logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 19

BARANGAY AMAYA.
"Kristina! apo!" Malakas na sigaw ni Aling Lorna habang tumatakbo sa buhanginan pabalik sa kanilang dampa na malapit sa aplaya. 
Mabilis na tinanggal ni Kristina ang kaldero sa kalan, lumabas siya ng kubo. Muli niyang narinig ang malakas na sigaw ng kanyang lola.
Nakita ni Kristina ang kanyang lola na nagmamadali na lumakad, bakas sa mukha niya ang pag-aalala nang salubungin ang lola niya.
"Bakit ka sumisigaw lola?" agad na tanong ni Kristina. 
"Apo, may nakita ako na lalaki at naroon siya sa aplaya nakahandusay. Hindi siya gumagalaw apo, p-parang patay na!" habol ni Aling Lorna ang paghinga. Dahil sa katandaan ay madali itong mapagod.
"Lalaki po?"
"Oo apo. Isang lalaki at duguan ang suot niyang kulay puting t-shirt. Natakot akong lapitan dahil parang patay na siya."
"Halika lola, puntahan natin ang lalaking sinasabi mo. Baka buhay pa siya at nawalan lamang siya ng malay."
Tinungo nila ang kinaroroonan ng lalaki na nakita ng lola niya. Alas-singko pa lang ng umaga kaya walang katao-tao sa aplaya.
Nakita niya ang nakahandusay na lalaki, hindi ito gumagalaw. Paluhod na naupo siya sa buhanginan, pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng lalaki. Pangahan, matangos ang ilong, namumutla ang maliit nitong mga labi, may bigote, malantik na pilik-mata at makapal na mga kilay.
Tumayo si Kristina at minasdan ang kabuuan ng lalaki. Dagling sumikdo ang kanyang dibdib dahil bakas sa basa nitong t-shirt ang maskulado nitong dibdib, ang matipuno nitong mga braso na may sugat at dahil basa ang kasuotan nito kumalat ang dugo sa suot nitong t-shirt.
Napasinghap si Kristina nang makitang gumalaw ang dibdib ng lalaki na kanina pa niya pinagmamasdan, noon siya natauhan, nangangailangan ng tulong ang lalaki.
"Buhay pa siya, Lola! Nakita kong humihinga siya!"
"Salamat naman sa dios kung ganun apo, tulungan mo ako. Kailangan madala natin siya sa ating dampa upang magamot ang kanyang sugat." Wika ni Aling Lorna.
Pinagtulungan nga nila ng kanyang lola ang walang malay-tao na lalaki, hindi iyon naging madali sa kanila dahil malaking lalaki ito kaya mabigat.
"Apo, maglaga ka ng dahon ng bayabas dahil iyon ang gagamitin muna natin sa paglilinis ng kanyang mga sugat. Pupunta na din ako sa bayan upang bumili ng gamot."
"May pera po ba kayo lola?"
"May naitabi akong tatlong-daang piso kahapon buhat sa paninda nating gulay. Sagot ni Aling Lorna.
"Lola, bakit hindi n'yo bawasan ang pera niya sa kanyang pitaka?" Suhistiyon niya. Nakita niya kasi ang pitaka ng lalaki at makapal iyon na tila maraming laman na pera.
Piningot siya sa tainga ng kanyang lola. "Aray naman po,"
"Apo, hindi kita pinalaki para gumawa ng masama. Hindi natin p'wede pakialaman ang perang hindi sa atin. Bibili na lamang ako ng ilang gamot na kakasya sa dala kong pera. Pakikiusapan ko na lang ang mga tindera sa botika sa bayan, mababait naman sila kaya puwede ko silang pakiusapan na pagkasyahin ang pera ko,"
"Mag-iingat po kayo, lola," kumakaway na bilin ni Kristina. Nag presenta siya na maiwan nalang sa kanilang dampa ang kanyang lola pero hindi ito pumayag.
"Nakapagluto na ako kanina ng sinabawan na isdang tilapya, kapag nagising siya pahigupin mo ng sabaw." Habilin ni Aling Lorna sa apo bago tuluyang umalis.
Matiyagang nagbantay si Kristina sa lalaking nakahiga sa kanyang papag na gawa sa kawayan, alam niyang matatagalan makabalik ang kanyang lola dahil may kalayuan sila sa kabayanan. Nakatira sila sa Amaya na malapit lang sa aplaya kung saan ay pangingisda ang kabuhayan ng mga taong nakatira doon.
Sa araw lang ng linggo kung sila ay mamalengke ng kanyang lola dahil iyon lang din ang araw na bumabiyahe ang mga jeep. May tricycle naman ngunit napakamahal ng singil at dahil sa pandemya ay nagmahalan na din lahat ng mga bilihin.
Nakatulog siya sa upuang kawayan na katabi ng papag na kinahihigaan ng lalaki. Naalimpungatan lang siya nang marinig ang ungol nito.
"Ung...!" muling ungol nito.
Tumayo si Kristina, pakiwari niya ay nilalamig ang lalaki dahil nanginginig ang katawan nito. Kumuha siya ng dalawang malalaking unan at inilagay sa gilid nito upang mabawasan ang lamig na nararamdaman nito.
Dinoble din niya ang kumot sa katawan ng lalaki. Naramdaman siguro nito ang panibagong init na lumukob sa katawan dahil natahimik na ito, nawala na din ang panginginig ng katawan nito.
Ala-una na ng hapon ayon sa maliit na orasan na nakasabit sa dingding ng kanilang dampa. Hindi pa din nakakabalik ang kanyang lola.
Nakaramdam na siya ng gutom kaya pansamantala niyang iniwan ang natutulog na lalaki, pumunta siya sa kanilang kusina upang kumuha ng kanyang pagkain. Doon na lamang siya kakain sa upuang kawayan na katabi lang ng papag na kinahihigaan ng lalaki.
Pagkatapos niyang kumain ay muli niyang ininit ang sinabawang isda, nagsaing ulit siya ng bigas dahil alam niyang gutom at pagod ang kanyang lola pagdating nito.
"N-nauuhaw ako, t-tubig," daing ng lalaki.
Mabilis na binitiwan ni Kristina ang hawak niyang walis ting-ting nang marinig niya ang boses ng lalaki.
"Sandali lang ginoo," wika niya bago nagmamadaling kumuha ng tubig sa banga.
"Saan ako naroroon?" tanong nito.
"Uminom ka muna ng tubig," ibinigay ni Kristina sa lalaki ang baso na puno ng tubig.
"Maaari ko ba malaman kung saan ako naroroon?" muling tanong nito pagkatapos uminom ng tubig.
"Ginoo, naririto ka sa aming dampa," sagot ni Kristina, pinakatitigan niyang mabuti ang guwapong mukha ng lalaki. "Hmm, nagugutom ka ba?"
"N-nagugutom ako, puwede ba makahingi ng pagkain?"
"Ikukuha kita ng iyong makakain," nakangiting sagot niya sa lalaki.
Kumuha siya ng isang platong kanin at isang mangkok na puno ng sinabawang isda. Matapos niyang maiabot sa lalaki ang pinggan at kutsara ay pinanood niya itong kumain. Nakita niyang nahihirapan ito kaya nagboluntaryo na siyang subuan ito. Hindi naman ito tumanggi, sadyang nanghihina pa ito kaya nahihirapan sa pagsubo.
"Gusto mo pa ba kumain?" tanong niya ng maubos nito ang pagkain na dinala niya. "Ikukuha pa kita ng makakain,"
Umiling ang lalaki.
"Busog na ako. Salamat sa pagkain," sabi nito pagkatapos uminom ng tubig.
"Walang anuman, ginoo. Ako nga pala si Kristina, ikaw?"
"Ely Abales. Paano nga pala ako napunta dito sa inyo?"
"Natagpuan ka namin ni Lola sa aplaya kaninang madaling-araw, wala kang malay-tao. Ang akala namin ni lola ay patay ka na."
"Maraming salamat sa inyo ng lola mo, Kristina. Utang ko sa inyo ang pangalawang buhay ko, makakaganti din ako sa kabutihan n'yo saakin." Matapat na sabi ni Ely.
"Huwag mo na isipin 'yon, kahit sino ang makakita sa kalagayan mo ay tutulungan ka." Sagot ng dalaga. "Ilang taon ka na, Ely? May asawa ka na ba kaya nobya?"
"Twenty-six na ako, binata at may girlfriend." Nakangiting sagot nito sa kanya, kitang-kita niya ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin.
"Nakakalungkot naman," pasimpleng bulong niya, nakaramdam siya ng lungkot sa nalaman na may nobya na ang lalaki.
"May sinasabi ka?"
Mabilis na nag-isip ng kanyang isasagot si Kristina. "W-wala. Magpahinga ka na uli. Mamaya pagdating ni lola ay may dala na siyang gamot para sa iyong mga sugat."
Muli ngang nahiga sa papag ang binata. Nagpapasalamat siya dahil sa pagkakaligtas. Kaya lamang ay sigurado siyang nag-aalala na ang kanyang ina at kapatid dahil nangako siyang tatawagan niya ang mga ito kapag nakarating na siya sa Isla na dapat ay pupuntahan niya.
Ganoon na rin ang nobya niyang si Monica, alam niyang labis na itong nangangamba sa ngayon. Kinatulugan na ni Ely ang pag-iisip sa mga mahal niya sa buhay.
Pasado alas-dos na ng hapon nang makarating sa kanilang dampa si Aling Lorna. Nakita nitong natutulog pa rin ang lalaki kaya nagpasya itong kumain na muna.
"Apo, kumusta siya?" tukoy nito sa lalaki.
"Nagkamalay na siya kanina lola, uhaw na uhaw siya kaya humingi ng tubig. Pinakain ko na din po siya. Nagkausap kami sandali, tinanong ko siya kung ano ang kanyang pangalan. Siya raw ay si Ely Abales.
"Narito ang nabili ko na mga gamot, ikaw na ang magpainum sa kanya ng gamot at napagod ako apo," inabot nito sa kanya ang supot.
"Sabi ko na kasi sa iyo Lola, na ako na ang pupunta ng bayan para bumili ng mga gamot ayaw mo naman pumayag." Guilty niyang sabi.
"Kailangan ko din kasi maglakad-lakad apo, upang makapag-ehersisyo. Sige na, puntahan mo na ang bintana, kailangan niyang makainom ng gamot upang madaling maghilom ang kanyang mga sugat."
Tumango si Kristina. Pinuntahan niya ang natutulog na binata.
"Ely, gising," mahinang tawag ni Kristina, tinapik niya ang pisngi nito. "Ely,"
"B-bakit?" tanong nito nang magmulat ng mga mata.
"Uminom ka muna ng gamot para gumaling na agad ang iyong mga sugat," sagot niya. Tinulungan niya itong makaupo.
"Maraming salamat, Kristina." Wika ni Ely matapos makainom ng gamot.
Ngumiti siya. "Sige, magpahinga ka na ulit at kailangan mo makabawi ng iyong lakas."
KINABUKASAN. Maagang umalis ang kanyang lola upang pumunta sa palengke. Dapat ay kasama siya ngunit pinaiwan siya ng kanyang lola upang bantayan ang kanilang panauhin.
Nagdidilig ng mga halaman si Kristina sa harap ng kanilang dampa, naramdaman niya na may nagmamasid sa kanya kaya tumigil siya sa kanyang ginagawa. Lumingon siya sa malit na bintana ng kanilang dampa.
Ngumiti siya nang makitang nakatingin sa kanya ang binata.
"Gising ka na pala," sabi ni Kristina. Inilapag niya ang hawak na regadera bago lumapit sa may bintana.
"Kagigising ko lang. Nasaan ang iyong lola?"
"Pumunta si lola sa palengke, pagtitinda ng mga gulay ang aming pangkabuhayan ni lola. Bumibili din siya ng mga huling isda, sugpo at kahit na anong laman dagat sa murang halaga upang ibenta namin dito sa aming baryo." Sagot niya. "Bukas pa siya ng madaling araw makakauwi, may kamag-anak kami na nakatira malapit sa palengke kaya doon siya nakikituloy."
"Palagi ka ba naiiwan mag-isa dito?"
"Minsan lang, dahil madalas ay magkatulong kami ni lola sa paglalako ng aming paninda."
"Nasaan nga pala ang mga magulang mo?"
"Ulila na ako. Anim na taon gulang lang ako nang sabay na namatay ang aking mga magulang, nalunod sila ng sila ay pumalaot." Malungkot na sagot niya.
"Ganun ba, pasensiya ka na, naitanong ko pa."
"Okay lang, Kaya mo na bang bumaba o diyan na lang kita dadalhan ng iyong makakain?"
"Nakakahiya naman sa'yo, malaking abala na ang nagagawa ko sa inyo ng lola mo."
"Wala iyon, sandali lang ha, ipaghahanda kita ng iyong almusal."
Nagmamadaling pumasok sa kanilang dampa si Kristina. Nagpunta siya sa kusina at kumuha ng pagkain para sa binata.
"Ikaw, bakit hindi mo ako sabayan kumain?" tanong ni Ely habang sumusubo ng pagkain.
"Kumain na ako kasabay ko si lola," sagot niya. "Ito nga pala ang mga gamot mo, inumin mo iyan para madaling gumaling ang mga sugat mo."
"Ilan taon ka na pala, Kristina?"
"Eighteen. Bakit?"
"Bata ka pa pala, pero kung titignan ka para ka nang ganap na dalaga."
"Marami nga ang nagsasabi na malaking bulas daw ako. Katunayan may mga nanliligaw na sa akin," may pagmamalaking wika niya.
"Talaga?" parang gulat na reaksiyon ng binata. "Mabuti pumapayag ang lola mo?"
"Nasa tamang edad na daw ako sabi ni lola. T'saka mabuti na raw iyong dito sa bahay ako ligawan, kaysa daw sa tabi-tabi."
"Sabagay, pero talagang napakabata mo pa para sa ganyang mga bagay."
"Dito sa Baryo Amaya, madalang ang mga babae na umabot sa edad bente na wala pang asawa. Palibhasa malayo ang nayon na ito sa kabihasnan, at puro hikahos sa buhay lang ang nakatira rito, kaya libangan na nila ang pag-aasawa at paggawa ng bata," parang inis na sabi ni Kristina.
"Bakit parang inis ka? May nasabi ba akong masama?" tanong ni Ely sa dalagita.
"Wala naman. Naiinis lang ako sa kalakaran dito sa amin, para bang wala na silang pangarap na makaahon sa ganitong uri ng pamumuhay. Maging si lola ay ganoon din, gusto niya sa pagsapit ko sa edad na bente ay may asawa na ako. Ngunit hindi iyon ang gusto ko dahil may pangarap ako." Paliwanag niya.
"Hindi ka na ba nag-aaral?" tanong ng binata sa kanya.
"Sa ngayon ay hindi na." Malungkot na sagot niya. "Dahil sa pandemya dito sa ating bansa humina din ang kita namin sa pagtitinda. May konting ipon na din naman ako, kaya sa susunod na pasukan nalang ako mag-aaral. Teka, bakit panay tungkol sa akin ang pinag-uusapan natin? Ikaw naman ang magkuwento ng tungkol saiyo."
"Mamaya nalang medyo kumikirot ang sugat ko," daing ni Ely.
"Sige, magpahinga ka na muna. Kukuha lang ako ng mga dahon ng bayabas para pakuluan at iyon ang ipanlilinis ko sa mga sugat mo."
Matapos na matulungan ni Kristina ang binata na mahiga sa papag ay nagpaalam siya dito para manguha na ng dahon ng mga bayabas. Kinuha niya ang basket sa kusina at nagmamadali siyang nagpunta sa duluhan kung saan maraming puno ng bayabas.

Book Comment (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters