanila.
Maya maya ay namatay na ang ilaw.
Mabilis akong sumipa at kinuha ang baril ng isa. Ingat na ingat na makagawa ng ingay.
Nang bumukas ang ilaw ay naitutok ko na iyon sa sentido ni Bloody.
"Give me the baby" maangas kong sabi habang nakatingin kay Bloody pero ang sinasabihan ay ang lalaking may hawak ng sanggol.
"Who are you?" Maangas na salita ni Bloody.
"Don't ask if you are not ready to die"
"So you are a girl? Lakas ng loob!" Mas lalo kong idiniin ang baril sa sentido niya.
Senenyasan ko si Lance na kunin na ang mag-ina. Lumapit siya at may hawak na rin na baril. Itinayo ang babae, kinuha ang sanggol sa isang lalaki at ipinakarga sa ina.
Akmang gagalaw si Bloody pero pinaputok ko ang baril, pinadaplis lang sa kaniyang pisngi, sinadyang takutin.
Walang gumalaw, gulat lang ang makikita sa mga mukha nila.
Nang makita ko ng nakalabas na ng bahay sila Lance ay dahan-dahan na akong lumalakad din papalabas habang nakatutok pa din ang baril sa kaniya. Pero 'di ko napansin ang mabilis niyang pagkilos, sinipa ang mga kamay ko at tumalsik sa kung saan ang baril.
Maagap ko siyang sinipa sa mukha pero 'di man lang ito natumba. Nagpambuno na kaming dal'wa, naramdaman ko naman ang isang tauhan na akmang babarilin ako pero mabilis kong isinangga si Bloody kaya siya ang natamaan, 'di ko alam kung saan pero may dugo ng lumabas sa kaniya. Nang matumba siya ay sinugod ko ang mga tauhan niya. Sipa, suntok at batok ang ginagawa ko.
Maya maya pa ay may pumalo sa likod ko, napahawak ako sa likod ko dahil sa sakit na gumuguhit doon. Nang lingunin ko ito ay si Bloody. Ngayon ay hawak niya na ang baril at itinutok sa akin. Mabilis kong tinabig ang kamay niya at nagpambuno nanaman kami dahil may tama na siya ng baril ay mahina na.
Nakahiga na siya ngayon sa sahig at sumisigaw sa sakit dahil dinidiinan ko ang sugat niya. Pumasok naman si Lance at sinenyasan ako na umalis na kami. Iniwan na namin doon sila Bloody, mahina na at iniinda ang tama ng baril.
Ngayon ay nasa kotse na kami kasama ang magina pero di pa rin kami nagtatanggal ng mask at cap.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Lance habang nasa kalsada ang tingin.
"Okay lang"
"Wala ka pa rin kupas, z4" nakangiti niyang sabi.
Tiningnan ko ang mag-ina na ngayon ay natutulog na. Maya maya ay nagmulat ang ina.
"Salamat" sabi niya habang ngumiti.
"Tungkulin namin iyon" ngumiti din ako sa kaniya kahit pa 'di niya makikita iyon dahil sa mask ko.
Binigyan namin ng bahay ang mag-ina at pinabantayan sa awtoridad sa ngayon ay ligtas na sila.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si BossRill.
"Mission Accomplished"
Iyon lang ang sinabi ko, rinig ko sa linya na masaya siya at binabati kami. Ibinaba ko ang cellphone pagkatapos. Maya maya pa ay may tumapik sa balikat ko sa gulat ko ay ibinalibag ko iyon.
"Aray--ahh" gulat kong nilingon si Lance.
"Sorry" saka ko siya inalalayan tumayo.
"Nagulat ka lang nangbalibag ka na! Saiyo ko kaya gawin 'yon?" Inis na sabi ni Lance habang bumabangon.
Naka-peace sign na ko sa kaniya ngayon at pekeng nakangiti. Kawawa naman.
Nakahiga na 'ko ngayon sa kama ko. Ang pagod ng araw na ito pero buti nalang kagaya ng inaasahan mission accomplished.
I will never failed the Hand-to-Help (HTH) organization. May kung ano sa pagkatao ko ang nagsasabing tumulong dahil mahirap at masakit na wala kang magawa sa tuwing nangangailangan ka ng tulong.

Book Comment (82)

  • avatar
    OrkidN.A

    the world is dying, overcrowded and polluted. storms rage over the immensely tall tower blocks, attracted to Movers. Movers are connected to people in the future, their shadows. and moving your dhadow is highly illegal . A short and enjoyablr novel. it's a bit more middle grade than ya, which i wasn't expecting but it works. the concept is really interesting and so i'm looking forward to reading the follow up, which i also picked up when i got this. i am giving 5 stars because the best and love.

    08/11/2021

      0
  • avatar
    Jovanie Ped

    its ok

    12/07

      0
  • avatar
    Bella Cruz

    500

    04/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters