logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6 Morality

Damien
Matagal nang tahimik ang buhay ko maliban nang dumating si Lori at sinira ang kapayaan ko. Sariwa pa rin sa isipan ko hanggang ngayon kung paano kami nagkakilala at iyon ang pinakamang-mang na ginawa kong desisyon sa tanan ng buhay ko. Kung siguro matatanggal ng pag-iling ang mga pangyayaring iyon ay matagal ko nang ginawa subali’t narito ako ngayon, kasa-kasama siya sa iisang bubong.
‘Ang saklap lang talaga.’
Magmula nang mag-idlip ako kani-kanina ay nanatiling bukas ang pandama ko dahil sa hindi maipaliwanag na pangamba sa kalooban ko. It’s telling me to be prepared. Binabalaan ako ng pakiramdam ko dahil mayroong ibang nilalang sa labas ng bahay ko. Maliban dito sa babaeng hindi katiwa-tiwala ay mayroon pang naghihintay roon na maaaring kumuha ng nag-iisa kong buhay.
Naririnig ko ang mga usapan nila roon sa labas gano’n na rin ang nakaririnding boses ni Lori sa loob ng isipan ko. Gusto ko sana siyang pagsabihan subali’t bigla niya akong tinampal sa bibig nang lingunin ko siya sa gawi niya. Kumabog nang kumabog ang puso ko dahil sa ginawa niya. Tangina! Gano’n pala ‘pag babae ang kasama sa loob ng bahay. Buti at nakakapagpigil ako, ‘di tulad ng iba at wala rin naman akong intensyon na masama sa kanya. Baka sipsipin niya kasi ang dugo ko ‘pag ginalit ko siya.
Nang umalis siya sa kama ko ay pinakiramdaman ko lamang ang mga kilos niya. Nagtungo siya malapit sa bintana na kung saan ay nakatabing ang makapal na kurtina. Napatingala naman ako sa orasan na nasa taas ng pintuan ko. Alas nuebe y media pa lamang ng gabi.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya roon dahil bigla na lamang siyang natuod na tila napako ang mga paa roon sa pwesto niya pero agad ko ring napagtanto ang sitwasyon nang marinig ko ang boses niya na tinatanong ang babae na naroon sa labas ng bahay ko. Nakabibilib talaga ‘yong abilidad niyang ‘yon. Ang cool.
“Lori...” sambit ko sa pangalan niya subali’t hindi niya ako pinakinggan o maski nilingon man lang.
Doon na ako nagtaka nang makita ang kanyang katawan. Mula sa kanyang ulo ay bumalot paibaba ang itim na usok. Nakikita ko nang kaonti ang pangyayari dahil sa siwang ng liwanag ng buwan mula sa nakabukas na bintana sa tabi niya. Mahinang iniiihip ng hangin ang makapal na kurtina.
Hindi nagtagal ay paunti-unting humihina ang naririnig kong boses mula sa kanya at nagsimula na rin akong mangamba dahil mas kumakapal ang itim na usok na sumasakop sa kabuuhan niya. Kaya naman ay dali-dali akong bumaba ng kama at nilapitan siya. Natatakot akong hawakan siya dahil sa itim na usok na bumabalot sa katawan niya.
“L—lori!”
Nauutal kong tawag sa pangalan niya subali’t wala pa rin siyang isinukling sagot dahilan upang maintindihan ko kung ano ang nangyayari sa kanya. Humakbang ang mga paa ko paroo’t parito sa pwesto namin dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin kong hakbang upang magising siya sa diwa niya.
I already read about this power. I may not be able to witness this power in person but seeing it right now in front of my eyes make me conclude that this is a black magic. Black magic is a broad type of magic. Maraming uri nito at iilan lamang ang alam ko tungkol dito.
She started choking herself. Huminto ako at huminga nang malalim. Nilapitan ko si Lori at hinablot ang isa niyang kamay. The black smoke ran throughout my body and everything made much clearer to me.
Mula sa kaibuturan ng kanyang diwa ay nakita ko ang maliit na ilaw ng liwanag. Napagtagumpayan kong lapitan ang liwanag na ‘yon subali’t nakikipag-unahan sa akin ang itim na usok. Mas mabilis ito kaysa sa akin kaya madali niya lang nasakop ang kabuuhan ng liwanag na ‘yon. Nataranta ako nang wala nang makitang kahit isang hibla ng liwanag. Nag-uunahan sa pagkabog ang puso ko pero hindi ako nagpatalo roon.
Inipon ko lahat ng lakas ko at inilapat ang kamay kong gawa sa liwanag. The ball of black energy that surrounds Lori’s conciousness electrocuted me. Kahit na kalulwa lamang ako rito sa loob ng kalooban niya ay naramdaman ng katawan ko ang kuryente dumaloy rito.
“Ahhhhh!” I shouted as I am trying to make a hole on the surface of the black sphere.
“Ahhhhhhhhh!”
Sa ikalawang pagkakataon ay walang nangyari. Dinamba ko ito subali’t nanglaban lamang ito sa’kin. Itinatapon ako palayo. Tangina! Lori lumaban ka naman!
“Ahhhhhhhhhhh!” malakas na sigaw ko.
This time ay nakikita ko na ang pag-react ng palad ko sa kalatagan ng black sphere. Hindi nagtagal ay lumusot ang maliwanag kong kamay sa itim na bilog at sinusubukan siyang abutin doon sa loob. I waited her to grab my trembling hand. Hindi pumasok sa isipan ko ang sumuko. Alam kong naroon lamang siya sa loob ng bilog na ito.
Hanggang sa may roon akong nararamdamang enerhiya na lumalapit sa kamay ko at nang tuluyan niyang maabot ang kamay ko ay puwersahan ko siyang hinugot mula roon at sa isang iglap ay pareho kaming lumagapak sa sahig. Ako na pinoprotektahan siya at hindi iniinda ang sakit sa likuran ko habang nasa ibabaw ko siya at nanghihinang nakatingin sa akin. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pag-arko ng gilid ng labi niya at ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata.
“D—damien...” anya habang nananatili roon sa ibabaw ko.
“Thank goodness, Lori! You came back!” I gladly spoke.
“Hmp...” nanglaki ang mga mata.
Nagulat ako nang mahigpit niya akong niyakap at habang nakadukdok sa dibdib ko ang mukha niya. Muli niya akong tiningnan. Namamasa ang kanyang pisngi dahil sa pagtakas ng luha mula roon.
“M—maraming salamat...” napapakagat-labing anya, pinipigilan ang sariling umiyak. “Kung hindi dahil sa’yo baka tuluyan na nila akong natangay palayo,” pigil-iyak niyang wika at napapakagat-labi pagkatapos iyong sabihin.
Ngumiti ako nang malapad. “Ang mahalaga ngayon ay nakabalik ka sa katawan mo,” wika ko.
Nang mapansin niya kung nasa anong posisyon kami ay nahihiya siyang bumangon at inilahad sa akin ang kamay niya pero hindi ko ‘yon tinanggap dahil nakakabawas lalaki ‘yon. Nakuha naman siguro niya ang nais kong iparating.
“At ano na ang gagawin natin gayong may kalaban ka sa labas?” tanong ko.
Nakikita ko ang pagbaba at pagtaas ng kanyang dibdib. Kung sino man ang maparoon sa kinalalagyan niya kanina ay maaaring mamatay. Kaming mortal nga ay iniiwasang makasalamuha ang may gano’ng abilidad dahil masyado silang mapanganib.
“We should fight!” she furiously exclaimed.
Nagulantang ako bigla sa sinabi niya. Tangina! Ano raw? Hindi naman ako bingi pero parang nabingi ako bigla sa sinabi niya.
“A—ano?” paghingi ko ng kapaliwanagan.
“Lalabanan natin sila,” hindi nagdadalawang-isip na wika niya.
Mas lalong lumawak ang mga mata ko dahil sa pangamba. Factors kung bakit ako kinakabahan ay ayaw ko pang mamatay at hindi ako marunong lumaban. Tangina!
“P—pero... H—hindi ako marunong sa pakikipaglaban!” natatarantang sabi ko.
Agad siyang nagrolyo ng kanyang mga mata at sinabing. “Sino ba kasing nagsabi sa’yong lalaban ka?” anya dahilan upang mapahiya ako. “’Wag kang lalayo sa’kin. I can’t guarantee your safety dahil tatlo sila. Malalakas sila...” dagdag niya pang paalala habang napapasilip sa bintana.
“P—paano na ang pagpunta natin sa akad—”
Agad niyang tinampal ang bibig ko.
“Shut it! Hindi nila maaaring malaman na pupunta tayo roon,” galit na galit niyang suway sa akin.
Agad kong nakuha ang nais niyang iparating nang sabihin ‘yon sa loob ng isipan ko. Tama siya. May kalaban pala kami sa labas at kailangan naming linisin ang daan upang makaalis na rito.
“So, what’s the plan?” I asked.
Hindi naman maaaring sundin pa rin namin ang nauna naming plano. Kainis! Ang daming problema tuloy.
Tiningnan niya ‘yong envelope na naroon sa ibabaw ng desk dito sa loob ng silid ko. Itinuro niya iyon.
“Kunin mo ‘yon at itago mo sa katawan mo,” anya na dali-dali ko namang sinunod.
Isinuksok ko sa loob ng leather jacket ko ang sobre dahil mayro’ng hidden pocket doon at saka muling tiningnan si Lori. Tinanguan niya ako nang makita ang ginawa ko. “We have only one way to get our of here,” wika ko. “At ito ay ang main door lamang,” wika ko pa na ikinatango niya.
“Then, I don’t have other choice but to shut them down...to their grave...” she seriously spoke. I gulped as I get what she needed to do. Upang bigyan siya ng kompyansa sa sarili ay tinanguan ko na lamang siya kahit na sa loob-loob ko ay nakakaramdam ako ng hindi makatarungan.
Nilingon niya ako. “Hindi lahat ng moralidad ay kailangang patas. Sa inyong mga mortal ay mahalaga ang bawat buhay pero ang pagpapahalaga ninyo ay baliwala lamang sa amin. Naiiba ang bawat moralidad at maaaring wala kami kahit na isa niyon,” mahabang wika niya dahilan upang mapatungo ako. Pumasok sa kaisipan ko ang katotohanang, bampira nga pala sila at hindi mortal kaya kahit pumatay sila ng nilalang ay wala lamang para sa kanila. Maaaring pati ang paglilitis ay magkaiba rin.
Napahinga ako nang malalim dahil sa naisip.
Bago niya buksan ang pintuan ng silid ay kinuha niya mula sa likuran niya ang maliliit na punyal. Suot niya ang mahaba niyang talukbong. Ibang katauhan na naman ang nararamdaman ko sa kanya lalo na kapag isinusuot niya ang talukbong niya. Her eyes turned bright red and her fangs grew. Humaba rin ang mga kuko sa daliri niya at kumapal ang awrang nararamdaman ko sa kanya. She’s a different creature now.

Book Comment (361)

  • avatar
    Joey Ontong

    maganda ang kwento

    07/08/2024

      0
  • avatar

    good

    14/04/2024

      0
  • avatar
    Famae Villarosa Sumoba

    🥰🥰🥰

    27/01/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters