logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

UNDERWATER KISS

"If that's what you want," nakita ko ang malapad niyang ngiti.
Lasing man at mapungay ang mata ay nagagawa niya pa rin ngumiti na para bang fresh na fresh at bagong ligo.
10,000 hours
By: Dan+Shay and Justine Bieber
Do you love the rain?
Does it make you dance
When you're drunk with you're friends at a party?
Napapikit ako nang marinig ang boses niya. Totoong maganda, guwapo at swabe. Ewan ko ba kung bakit hindi na lang siya ang mahalin ko. Nasa kaniya na ang lahat pero kung mangyayari man 'yon.
Mahalin niya rin kaya ako?
What's your favorite song?
Does it make you smile?
Do you think of me?
When you close your eyes
Tell me what are you dreaming?
Everything, I wanna know it all.
Ang sarap sa tainga ng boses niya. Kumakalma ako at napupuno ng saya. Lumalakas ang tibok ng puso ko. Napapangiti ako na animo'y baliw na nakakakita ng masayang pangyayari sa isip.
I'd spend 10,000 hours and 10,000 more
Oh,if thats what it takes to learn that sweet heart of yours
And I might never get there but I'm gonna try
If it's 10,000 hours or the rest of my life
I'm gonna love you..
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Ipinagsalikop niya iyon at saka hinalikan.
Hinalikan niya ang kamay ko? Petchay!
Do you miss the road that you grew up on?
Did you get your middle name from your grandma?
When you think about your forever now
Do you think of me?
When you close your eyes
Tell me what are you dreaming?
Everything, I wanna know it all...
Unti-unti na akong hinihila ng antok. Tingin ko malapit na akong makatulog.
Taxon...
I'd spend 10,000 hours to 10,000 more
Oh, if that's what it take to learn that sweet heart of yours
And I might never get there but I'm gonna try
If its 10,000 hours or the rest of my life
I'm gonna love you.. Oohhhh
"Thank you," mahina kong sabi. Naramdaman ko na ang unti-unting paglukob ng antok pero bago ako tuluyang makatulog narinig ko pa siya.
"Anytime." Naramdaman kong tinuon niya ang kamay sa kama at humalik sa noo ko. "Sleepwell, my blabby."
Hinalikan niya ang noo ko?
KINABUKASAN
Pagmulat ko ng mata. Nanlaki ang mata ko dahil natulog si Taxon sa tabi ko. Nakayuko siya sa kama kaya dagli akong bumangon. Inayos ko siya kahit mabigat ay inihiga ko siya sa kama.
Nakakahiya naman! Bakit natulog siya nang nakayuko? Ano ba naman ito? Petchay!
Nang maihiga ko siya ay pupunta sana ako ng banyo pero hinila niya ako dahilan para mapahiga ako sa tabi niya. Inaantok pa ako mapungay pa ang mata ko at masakit ang ulo ko.
Petchay!
Hindi ko magawang gumalaw dahil ayaw kong gisingin ang pagtulog niya.
Gising yata ito, eh?
Sinipat-sipat ko ang mukha niya pero parang mahimbing na ang tulog niya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ulit ako sa tabi niya, sa dibdib niya.
"Shut! Akala ko mag-best friend lang? Tapos ngayon magkatabi? Dumada-moves si Taxon," napamulat ako ng mata. Nakita ko si Jave at Elle na nakatunghay sa amin ni Taxon.
Nakaunan ako kay Taxon. Nakayakap siya sa akin. Mahigpit na yakap na hindi ko itatangging kahit nakakailang ay gusto ko.
Petchay! Hala! Woah! Ang landi ko!
Bumangon ako kaagad.
"Hmm?" Tiningnan ako ni Elle na may pang-asar na ngiti bago siya bumaling kay Jave. "You're noisy! Nagising tuloy natin!"
"Hihi, sorry," nahihiyang sabi ni Jave. "Sige tulog lang kayo riyan," umakbay siya kay Elle at hinila na palabas.
Petchay naman! Ano bang ginagawa ko?
"Hmm," napalingon ako sa ungol ni Taxon. Nakapikit pa rin siya pero nanlaki ang mata ko nang magmulat siya at ngumiti sa akin.
"Good morning, blabby."
"Good morning din."
Napabalikwas siya ng bangon at tumingin sa akin.
"We sleep together?" Nanlalaki ang matang sabi niya. "No! Hindi ako tumabi saiyo, 'di ba?" Dagdag pa niya.
"Oo, eh, kasi ano.. ako 'yong ano nakatulog sa tabi mo," nahihiya akong nag-iwas ng tingin.
Nang lingunin ko siya ay nakangiti na siya.
"Really?"
"Oo. Naawa ako saiyo kasi nakayuko ka lang matulog kaya dinala kita riyan. Nakatulog din ako sa tabi mo."
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya.
"Sweet."
Napalingon kami sa may pinto. Si Kil at Diamond parehas malaki ang pagkakangiti.
"Best friend, huh?" Sarkastikong sabi ni Kil.
Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil nahihiya ako. Wala naman kaming ginawang masama hindi naman sinasadyang makatulog at saka wala namang masama roon.
Natutulog naman talaga nang magkatabi ang mag-best friend, 'di ba?
"Kunwari pa si ate mo girl," pang-aasar naman ni Diamond.
"Hey, stop that. Why are you two doing here?"
"We're going to invite you two for breakfast sana kaso naglalambingan pa kayo," sabi ni Diamond.
"Tara na nga. Istorbo tayo," sabi ni Kil at hinila na si Diamond.
"Sorry, we should not like this. May boyfriend ka ayaw ko nang ganito," tumayo siya.
"Oo nga, eh. Sorry rin hindi naman natin sinasadya." Nahihiya akong tumingin sa kaniya. "Pero salamat pa rin."
"Yeah."
Pinanood ko ang paglalakad niya palabas ng kwarto.
"Baba ka para mag-breakfast," sabi niya bago ako tuluyang iwan.
Brekley calling...
Napatalon ako sa biglaang pag-ring ng phone ko.
"Brekley!" Masigla kong bati.
"Kumusta, babe? Sorry I was busy I can't answer your text and calls."
"Ahm wala ka bang naalala?"
"Ah-- anniversary ba natin?"
Nilamon ako ng kalungkutan nang sabihin niya iyon. Hindi niya talaga naalala. Iyon ang masakit na katotohanan.
"Hindi, birthday ko kasi kahapon," nangilid na ang luha ko.
"Oh, Oo nga. Sorry, babe. Babawi ako saiyo pag-uwi ko."
Tumulo na ang luha ko.
Sorry nanaman? Babawi nanaman? Lagi na lang?
"Hey, let's take a bath together."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang tinig ng babae sa kabilang linya.
"Brekley? Sino 'yon? May kasama ka ba riyan? Ano--"
"Wala, nanonood kasi ako. TV lang 'yon."
Pero rinig na rinig ko ang sinabi ng babae. Nag-unahan ang mga luha sa pisngi ko. Pinilit kong 'wag maging garalgal ang boses ko.
"I'll call you later. Bye, babe. I love you," rinig ko pa sa kabilang linya ang tila ba tunog ng paghalik.
"Bye, I love you."
Nanlulumo kong ibinaba ang tawag. Hindi ko namalayang tumatakbo na pala ako pababa ng hagdan. Rinig ko pa ang mga tawag nila sa akin nang makita akong tumatakbo. Tinahak ko ang daan papunta sa beach at doon na ako humagulgol. Napaluhod ako at humagulgol na nang todo.
"Ang sama mo! Ang sama sama mo, Brekley! I hate you! I hate you!" Sigaw ko na ang tingin ay nasa dagat.
"Kung pwede lang piliin ang taong mamahalin hindi kita pipiliin kahit kailan! Galit na galit ako saiyo. Ang tanga-tanga ko! Ang tanga!"
Niyakap ko na ang tuhod ko. May kung ano sa akin na gustong pumunta sa dagat at magpakamatay na lang.
Alam kong hindi lang talaga ako ang babae niya. Nararamdaman ko iyon pero hindi ko magawang sabihin sa kaniya dahil natatakot akong iwan niya ako.
Hindi ko na maramdaman ang lamig ng tubig. Dire-diretso akong pumunta sa pinakamalalim.
I better die!
"I hate you so much! Ayaw ko na saiyo! Ayaw ko nang mabuhay!"
Narating ko ang sobrang lalim na parte at hinayaan na lamunin ng dagat.
I want to die..
Ipinikit ko ang mata ko. Nawawalan na ako ng hininga.
Wala naman akong halaga, wala!
Tanga na nga ako, mag-isa pa ako. Wala namang makaka-miss sa akin dahil wala akong pamilya.
Kung tatapusin ko ba ang buhay ko hindi na ako maghihirap? Nasaan ba kasi ang mga magulang ko? Bakit iniwan na lang nila ako?
Wala nang halaga ang buhay ko.
Bago pa ako malagutan ng hininga ay may humapit sa akin at binigyan ako ng hangin gamit ang labi niya. Hinapit niya ako palapit sa kaniya. Muntik na akong mawalan ng hininga kung hindi niya ginawa iyon. Ramdam ko ang lambot ng labi niya kahit ang ginagawa niya lang ay ang bigyan ako ng hangin. Humawak ako sa batok niya. Bigla ay nakaramdam ako ng takot, takot na iwan ko si Taxon. Kung si Brekley hindi ako pinapahalagahan si Taxon ramdam ko kung gaano ako kahalaga para sa kaniya at kung mawawala ako baka malungkot siya nang sobra. Ang taong nagbibigay sa akin ng saya at pag-aalaga na hindi ko kailanman nakuha.
Taxon.
Patuloy lang siya sa pagbuga ng hangin sa akin hanggang sa maiangat niya ako. Parehas kaming naghabol ng hininga.
Umubo ako nang umubo at hinabol ang hininga ko.
"Don't do that again! Fuck! You are giving me a headache!" Inis niya akong tiningnan nang masama.
Patuloy lang ako sa pag-ubo. Inalis niya ang mga nakaharang na buhok sa mukha ko.
"I hate repeating lines, but I said don't do that again, okay?" Niyakap niya ako nang mahigpit.
Umiyak ako nang umiyak sa balikat niya.
"Wala namang nagmamahal sa akin. Kaya okay lang na mamatay ako."
"Did you see me?" Iniharap niya sa kaniya ang mukha ko at pinakatitigan ang mukha ko. "I'm here," mahigpit niya ulit akong niyakap. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.
Natatakot ba siya?
Patuloy lang ako sa paghikbi. "I'm always here, blabby."
Inahon niya ako sa tubig. Nakita ko ang nag-aalalang mukha nilang lahat. Kinuha ni Taxon ang inaabot ni Elle na towel at ibinalot sa akin.
"Jave, I think she needs you."
Nagtataka ko siyang tiningnan.
Bakit si Jave?
"Can you undergo personality test?" Lumapit si Jave sa akin.
"Huh?"
"You have suicidal attempts," malungkot na sabi niya at nagkamot ng noo. "Is this the first time you committed suicide?"
Napatingin ako sa mata niya. Lalo akong umiyak sa sinabi niya at saka umiling. Ngayon ko lang napagtanto na psychologist nga pala si Jave. Kaunting panahon at magiging propesyunal na talaga siya dahil ilang buwan na nang makatapos siya ng Psychology. Magte-take na lang siya ng board exam.
"This is not the first time?" Gulat na sabi ni Taxon at mahigpit na yumakap sa akin.
"Sinubukan ko na rin dati noong bata pa ako buti nakita ako ng iba pang bata. Noong minsang nag-away kami ni Brekley naisugod ako sa hospital ni Cecelia dahil naglaslas ako," umiiyak kong sabi.
"It's not good!" Noon ko lang nakita si Yannie. Lumapit siya sa akin. "I have depression, but Kean did his best to treat me until one day, nagkaroon kami ng anak nakatulong 'yon upang gumaling ako."
Ramdam ko ang kaba ni Taxon habang yakap ako.
"Taxon don't leave her especially when she's sad," sabi ni Kean.
Gano'n din si Kean psychologist dahil magkaklase sila ni Jave.
Hindi ko sila maintindihan kung bakit ba parang grabe ang pag-aalala nila sa akin.
Iniisip ba nila na may sakit na ako sa utak? Wala nga ba?
Inakyat ako ni Taxon sa taas at doon niya na ako dinalhan ng pagkain.
"Eat," ibinaba niya ang tray ng pagkain. "Are you going to take a test?"
Nag-angat ako ng tingin at umiling. "Ayaw ko."
"Okay, but if your mind change just tell me," hinawakan niya ang kamay ko. "Tell me everything."
Tumango lang ako. "Oo, dahil best friend kita."
Hinaplos niya ang pisngi ko at inilagay ang buhok sa tainga ko.
"Kahit bilang best friend mo lang."

Book Comment (400)

  • avatar
    Leanida B Nava

    ang ganda po story nabasa ko yung tatlong story ng Family Baider i hope na mailabas na rin ang book 2 ng Z4 The Lost Baider ganda po kase story

    22/12/2021

      0
  • avatar
    LennonCuartel

    it's amazing to read 🥰

    22/06

      0
  • avatar
    _mlbbwhiteroses

    Good

    26/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters