logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

STONE

"Ayusin ang mga polo kukunin ko I.D. ninyo!" Banta ng guard sa mga pasaway na lalaking nakabukas ang butones ng polo.
Kinukuha kasi nila ang I.D. ng mga pasaway na estudyante na hindi marunong sumunod sa rules.
Pumasok ako sa Unibersidad de Laurente. Isang sikat at mayamang paaralan sa buong Pilipinas. Napangiti ako nang pasadahan iyon ng tingin, ilang taon na ako rito pero namamangha pa rin ako sa ganda nito. Second year college na ako kumukuha ng kursong Business Administration.
"Vinea!" napangiti ako nang makitang papalapit si Cecelia.
Cecelia Anitha Camerino, ang best friend ko. Sa unang tingin ay mamamangha ka talaga sa ganda niya kaya nga siya ang tinanghal na Ms. Laurent University 2020.
Napangiti ako nang maalala ko rin ang idol kong si Elleina Zeal Suarez. Sobrang galing niya sumayaw at talagang napaka-talented. Sana makasama ko siya isang araw.
"Dinalhan kita ng breakfast." Masiglang inabot sa akin ni Cecelia ang tupperware. Nahiya naman ako at nagkamot ng noo.
"Ano ka ba dapat hindi mo na ako dinalhan niyan. Nakakahiya araw-araw nalang pinapakain mo ako tapos-" pinutol niya ang sasabihin ko nang isubo niya na lang sa akin basta ang hotdog.
Madaldal talaga ako, 'yon ang totoo. Masayahin at palaging nakangiti walang may alam sa dinaranas ko kay Brekley.
Kumunot ang noo ni Cecelia nang makita ang pisngi ko kaya agad ko 'yong tinakpan.
"Anong nangyari riyan?" tinuro niya pa ang pisngi ko.
"Ah, wala 'to. Hihi," magsasalita pa sana siya pero kumagat na ako nang sunod-sunod sa hotdog. "Ang sarap salamat! Sarap talaga hmmm. Anong brand nito?" napalitan na nga ang kwentuhan ng ibang topic.
Nagkwentuhan pa kami bago dumating ang professor namin kaya naman nakinig na kami.
"Tara na sa canteen gutom na ako," hinila na ako ni Cecelia.
Nang makarating kami sa canteen ay ang daming tao. Napangiti ako nang makita ko si Jave, si Javen Flair Imperial.
Ang pogi niya talaga!
Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Pati ang mga 'yon ay kilala ko, si Kean Patrick Valencia at Revnel Han Sin. Hindi ko itatangging crush ko siya dahil siguro sa kabaitan ng pamilya niya kaso hindi ko siya magawang lapitan. Alam kong boyfriend siya ng idol kong si Elle.
Kinikilig ako sa Javelle Loveteam!
"Oh, heto na," umupo si Cecelia sa harap ko kaya naman napatingin ako sa kaniya. Inilapag niya ang pagkain na nasa tray.
"Bayad ko," inabot ko sa kaniya ang bayad ko pero tinanggihan niya.
"My treat," nakangiting sabi ni Cecelia.
"Lagi na lang?" pinilit ko pang iabot sa kaniya ang pera pero hindi niya tinanggap kaya naman inilagay ko na lang 'yon sa bag niya kaya wala siyang nagawa.
Alam ni Cecelia ang sitwasyon ko sa buhay kaya naman ganyan siya.
"Elle!"
Napalingon ako muli sa table nila Jave, nakita ko si Elle na nakangiti sa kanila kasama niya ang iba pang mga kaibigan niya.
Idol! Ang ganda niya talaga!
"Cecelia! Pakilala mo na ako kay Elle. Bilisan mo!" pangungulit ko kay Cecelia.
Close kasi silang dalawa dahil magkasama sila sa pageant noong nakaraan. Nang lingunin ulit namin ang table nila ay wala na sila Elle kaya naman napasimangot ako.
"Ang tagal mo kasi. Sana makikilala na ako ni idol. Ang bagal mo kumilos tapos pinapatagal mo pa. Alam mo naman na idol ko 'yon, eh." Dire-diretso kong sabi na tinawanan lang ni Cecelia.
"May next time pa naman," sumubo siya ng pagkain.
Buong maghapon ay nagmamaktol ako pero kahit gano'n humahagalpak pa rin ako ng tawa dahil hindi ako sanay nang nakasimangot.
"Una na ako saiyo, Vinea. Pasensya na si Kuya Denmeir kasi pinapauwi na ako," sabi ni Cecelia habang nagliligpit ang gamit niya.
"Sige ingat," nakangiti kong sabi at saka ko binalingan ang mga kaklase kong lalaki. "'Ayon na nga sinasabi ko sainyo maganda ang tela nito hawakan mo pa," pambobola ko sa kanila dahil binebenta ko ang mga damit na tinda ko.
"Ayaw ko niyan wala namang brand pero dahil tinda mo sige bibilhin ko," sabi ni Ron na agad na dumukot ng pera sa wallet. Susuklian ko na sana pero 'wag na raw kaya natuwa ako sa isip ko.
"Oh, ikaw, Jer?" tanong ko naman sa isa ko pang kaklaseng lalaki.
"Okay, ito na lang," kinuha niya ang kulay black na shirt.
Hindi sila makatanggi sa akin dahil sa mga pang-uuto ko. Ang dami kong benta dahil bukod sa mayayaman ang mga kaklase ko 'keep the change' lagi.
"Jerick, ikaw?" ipinakita ko sa kaniya ang malapad kong ngiti kaya tumawa siya.
"Ngingiti ka pa, alam mo talaga kung anong kahinaan ko," lumapit siya at kinurot pa ang pisngi ko. "Mga limang shirt sa akin."
"Woah!" mabilis kong ibinigay sa kaniya lahat dahil lilima na lang 'yon. "1,500 lahat 'yan," inabot ko sa kaniya ang mga damit.
"Okay," nakangiti niyang iniabot sa akin ang 2,000. "Keep the change."
Nagtatalon ako sa tuwa dahil ang dami kong benta.
"Salamat sainyong lahat hanggang sa muli mga ka-petchay!" mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at masayang tinahak ang daan palabas.
Tinahak ko ang hallway nang may ngiti sa labi. Ilang araw akong kakain ng medyo masarap na pagkain dahil madami ang kita ko.
Nang makalabas ako ng Laurente ay natalisod ako sa isang bato kaya naman inis ko 'yong tiningnan. Sinipa ko iyon nang sobrang lakas.
"Ouch!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig na may natamaan. Agad ko 'yong hinanap, nakita ko ang isang lalaking nakapormal ng suot at nakahawak sa mata niya. Tumakbo ako palapit sa kaniya.
"Sorry, hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi bakit nandyan ka? Patingin nga," tinanggal ko ang pagkakatakip niya sa mata.
Nakonsensya ako nang makitang maitim ang ibaba ng mata niya. Buti hindi natamaan mismo sa mata.
"Sorry talaga," hinawakan ko ang parteng may maitim at saka ko hinipan.
"What the? What are you doing?" inis niyang sabi at saka inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa ibaba ng mata niya.
Natakot ako nang makita ko kung gaano kasama ang tingin niya sa akin. Nanginig ang buong katawan ko dahil sa paraan niya ng pagtingin. Parang papatay ng tao.
Petchay ka, Vinea!
Napangiwi ako nang ilang segundo na ay matalim pa rin ang tingin niya sa akin.
"Sorry talaga, hindi ko naman sinasadya. Sorry, dalhin na kita sa hospital," napatigil ako sa sinabi ko. Wala naman akong sapat na pera. Nagbaba ako ng tingin at nakamot ang pisngi ko.
Nakakahiya naman kasi kasalanan talaga ito ng batong 'yon. Ako na nga ang natalisod nakatama pa ako.
"No need," siniringan niya ulit ako nang masamang tingin.
Ang mata niya talaga nakakatakot naman.
"Just don't go near me again," tinalikuran niya ako at naglakad papasok ng Laurente.
"Hoy, sorry na," habol ko sa kaniya at hinawakan ang braso niya.
Para akong sumusuyo sa boyfriend dahil nag-away. Natawa ako sa sariling naisip.
"Sorry na kasi," malambing kong sabi. "'Wag ka na magalit. 'Di ko naman sinasadya," pinalambing ko pa ang tono noon.
Kumunot ang noo niya pero ang mga mata ay matalim pa rin tumingin sa akin. Nakakatakot naman ang tingin nito kala mo naman papatayin ako anumang oras.
Galit na galit?
"Okay. Get lost," tipid niyang sabi pero ang masamang tingin ay nando'n pa rin.
"Talaga? Paano 'yang pasa mo?"
Lumapit ako sa mukha niya at muling hinawakan ang pasa. Dinampi-dampian ko 'yon ng hintuturo ko, maingat na animo'y matatanggal noon ang pasa niya. Hindi kasi ako sanay na nakakasakit ng tao at saka naaawa ako.
"Sorry talaga."
Nagulat ako nang tingnan ko ang mata niya ay nakatitig siya sa akin. Titig na titig siya na animo'y kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko.
"Bakit?" nagtataka kong tanong at saka lang muling sumama ang tingin niya. Napalingon ako sa nakasulat na nakalagay sa gilid ng suot niyang pormal na damit na kulay gray at may necktie pa.
'Atty. Taxon Ken Baider'
Napamaang ako at nasapo ko ang bibig ko.
Petchay! Kill me now!
"Wag mo akong ipapakulong! Please lang. Hindi ko naman sinasadya, eh. Sorry na!" ang dami ko pang sinabi pero wala siyang ginawa kung hindi tingnan lang ang mukha ko. "Hindi ko talaga sinasadya kaya 'wag ka nang magalit sa akin. Attorney ka pala.." natutop ko ang bibig. "May nilabag ba akong batas? I'm sorry."
Hindi siya nagsasalita nakatingin lang siya sa akin. "Sorry na, hoy!" nangingilid na ang luha ko at anumang oras ay babagsak na iyon.
"Crazy," bulong niya habang nakataas pa ang gilid ng labi niya. Para bang wala lang sa kaniya ang nagawa ko.
Walang pasabing tumalikod na siya at iniwan ako. Pinunas ko ang nangilid kong luha.
Kala ko ipapakulong niya na ako buti hindi. Pinanood ko na lang ang likod niya habang naglalakad siya palayo.
Kahit naman masama siya tumingin nangingibabaw ang guwapo niyang mukha 'yon nga lang nakakatakot siya.
Akmang maglalakad na ako nang may boses na pumasok sa isip ko. Poging boses na hindi ko naman alam kung kanino. 'Yong sexy at kahit hindi mo tingnan ang mukha ng nagmamay-ari mai-imagine mo ang hitsura niya.
Parang narinig ko na ang boses niya pero saan?

Book Comment (400)

  • avatar
    Leanida B Nava

    ang ganda po story nabasa ko yung tatlong story ng Family Baider i hope na mailabas na rin ang book 2 ng Z4 The Lost Baider ganda po kase story

    22/12/2021

      0
  • avatar
    LennonCuartel

    it's amazing to read 🥰

    22/06

      0
  • avatar
    _mlbbwhiteroses

    Good

    26/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters