Mallory Lumalalim na ang gabi at hindi ko maiwasang hindi tingnan ang orasan na nakasabit sa itaas ng pintuan ng kanyang silid tulugan. Lahat ng kabahayan ay sarado at natatakot sa dilim. Nararamdaman ko ang kanilang pangamba. Pangambang matagal nang naitanim at naimulat sa kanilang mga katauhan. Kung buhay pa siguro si King Augustus ay tiyak na isang napakagandang bansa ang Vladian. Siguro ay may nakikita akong mga batang naglalaro ngayon doon sa labas. Mga nagbebenta ng palamig at kung anu-ano pa. Napakaganda sigurong mabuhay kung gaya noon ang estado ng Vladian. Mapayapa at walang kaguluhan. Dalawang bahay lamang ang nakatayo malapit sa matataas na pader ng Coven. Ang bahay ni Damien na may basbas ng Cardinal at ang kapit-bahay niyang si Aling Menchi na nagkukubli lamang ng katauhan. Mayroong kabahayan ilang metro ang layo mula rito at kayang kaya na hagilapin ng pandama ko ang mga presensya ng mga mortal kahit gano’n pa sila kalayo. Aling Menchi is already immuned to sacred things. Gaya ng bahay ni Damien. Nakakapasok siya ng hindi inaalala ang kanyang kalagayan. She must have done something that made her like a mortal. Interesado akong malaman at marinig kung ano ang kasuklam-suklam na katotohanang nagkukubli sa katauhan ni Aling Menchi. “Darating kaya si Steve?” tanong ni Damien. Nahihimigan ko ang pagka-disgusto niya sa pangala na kanyang binanggit. Napalunok ako at prenteng pinagkrus ang magkabilang braso. “Hindi ako tiyak dahil hindi ko hawak ang oras niya,” prangka na sagot ko habang pinangliliitan ko siya ng tingin. Naroon siya sa ibabaw ng kanyang higaan at nakaupo. Madilim ang ispasiyo ng kanyang silid tulugan pero hindi ‘yon naging balakid sa matatalas at malinaw kong paningin. I’m a vampire, right? “Hmm... Matagal na ba kayong magkakilala?” pagkua’y tanong niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naipukol ko sa gawi niya ang seryoso kong tingin. Napansin ko ang pag-iiba ng kanyang lagay ng loob. Tila ba ay bigla siyang nagkaroon ng interes sa personal kong buhay pero ayos lang sa’kin dahil wala namang mawawala kung sasabihin ko. Hindi naman siguro masama kung pagkakatiwalaan ko siya kahit minsan lamang. “Who?” I asked. Hindi ko naman kasi alam kung sino ang tinutukoy niya. Ang dami ko kayang kilala rito sa Coven. Akala niya ba ay si Steve lang ang natatanging kilala ko? Grabe siya sa akin ha! Nakita ko ang pagrolyo ng kanyang mga mata. Palihim akong napangiti. Sa totoo lang, hindi gano’n kababa ang tingin ko sa kanya dahil likas sa katauhan niya ang pagkakaroon ng matalas na kaisipan. Matalino siya kumpara sa ibang mga mortal. “B—boyfriend mo ba si Steve?” he asked while stuttering. Agad akong napalingon sa kanya dahil sa pagkabigla at nakitang nakababa na ang kanyang paningin sa sahig. Napakunot-noo ako dahil sa kanyang tanong. Nagkaroon tuloy ako ng interes na pag-trip-an siya. “Bakit mo naman naitanong?” malumanay na tanong ko. Hindi niya nakita ang pagngisi ko pero agad ding nawala iyon nang umiling siya dahil sa biglaan niyang paghiga. Para siyang timang na nagkubli sa kumot niya. Ngumuso ako. Tangina! Ang killjoy niya! “Gisingin mo na lang ako kapag nandiyan na si Steve...” utos niyang sabi at ‘di ko na nakitang gumalaw. Naparolyo agad ako ng mga mata ko dahil sa inis. Ginawa pa akong utusan ng ugok na mortal na ito! ‘Pag ako talaga napikon sa’yo! Mula rito sa madilim na sulok na kinauupuan ko ay napatingala ako sa makapal na kurtina. Hinawi ko ‘yon at sumilip sa labas. Mula sa gitna ng daan ay nakita ko ang pagsulpot ng tatlong bampira roon. Nakikita ko ang pagsisiyasat nila sa lugar. Hindi ko sila kilala pero si Steve, maaaring kilala niya ang mga ito. ‘Nasa’n na ba kasi ‘yong gurang na ‘yon? Dapat narito na siya dahil alam niyang mayroong liham na ipinadala sa’kin. Alam niya ‘yon dahil bago pa makarating sa’kin ay inabisuhan na siya.’ “Grand Elder Steve had given me this...” the lady spoke as she raised her right hand which is holding my ruby necklace. Makapangyarihan ang necklace ko na ‘yon dahil kaya nitong tuntunin ang nagmamay-ari sa kanya. It was a gift from my mother, Steve said that to me. Mula pa raw ang necklace na ‘yon sa mga ninuno namin at naipasa-pasa ito sa bawat henerasyon. Agad akong nagtago nang umilaw ang necklace at lumutang ito habang hawak-hawak ng babaeng bampira ang strap nito upang hindi mabitawan sa kanyang kamay. Pero bakit hawak nila ang necklace ko? At bakit ibinigay ‘yon ni Steve sa kanila? Shit! ‘Wag niya sabihin sa akin na pinapunta niya ang mga ‘to rito? “The necklace is telling us to follow it. Kung saan niya tayo dadalhin ay tiyak na naroon si Mallory Dawson...” wika naman niyong kasama nilang lalaki, ‘yong mas malaki ang katawan. Muli ko silang sinilip dahilan upang magliwanag muli ang ruby at nakatutuok ito sa direksyon ng bahay ni Damien kung nasaan ako ngayon. Narinig ko ang paggalaw ni Damien kaya agad ko siyang nilapitan sa kanyang kama at agad na tinampal ang kanyang bibig gamit ang palad ko. Nagpumiglas siya pero agad ding natalima nang magsalita ako sa isipan niya. “Just fucking calm down, Damien or else they will locate us!” Inis na bulyaw ko sa isipan niya. Subalit imbes magsalita sa loob ng isipan ko ay agad siyang napahawak sa sentido dahil sa pagkakarindi. Ano ba ang nakaririndi sa boses ko? Ang ganda kaya ng boses ko. “Okay! Okay! Now, leave my mind alone!” Naririnding sigaw niya rin pabalik. Nang matiyak ko ang pagkalma niya ay tinanggal ko na ang palad ko sa malambot niyang bibig. Nag-uunahan sa pagkabog ang puso ko dahilan upang makaramdam ako ng kakaiba. Ang weird lang. “Her necklace keeps on pointing its direction here... This house is blessed by the Cardinal and it is also protected by sacred metal that drive out vampires. Imposibleng narito siya.” Napatango ang dalawang lalaki sa sinabi ng babae. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng exhaustion. Iyon ‘yong tawag kapag ang bampira ay aksidenteng napunta sa mga may basbas na bagay o hindi kaya ay sa mga sacred places. Ang nangyayari kapag napunta ang isang ordinaryong bampira rito ay mahihigop ang kanilang life force kahit na immortal pa sila. Naalala ko na naman ‘yong kwento sa’kin ni Steve tungkol sa unang digmaang naganap. Sacred Heroes laban sa mga Vampire Heroes. Iyon ang dahilan kaya nagtalaga ang Vladian ng Hari upang pangatawanan niya ang buong bansa at upang pagtibayin ang lahat at mapagsundu-sundo. Ang unang hari na nanungkulan dito sa Vladian ay walang ginawa kundi ang gawing advantage ang kanyang kapangyarihan. Mas lalo niya lamang ginatungan ang apoy ng iba’t ibang lahi dahilan upang mag-alsa sa kanya ang kapwa niya bampira. Nangyari ang labanan, hindi iyon naitala bilang ikalawang digmaan dahil bampira laban sa bampira lamang ‘yon pero nagawa pa ring mawasak ang halos nobenta porsyento na kalupaan ng Vladian. Hanggang sa maipasa ang tungkulin kay Haring Augustus. Sa panunungkulan niya ay naging mapayapa sa halos matagal na panahon ang Vladian pero sa pagkawala niya sa trono ay siya ring pagbalik ng hidwaan at ang mas nakasisindak pa ay nakikisawsaw ang ibang lahi sa gulo ng mga mortal at mga bampira ng Vladian. Hanggang ngayon ay hindi pa rin okupado ang trono at kung darating man ang panahon ng panunungkulan niya ay sana ay hindi nalalayo ang layunin niya sa layunin na nagawa ni Haring Augustus. “Kung sa bahay nga na ito ang kinaroroonan ni Miss Mallory. Paano natin malalaman kung hindi natin nararamdaman ang kanyang presensya?” May punto ang tinuran niyong isang lalaki. Iyong mas pandak. Iba ‘yong humahabol sa aking bansot dahil sa kasamaang palad ay si Steve ang nakaharap nila. They were long gone. “Steve told us that she has this ability that she only possess,” the girl said while scratching her chin. Nagngitngit ako nang marinig ang sinabi ng babae. Tangina! Sinabi talaga ni Steve sa kanila ang tungkol sa abilidad ko? “Miss Mallory...” tawag niyong babae. Pinantitigan naman ako ni Damien habang nakakunot-noo. Balak niyang bumangon pero pinigilan ko dahil ayaw kong gumawa siya ng ingay. Kahit kaonting ingay lang kasi ay maririnig ng kahit sinumang bampira. Gano’n kasensitibo ang pandinig namin. Ilang ulit ko na bang sinabi ang tungkol doon? “Maaaring wala rito ang hinahanap natin dahil kahit presensya niya ay hindi ko maramdaman,” anang isa. “Dahil nagiging gurang ka na...” pangungutya niyong pandak na lalaki dahilan upang tawanan naman siya niyong babae. “Aba!” “Hep! Dito pa talaga kayo mag-aaway?” suway sa kanila niyong babae. “Pero nauna ‘tong bansot na ‘to e’!” galit na sigaw niyong lalaki na mas matangkad lang ng kaonti roon sa tinatawag niyang bansot. “Bwisit! Ba’t kasi kayo pa ang isinama sa’kin? ‘Wag ninyong hintaying magdilim ang paningin ko sa inyo,” nagbabantang sabi ng babae dahilan upang manahimik sila at mapatungo. Hindi nila magawa ang makalapit sa pintuan dahil sa silver na metal na naroon at ang basbas ng Cardinal. Nakabibilib lang dahil buhay pa ako gayong bawal sa amin ang basbas ng Cardinal at ang mga sagradong mga bagay. Kailangan kong tanungin si Steve tungkol dito. Kalauna’y napatayo ako at napapikit. I tracked her mind. Iyong kasama nilang babae sa labas. Dahil bukas ang kanyang isipan ay madali ko lamang napasok ito. Pinahalata kong nasa loob ako ng kanyang isipan at hindi na ako nagulat pa dahil alam niyang gagawin ko ito. “Hello, Miss Mallory,” ngiting bati niya na nahihimigan ko ang pagkasarkastiko sa tono ng kanyang boses. “Anong ginagawa niyo rito?” I asked inside her mind. “Steve commanded us to fetch you up,” she replied using her real voice. “Why would he command you to do that? For what reason?” “He’s too busy managing the counsil and fixing the ignominious you made,” she straightforwardly said that made me embarrassed. Hindi niya intensyon ang saktan ang damdamin ko. Nababasa ko iyon sa isipan niya. Sinasabi niya lamang ang kung ano ang totoo at kung ano ang iniutos sa kanya. Napailing ako dahil napagtanto ko ang isang bagay. They are under the council’s order. Hindi man niya sabihin sa akin ay alam kung nasa ilalim sila ng konseho. Subalit hindi ko alam kung sinong Grand Elder ang nag-utos sa kanilang pumarito. Nang mapagtanto ko kung ano ang totoong pakay nila rito ay agad na nagdilim ang kanyang isipan. She’s blocking my way out of her head. Sinusubukan niya akong ikulong dito sa loob ng kanyang isipan at masasabi kong nagtatagumpay siya dahil nanghihina na rin ang diwa at katawan ko. Para akong nangangalay. Pakiramdam ko rin ay mahihiwalay ang kalulwa ko sa katawan ko. She doesn’t have telepathy but she has my weakness. Her black magic is trying to manipulate my mind and using an illusion to sow tremendous images inside my mind. Nararamdaman ko ang pag-uugoy ng diwa ko sa kadiliman. Nararamdaman ko na rin ang panghihina ng pisikal kong katawan. It is too late to move out inside her mind because upon entering she already deceived. ‘Sino ang babaeng ito? Bakit kaya niyang gumamit ng gano’ng klase ng kapangyarihan? Isa lamang ang maaaring magtaglay ng illusion magic at ‘yon lamang may hawak sa soul weapon na ‘yon...’ Kung saan niya nakuha ang mga impormasyong tungkol sa’kin ay maaaring dahil sa kakayahan niyang mangloko. Tiyak na napasa-ilalim ng kapangyarihan niya si Steve kung hindi man ay sinusubukan niya lamang akong linlangin. “No. It should be done, Mallory. The council needs your power, just like mine. They need our power...” she foolishly whooped inside my head. Bago ako mawala sa diwa ko ay naramdaman ko na mayroong humila sa akin. Hinuhugot ako palabas sa ilusyong kinaroroonan ko. Mula sa isang sulok ay unti-unting nagkakaroon ng maliit na siwang ng gintong liwanag at agad na nakita ko ang isang gawa sa gintong liwanag na kamay na naghihintay sa aking abutin ‘yon. Pinagsama-sama ko ang natitirang lakas at inabot ang kamay na ‘yon at sa isang iglap ay bumalik ako sa katawan ko. Bumalik ako sa reyalidad pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang mga brasong nakapulot sa katawan ko. Nanghihina kong inangat ang paningin ko sa taong tumulong sa akin. “D—damien...” mangiyak-ngiyak na sambit ko sa pangalan niya.
maganda ang kwento
07/08/2024
0good
14/04/2024
0🥰🥰🥰
27/01/2024
0View All