logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 9

"MAHIGIT nang isang linggong nawawala si Carmella. Pero wala pa din tayong balita kung ano ang nangyari sa kanya. Kung nakaligtas ba siya sa pagsabog nang barko." Ungkat ni Matilda sa kanyang mga anak habang sila'y nag-aalmusal. "Nakakapagod na ang magpabalik-balik sa tanggapan ng mga awtoridad. Hanggang ngayon ay wala pa din silang alam kung nakaligtas ba si Carmella o kabilang ba siya sa mga nasawi sa trahedyang 'yon."
"Baka patay na si Carmella," wala sa loob na sabi ni Malou. Humihigop ito ng mainit na gatas.
"Pst! Ate!" pasimpleng sinipa ni Ester ang binti ng nakakatandang kapatid.
"Aray!" reklamo ni Malou. "Bakit? Totoo naman 'diba?
"Ikaw kasi ikinulong mo si Carmella sa cabin," paninisi ni Ester sa ate niya. 
"Sumang-ayon ka din naman 'diba?" tila pang-aasar ni Malou. "Hindi naman natin kasalanan na masunog ang barko. Nataranta na din ako. Siyempre, mas uunahin kong isalba ang sarili natin kaysa kay Carmella. Kung pinuntahan natin siya sa cabin, malamang pati tayo nasunog ng buhay!"
Nainis si Matilda sa pagbabangayan ng mga anak.
"Tumigil nga kayo baka may makarinig sa mga sinasabi n'yo. Walang dapat makaalam na kayo ang nagkulong sa kanya sa loob ng cabin."
"Mom, ito kasi si Ester parang ako ang sinisisi sa maaring nangyari kay Carmella. Samantalang noong naririto pa si Carmella sa bahay, siya naman ang malimit manakit kay Carmela."
Iningusan ito ni Ester. Pero hindi na nagsalita. Nagdadabog na dinampot nito ang isang slice bread at kinagat.
"Mom, akala ko ba mainit ang dugo mo Carmella? Bakit nagpapakapagod kayong pumunta sa presinto para alamin kung nakita na ang katawan niya?"
"Siyempre! ang laki ng utang niyang pera sa akin. Thank you nalang ganun?!" Sagot ni Matilda sa panganay na anak.
"Paano kung patay na si Carmella?" sabat ni Ester. Ang paningin nito ay nasa tinapay na kinakain.
"Hindi maaaring mamatay siya na hindi muna ako binabayaran sa perang inutang niya." Sagot ni Matilda. Tumayo ito. "Pagkatapos n'yong kumain, maglinis kayo ng buong bahay. Pupunta ako sa palengke para maningil."
"Ayokong maglinis," reklamo ni Malou. "Masisira ang skin ko. Maghanap na lang tayo ng ibang katulong."
"Sayang ang ibabayad ko sa kukunin na katulong. Ikaw na Ester ang maglinis ng buong bahay at ikaw naman Malou, maglaba ka. Umaapaw na ang mga labahin na damit sa laundry basket."
Hindi na binigyan ni Matilda ng pagkakataon na sumagot ang mga anak. Tumalikod ito at lumabas ng kusina.
"Ikaw kasi, Ate!" Kinumpronta ni Ester ang nakakatandang kapatid.
"Ano na naman ba ang ipinagngingitngit mo, ha, Ester?!" Inis na tumayo si Malou. "Sisisihin mo na naman ba ako?"
"Hindi naman sa sinisisi kita," sagot ni Ester. "Paano kung patay na nga si Carmella? Paano na tayo?"
"What?" Hindi mawawaan ni Malou ang ibig sabihin ng kapatid. "Anong paano na tayo?"
"Tayo na ang gagawa sa mga gawain ni Carmella dito sa bahay." Sagot ni Ester na nakaismid. "Hindi naman alila ang beauty ko, 'noh!"
"Huwag ka mag-alala, kilala ko si Mom. Hindi niya tayo pahihirapan katulad ng ginagawa niya kay Carmella. Mga anak niya tayo. Kukumbinsihin ko siya na kumuha ng bagong katulong."
"Nakakainis! Nakakatamad maglinis!" Reklamo ni Ester. Nagdadabog na niligpit nito ang mga platong hugasin.
"Tinatamad nga din ako maglaba." Sagot ni Malou. "Dadalhin ko sa Laundry Shop ang mga labahin. Ayokong masira ang mga kuko ko, bagong manicure pa naman ako."
Tila nagliwanag ang mukha ni Ester nang ito ay may maalala.
"Alam ko na," sabi nito. "Ang anak ni Aling Pacing na si Sabel, babayaran ko siya para maglinis ng bahay. Umalis naman si Mom, hindi niya malalaman."
Ngumiti ng makabuluhan si Malou.
"Puwede,"
Nag high-five ang magkapatid. Sabay na lumabas ang dalawa sa kusina.
"PRINCE, isa siyang katulong!" sabi ni Camellia sa pamangkin nang magbalik na ito sa Destiny Island. Hindi pa man nakakaupo sa sofa ang binata ay ito na paksang binuksan ng ginang dahil hindi nito matanggap na si Carmella ay isang hamak na alila.
Hindi natuloy sa pag-upo sa sofa si Prince. Napalingon ito sa tiyahin.
"Nalaman ko sa kanya kahapon na naninilbihan siyang katulong sa isang kamag-anak niya. At kaya siya napunta sa barkong nasunog na iyon ay dahil isinama siya ng mga pinsan niya para gawing alalay ng mga ito!"
"Kawawa naman pala si Carmella, Tita!" Sabi niya at naupo sa sofa. "Hindi ko nagustuhan ang ginawa nila kay Carmella."
"Yes, tama ka, nakakaawa siya. Para siyang si Cinderella na merong mapang-api na tiyahin at dalawang pinsan na pawang mga salbahe at umaapi sa kanya. Malimit nilang saktan si Carmella, pero hindi iyon ang pinupunto ko, Prince!"
"Anong ibig mo ipabatid sa akin, tita?"
"Si Carmella ay hindi ang babaeng nararapat sa iyo!" tahasang sabi ni Camellia. Napahawak ito sa noo. "Hindi kayo nababagay sa isat-isa. Langit at lupa ang pagitan n'yong dalawa. Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan n'yo. Kung siya ang pipiliin mo na maging asawa, it would be a disaster!"
"Tita!" Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.
"Bakit hindi nalang si Nicole ang ligawan at pakasalan mo, Prince?" Suhestiyon ni Camellia. Umupo ito sa sofa na katapat ng inuupuan ng pamangkin. "Galing kayo pareho sa isang Buena Familia, hindi n'yo na kailangan mag-adjust sa isa't-isa dahil magkaibigan kayo. Higit sa lahat, you belong to the same profession. Huwag na si Carmella,"
"Tita, magkaibigan lang kami ni Nicole. Wala akong paghanga sa kanya, hindi ko siya mahal. Si Carmella ang gusto ko, ang mahal ko."
"How can you love somebody you've only just met in your whole life? Nababaliw ka! Ang hindi ko maintindihan, how can you chose her over Nicole samantalang ipinadpad lamang siya ng alon rito while Nicole was often with you?"
"We have talked about this matter for a long time. My fate is similar to the fate of my Dad and Grandpa Roque. My wife should come from the sea. I can't explain but I have a feeling that my heart has known her for a long time. Carmella is the woman destined to be my wife."
Napatayo si Camellia.
"My god! Stop this nonsense, Prince! I'm getting tired of hearing this fantasy!" Inis na sabi ng tiya niya. Nakipagtitigan ito sa kanya. "Kuwentong barbero lang ang sinasabi sa'yo ng Papa mo at Lolo Roque mo kaya hindi mo dapat inaasa ang pag-aasawa mo sa mga sinabi nila sa'yo. Isang sikat na novel writers ang Lolo Roque mo, produkto lamang ng mayamang imahinasyon niya ang tungkol sa kapalaran ng mga lalaking Fuentevilla."
Ngumiti lang si Prince sa tiyahin na lalo naman na ikinainis ng ginang.
"I know what I'm doing, Tita. Maniwala ka sa akin, katulad nina Papa at Lolo ay alam kong bigay ng dagat sa akin si Carmella. I understand your worries and fears. Tita, alam kong magiging maligaya ako sa piling ni Carmella."
"Naku! Iwan ko sa'yo na bata ka! Bakit ba kasi hinayaan ka ng Mama mo na lagi pumarito sa Destiny Island noong bata ka pa, ayan tuloy nalason na 'yang utak mo sa mga kuwentong walang katotohanan."
Inakbayan ni Prince ang tiyahin.
"Hindi ba sabi mo kung saan ako magiging masaya, susuportahan mo ako? Naalala mo ba, Tita?" May paglalambing na tanong ni Prince sa tiyahin na nakasimangot.
Umirap si Camellia.
"Tita?" Kiniliti niya ito sa tagiliran. "Smile ka na, alam mo ba na pagod ako? Tapos tatalakan mo lang ako."
"Hmp! Bahala ka na nga." Nakaingos na sagot ng ginang. "Huwag mo akong sisisihin pagdating ng araw, at huwag mo sasabihin na nagkulang ako sa'yo ng paalala. Alam ko naman na hindi mo ako pakikinggan, basta ang hiling ko lang ay maging masaya ka sa mga desisyon mo sa buhay."
Tumango-tango siya.
"Nasaan siya?" Pag-iiba ni Prince sa usapan. "I'm so excited to see her again lalo na at natanggal na ang benda sa kanyang mga mata."
"Naroon siya sa kuwarto niya," walang emosyon na sagot ni Camellia. "Puntahan mo na siya at ako naman ay magpapahinga na muna dahil napagod ako."
"Napagod?" Ulit niya.
"Oo, napagod ako magpaliwanag sa'yo hindi ka naman nakikinig,"
Natawa siya. "Sige na, Tita. Pupuntahan ko na muna si Carmella sa kanyang silid."
Tumango lang si Camellia. Humalik sa kanyang pisngi ang pamangkin bago umalis sa harapan niya. Nasundan nito ng tingin ang binata.
Naiiling ang ulo na tinungo na ni Camellia ang kanyang silid.
PINUNTAHAN nga ni Prince ang dalaga. At ganun nalang ang gulat nito nang mapansin siya na kanina pa nakatayo sa may pinto.
"Hi!" Bati ni Prince.
"H-hello," alanganin pa na sagot ni Carmella. Ngumiti sa kanya ang lalaki na lalong nakadagdag sa kaguwapuhan nitong taglay.
"Kumusta ang pasyente ko? Hindi ka ba nahihilo? Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?"
Napakunot ang noo ni Carmella.
"S-sino po ba kayo?" Tanong niya sa lalaki. Ngayon lang niya ito nakita.
"Oh, pasensiya na," sabi naman nito. "Ako si Prince. Prince Fuentevilla. Ako ang nakakita sa'yo sa dalampasigan na walang malay-tao. At ako rin ang nagdala sa'yo rito."
Napamulagat siya.
"Ikaw ang pamangkin ni Miss Camellia?"
"Yes," sagot nito na muling ngumiti sa kanya.
Lumakad ang lalaki palapit sa kanya. Hindi niya nagawang ikurap ang kanyang mga mata.

Book Comment (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters