logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 17

"AALIS muna ako, Tita," paalam ni Prince sa tiyahin.
"Kararating lang natin dito sa mansiyon, aalis ka na naman?"
Pinagmasdan ni Camellia ang pamangkin. Nakasuot ito ng simpleng polo shirt, jeans na hapit sa mga hita nito at sneakers na sapatos.
"Magkikita kami ni Ely," sagot ng binata.
Si Ely Abales ay first cousin niya at isang businessman. Ang business nito ay dried fruits na ene-export sa iba't-ibang bansa.
"Hindi ba't lagi naman busy 'yang pinsan mo."
"Oo nga, Tita," sagot niya. "May lakad si Ely, bukas. Nabanggit niya ang Isla Gilligan, pero wala siyang sinabi kung ano'ng sadya niya sa Isla. Pakiusap, ikaw na muna ang bahala kay Carmella."
Sumimangot ang tiyahin niya.
"Hindi na bata si Carmella,"
"Tita, kung puwede lang sana pakitunguhan mo ng maayos si Carmella." Mahinahon niyang sabi. Inakbayahan niya ito. "Alam ko na ayaw mo sa kanya para sa akin,"
"Alam mo naman pala, bakit pinipilit mo pa?"
"Paulit-ulit nalang tayo, Tita," sagot niya. Minasahe niya ang balikat nito. "Kahit na ayaw mo sa kanya, pakitunguhan mo pa rin siya ng maayos. Kung kaya mo'ng magpanggap na gusto mo siya, gawin mo alang-alang sa akin, Tita,"
"Haist, ano pa nga ba ang magagawa ko?"
"Aasahan ko 'yan, Tita," nakangiting turan niya. Mabilis siyang humalik sa pisngi nito. "Alis na ako, tatawag nalang ako mamaya para kumustahin si Carmella,"
Hindi sumagot si Camellia. Hatid-tanaw niya ang pamangkin na naglalakad palabas ng pinto.
Kring! Kring!
Inangat ni Camellia ang reciever phone.
"Hello?"
"Hi! Tita, Camellia!" sagot sa kabilang linya.
Nakilala ni Camellia ang boses nito.
"Ikaw pala, Nicole,"
Si Nicole ay best friend ng kanyang pamangkin. At isa rin'g Doktor.
"Kumusta, Tita?"
"Okey lang naman, ito kadarating lang namin dito sa mansiyon," sagot ni Camellia. Naupo ito sa sofa. Kinampay nito ang nakitang maid at nagpakuha ng orange juice.
"Talaga, po? E si Prince, puwede ko ba siya makausap?"
"Kaalis lang ni Prince, magkikita sila ng pinsan niya."
"Ganun ba," tila nalungkot ang boses ng dalaga. "Kumusta naman ang bakasyon n'yo sa Isla?"
"Okey lang naman," tipid na sagot ni Camellia. Nagpasalamat siya sa maid nang maihatid sa kanya ang orange juice. "May nangyari na hindi ko inaasahan,"
"What do you mean, Tita?" curios na tanong ni Nicole. "Don't tell me, nakita na ni Prince ang babae'ng matagal na niyang hinihintay sa Destiny Island ang kanyang bride ftom the sea? May mga binti ba siya o baka naman buntot ng isda ang meron siya?"
Narinig ni Camellia ang malutong na tawa ng dalaga sa kabilang linya. Hindi niya alam kung maiinis ba siya lalo na't hindi nakakatawa ang mga nangyayari.
Lalo na sa pamangkin niya si Prince.
"Well, tama ka, nakita na nga ni Prince ang kanyang bride from the sea at hindi siya sirena gaya ng biro mo. At para sa kaalaman mo, kasama namin siya dito sa mansiyon bilang bisita."
"What?" huminto sa pagtawa ang dalaga. "I think nagbibiro ka lang, Tita,"
"Sana nga nagbibiro lang ako, pero 'yon ang totoo." Sagot ni Camellia. "Bakit hindi ka pumasyal rito para makita't makilala mo si Carmella?"
"Carmella ang pangalan ng babae?" sumeryoso ang tono ng boses nito. "Ibig sabihin totoo ang mga kinukuwento sa akin ni Prince. Na ang mga napapangasawa ng mga lalaking Fuentevilla ay may kinalaman ang dagat."
"Stop that nonsense!" agad na saway ni Camellia. "Your old enough para maniwala sa mga kababalaghan, at kuru-kuro. Pareho lang kayo ni Prince, parang batang paslit na naniniwala sa mga bed time story."
"Para naman kasing totoo ang alamat ng mga Fuentevilla, Tita,"
"Ewan ko sa'yo, Nicole. Edukada ka'ng tao at naturingang Head Doctor ng OB department pero nagpapaniwala ka sa mga kuwentong barbero."
"Anong hitsura ni Carmella, Tita? Maganda ba siya at sexy?"
Saglit na natahimik si Camellia. Kung magsasabi siya ng totoo, hindi hamak na maganda si Carmella kesa kay Nicole. Ngunit ayaw naman niyang sumama ang loob sa kanya ng kausap.
"Hindi na mahalaga kung maganda at sexy ba siya. Basta ang alam ko ay hindi nababagay si Carmella sa pamangkin ko dahil hindi sila magkauri. Nangangamba ako na hindi maging tagumpay ang pagsasama nila bilang mag-asawa dahil magkaiba ang mundong ginagalawan nila. Araw-araw na nga kami nagtatalo because of that woman," inis na sabi ni Camellia. "Lagi kayong magkasama ni Prince, bakit hindi mo subukan na kausapin siya. Baka sa'yo ay makinig siya. Dahil hindi ko siya makausap ng matino, ayaw niya ako'ng pakinggan."
"I'm sorry, Tita, pero hindi rin ako pakikinggan ni Prince." Sagot ng dalaga. "Malaki ang paniniwala ni Prince sa sinabi sa kanya noon ng Lolo at Papa niya tungkol sa kanilang kapalaran sa pag-aasawa. At pinatotohanan pa ito ng mga Tiyuhin niya na ang dagat ay may kinalaman sa mga naging asawa nila. Tita, bakit hindi ka gumawa ng paraan na masira  si Carmella sa mata ni Prince?"
"Anong ibig mo sabihin?" hindi mawawaan ni Camellia ang nais ipabatid ng kanyang kausap.
"Bakit hindi ka gumawa ng hakbang para hadlangan ang pagpapakasal ni Prince sa babaeng napulot lang niya sa dagat. Pakiramdam ko hindi mo siya gusto para kay Prince, tama ba ako, Tita?"
Muling natahimik si Camellia. Hindi niya masagot ang kausap ng 'Oo o hindi' dahil kahit hindi niya gusto si Carmella para sa kanyang pamangkin, natitiyak naman niyang mabait ang dalaga. May pakiramdam siya'ng may mabuti itong puso.
Ang hindi lang naman niya matanggap ay ang plano ni Prince na pagpapakasal kay Carmella, na maging mag-asawa sila. Dahil langit at lupa ang pagitan nila.
Ang gusto niyang babae na maging asawa ng pamangkin niya ay isang edukada, sopistikada, at galing din sa isang Buena Familia. Hindi nakakahiyang ipakilala sa kamag-anakan, kaibigan, sa kahit kanino dahil magkauri sila. Parehong mundo ang ginagalawan.
Napakalayo ni Carmella sa babaeng higit na nararapat sa pamangkin niya.
"Are you still there, Tita?" pukaw ni Nicole sa pananahimik ni Camellia.
"Pasensiya ka na, hija," pagdakay sabi ni Camellia pagkaraan ng mahabang pananahimik. "Alam mo na ikaw ang gusto ko para kay Prince, pero hindi ko magawang panghimasakun ang damdamin ng pamangkin ko kahit na gustuhin ko man. Mahal na mahal ko ang pamangkin ko, kung saan siya maliga, maligaya na rin ako. Ako na ang tumayong pangalawang magulang niya kaya kahit na labag man sa kagustuhan ko ang desisyon niyang pagpapakasal kay Carmella, tatanggapin ko dahil 'yon ang gusto niya."
"Hindi pa naman huli ang lahat, Tita," sabi ng dalaga sa kabilang linya. "Ilang araw pa lang naman na nakakasama ni Prince ang babaeng 'yan, hindi pa niya ito lubos na kilala. Baka sa mga susunod na araw ay biglang may himalang mangyari. Magigising nalang siya na nagbago na ang isip niya dahil na-realize niya na isang kabaliwan ang ginagawa niya."
"Sana nga lang ay ganun ang mangyari, hija," sabi niya. "Posible na mangyari ang sinasabi mo. Hindi pa naman alam ni Carmella na siya ang babaeng mapapangasawa ni Prince, ang alam lang niya ay ikakasal ang pamangkin ko at a-attend lang siya sa seremonya ng kasal bilang bisita. At malay natin na baka si Carmella pa ang tumanggi sa kasal."
Napabuntong-hininga ang kanyang kausap. Saglit pa ay nagpaalam na sa kanya ang dalaga kaya ibinaba na niya ang telepono.
"Hi, Miss Camellia!"
Napaigtad naman sa gulat ang babae. Hindi nito napansin na nakatayo sa bandang likuran niya ang dalaga.
"C-carmella, k-kanina ka pa d'yan?" kanda bulol na tanong nito sa dalaga. Bigla itong kinabahan sa isipin na baka narinig nito ang pakikipag-usap niya kay Nicole sa telepono.
Ngumiti si Carmella.
"Ngayon-ngayon lang po," sagot ni Carmella. "Naiinip po kasi ako sa loob ng kuwarto kaya bumaba na ako dito sa sala."
"Nakikinig ka habang nakikipag-usap ako sa telepono?"
Mabilis na umiling ng kanyang ulo si Carmella.
"Naku! Hindi po!" mariin niyang tanggi.
Pinakatitigan siya ni Miss Camellia sa mga mata niya upang alamin kung nagsasabi ba siya ng totoo.
"Pasensiya na po kung naabala ko kayo," hinging paumanhin niya.
"Wala 'yon," sagot ng babae. "Sumama ka sa akin, ipakikilala kita sa mga maids. At kung naiinip ka ay maaari ka'ng mamasyal sa bakuran ng mansiyon."
"Salamat po, Miss Camellia,"
Tumayo ang babae. Gamit ang mga mata ay pinasunod siya nito sa paglalakad. Mabilis naman siyang sumunod.
Sa kusina siya dinala ni Miss Camellia. Naabutan nila ang dalawang maids na abala sa pagluluto para sa pananghalian.
"Magandang tanghali po, Madam," panabay na bati ng dalawang maids. Nakasuot sila ng kulay puti na uniporme.
Nakita niyang nagyuko ng ulo si Miss Camellia. Lumapit ito sa wall at may pinindot. Maya-maya lang ay pumasok ang tatlong babae na nakasuot naman ng kulay asul na uniporme.
"Magandang tanghali po, Madam!" panabay na bati ng tatlong babae.
"Ipinapakilala ko sa inyo si Carmella," panimula ni Camellia. Hinawakan nito sa balikat ang dalaga. "Bisita namin siya rito sa mansiyon, kaya marapat lang na pagsilbihan n'yo siya katulad ng pagsisilbi n'yo sa amin ni Prince."
Napaangat ng mukha si Carmella.
"Hindi naman po kailangan na pag-"
"Shut up!"
Biglang naitikom ni Carmella ang bibig niya. Natakot siya na baka magalit sa kanya si Miss Camellia.
Muling hinarap ni Camellia ang mga maids.
"Kapag may gusto siyang iutos sa inyo marapat lang na sundin n'yo. Maliwanag ba?"
"Madam, pamangkin mo din ba si Mam, Carmella?" tanong ng isang babae na siyang pinakabata sa kanila. "Maganda rin siyang katulad mo, Madam,"
Pasimpleng hinawakan naman ni Camellia ang kanyang mukha.
"Salamat," sabi nito na ikinatuwa ang salitang 'maganda'. "Pero hindi ko siya pamangkin,"
Nagkatinginan ang mga maids.
"Kung hindi mo po siya pamangkin, kaanu-ano po ninyo si Mam, Carmella?" tanong naman ng isa pang babae.
"Hindi na mahalaga kung ano ang ugnayan ni Carmella sa amin. Wala ng maraming tanong, sundin n'yo na lamang ang sinasabi ko."
"Yes po! Masusunod po, Madam!" panabay ng mga ito.
"Anyway, pupunta kami ni Carmella sa pool area." Sabi ni Camellia. Tumingin ito kay Carmella. "Gusto mo ba'ng magkape, Carmella?"
Tumango siya. Natakot siyang magsalita.
"Joanna, dalhan mo kami ng kape sa pool area," utos nito.
"Yes, Madam!" mabilis na kumilos ang babae na tinawag nito sa pangalang Joanna.
"Halika na, Carmella,"
Tumango lang siya. Hindi na niya nagawang magpaalam sa limang babae dahil tumalikod na si Miss Camellia. Walang lingon-likod na naglakad ang babae kaya sinundan niya ito.
Manila Golf Club.
Mahigpit na hawak ni Prince ang golf bat. Nag concentrate siya.
"Yeah!" hiyaw niya ng paluin ang golf ball. Halos isang dangkal lang ang layo ng bola sa hole. "Yes!"
Napalingon siya nang may tumapik sa balikat niya.
"Akala ko ba gusto mo'ng mag horse back riding?" tanong niya kay Ely na pinsan niya. Muli siyang umayos ng posisyos at muling tumira. Pumasok sa hole ang golf ball kaya napatalon siya sa tuwa.
"I changed my mind,"sagot naman nito. "Kahit lagi ka'ng busy sa hospital, hindi pa rin nawawala ang husay mo sa paglalaro ng golf."
Ngumiti lang siya. "O, ikaw naman,"
Tumanggi ito. "Kumusta na pala ang babaeng iniligtas mo?"
Napaangat siya ng mukha. Nabanggit niya minsan sa kanyang pinsan ang tungkol kay Carmella.
Inayos niya ang suot na sumbrero. Ipinatong niya ang mga kamay sa kanyang magkabilang bewang.
"She's doing fine," nakangiting sagot niya.
"Gusto ko na talagang paniwalaan na totoong may kinalaman ang dagat sa mga nagiging asawa ng mga lalaking Fuentevilla," sabi nito. "Ngunit ang babaeng nagpapatibok sa puso ko ay hindi ko nakilala malapit sa dagat. Ang nobya kong si Monica ay secretary ko sa opisina."
"Baka naman minsan na kayong nagkakilala ni Monica? Halimbawa sa mga beach." Turan niya.
Umiling ito ng ulo.
"I'm positive na sa opisina ko unang nakita si Monica," sagot nito. "Pero hindi pa naman kami kasal kaya hindi ko pa rin masabi na siya na nga ang babaeng nakatadhana kong maging asawa."
Bumuntong-hininga si Prince.
"Hindi naman mahalaga kung may kinalaman ang dagat sa relasyon ninyo ng nobya mo. Ang mahalaga ay nagmamahalan kayo,"
"Yon na nga," sabi nito at tumingin sa malayo. "Ewan ko ba, may pakiramdam ako na may inililihim sa akin si Monica. Tatlong taon na kaming may relasyon pero hindi ko maibigay ng buo ang tiwala ko sa kanya. There is something that i can't explain,"
"Pinagduduhan mo ba ang pagmamahal ng nobya mo sa'yo?" tanong niya.
"Honestly, yes!" pag-amin nito. "Halika na, magpahinga na muna tayo. Mamaya na natin ituloy ang paglalaro ng golf,"
Sumang-ayon naman siya. Naghanap sila ng makakainan. At doon na nila pinagpatuloy ang naudlot nilang pag-uusap.

Book Comment (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters