logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 6

Kabanata 6
Job
--
"Why did you do that?"
Doon palang ako kinausap ni Elise nang makabalik na ako sa kwarto. Sumunod sya sa akin.
"Kung hindi ko ginawa yon, ikaw ang mapapagalitan," sabi ko at umupo sa kama.
"Kahit na! It's my fault so you shouldn't have done that! Besides, you know that our aunts are hot-headed towards you. We should just say that it's my fault," hindi sya matigil.
I sighed.
"Ayos na, Elise. Ako na ang bahala roon."
"Pero Victoria..."
I smiled at her. "Don't worry about me. I can pay that vase."
"How? I know you will not use the money that tita Florence or anyone else gives you. Kaya paano mo babayaran?"
My lips parted at what she said. Sa huli natawa ako. Hindi ko akalaing sa ilang taon naming hindi pagkakasama, kilalang kilala nya pa rin ako. Paano nya nalaman yon?
"Don't tell me you will work?" She said. "Victoria, kaya kong bayaran yon. Ako nalang ang magbabayad..." pilit nya.
Umiling ako. "Hindi na, Elise. Ipunin mo nalang yang pera mo. I can handle this, okay?"
"Victoria..." desperada nyang sinabi, gustong gusto akong pigilan.
Ngumiti ako sa kanya. "Kaya ko, Elise."
Huminga sya ng malalim at tinigan ako na para bang isa akong puzzle na napaka hirap buuin. Bahagyang nagsalubong ang kilay nya dahil hirap na hirap syang mapapayag ako. Tumawa ako ng bahagya.
"Yes, I will work. I will not use tita Florence's money. Naiisip ko na rin naman ito nung dumating palang ako," sabi ko.
"You don't have to work, Victoria. Kaya ko namang bayaran yon," pilit nya pa rin.
"Kahit naman wala kang nabasag, magtatrabaho pa rin ako. I shouldn't always rely on other people's money."
"Pero pera mo rin yan. Sa atin yan."
"Hindi ito sa akin, Elise. Hindi ko ito pinaghirapan."
"But that's what Mommy and Daddy want you to get. Enough money to support yourself."
Bahagya akong natigilan sa sinabi nya. Pero hindi pa rin noon mababago ang isip ko. My decision is complete. The money I saved is also running low so I really need to work. The credit card given by tita Florence which is definitely too much money, I will not use. I will never use that.
"Magtatrabaho ako, Elise. Wag ka nang mag alala sa akin. Kaya ko naman," sabi ko.
Hindi pa sya natigil pero sumuko na rin. Binantaan nya pa akong sasabihin nya ang totoo kina tita, that she was the one who broke the vase. But she knew that even if she said that, our aunts wouldn't believe it. Iisipin lang nila na inaako nya ang kasalanan ko. Kaya wala rin syang nagawa.
The next day, Sunday, I immediately looked for a job. I don't know where to look especially since I haven't yet graduated. I also know nothing about jobs. I don't know if a student can work. But Elise said, coffee shops and small restaurants are available for students. So I will look for that now.
Anton:
Good morning!
I didn't expect him to greet me again today. My eyes narrowed slightly because he texted me more often. Kahit kagabi, nagtext sya sa akin.
Victoria:
Morning.
Anton:
You have plans for today?
I wondered if I should tell him my plan to look for a job. Hindi naman siguro kailangang sabihin sa kanya, right? Maybe it's okay not to say.
Victoria:
Lalabas lang. May gagawin.
Anton:
Oh? Where are you going?
Victoria:
Dyan lang.
Anton:
Oh. Okay. Take care.
Mabuti nalang hindi na nya pinilit kung saan ako pupunta. Nag ayos na ako at pagkatapos noon ay lumabas na. Umaga palang ngayon. It was so early so Elise is definitely still asleep. Sinadya ko talagang maagang maghanap dahil sigurado akong sasama si Elise sa akin. Ayoko syang mahirapan nang dahil lang rito. Gusto ko kasama ko syang lumabas kapag magba-bonding kami.
Dala ang bike, umalis ako ng mansyon. I searched some shops on the internet and I found a lot. I just don’t know if they are looking for new staff. Tsaka marami rin akong alam na mga shops rito kaya marami akong mapupuntahan. Sana makahanap ako at matanggap agad.
At the first milktea shop I went to, they are not looking for new staff so I left immediately. Sa sumunod ay hindi rin nagha-hire kaya umalis rin ako. Nagbike ulit ako papunta sa isang alam na shop pero sakto na rin sila sa tauhan kaya umalis nalang rin ako. Hanggang sa nagsunod sunod na wala, doon ko napagtanto na mahirap pala ito. No matter how many shops you know, you will still have a hard time if they are not hiring.
It's already ten in the morning and I left home at seven. Tatlong oras na akong naghahanap pero wala akong mapasukan. Marami pa akong alam na shops pero nagpahinga na muna ako sa isang bench roon at uminom ng binili na tubig. I'm sweating profusely especially since it's getting hot. Kailangan ko nang bilisan ang paghahanap.
I saw on the internet the newly opened shops. I know where those are and they might be hiring. Bago palang kasi kaya baka meron nga. Agad akong nagpunta roon.
Pero katulad ng mga nauna, sakto na rin sila sa tauhan at hindi na kailangan pa ng isa. I went to three shops until I saw a coffee shop not far away. Kahit malayo, natanaw ko ang nakadikit sa pintuan nila na hiring. Kaya naman agad agad na akong pumunta roon.
Tama nga ako. Kailangan nila ng tauhan. Finally! I took the paper glued on the door and went inside the shop. There are only a few people in the shop. Only soft music can be heard. Limang table lang yata ang mayroong tao at puro isang tao lang ang laman.
Maglalakad na sana ako papunta sa counter nang may mahagip ang mga mata ko. Nagtagal pa ang titig ko sa lalaking nakaupo sa pangdalawahang table roon sa hindi kalayuan. He's next to a large glass. There's coffee and books on his desk. I don't know why I was stunned when I realized that it was Anton.
"Hello, Ma'am. Marami pong bakanteng table. Saan nyo po gustong maupo?" Tanong ng isang waitress nang makita akong kanina pa nakatayo roon.
I lost my attention to Anton and looked at the woman who spoke. I smiled slightly and handed her the paper I took outside.
"Mag a-apply ako," sabi ko.
"Oh! Okay, Ma'am. This way po, Ma'am," she smiled.
Sumunod ako sa kanya. Nakita ko ang pag angat ng tingin ni Anton sa amin kaya kinabahan ako lalo. I saw the shock in his eyes and immediately stood up. Palapit kami sa table nya kaya magkakasalubong kami.
"Victoria?" He called, nagtataka at nagulat na nandoon ako.
I forced a smile on him and calmed myself down. The woman guiding me stopped and looked at Anton and me. I also stopped to greet him.
"Hi," sabi ko.
"What are you doing here?" He asked.
"Ah, kilala nyo po sya, Sir?" Singit ng babaeng waitress.
"Yes. You need something?" Baling ulit sa akin ni Anton.
"Uh... mag a-apply ako," pinakita ko sa kanya ang hawak na papel.
Tumingin sya roon at bahagyang kumunot ang noo. Tumingin sya sa akin. I smiled slightly and pointed to the female waitress to say we are leaving now.
"Mauna na kami," sabi ko.
"Wait..." pigil nya kaya napahinto ako.
Tumingin ulit ako sa kanya.
"Are you sure you're applying here?" He asked.
"Uh... yup."
"Well..." tumingin sya sa babaeng waitress.
Napatingin rin tuloy ako sa babae. Napakurap kurap ang babae at bahagyang nataranta. Parang isang tingin lang ni Anton, alam na nya ang gagawin. Bahagyang kumunot ang noo ko.
"A-Ah! Sige, Sir! Mauna na ako," ngumiti sya sa akin at nagmamadaling umalis.
"Wait--" hindi ko na sya napigilan dahil umalis na sya.
What the hell? Paano na to? Saan ako pupunta? Hindi nya ako sasamahan? Tumingin ako kay Anton at nagtataka syang tinignan. Why did he do that? And why did the woman follow him right away? I know he's handsome and many will really like him because he's very attractive but what right does he have to do that? Paano na ako mag a-apply nito?
He seemed to know what I'm thinking so he chuckled. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.
"Easy. Pina alis ko sya dahil ako na ang maghahatid sayo sa taas," he said.
"What? Why?" Nagtataka kong tanong.
"Sasamahan kita," simple nyang sagot.
"W-What?" Nalilito ako. "Hindi naman na kailangan. Tsaka bakit ikaw ang sasama sakin? Nagtatrabaho ka rin ba rito?"
He chuckled again. "No. But my Mom is the owner of this coffee shop."
"What?" Mas lalong gulat kong tanong.
"Yeah. So... shall we?"
Kahit nagtataka at gulat pa rin, sumunod nalang ako sa kanya. Sinamahan ako ni Anton sa manager nila. Natanggap agad ako. Hindi ko alam kung natanggap ba ako agad dahil kay Anton o talagang kailangan na kailangan na nila ng tauhan. Kapag daw kasi gabi, marami ang dumadagsa na tao rito. Kulang sila sa waiter at waitress. May second floor ang coffee shop at napupuno daw talaga ito kapag gabi. Magsisimula na agad ako bukas kaya tuwang tuwa ako.
"Salamat sa pagsama. Malaking bagay ito sakin," sabi ko kay Anton nang palabas na kami.
He opened the door for me. Bahagya pa akong natigilan roon pero lumabas nalang rin sa huli. Nang pareho na kaming nakalabas ay hinarap ko na sya.
Hindi pa rin ako nakakabawi sa pagkakabigla nung sabihin nyang sa kanila ang coffee shop na ito. Talagang sa lahat ng shop na napuntahan ko, sa coffee shop pa nila ako mapapadpad. Pero ayos na rin. Kaibigan ko sya at magandang sa coffee shop nila ako magtatrabaho.
"You're welcome. Uuwi ka na?" He asked.
"Yup," tango ko.
"Mmm. So ito yung sinasabi mong lakad mo?"
"Yeah..." bahagya akong ngumiti. "Ano nga palang ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Just studying. Hindi kasi ako makapag aral ng maayos kapag sa kwarto ko kaya dito nalang. Tsaka pinagbabantay rin ako ni Mama ng coffee shop."
"Oh..." tumango tango ako.
"Are you hungry?" Tumingin sya sa relo nya. "It's almost lunch."
"Ah, yeah. Pero pauwi na rin naman na ako. Sa bahay na ako kakain."
Dahan dahan syang tumango at tumingin sa akin. "Okay, then. Take care..."
Tumango ako at lumapit na sa bike ko. Sumampa ako roon at muli syang nilingon.
"Salamat ulit sa tulong. Una na ako," sandali akong kumaway sa kanya.
"Bye," he said.
I don't know why there's a smile on my lips while riding my bike. I didn't expect to see Anton there. Tapos sa kanila pang coffee shop ang napasukan ko. Maybe I'm just happy because I finally found a job at kaibigan ko pa ang nagmamay ari ng coffee shop na yon.

Book Comment (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters