logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 11

Kabanata 11
I Don't Like
--
"Ang aga mo, ah?" Sabi ko nang tumayo sya at lumapit na sa akin.
His eyes are still dark. Malamig naman na sya noong unang pagkakakita ko palang sa kanya pero ngayon parang sobrang lamig nya. The irritation on his face was obvious. Kulang nalang magsalubong ang kilay nya sa sobrang ka-badtripan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.
"Yeah," I thought he's going to be rude at me because of his irritated face. But I'm wrong.
"Hindi makapag aral ng maayos sa kwarto?" Nagsimula na akong maglakad papunta sa counter.
Nakita kong nakatingin ang mga kasamahan ko sa amin. Ganon na rin ang iilang tao roon. I ignored them because I already knew why they are looking at us like this.
"Yeah," Anton answered. Nakasunod pa rin sya sa akin.
Tumango ako. Naramdaman kong nakasunod pa rin sya nang makarating ako sa pinto ng locker room kaya hinarap ko sya. Nakasimangot pa rin sya.
"Magpapalit lang ako ng damit," sabi ko.
Dahan dahan syang tumango. "Okay..."
I turned around and went inside the locker room. Habang kinukuha ang damit pangtrabaho, kumunot ang noo ko dahil sa insal ni Anton kanina. Anong problema non? Hindi maganda ang naging pag aaral kanina? May naka away? Problems with women? Sa huli, nagkibit balikat nalang ako.
Maybe he has a problem. Maybe he's like this when he has a problem.
"Close kayo ni Sir?" Usisa ni Mariz sa kalagitnaan ng pagtatrabaho.
Hindi na ako nilapitan ni Anton nang lumabas ako sa locker room. He was back at his table when I came out. Nakatingin sya sa akin pero nakasimangot pa rin. Kapag tumitingin ako sa kanya, naaabutan kong nakatingin sya pero mabilis rin syang mag iiwas ng tingin. Akala mo suplado. I can't help but wonder what his problem is.
"Hindi naman," sagot ko kay Mariz. Nagkunwari akong busy sa mga baso roon.
"Kinausap ka nya kanina, ah?"
I don't know why they make a big deal when Anton talks to me. Pero nang maisip na kilala nga pala sya at maraming nagkakagusto sa kanya, napabuntong hininga nalang ako.
"Kinamusta nya lang ang pagtatrabaho ko," sabi ko nalang.
Dahan dahan syang tumango. "Sabagay. Bago ka rito..." naging busy na rin sya sa mga customer kaya hindi na nagtanong.
I sighed again and continued what I was doing. Nasa counter ako at walang ginagawa. Sumulyap ako kay Anton at nakitang nakatingin sya sa libro nya, kunot ang noo at parang iritado pa rin. Ano kayang problema nito? Badtrip?
Like the previous nights, there were a lot of people again. Dumagsa na naman sila. Yung iba puro estudyante, excited makakuha ng upuan at makapag order. Then look around as if looking for something. Pumanik na si Anton dahil dumadami na ang tao. Tahimik pa kasi roon sa taas. Siguradong sya ang hinahanap ng mga kababaihang nagpupunta rito palagi. Kaya marami palaging tao kapag gabi.
Hindi na kami nakapag usap pa ulit ni Anton dahil busy na ako. We can only talk for a moment when I bring his order. It was just a simple conversation and I left immediately because I'm needed downstairs. Hindi ko na rin sya naisip dahil sobra talagang busy. Naramdaman ko lang ulit ang pagod ko nang makapag pahinga na.
"Grabe. Palaging stressed kapag gabi. Ang daming tao!" Reklamo ni Mariz. Nandito kami sa locker room.
"Nandyan kasi palagi si Sir Anthony," anang isa naming kasamahan.
"Napapadalas ngayon ang pagpunta rito ni Sir Anthony. Dati minsan lang sya pumupunta. Pero ayos na rin. Atleast kumikita ng malaki ang shop," humagikgik si Mariz.
Hindi ako nagsasalita. Inaayos ko lang ang mga gamit ko at nagkukuwaring busy pero nakikinig naman sa kanila. May hula na ako na si Anton nga ang dahilan kaya marami palaging tao rito. Ngayon ko lang napagtanto talaga dahil sila Mariz na mismo ang nagsabi. Tsk tsk tsk. Napailing ako.
"Nakita ko yung bike mo sa labas, Victoria. Magba-bike ka ulit pauwi?" Si Mariz na nilapitan ako.
Tumango ako. "Oo."
"Delikado kapag gabi rito. Lalo na sa dinadaanan mo. Baka mapano ka. Mag iingat ka."
I nodded and smiled. "Thanks."
Palagi nila akong pinapaalalahanan na mag ingat lalo na dahil bike lang ang gamit ko pauwi. Marami daw kasing nag iinuman minsan sa dinadaanan ko. I'm scared but I knew I could handle myself. I didn't live just to die because of that.
Kabubukas ko lang ng pintuan, napahinto na naman ako nang makita si Anton sa tabi ng bike ko. Hawak nya ulit ang mga libro nya at may dala na namang kape. He turned to me when he heard the door open.
I smiled at Anton and headed for my bike. Inayos ko na agad yon.
"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko.
"I'm waiting for you," he said seriously.
Tinignan ko sya. Napagtanto kong badtrip pa rin yata sya dahil nakasimangot pa rin ang mukha nya.
"Bakit? You need something?" I asked.
"Ihahatid kita pauwi."
Kumunot ang noo ko. "May bike akong dala," pinakita ko pa ang bike ko dahil hindi nya yata nakikita.
"I will send you home like I did last time. Hindi ko sinabing isasabay kita sa kotse ko," medyo suplado sya roon.
I looked at my rolex watch and sighed. Tinignan ko ulit si Anton.
"Hindi pa ako uuwi," I said.
Nagsalubong ang kilay nya. "Where are you going?"
"Hindi pa ako naghahapunan. Kakain ako dyan sa malapit na karinderya."
Hindi sya agad nagsalita. Tinignan nya ang hindi naman kalayuang karinderya na bukas pa. Doon kami kumakain ni Mariz ng meryenda at kanin na rin para hindi magutom pero... nagugutom ako ngayon. Sobra kasing daming tao kanina.
Anton nodded after a while. "Sasama ako."
Agad akong umiling. "Hindi na. Kaya ko naman na. Umuwi ka na."
He looked at me darkly. Sa itsura nya, parang kahit anong sabihin ko, walang makakapag pabago sa desisyon nya. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa kanya.
"Ayos lang ako, Anton. Hindi mo na ako kailangan pang samahan," I said.
"Sasamahan kita."
Bahagya akong nairita. "May pasok pa tayo bukas. Kailangan mong matulog."
"Kailangan mo ring matulog. Pero kung hindi ka pa matutulog, hindi pa rin ako matutulog."
Iritado ko syang tinignan. Hindi naman sya nagpatinag. Halos irapan nya ako nang maglakad sya papunta sa karinderya na tinutukoy ko. Nauna pa talaga sya sa akin! Iritado ko syang sinundan ng tingin.
Sa huli wala akong nagawa kundi ang sumakay sa bike ko at magtungo na sa karinderya na kaunti nalang ang kumakain. Nakapasok na roon si Anton, talagang nauna pa sa akin at hindi manlang ako hinintay. Iritado kong inayos ang bike ko bago magtungo sa loob.
I saw Anton ordering food. I don't know if he will eat too but I just went to him. When he saw me, he immediately asked me.
"Anong gusto mo?"
"Ako ang magbabayad ng sa akin," sabi ko, medyo iritado.
"Ikaw naman talaga. Tinatanong ko lang kung anong gusto mo para makapag order na."
Iritado ko ulit syang tinignan roon. Mukhang hindi na sya badtrip ngayon. I saw the edge of his lips rose a bit. Iniwas nya ang tingin sa akin para hindi ko makita yon pero nakita ko na. Mas lalo pa akong nairita.
"Isang menudo," sabi ko nalang sa tindera at hindi na nilingon si Anton. Whatever. Basta kakain ako rito.
"Inumin?" Anton asked.
"Tubig inumin ko, ate," hindi ko tinignan si Anton at nagpunta na agad sa gustong table.
There's a smile on Anton's lips when I looked at him again. He followed me. He sat in front of me and crossed his arms and then he stared at me. At hindi nya na talaga tinago ngayon ang ngiti nya, kinagat nya pa talaga ang labi na para bang may nakakatawa sa akin. Inirapan ko sya at nilabas nalang ang phone para may mapagka abalahan at hindi na sya matignan. Nabubwisit lang ako.
"You have homeworks for today?" Anton asked.
"Wala," kahit meron naman. Nakatingin lang ako sa phone ko.
"Hindi ka kumakain sa bahay nyo?"
"Kumakain," what a ridiculous question.
"I mean... dinner?"
"Mas gusto ko rito para matutulog nalang ako pag uwi," halos padabog kong sinabi.
He chuckled. "Did I annoy you so much?"
Inirapan ko sya. Nagtanong pa talaga. He chuckled again. Hindi na ako nagsalita. Gusto ko talagang kumain nalang rito dahil baka wala na naman akong maabutang pagkain pagkauwi sa bahay. I don't want to wait for the maid to cook. I'm tired and I just want to rest.
"I'm sorry, okay? Masyado kang masungit," he said.
"Ikaw nga itong kanina pa badtrip. Anong problema mo?" Hindi ko na napigilan.
"Mmm. So you know I'm irritated and you're bothered about it?" He teased but his eyes stared at me darkly again.
Umirap ulit ako. Hindi na nga ako magsasalita.
"Who's that guy?" Anton suddenly asked.
Kunot noo ko syang tinignan.
"That boy you're with at school. Yung kasama nyo ni Jaz," he said seriously.
"That's Kyle. Sinabi ko na, diba?"
"Why are you with him?"
"Because he's Jaz's cousin. At anong masama kung kasama ko sya?"
"Tss..."
Kumunot ang noo ko sa kanya. Nag iwas naman sya ng tingin at nakasimangot na ininom ang kape nya. Dumaing ang order namin kaya hindi na kami nakapag salita. Nag order sya ng adobo para sa kanya. Kakain rin pala sya. Nagsimula na kaming kumain.
"He's your classmate?" Anton asked.
"Hindi," tipid kong sagot.
"He doesn't have a friend? Bakit sainyo sya sumasama?"
Kunot noo ko na talaga syang tinignan. "He's a transferee. Of course he doesn't have a friend yet. Kami palang."
"Tss..." sumimangot na naman sya.
Ano bang problema ng lalaking ito? Tinitigan ko sya pero kumain na sya ng tahimik, hindi na sumulyap sa akin. Nagsalubong ang kilay ko nang may mahinula pero... imposible naman yata. Bahagyang nanliit ang mga mata ko pero sa huli, umiling nalang.
"May problema ka ba sa school? Bakit nakasimangot ka dyan?" Puna ko.
"Nothing," he said and sighed.
Hindi na ako nagsalita. Tsh. I want to know why he's like this but he doesn't seem to want to say so I won't force him. I'm a little irritated because I didn't know why he was in this mood right now. I don't know why I want to know the reasons for his changing moods.
"Are you going to sleep immediately when you got home?" Anton asked after a while.
"Nope. I'll do my homeworks first."
Kunot noo nya akong tinignan. "I thought you don't have homeworks?"
Natigilan ako roon. "Uh..." sinabi ko nga pala sa kanya na wala akong homeworks!
Nagkatinginan kami. Matalim nya akong tinignan. Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. Bakit ba ako kinakabahan? Hindi naman big deal to, ah! Nagsinungaling lang naman akong walang homeworks. Hindi yon big deal.
"Naalala ko... meron pala..." palusot ko.
Tsk. Sabi ko hindi naman big deal! Bakit iyon ang sinabi ko?!
Anton wasn't convinced by my excuse but he just nodded and sighed. See? He didn't make it a big deal because it wasn't really a big deal! Tsh. Bakit ba ako nagkakaganito?
"Marami ang homeworks mo?" Anton asked.
"Mmm..." kunwari akong nag isip para mas lalong makatotohanan na nakalimutan ko nga. "Medyo."
He looked at his watch. "Masyado nang gabi. Hindi ka ba mapupuyat?"
"Hindi yan."
"Wag mo nang gawin. Ako nalang gagawa bukas ng umaga. Sa cafeteria."
"A-Ano?" Nagulat ako roon.
"Ako na ang gagawa," ulit nya.
Halos matawa ako. "A-Anong sinasabi mo? Hindi mo na kailangang gawin yon. Kaya ko naman."
"Ako na--"
"Kaya ko, Anton. Hindi na kailangan," putol ko, medyo iritado na sa mga sinasabi nya.
He sighed. Para bang sa una palang, alam na nyang tatanggi ako. Nag iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Kinunot ko ang noo at inisip ang mga sinabi nya. Hindi ako komportable roon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga pinapakita nya sa akin. Siguro ganito lang talaga sya sa mga kaibigan nya pero hindi pa rin ako komportable roon. Naiirita ako. Hindi ko gustong ganito ang trato nya sa akin samantalang magkaibigan lang naman kami. I don't like this.
Hindi na kami nag usap pagkatapos noon. Minsan nagtatanong sya at tipid lang akong sumasagot. Naninimbang ang titig nya pero hindi ko na ulit sya tinignan. Naiilang ako. Hindi ko alam kung bakit!
Hinatid nya ulit ako. Ganon ulit. Nakasakay ako sa bike ko habang sya mabagal na nagpapatakbo sa tabi ko. Deretso lang ang tingin ko sa daan habang nagba-bike. Nakikita ko ang pasulyap sulyap nya sa akin pero hindi na ako tumingin. Hindi na rin naman sya nagsalita.
"Bye," he said. Doon palang kami nag usap.
"Bye," I said coldly while not looking at him.
"Take care..." huling sinabi nya bago ako lumiko sa village namin.
Kunot pa rin ang noo ko habang nagba-bike. My heart was pounding so fast right now and I'm comfortable there. Naiilang rin ako kay Anton sa hindi malamang dahilan at hindi ko gusto iyon. I don't like everything I'm feeling right now.

Book Comment (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters