Mallory Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagtawang naririnig ko sa labas ng kwarto. Nang magpagtanto ko kung kanino nagmumula ang tawa na ‘yon ay dali-dali akong napabalikwas at napaayos sa sarili. Napalingon ako sa taas ng pintuan. Naroon at nakasabit ang wall clock niya. ‘03:46 PM’ Ilang mga oras lang pala ang pagtulog ko. Kung tutuusin ay kulang pa iyon. Sublit bigla akong nagtaka at nabigla dahil ang naaalala ko ay nasa sulok ako nang maidlip ako pero bakit narito na ako ngayon sa kama niya? Wait! Don’t tell me that he carried me? Agad na nag-init ang pisngi ko. Tangina! Ba’t niya ako binuhat nang walang pasabi? Dapat ginising na lang niya ako! Agad akong bumalikwas ng tayo at marahas na binuksan ang pintuan. Sa galit na namumutawi sa akin ay hindi ko na naaalalang may kasama siya roon sa sala at halos manglaki ang mga mata ko nang maging klaro sa pang-amoy ko kung anong klaseng nilalang siya. Tama nga ang hinala ko. “So, you are the Nanay Menchi this scumbag was telling?” I smirked as I looked on the middle aged woman upfront. I asked her inside her mind. Nakita ko ang takot niya subalit kaagad iyong napalitan ng pagmamakaawa sa kanyang mga mata dahilan upang mas lalo pa akong mapangisi. Naging malikot ang kanyang mga mata at napatungo. Nakaupo silang pareho sa sofa. Napatingin sa akin si Damien at nanglalaki ang mga matang nakatuon sa akin. “T—teka! Akala ko ba ayaw mong malaman ni Nanay Menchi na narito ka sa bahay ko?” nauutal na wika ni Damien. Napasinghal habang nililingon siya. “Gago ka ba! Bakit ‘di mo man lang ako ginising? Sinong may sabi sa’yo na buhatin mo ‘ko!” galit na sigaw ko sa kanya. “M—may kasama ka pala, ‘nak...” nauutal ring wika ni Aling Menchi. “Naku, ‘nay. Mahabang kwento. Saka ko na lang po iku-kwento sa inyo, ngayon ay bumalik na po muna kayo sa bahay niyo. Nagising na po kasi ‘yong bulkan,” pagbibirong wika niya na ibinulong pa kay Aling Menchi ang huling sinabi na akala niya ay hindi ko maririnig. Hunghang! Hindi man lang ako dinapuan ng tingin nitong ugok na ‘to. Tila hangin na nilagpasan ako rito sa aking pwesto, buti pa ‘yong si Aling Menchi dahil nginitian ako kahit na takot na takot siya sa’kin. Hindi ko naman siya masisisi kung ‘yon talaga ang nararamdaman niya. Pagkasara ni Damien ng pintuan ay agad niya akong pinamewangan at naiinis na napatingin sa akin. Ilang sandali pa ay may kinuha siyang bagay roon sa kanyang bulsa. Isa ‘yong sobre at agad niya iyong inilahad sa akin. Kung ‘di lang talaga ‘to gwapo ay matagal ko na sana siyang kinain. “Heto. May nakita akong liham doon sa mailbox ko. Hindi ko binuksan dahil nabasa ko ang pangalan mo. Para sa’yo ang liham na ito,” anya. Hinay-hinay akong lumapit sa kanya habang napapatingin nang diretso sa maitim niyang mga mata. Ang deep ng katauhan niya. Hindi ko makita at hindi ko rin mabasa. May itinatago ba ‘tong ugok na ‘to sa akin? Maliban sa pagiging kalmado niya ay wala na akong ibang naramdam sa kanya. I gasped then get the envelope from his hand. Bago ko buksan ang sobre ay muli ko siyang nilapatan ng tingin at mariing siyang inirapan. Nakita ko ang marahan niyang pag-iling. “Pwede ba!” inis na sigaw ko sa kanya. “Tigil-tigilan mo nga ‘yang katititig sa’kin! ‘Pag talaga ako napikon sa’yo, sisipsipin ko talaga ‘yang dugo mo!” inis na bulyaw ko pa sa kanya dahilan upang mapaatras siya at ang dalawang kamay ay mapahawak sa leeg na tila pinoprotektahan iyon. Ninerbyos pa yata dahil sa babala na narinig na sinabi ko. “S—sorry...” utal niyang sagot. Inirapan ko na lamang siya at muling itinuon ang paningin sa sobreng hawak ko. Pamilyar ang seal na nakadikit dito. Nang matanggal ko ang seal sa sobre ay agad akong kinutuban dahil tiyak na ako kung ano ang nilalaman ng sobre na ito lalo na at nagmula pa ito sa Headmaster. Sulat kamay ito ng Headmaster. Ano na naman bang ginawa ni Steve para padalhan ako ng akademya ng sobre? Nang tuluyan kong mailabas ang liham sa loob ng sobre ay binasa ko ito at kaagad na naningkit ang mga mata ko nang mabasa ang buong nilalaman ng liham. Napabuga ako ng hangin. Sinasabi ko na nga ba na may ginawa na naman si Steve upang padalhan ako ng liham mula sa Demon Academy. Hindi ako makatatanggap nito kung wala siyang ginawa. ‘Yong gurang na ‘yon! Napapataas ang kilay ko nang maibaba ang papel na hawak. I, again blew out an air out of frustration. Narito lang talaga ‘tong si Steve ay baka nakurot ko na sa singit. Kainis! Nakakainis talaga siya. “A—anong sabi sa liham?” nauutal na tanong ni Damien. Tinaasan ko na naman siya ng kilay ko. “Bakit? Interesado ka?” ngising tanong ko. Agad kong nakita ang paglobo ng kanyang bibig. Nagpapa-cute ba itong ugok na ito? Tss! Hindi naman bagay! “M—malay ko ba? Baka kasi pinaaalis na kita. Ehem! Makaramdam naman sana kayo,” anya dahilan upang pangliitan ko siya ng mga mata ko. “’Ba! Gusto mo lang yatang kagatin kita sa leeg e!” angil na sabi ko na may kasamang panunuya. Bigla siyang napailing. “Kidding aside, Lori. Ano ang nilalaman ng liham?” biglang pagseseryoso niya dahilan upang mabigla ako. Pakiramdam ko ay biglang tumibok nang mabilis ang puso ko. Hindi ko mawari kung bakit pero ang napagtanto ko ay may itinatago siyang katauhan sa akin. Kung sana ay malaya kong napapasok ang kaisipan niya ay tiyak akong malalaman ko iyon. Sa kasamaang palad ay wala akong ibang nagawa kundi ang isawalang-bahala na lamang ang inisip ko dahil napaka-imposibleng mapasok ko ang nakaselyo niyang isipan. “Bakit mo gustong malaman?” seryosong tanong ko. “Dahil baka reinsforcement ‘yan at inaamin kong natatakot ako,” nakatungong sagot niya. Maaaring nakuha niya ako sa pagiging matapat niya pero sinasabi ko, ngayon lang ako magpapaubaya. Tumindig ako nang maayos at dahan-dahang inilahad sa kanya ang liham na hawak ko. Umangat ang mukha niya at napatingin sa kamay kong nakalahad sa gawi niya tapos ay lumapat sa akin ang maiitim niyang singkit na mga mata. “Read it for yourself...” I calmly offered to him the letter. Nang kunin niya mula sa kamay ko ang sobre ay dali-dali niya ‘yong binasa. Hindi ko na siya binigyan ng pansin dahil tiyak akong wala rin siyang pakialam doon. Wala siyang mapapala roon. Nang tumalikod ako upang tanawin ang labas ng bahay ay narinig ko ang pagtikhim niya. “This is an invitation for you to study there,” he straightforwardly uttered. Siniringan ko siya. Nakatayo siya dalawang dipa ang layo sa’kin. “Well?” I asked. Muli kong narinig ang pagtikhim niya at sinabing, “Hindi mo ba tatanggapin ang alok na ito?” “Hindi ko alam,” kibit-balikat na sagot ko sa kanya na naroroon na naman ang paningin sa labas. Nahihimigan ko ang kagustuhan niya sa imbitasyong natanggap ko. Pakiramdam ko ay gusto niya ang alok na ‘yon. Hindi naman siguro ako niloloko ng pakiramdam ko. “Napakaswerte mo nga dahil hindi mo na kailangan pang pumila upang makapag-apply roon at makapag-aral. Opurtunidad na ang lumalapit sa’yo pero tatanggihan mo lang?” mahabang sabi niya. Tama ang pakiramdam ko na gusto niya ang alok na ‘yon. Hinarap ko siya na mayro’ng nagtatakang mukha, “Hindi ko sinabing tinatanggihan ko. Ang ibig kong sabihin ay hindi ko alam kung magiging tama ba ang desisyon ko sa pagpasok sa akademya gayo’ng laganap ang kaguluhan dito sa Vladian,” mahabang sagot ko. Nakita ko ang paglunok niya. Nagdadalawang-isip pa kung magsasalita pa ba siya o hindi pero nanaig ang kagustuhan niyang magsalita at hindi ko itiniklop ‘yong oportunidad niyang sabihin ang gusto niya. He has his rights. “Then, let me come with you...” he suddenly said as if he is waiting for this opportunity to happen. It took ten seconds before his statement sinks in. Parang kulang ‘yong pagsinghap at pagkurap na ginawa ko. Gusto kong kumapa—I mean gusto ko na lang batukan ang sarili ko at sigawan siya ng ‘Are you insane?’. Pero walang lumabas na salita sa bibig ko. I composed myself instead. Huminga ako nang malalim. “Mortals are prohibited to enter Demon Academy,” nakababa ang mga balikat kong anunsyo habang diretsong nakatingin sa kanya. “Knowing that you are a mortal. Wala akong nakikitang daan upang mailusot ka,” dagdag ko pa at saka mariing huminga nang malalim. “Naririnig ko sa’yo ang pangalan na Steve. Sino siya? Maaari niya kaya akong matulungan?” anya na ikinabigla ko. Hindi ko alam kung mamamangha ba ako o magugulat dahil sa pagkakaalam niya sa pangalan ni Steve. Tiyak akong wala akong binanggit sa kanya tungkol sa pangalan ni Steve at isa pa, sarado ang isipan ko sa tuwing may kinakausap akong ibang nilalang. Pinangtitigan ko si Damien dahil sa kakaibang namumuong pagdududa sa isipan ko subalit agad din akong napailing. Pinanglakihan ko siya ng aking mga mata at nagtanong. “How’d you know his name?” Nilapitan ko siya at kinunutan ko siya ng noo. Napalunok siya dahil sa sobrang lapit ng mukha ko pero hindi ako nagpatinag at hindi inisip ang kahulugan na naiisip niya sa mga oras. Naging malikot ang kanyang mga mata at kasabay niyon ang kanyang paglunok. “’Di ba dapat ay alam mo ‘yon dahil ikaw ang may kakayahang makapagsalita sa loob ng isipan?” nagtatakang wika niya. “What? E, lagi namang sarado ang isipan ko lalo na kapag may kausap akong iba,” nakakunot-noong sagot ko. Nagkibit-balikat siya. “Mas importante pa ba ‘yon kaysa sa pagsama ko sa’yo sa loob ng akademya?” anya dahilan upang mapa-isip ako. Tama siya sa kanyang sinabi. Huminga ako nang malalim at pagkatapos ay binigyang liwanag ang isipan ko. Paano nga ba kami makakapasok sa akademya na hindi pinoproblema ang dugong nananalaytay kay Damien? Sana nga ay makapunta mamaya si Steve dahil tiyak kong alam niyang nakarating na sa akin ang sobre. Kung hindi man ay kailangan naming pumasok ng Coven upang sadyain siya roon. Muli ko siyang hinarap upang ipaalam sa kanya ang plano ko. Nakatitig lamang siya sa akin na tila nahuhumaling sa ganda ng mga mata ko. I know, right! Tumikhim ako upang maibalik siya sa diwa niya. “May sinasabi ka?” tanong niya na nahihiya sa’kin. “May plano ako,” panimula ko. Nakinig lamang siya habang sinasabi ko ang gagawin naming hakbang upang makapasok sa Coven. Sinabi ko rin sa kanya na sasadyain namin si Steve ‘pag hindi siya pumunta rito sa kinaroroonan ko. Ang totoong pakay namin ay magpapasama kami papunta sa akademya upang maging guardian naming pareho ni Damien. “Less talk, less worry...” paalala ko na ikinatango niya. “And also, I want you to behave there. Sariwa at mabango ang dugong nananalaytay sa mga ugat mo at maaaring pagkaguluhan ka lalo ng ibang mga nilalang roon kaya kung maaari ay manatili ka lamang sa tabi ko,” paalala ko. Napalunok na naman siya. Napatitig tuloy ako roon sa mapupula niyang labi sunod doon sa kanyang maiitim na mga mata. I can’t really read him. Hindi ko siya mabasa tulad ng iba. Tila may makakapal na harang sa isipan niya na pinagbabawalan akong makita kung ano ang naroon. Isinawalang-bahala ko ang kawalang kakayahang mabasa ang nilalaman ng kanyang isipan at mas pinagtuunan ng atensyon ang gagawin naming plano upang maipasok siya sa akademya na walang aberya. ‘Tutal ako ang unang nakakita sa kanya ay sa akin siya huling babagsak. Ako ang kakain sa kanya—I mean ako ang natatanging bampirang maaaring gumalaw—sumipsip sa dugo niya. Bwisit!’ Narinig ko ang mahina niyang pagsinghap. Pinipigilan niya din ang sariling matawa kaya agad akong napakunot-noo. “Tinatawa-tawa mo riyan?” Umayos siya ng tayo. Bago magtikom ay tipid siyang sumagot habang nauutal. “W—wala...” Basta ang importante ay makapasok kami sa akademya. Hindi ko alam kung anuman ang naroong plano sa loob ng isipan ni Damien upang magkaroon siya ng interes na samahan ako sa akademya. I need to know his reasons why he suddenly decided to go with me. Hindi ngayon pero maaari kong ipunin ang tiwala niya at siya mismo ang magsasabi niyon sa’kin.
hi guys
9h
0maganda ang kwento
07/08/2024
0good
14/04/2024
0View All