logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER FIVE

Isay's POV
"Nasisiraan ka naba talaga? Ang tagal mo ng namumuhay mag-isa tapos dumating lang iyong Kendrick na yon at nakasama mo ng sampung araw nagkaka ganyan kana? Naiintindihan ko na naging mas close na kayo pero ang oa mo na ah!" sermon ko sa sarili habang naglilinis ng bahay.
Nagpatugtog nalang ako sa cellphone ko para naman mabawasan ang pag iisip ko kay Kendrick. Tatlong araw na mula ng umalis siya pero hanggang ngayon naninibago parin ako. Minsan parang napapa hallucinate pa ako na nandito siya sa bahay at kapag kakausapin ko naman biglang nawawala.
Balak ko sanang tanggalin at itapon lahat ang mga alaala ni Kendrick sa bahay pero napag isip ko na lahat ng bagay na nandito sa bahay ay may alaala niya. Baka mawalan ako ng gamit kapag ginawa ko iyon, ultimong manipis na walis tambo na hawak ko ngayon ay may alaala din niya.
Hindi ko naman siya namimiss, natutuwa pa nga ako wala na siya dito sa bahay. Wala na akong iniintindi at balik na sa normal ang buhay ko. Kaya siguro naaalala ko siya dahil biglaan pag alis niya, tapos hindi man lang niya natikman yung sinigang na baboy na niluto ko na matagal na niyang hinihintay matikman. Dapat talaga kalimutan ko na siya kasi siguradong nakalimutan na niya ako. Kung hindi pa niya ako nakalimutan kasi mangungumusta siya kahit sa text lang kaso wala. Ah! Dahil siguro binigyan nila ako ng pera kaya iniisip niya na hindi na niya ako kailangan kumustahin pa. Hindi ko nga alam noong una kung ano yung laman ng sobre na iyon at ng makita ko  nakaalis na sila. Mukha akong pera pero hindi ko binebenta ang dignidad ko. Kusa ang ginawa kong pagtulong. Nag text nga ako kay Sandro na kunin niya yung pera dito sa'kin pero hindi man lang siya nag reply.
Nang matapos na ako sa pagwawalis ay nagtupi naman ako ng mga damit. Bumuntong hininga nalang ako ng may makatupi ng mga damit niya. O diba, paano ko siya agad makakalimutan kung lahat nalang ng alaala niya nandito sa bahay, pati pa nga yung toothbrush niya sa banyo nandoon pa. Hay ewan, mapapa iling ka nalang talaga. Sana lang kung nakabalik na siya sa Canada o kung nasaan man siya ngayon mag ingat lagi siya. Kahit naiinis ako sa kanya gusto ko parin maging masaya siya.
******
"Hoy gaga baka maihaw mo ang labi mo, huwag mong sabihin naiisip mo nanaman yung imaginary boyfriend mo sa bahay" Sabi ni Tine habang nagluluto kami ng mga barbeque
Kahapon kasi tinanong niya ako kung anong nangyayare sakin dahil matamlay daw ako kaya napakwento ako ng wala sa oras sa kanila ni Angelique. Nung magkwento naman ako ayaw naman nilang maniwala, sinabihan pa ako na mag jowa na daw ako para hindi na ako nag iimagine ng mga lalaki na boyfriend ko.
"Fyi hindi ko sinabing boyfriend ko siya ang sabi ko pinatuloy ko lang siya sa bahay at umalis na" sagot ko kay Tine
"O sige na nga sabihin na natin hindi mo siya boyfriend at inampon mo lang ng sampung araw, sa sampung araw na iyon na nasa iisang bahay lang kayo walang nangyari? Atsaka sis yung kwento mo kasi hindi kapani paniwala. Biruin mo iniligtas mo siya kamo tapos ang sabi mo matangkad na gwapo na matipuno ang katawan na inglisero siya. Sis pinapayuhan kita bawas bawasan mo panonood ng korea nobela. Tigilan mo'ko sa hallucination mo diyan marami akong kilalang lalaki ipapakilala kita" Sabi ni Tine na ikina iling ko nalang.
"Nagtanong ka sa'kin at sinagot ko lang ang tanong mo, hindi kita pipilitin paniwalaan ako pero huwag mo naman sabihin sa'kin na nag h-halucinate lang ako" Sabi ko naman at hindi na siya pinansin.
"Huwag mo sanang masamahin ang sinabi ko concern lang ako sayo kasi magkaibigan tayo. Kung totoo man ang sinabi mo hindi parin tama ang ginawa mong magpatuloy ng lalaking hindi mo naman kilala sa bahay mo. Paano kung ginawan ka nun ng masama? Kahit ikaw ang biktima sisisihin ka parin ng iba dahil kasalanan mo. In the first place bakit mo pinapasok sa bahay mo ang tanong nila sigurado sa'yo" naiintindihan ko naman ang punto ni Tine pero sa ngayon ayoko munang makinig sa kanya. Alam ko na nag aalala siya at naiinis din sa'kin dahil noong magkwento ako  kahapon ang unang tinanong niya bakit hindi mo sinabi sa'kin. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit hindi ko sinabi sa kanya, lahat naman kasi sinasabi namin sa isa't isa.
"Baka gusto niyong ngumiti para naman may mga bumili sa'tin" Sabi naman ni Angelique na pumagitna at umakbay samin ni Tine "shot nalang tayo mamaya pag-uwi" Sabi pa niya
"G ako ewan ko kay Isay" Sabi naman ni Tine
"Pass muna ako sa ibang araw nalang, may raket ako bukas ng maaga e" Sabi ko naman
"Anong raket yan bakit hindi mo kami isama?" Tanong ni Angelique
"Nakiusap lang sa'kin yung asawa ni kagawad na tulungan siya sa pagtitinda sa pwesto nila sa palengke bukas" sagot ko
"Ah! Yung kay Aling Mila? Bakit mo pinatos? Ang kuripot nun kaya walang nagtatagal magtrabaho sa kanya" Sabi ni Angelique
"Hindi kana nagtanda diba sinigaw sigawan ka kamo nun? Yung anak niyang si Jerry ay na'ko napakasama rin ng ugali" Sabi naman ni Tine
Ayoko naman sana umoo nung pakiusapan ako ni Aling Mila kanina kaso naisip ko wala naman akong gagawin sa bahay para narin malibang ako.
"Hayaan na sayang din kasi ang pera, kapag pinahiya niya ulit ako iiwan ko siya sa pwesto at kukuha ng baboy bilang bayad ko" nakangiting sabi ko
"Isampal mo sa kanya yung baboy niya! Mukha din  naman silang mag ina parehong baboy" Sabi ni Tine. Nagtawanan naman kami.
"Pero Isay huwag mo masyadong sipagan mag enjoy karin puro ka nalang trabaho" Sabi ni Angelique
"Wala kasi akong ibang aasahan kundi sarili ko lang, kung aasa lang ako sa sahod ko dito walang mangyayare sakin. Buwan buwan may binabayaran akong mga bills kaya hindi pwedeng pumetiks" Sabi ko
"Sabagay, kung Ako nga nasa sitwasyon mo baka nag asawa nalang ako para may kahati sa mga bayarin" Sabi ni Angelique
"Gaga ka din e no? Paano kung mabuntis ka edi mas malaki ang gagastusin niyo" tumango tango ako bilang pag sang ayon sa sinabi ni Tine
Okay na sana ang lahat dahil mas magaan na pakiramdam ko kaso biglang bumigat ulit ng magtama ang mga mata namin ni Kristof. Papunta na naman kadi sila dito sa pwesto namin. Sana lang huwag sila sa'min bumili o should I say magpwerwisyo sa'min.
"Hoy miss beautiful parang wala kang nakita ah! Ipagluto mo nga kami ng barbeque" nakangising sabi ni Kristof
"Ilan po?" Magalang na tanong ko
"Boss ilan daw?" Tanong ni Kristof kay Ramon na may kausap sa selpon niya
"Magluto ka ng sampu" utos sakin ni Carlo at walang paalam na kumuha siya ng hotdog na nakasalang at kinain iyon. Wala talagang modo, hindi man lang nagtanong kung meron may ari. Mabuti nalang madali lang iluto ang hotdog.
"Dose po yung hotdog at tig kinse ang barbeque 162 po lahat" Sabi ko kay Carlo na ngayon ay nakatingin sa'kin habang ngumunguya
"Bakit 162 kinain ko naba yung barbeque mo?!" Pagalit na tanong nito na sinubo ang natitirang hotdog sa stick at mabangis na tinignan ako
"Ano bang problema?" Pigil ni Ramon kay Carlo na lumapit sa'kin
"Yang babae kasing yan nakakapanggigil" sagot ni Carlo na sinuklay ang buhok pataas gamit ang mga daliri niya. "biruin mo sinisingil na agad ako hindi pa ako tapos kumain!" Galit na Sabi nito
"Bakit magkano ba?" Tanong ni Ramon kay Carlo
"Isang hotdog lang kinain ko dose lang iyon pero 162 ang sinisingil putcha!" Sagot nito
"Nag order ka kasi ng sampung barbeque kaya nagjng 162" sabat ko naman sa usapan nila
"Sis hayaan mo na baka saktan ka" Sabi naman ni Tine na hinihila ako palayo. Tinanggal ko ang kamay niya at matapang na humarap sa tatlong lalaki
"162 lang pala sige akong bahala isulat mo mga kakainin nila para alam mo kung magkano lahat. Kayo kumain lang kayo" Sabi naman ni Ramon
"Alright boss! Thank youuu!" Sabi naman ni Kristof
Muling kumuha ng hotdog si Carlo at nag dirty sign pa siya sa'kin. Gusto kong umalma sa pambabastos nila pero mas makakabuting tumahimik nalang ako at hintayin makaalis sila.
"409 po lahat" Sabi ko ng tanungin ako ni Ramon kung magkano.
"Ilista mo muna babayaran ko nalang pagbalik ko" Sabi nito na ikinainit ng ulo ko
"Hindi po ako nakikipag biruan bayaran niyo na po para makaalis na kayo" pagmamatigas na sabi ko
"Hindi daw siya nakikipag biruan boss ang tapang talaga hahaha!" Sabi ni Kristof kay Ramon
"Hindi rin naman ako nakikipag biruan sa'yo miss ganda ilista mo muna babayaran ko mamaya" sabi naman ni Ramon na nagsindi ng sigarilyo at binuga ang usok sa mukha ko na ikinaubo ko pa. Tumawa naman sina Carlo at Kristof "tara na" Aya ni Ramon paalis sa dalawang kasama
Mabilis akong pumunta at humarang sa harapan nila. "Hindi po kami nagpapautang ng tinitinda namin kaya magbayad muna kayo bago umalis" taas noo at matapang na sabi ko habang nakatingin sa kanila
"Paano ako magbabayad wala naman akong pera. Umalis ka nga diyan!" Sabi ni Ramon at hinawi ako sa daraanan nila.
"Kakain kayo tapos wala pala kayong mga pera! Mahiya nga kayo ang lalaki ng mga katawan niyo bakit hindi kayo magbanat ng buto!" Sigaw ko sa kanila
"Aba't matalas ang dila mo ah!" Harap sakin ni Kristof at tinulak ako ng malakas sa braso.
Inaasahan ko na na babagsak ako at masusubsob sa semento katulad ng dati pero hindi iyon nangyari. Bumangga kasi ako sa matigas na bagay pero hindi naman ako nasaktan. Napatingala't napatingin ako sa taong humawak sa dalawang balikat ko. Akala ko kanina sa pader ako bumangga ngunit sa kanya pala.
"You alright? Are you hurt?" Nag aalang tanong ni Kendrick sakin. Umiling lang ako habang nakatingin sa mga mata niya. Hinawakan niya ang braso ko at tinago sa likuran niya.
""Anong tinitingin tingin mo? Lalaban kaba ha?! Halika!" Hamon ni Kristof kay Kendrick na pinatunog pa ang leeg niya
"I thought you can only hit woman, but you got some balls that's nice" Sabi ni Kendrick na nagpakaba sakin. Humakbang siya palapit kay Kristof pero pinigilan ko agad siya. Baka mapatay siya ni Kristof. "Don't worry I'll be fine" Sabi naman niya sa'kin
"Ano yan pasikat ka dahil may babae?! Pwe!" Sabi ni Kristof at nagsimula ng lumusob para suntukin si Kendrick
"You're too slow" Sabi naman ni Kendrick ng mahuli nito ang kamao ni Kristof. Napangiwi si Kristof habang mahigpit na nakahawak si Kendrick sa kamao niya.
Nang magpumiglas si Kristof ay sabay namang lumusob sina Ramon at Carlo para atakihin si Kendrick. Binitawan ni Kendrick ang pagkakahawak sa kamao ni Kristof at sinipa sa mukha si Ramon, nailagan naman niya ang suntok ni Carlo.
Parang batang nakikipaglaro lang si Kendrick kina Carlo at Kristof habang umiiwas sa mga suntok ng mga ito. Kapag siya naman ang sumusuntok ay tumatama lahat, napapaurong at namimilipit pa sa sakit ang mga ito.
Napatingin ako kay Ramon ng tumayo siya para sugurin si Kendrick, duguan ang ilong at bibig nito dahil sa ginawang pagsipa sa kanya ni Kendrick kanina. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong may hawak siyang pocket knife. Tatakbo sana ako palapit kay Hendrick pero may mga kamay na pumigil sa'kin, pagtingin ko ay si Sandro pala.
Nag aalalang tumingin ako kay Kendrick at nakahinga ng maluwang ng makitang hindi ito tinamaan. Sinipa ni Kendrick yung pocket knife at pinaluhod niya ang tatlo sa harapan ko.
"Apologize to her and pay for what you ate" dinig kong utos ni Kendrick sa tatlo na nakaluhod ngayon sa harapan ko
"Sorry magbabayad na kami" Sabi ni Carlo na duguan ang mukha. May dinukot ito sa bulsa at inilabas ang wallet niya. "300 lang pera ko bigyan niyo akong pandagdag" Sabi nito sa katabi niyang si Kristof. "Wala akong pera" sagot ni Kristof sa kanya. Napatingin ang dalawa kay Ramon na may pinaka grabeng tama, basag ang kilay at labi niya at namamaga ang buong mukha. Nawalan din siya ng dalawang ngipin sa harapan. Dumukot siya pera sa bulsa at naglabas ng 200. "Heto na ang bayad namin sa'yo na ang sukli" Sabi ni Ramon ng iabot yung 500 pesos sakin
"Ipambili niyo nalang ng band aid sukli niyo" Sabi ko naman at inabot sa kanila yung 91 pesos na sukli nila. Kinuha naman ni Ramon Ang mga iyon.
"Now go!" sipa ni Kendrick kay Carlo "don't dare to come back here and make trouble or else y'all disappear without anyone knowing" Sabi pa ni Kendrick at nag yess boss naman yung tatlo at nagmadaling umalis. Nagpalakpakan naman yung mga nanonood.
"Mahuhuli na tayo sa flight mo" rinig kong sabi ni Sandro kay Kendrick.
Lumapit sa'kin si Kendrick at hinawakan ang baba ko at iniangat iyon. Nakipaglaban naman ako ng titigan sa kanya at ilang segundo rin na sa ganoon posisyon.
"Don't be too brave especially when I'm not around. If I hadn't come, those jerks might have hurt you. Listen to me and don't be stubborn. Always be careful, make sure the windows and doors are locked. I got to go now" Sabi nito
"Aalis ka na?" Tanong ko at tumango naman siya
"I have some work to do" sagot niya
"Ah ganoon ba, sige ingat nalang" Sabi ko na pilit pinasigla ang boses at ngumiti sa kanya
Tumango siya at nginitian ako. Pinagbuksan siya ng kotse nung isa pang matangkad na lalaki na malaki ang tiyan. May kasama naman pala siya pero hindi man lang siya tinulungan kanina. Pinanood ko nalang umalis at mawala ang kotseng lulan niya sa mata ko.
******"
A/N
please follow po kung nagustuhan niyo. Thank you 🥰

Book Comment (199)

  • avatar
    DH IA NE

    wow, love it!

    11d

      0
  • avatar
    LandayongSherlyn

    very nice story

    13d

      0
  • avatar
    Bastatas Chavez Aljun

    nice maganda siya

    28d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters