Chapter 2 Isang taon mahigit na akong nanirahan kay Rowin. Hindi ko parin makalimutan ang una naming pagkikita. Nuong naging kabayaran ako sa pagkakautang ng tatay ko. Nuong una ay hindi ko alam kung ano nga ba ng papel ko sa bahay na ito. Hindi rin naman ako kinikibo ni Rowin. Hindi ko din siya masyadong nakikita dahil palagi siyang nasa ibang bansa. Kapag nandito naman siya ay may kasamang babae papunta sa kwarto. Tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Close ko na din ang mga kasambahay rito. Nuong una ay masama ang kutob ko sa pinagkautangan ng tatay. Akala ko ay mga nagtutulak ng droga at mga Drug lord. Pero nakwento sa akin minsan ni Mang Pasing ang pinaka matandang kasambahay dito na hindi naman sa ganun. Mafia Boss nga pala talaga si Rowin. Pababa ako ng hagdan para tumulong sa pagdidilig ng halaman ng marinig ko ang boses na iyon. Ang boses na kinakatakutan ko . Parang nanigas ang mga paa ko sa kinatatayuan ko nang saktong lumandas ang mga mata ko sa Lalaking ito at nakatitig na ng malalim sa kin. Yumuko akong lalampas sana sa kanila kaso "Mendoza. Let's Talk..." Lalo akong kinabahan. Bawat pagtawag niya sa akin ay may dasal akong pinapasunod na sana wag kung ano ang ipagawa niya sa akin. "Leave Us. Manang Juice pahingi. Pakidagdag ng ice. " Sabi nito sa dalawang kaibigan na si Gab at Luke. Umupo ito sa Sofa at ngumuso sa harapn ng couch na nagsasabi sa akin na umupo duon. "I've finally found on how you are going to repay me. " Minatili kong hindi na umimik at naghintay sa mga sasabihin pa niya "Listen Miss Mendoza. You've been staying here for almost One year and you look like one of my Maids. Well, I didn't bring you here because of that." Sumandal ang kanyang likuran sa sofa at nahalukipkip sa harapan ko. Nagpakawala naman ito ng mabigat na paghinga bago pa man magsalita ulit. "You will be my wife. I mean you just have to pretend. But we need to marry in front of my parents. And live in my pad." Napaawang ang bibig ko sa narinig ko. Biglang bumaba ang paningin ko sa sarili ko. Papaanong humantong ako sa ganitong sitwasyong hindi ako makapgdesisyon para sarili ko at naging sunud sunuran. Parang wala nang silbi ang aking buhay. Ang pagpapakasal ko sa lalakeng ito ay katumbas nadin ng impyerno. He look so angelic on the outside but he is really scary as devil. Bigla nalang itong lumapit sa akin at tinungkod ang kamay sa mesa sa pagitan namin lara magkapantay ang mga mukha namin. Yumuko ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko siya kayang tignan sa mata. Ganito nalang lagi ang epekto niya sakin. Hindi ko maintindhan kung kaba o.. Sana wag naman. "Look. I don't like you Mendoza. I could hire another. Marami jan yung pwede kong pakasalan at the same time pwede kong halayin. But I hope you Understand, I'm helping you to pay your debts" Pinandiinan nito ang salitang 'debt'. Ngumisi ito ng nakakainsulto saka bumalik sa knyang upuan. Duon lang ako nakahinga ng maluwag. Wala naman akong choice kundi sundin kung anong gusto niya.. "Get dressed. " Tumayo ito at saka dumeretso sa pintoan ng kwarto "Saan tayo pupunta?" "To my Parents. I need to marry you right away." ************** Isang malaking magara na Gate na automatikong bumakas ang sumalubong sa amin. Nagdrive si Rowin papasok sa loob. Iginala ko ang mga mata ko sa kapaligiran. Nagagandahang Puno at halaman ang nakikita ko. Mukhang alagang alaga ang mga halaman. May mga nakita akong hardinero at ilang mga kasambahay na napalandas sa aming sasakyan. Tumigil ang sasaakyan at bumaba si Rowin. Akala ko pagbubuksan niya ako ng pinto pero dumeretso siya papasok. Samantala pinagbuksan naman ako ng Body guard at ngumiti ito sakin. Ginantihan ko rin ng ngiti. Pumasok ako sa bahay at nakita kong may kausap si Rowin na matandang nakawheelchair. Duon ko unang nakita si Rowin na napangiti at parang may pinaguusapan silang masaya ng matanda. Lola kaya niya ito? "Lianne Ija!" Nagulat ako sa boses na dumagundong mula sa itaas. Nakita ki ang isang babaeng nasa 40s na ata ang edad kasama ang isang lalake na nasa 40s na din ang edad. May mga hitsura pa ito. Pareho silang nakangiti na sunalubong sa akin. Bakit kaya? Yumakap sa akin ang babae. Gumanti rin ako ng yakap saknya "Lianne nice to finally meet you. You. Your simolicity makes you beautiful. Ako nga pala si Mira ang Mommy ni Rowin. You can call me Mom Lian and these jerk here is his Father Marco." Sinimangutan ni Tito Marco si tita Mira. I find them a funny couple. Maamo ang mga hitsura ng magasawa. Mukha silang mababait. Napakaswerte naman ni Rowin na magkaruon ng ganitong pamikya pero bakit kaya siya nagkaganyan? "Nice to finally meet you ija." Nakipagkamayan naman sa akin ang Daddy niya. "Hey, Finally I've got to meet you" Isang presensya mula sa aking likuran ang umagaw ng atensyon naming lahat. Pumihit ako at nakita ko ang isang lalakeng nakangiti sakin. Matipuno ang katawan at nakapamulsa "I'm Rohan. Rowin's Loving Brother. Nice to meet you Lianne" At inabot niya ang aking kamay saka ito hinalikan. Naweiwerduhan ako sa pamilya niya lahat sila masasayang kausap samantalang si Rowin nakakatakot "Cut your Loving Brother Rohan" Lumapit naman si Rowin saakin at inakbayan ako Para akong inakyat ng ilang boltahe ng kuryenteng nang nagdikit ang balat ni Rowin sa akin "Kambal ko si Rohan Lianne. And that is my lola" tinuro niya sa akin ang Babaeng nakita ko kanina sa may labas na nakawheelchair. "Let's eat." Sabi ng mama niya at inakbayan ako papunta sa kusina Ang sarap siguro mamuha kapag ganito ang pamilya mo. Hindi manlang nahawaan si Rowin ng kabaitan ng pamilya niya. Nang kumain kami ay tanung ng tanong ang mama niya sa akin. Naawa siya nang malaman ang buhay ko. Pero hindi ko sinabi kung paano ako nakuha ni Rowin. Nagpalakad lakad ako sa hardin nila. Nanh makita ko ang Lola niyang may hawak sa isang Kwintas ng... parang identification necklace ng isang Sundalo? "Lola?" Humarap ako sa kanya at tumingin naman siya sa akin. Di kalaunan ay ngumiti siya sakin. Umupo ako para magkapantay kami. "Ano po iyang hawak mo Lola?" Dumungaw siya sa hawak sa kamay at pinag higpitan ang hawak rito. "Ito ang mahal ko. Ito siya. " Lola kaya ni Rowin ang sinasabi niya? Sundalo lolo ni Rowin tapos Gago ang apo niya? "Naalala ko pa nuong huling beses ko nang nasilayan ang ngiti ng asawa ko. Ang Lolo ni Rowin. Isa siyang magiting na sundalo. Salat sa gera at minsan iniisip ko ang bansa na ang asawa niya." "Hindi nga siya makapili kung ano ang mas mahal niya ang bansa o ako. Pero mahal na mahal ko ang asawa ko. Ito. Ito ang huling sulat niya sa akin. Halos gumuho ang mundo ko nang ito ang ibinigay sakin at ang kwintas niya hindi ang katawan niya umuwi at sasalubong ng ngiti sa akin." Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Hindi ko alam pero ramdam ko ang puot at sakit sa pagkwekwento ng Lola ni Rowin. Pinahid ko agad iyon at hinawakan ang kamay ni lola. "Ipinangako ko sa sarili kong hindi ko babasahin ito hanggat sa araw na mamatay ako.... " "Lola... kung nasaan man po si Lolo mahal na mahal kayo nun at kahit na sa huling segundo ng paghinga niya alam kong kayo parin ang inisip niya. " Nguniti ito at siya na ang nagpahid sa luhang lumandas sa mukha ko. "Alam kong makakabuti ka sa Apo ko Ija..." *********** Nang lumalim ang gabi ay nagpaalam na kami at umuwi. Hindi akk umimik sa loob ng sasakyan at idnungaw ang mga mata ko sa bintana "Si Lola.." panimula ni Rowin na bumasag sa katahimikan kaya nilingon ko ito. "She kept mo requesting me to let you go to our house. I think she likes you " walang ekspresyon sa mukha niyang sinabi Huminga ako ng malalim at pinisil ang mga daliri ko "Sabihin mo nalang sa akin kung kailan ko siya pwedeng dalawin." Sagot ko sa kanya "Sige Ipapahatid kita sa mga kaibigan ko" Yea. Sa mga kaibigan din niya katulad niya. Nakakatakot silang lahat. Dun sa mansyon nila saka lang ako lumalabas kapag wala silang lahat. Paano dun silang lahat may mga babae pa minsan. "And for the Wedding settled na iyon next week. Bukas papasamahan kita sa Assistant ko para pumili ka ng gusto mong isuot. " Tumango tango nalang ako. Nakarating din kami sa mansyon at bago pa man siya makapasok sa pintuan ay hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob ag nagtanong sakanya "Bakit mo ba ako kailangang Ikasal?" Napatigil siya at humarap sakin. Malalim ang titig nito na parang namumula pa ang mga mata nito. "I think A slave does not have the right to ask those kind of questions. Mendoza you are just a slave and you do anything what I told you...."
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 34 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (97)
Given Barizo
eventually
17/01
2
Dan Alfred Miranda Archibal
Maraming salamat sa paggawa ng kwentong ito napaka ganda
eventually
17/01
2Maraming salamat sa paggawa ng kwentong ito napaka ganda
12/11
0good
01/11
0View All