logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

"Ito ang pagkain mo. Sige kumain ka na at pagkatapos ay ayusin mo ang mga damit namin sa mga bag. Siguraduhin mo lang na hindi magugusot, malilintikan ka talaga sa akin!" mariing bulong sa kanya ni Malou.
Tumango naman si Carmella. Nakapukos ang kanyang mga mata sa pagkain na nasa platong hawak niya.
NAPATINGALA ang ulo ni Carmella nang pasimpleng hilahin ni Ester ang dulo ng buhok niya.
"Aray," sambit niya. Hinawakan niya ang kamay ni Ester na may hawak ng kanyang buhok. "Nasasaktan ako, Ester. Bitiwan mo ang buhok ko,"
"Talagang masasaktan ka!" bulong sa kanya ni Ester. "Gusto mo ba ipaalala ko sa'yo kung bakit ka narito?"
"Ilusyunada ka!" lalong humigpit ang pagkakahawak ni Astra sa braso niya.
"Hoy, Carmella! Isinama ka namin rito para maging alalay." Wika ni Ester at binitiwan na ang kanyang buhok.
Dinuro siya ni Astra, napatigtig siya sa daliri nito kaya naduling siya. "Impakta ka, huwag kang ambisyosa! Hindi ka namin isinama rito para mag-enjoy. Dapat sa'yo nasa loob ka lang ng cabin at hintayin kung ano ang iuutos namin sa iyo!"
Bumulong si Ester sa nakatatandang kapatid.
"Ate, ano kaya ang mabuti nating gawin para hindi na gumawang lumandi ng babaeng 'yan dito. Mukhang nauungusan niya tayo. Ikaw din, baka mamaya maagawan niya tayo ng atensiyon sa mga lalaking gusto magpakilala sa atin."
"Ako ang bahala," sagot ni Astra. "Sisiguraduhin ko na hindi makakalabas sa cabin ang babaeng ito!"
"T-teka, saan mo ako dadalhin? Bitiwan mo ako, Astra!" reklamo niya nang marahas siyang hilahin ng pinsan niya.
"Tumahimik ka!" singhal nito sa kanya.
Napansin ni Carmella na pabalik sila sa cabin. Ang takot na naramdaman niya ay nawala. Ang nasa isip niya kasi na baka ihagis siya sa dagat ng mga pinsan niya.
Patulak siyang ipinasok sa loob ng cabin ni Astra, kamuntik na siyang matumba.
"Dito ka lang. Hindi ka lalabas hanggat wala kaming pahintulot!"
"Ester, halika na at baka hanapin tayo ng celebrant,"
"Iyong mga bag namin ha, siguraduhin mo na kompleto dahil naroon ang mga gamit namin!" pahabol naman sa kanya ni Ester, panay ang sipat nito sa hawak na salamin kaya hindi nito napansin ang isang upuan na nakaharang sa daraanan.
Na out of balance si Ester at kamuntik ng sumubsob sa sahig, mabuti nalang at naging maagap si Malou, nahawakan nito sa bewang ang kapatid.
"Tumingin ka kasi sa daraanan mo, paano ka makakaakit ng guwapo't mayaman na lalaki kung lalampa-lampa ka." Bulong ni Malou sa kapatid.
Inis na napapiksi si Ester. Luminga ito kung may nakatingin ba sa kanya. At nang masiguro na walang nakatingin ay pinagpag nito ang suot na gown.
"Ate naman kasi, bakit gown pa ang isinuot natin. Tignan mo ang suot ng mga bisita ng kaibigan mo. Karamihan naka-maong at blouse lang. May mga naka-dress pero hindi naman gaya ng suot natin na naka-gown." Reklamo ni Ester. Nag stomach in pa ito para hindi makita ang malaki niyang tiyan. "Para tuloy tayong a-attend ng Santacruzan!"
Kumapit si Malou sa braso ng kapatid.
"Huwag ka na nga magreklamo. Kaya ganito ang suot natin para tayo ang center of attraction ng mga boys rito. Napag-usapan na natin 'yon 'diba?" paalala nito kay Ester. "T'saka maganda naman ang suot natin, sosyal ang dating. Hindi gaya ng ibang bisita na narito mga pambahay lang ang suot."
Napakibit-balikat si Ester. "Kung sabagay may point ka naman ate. Hindi rin biro ang presyo ng gown na suot natin."
"Tara na, doon tayo sa umpukan ng mga boys na bisita." Kinikilig na sabi ni Malou.
Nakipaghalubilo nga ang magkapatid sa iba pang bisita na naroon.
Pagkatapos lantakan ni Carmella ang pagkain na inihatid sa kanya nina Malou at Ester ay lumabas siya ng cabin upang mamasyal sa palagid. Hindi niya makita ang mga pinsan niya. Malamang panay ang mingle ng mga social climber niyang pinsan sa mga mayayamang bisita.
Pagkatapos ng apat na araw na paglalayag nila doon na siya pupuslit upang makatakas.
Nakarating siya sa upper deck nang may lumapit na isang bisita sa kanya. Guwapo ang lalaki at maganda ang tindig. Bumagay sa lalaki ang suot nitong tuxedo.
"Hi!" nakangiting bati nito sa kanya.
"Hello," nahihiyang ganti niya. Naiilang siya lalo na't mukhang mayaman ang lalaki.
"Why are you alone here?" tanong nito sa kanya.
Anak ng tipaklong! Spokening dollar pa itong kaharap ko! sa loob-loob ni Carmella.
"Ha, a, e, i!" napangiwi siya. Mapapalaban yata siya sa englishan. "Gusto ko lang mapag-isa,"
"May i know your name?"
"Carmella!" pakilala niya.
"Ako naman si Tristan!" pakilala nito.
Sus, marunong naman pala magtagalog pahihirapan pa akong umintindi! hiyaw ng utak niya.
Nakipagkuwentuhan sa kanya ang lalaki. Mabait ito at palabiro. Nalaman niyang isa itong doktor at kamag-anak ng celebrant. At nang tanungin siya kung kumain na siya ay sinabi niya ay hindi pa. Kaya naman niyaya siya nito sa buffet table para kumain sila at matikman niya ang iba pang handa.
Masama naman ang tingin ng magkapatid na Malou at Ester kay Carmella.
"Dapat kasi hindi na natin isinama rito si Carmella!" nagngingitngit ang kalooban na sabi ni Ester. "Mauunahan pa yata tayo na makabingwit ng mayamang lalaki."
Pinagmasdan ng magkapatid ang hitsura ng lalaking kausap ni Carmella. Hindi maitatanggi na galing ito sa Buena Familia.
"Halika, puntahan natin ang ambisyosa na babaeng 'yan!" hinila ni Malou sa kamay ang kapatid.
Katatapos lang ni Carmella kumain nang magpaalam sa kanya si Tristan na pupuntahan ang celebrant.
Nagulat siya nang may humaklit sa kanyang braso.
"Halika rito!" hinila siya ni Malou. "Ang kapal din ng mukha mo, 'no?!"
"Patay-gutom ka talaga, nakakahiya ka. Ano nalang ang sasabihin ng mga bisita sa amin ha?" piningot siya ni Ester. "Pinakain ka na nga namin, kumain ka pa din. Baka sabihin ng mga bisita may dala kaming baboy na palamunin!"
Hinawakan ni Carmella ang tenga niyang nasaktan.
"Ano ang karapatan mo na makihalubilo sa mga bisita, ha? Hindi ka na nahiya mukha kang basahan!" pang-iinsulto sa kanya ni Malou.
"Ate," kinalabit ito ni Ester. "Ngumiti ka kunwari, may nakatingin sa atin na mga bisita."
Ngumiti nga si Malou, ngunit mahigpit pa din ang kapit sa braso ni Carmella. "Hindi mo ba nakikita ang sarili mo, kung tutuusin hindi ka nararapat na narito. Isa ka lang basahan."
"Wala naman masama sa suot ko. Karamihan naman sa mga bisita ay mga nakasuot ng maong at blouse. Kayo nga ang dapat mahiya dahil kayo lang ang kakaiba. Narito kayo sa barko pero ang mga suot n'yo ay gown." Matapang niyang sagot.
Napangiwi siya, naramdaman niya na tila bumaon ang mga kuko ni Malou sa kanyang balat.
"Ano? Ang kapal ng mukha mong sabihin na dapat ay kami ang mahiya." Nandidilat ang mga mata ni Ester na nakatingin sa kanya. "Narinig mo Ate Malou?! Sinasagot ka ng impaktang 'yan!"
Sasagot pa sana si Carmella ngunit mabilis na siyang tinalikuran ni Astra. Lumabas ito ng cabin.
Napamulagat siya nang marinig niyang ini-lock ni Astra ang pinto ng cabin nila.
Patakbong tinungo niya ang nakasarang pinto, ubod-lakas niyang itinulak ito ngunit ayaw bumukas.
"Astra! Pakawalan n'yo ako rito!" sigaw niya. Kinalampag niya ang pinto. "Buksan n'yo ang pinto! Astra! Ester! Ano ba?! Hindi na ako lalabas ng cabin basta buksan n'yo lang ang pinto!"
"Manigas ka d'yan!" sigaw ni Ester.
"Maawa naman kayo, paano kung may masamang mangyari sa barkong ito? Paano ko maililigtas ang sarili ko kung hindi ako makakalabas rito?!" pagmamakaawa niya. Sinipa niya ang pinto. "Astra! Ester!"
"Pasensiyahan nalang tayo, Carmella! Mamamatay ka na d'yan kung matulad ang barkong ito sa SS MINNOW Ship na lumubog daan-taon na ang nakaraan." Sabi ni Astra. Naghagikgikan ang magkapatid. "Gagawin kang hapunan ng mga pating!"
Kinilabutan si Carmella.
"Buksan n'yo ang pinto!"
"Tara na, Ester, hayaan na natin ang babaeng 'yan diyan sa cabin."
"Bye, Carmella!"
Dinig niya ang hagikgikan ng magkapatid. Hindi pinansin ng dalawa ang pagmamakaawa niya.
UMABOT na ang gabi pero hindi pa siya binabalikan sa cabin ng mga pinsan niya. Kumakalam na din ang kanyang sikmura.
"Ano 'yon?!" gulantang si Carmella nang gumewang-gewang ang barko.
Boom!
Isang malakas na pagsabog ang narinig ni Carmella. Kasunod noon ay nagtilian na ang mga pasahero ng barko. Natataranta siyang tumayo mula kinauupuan niyang silya.
Sumilip siya sa bilog na bintana sa cabin. Nanlaki ang mga mata niya at nanggilalas nang makitang nasusunog ang barko na sinasakyan nila.
Inalihan siya ng takot. Kinalampag niya ang pinto. Kinuha niya ang silya at ipinukpok iyon sa pinto.
"Tulong! Buksan n'yo ang pinto, hindi ako makalabas rito!" sigaw niya. Muli niyang kinalabog ang pinto. "Parang awa n'yo na! Tulungan n'yo ako, hindi ko mabuksan ang pinto!"
Nakita niya ang mga pasaherong nagpa-panic.
Nagtatakbuhan ang mga pasahero ang iba ay nagtutulakan pa. Hindi siya pinansin ng mga dumaraan na mga pasahero sa tapat ng cabin nila.
"Dios ko, parang awa mo na iligtas mo po ako!" umiyak na siya. Parang gusto na niyang mawalan ng pag-asa na makakalabas siya sa cabin. Kinalampag niya ang bintana at sumigaw para humingi ng saklolo.
Nakita ni Carmella ang mga pinsan niya, bakas sa mukha nila ang takot.

Book Comment (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters