logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chasing The Sunset

Chasing The Sunset

vxmpty_cha


PROLOGUE


"Doc Ali, okay lang po ba kayo? Sa tingin ko po ay kailangan niyo munang magpahinga."
Mahigit dalawangpo't apat na oras na akong walang pahinga. Hanggang ngayon ay marami pa rin ang mga pasyenteng nangangailangan ng tulong.
"Yeah, medyo nahilo lang." tipid kong sagot bago naglakad pabalik sa table ko.
"Sige po Doc Ali, mauna na po ako." paalam ni nurse Althea bago lumabas ng office ko.
Pabagsak akong umupo sa swivel chair at marahang minasahe ang aking sentido. Napatingin ako sa relos ko para tingnan ang oras. Sh*t mag-uumaga na!!
Matunog akong bumuntong-hininga bago inayos ang mga gamit ko sa lamesa. Napaangat ang tingin ko sa pinto nang biglang may kumatok.
"Come in," sambit ko habang nag-aayos ng mga gamit.
Kita sa gilid ng mata ko ang pagbukas ng pinto. Nabaling ang atensyon ko sa papalapit na yabag. Nang tingnan ko kung sino 'to ay bahagya akong nagulat.
"Dra. Pineza," sambit niya nang makalapit sa harap ng lamesa ko.
"Dr. Orwel Yamson. What can I do for you?" diretso ko lang siyang tiningnan sa mga mata.
Imbes na sagutin niya ako, marahan niyang nilibot ng tingin ang bawat sulok ng office ko. Bahagyang napagilid ang mukha ko bago siya pinagsingkitan ng mga mata. Ano ba ang ginagawa niya dito?
Huminto ang tingin niya sa akin bago pinagkrus ang kaniyang dalawang braso. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pag-angat ng gilid ng kaniyang labi.
"You have a nice office, huh?" Tumatango niyang sambit.
Sa pagkakaalam ko ay ngayon lang siya nakapasok dito sa office ko. Nakatingala pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon.
"If that's a compliment, thank you." walang reaksyon kong sambit.
"Would you mind if I seat?" taas kilay niyang sambit.
"Do whatever you want. Just tell me, why are you here?" may diin kong saad.
Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga bago umupo sa kaharap kong upuan. Napalunok ako nang biglang sumeryoso ang mukha niya na minsan ko lang nakikita sa kaniya.
"Ali, bakit mo ginagawa 'to? Bakit kailangan mo pang bumalik?" diretso niyang sambit.
Kaagad akong umiwas ng tingin sa kaniya at sarkastikong tumawa.
"Pwede ba? 'Wag kang magsalita kung hindi mo alam ang katotohanan."
"Kaya nga inaalam ko, Ali." mariin niya akong tiningnan.
"Hindi ko alam na pakealamero ka na pala ngayon?" taas kilay kong usal. Alam kong pwede siyang ma offend sa sinabi ko pero hindi ko na 'yon inisip. Bakit pa kasi nagtanong.
"Ali." pagbabanta niya sa akin.
"Orwel, please lang. Umalis ka na hanggang hindi pa nauubos ang pasensya ko sa'yo."
Matunog siyang bumuntong-hininga bago tumayo. Tinapunan niya muna ako ng tingin at saka ako tinalikuran.
Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na siya sa office ko. Matagal ko ng hinanda ang sarili ko para dito. Pero kapag nakakaharap ko na sila, pakiramdam ko bigla akong nagpapanic.
Tumayo na ako at kaagad na kinuha ang aking shoulder bag. Gusto ko munang magpakalma. Pagkalabas ko ng hospital ay mabilis akong nagtungo sa parking lot.
Pagkasakay ko ng kotse ay kaagad kong ine-start ang engine at nagsimulang magmaneho.
Hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta ngayon. Gusto ko mang matulog pero hindi ako inaantok. Isa lang ang alam ko. Pagod ako.
Napansin ko nalang na kanina pa pala nakahinto ang kotse ko. Napatingin ako sa labas mula sa bintana ng aking sasakyan. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto kung nasan ako ngayon.
Wala sa sarili akong bumaba ng kotse ko. Dahan-dahan ang hakbang ko papasok sa loob ng coffee shop. It's been a while.
Ngayon lang ulit ako nakapunta dito. Matagal-tagal na rin 'yung huli kong punta sa coffee shop na 'to. Gustohin ko mang umatras at umalis nalang pero parang may pumipigil sa akin.
Malungkot akong ngumiti nang makapasok sa loob. Dahan-dahan kong inikot ng tingin ang paligid ng coffee shop. Marami na din ang nagbago.
Dahil sa kalikutan ng aking mga mata, napansin ko nalang na nakatuon na pala ang paningin ko sa may lamesa na kung saan doon kami umuupo tuwing pumupunta kami dito.
Natanggal lang ang tingin ko doon nang biglang may sumulpot mula sa likod ko.
"Goodmorning Doc Ali!"
Kaagad ko siyang nilingon. Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang mapagtanto kung sino siya.
"F-freya?" bahagyang nanlaki ang mga ko habang nakatingin sa kaniya.
"Ako nga po," matamis siyang ngumiti. "Alam niyo po ba Doc Ali? Hanggang ngayon ay humahanga pa rin ako sayo! Grabe isa ka na pong Doktor."
Mahina akong natawa bago tinap ang balikat niya. "Kunting tiis nalang, magiging Architect ka na rin."
"Salamat po Doc Ali! May tamang panahon rin para sa akin." Sumaludo pa siya sa akin.
Tumaas ang kilay ko nang biglang nag-iba ang reaksyon ng mukha niya. Nakaawang na ang mga labi niya habang diretsong nakatingin sa likod ko.
"Freya? Ayos ka lang?" tanong ko. Bahagya ko pang tinagilid ang mukha ko.
"D-doc Ali.... ang pogi po ni Doc—"
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. Kaagad akong lumingon sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat sa aking nakita.
Para akong napako sa aking kinatatayuan. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang presensya niya rito.
Nahigit ko ang hininga ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. I was scared to meet his eyes, but he looked at me like he knows who I am.
Lance.
Narinig kong tinawag na si Freya ng ka-trabaho niya kaya kaagad rin siyang natauhan.
"Ahh.... e-excuse me po."
Nagmamadaling umalis si Freya at bumalik sa kaniyang ginagawa. Nakatayo pa rin ako ngayon sa harapan niya. Hindi rin naman kami ganun ka lapit sa isa't isa.
Wala man lang akong nakikitang kahit anong reaksyon sa mukha niya. Hindi ko alam na nakauwi na pala siya ng Pilipinas. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Makakatrabaho ko na siya sa Lazaro.
Marahan akong napalunok nang humakbang siya papalapit sa akin. Jusko, para na akong mahihimatay ng wala sa oras.
"Excuse me." sambit ng malalim niyang boses nang huminto siya sa aking harap.
Napasinghap ako nang marinig ang boses niya. Kaagad akong tumabi nang mapagtanto ang sinabi niya.
Nang tumabi na ako sa gilid ay walang pasabi niya akong nilagpasan. Diretso lang siyang naglakad patalikod sa akin.
Kaagad akong napatakip sa aking bibig nang bigla akong napabahing. "Excuse me..." mahina kong bigkas.
Napatingin ako kay Lance na nakatalikod pa rin sa akin. Masama ko siyang tiningnan kahit hindi niya naman makikita. Fvck his perfume!
Bigla siyang lumingon sa akin dahilan para makita niya ang galit kong mukha. Tinapunan niya lang ako ng tingin bago nag order.
Biglang bumalik sa isipan ko ang lahat ng mga nangyari noon na may koneksyon sa pabango niya. Dahan-dahan akong napaatras bago lumabas ng coffee shop.
Mabilis akong lumabas ng coffee shop at sumakay sa kotse ko. Napaawang ang mga labi ko habang nakahawak sa aking dibdib. Alison, maghunos dili ka.
He used it again.
And I hate it.

Book Comment (56)

  • avatar
    RaraJayson

    very nice po

    09/09

      0
  • avatar
    Claire De Guzman

    Nice

    01/09/2024

      0
  • avatar
    Nickhou C. Capol

    doc pasyente nurse

    01/09/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters