logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 11

KINABUKASAN ay maagang nagising si Carmella. Katatapos lang niya kumain ng almusal kaya nagpasya siyang tumayo malapit sa bintana. Mula sa kinaroroonan niya ay malaya niyang natatanaw ang malawak na karagatan.
Muling sumariwa sa isipan niya ang gabi na naglalayag siya kasama ang mga pinsan niya.
Kinilabutan siya nang makita sa kanyang balintataw ang eksenang nasa loob siya ng cabin habang nasusunog na ang barko.
Binalikan niya sa kanyang alaala ang eksena na nasa railing na siya ng barko upang tumalon sa tubig, naalala niyang may matigas na bagay ang tumama sa likod niya ngunit hanggang doon nalang ang kanyang naalala. Hindi niya alam kung paano siyang napadpad sa Destiny Island.
"Good Morning!"
Napaigtad si Carmella nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki.
Lumingon siya at si Prince ang nakita niya.
"Ikaw pala Dok," kiming ngumiti siya.
"Magaling ka na nga dahil nakakatayo ka na." Ngumiti ito sa kanya. "Hindi ka ba nahihilo?"
Umiling siya.
"Mabuti kung ganun. Nakapag-almusal ka na ba?" Tanong nito nang makalapit sa kinatatayuan niya.
"Katatapos ko lang po kumain," sagot niya. "Napadami nga po ang kain ko kaya ayoko muna maupo."
"Kahit magaling ka na kailangan mo pa din ipagpatuloy ang pag-inom ng iyong mga gamot." Sabi nito na tumanaw na din sa bintana. "Si Tita Camellia nga pala, pumunta ba siya rito sa iyong silid?"
"Narito siya kanina upang kumustahin ako. Ang sabi niya saakin ay aasikasuhin niya ang almusal mo."
Pinagmasdan niya ang lalaki. Nakasuot ito ng bermuda short at sandong puti. Labas ang kakisigan nito. Isa itong Doktor ngunit kahit abala ito sa hospital mukhang alaga nito ang katawan sa ehersisyo.
Sa buong buhay niya ngayon lang siya nagkaroon ng interes sa pisikal na anyo ng lalaki, kaya naman hindi na naalis ang paningin niya sa kabuuan ni Dok, Prince.
Mariin niyang kinagat ang ibabang labi niya sa pangambang tumulo ang kanyang laway.
Hindi napansin ni Carmella na nakaharap na sa kanya ang binata.
"Ehem!" Kunwa'y tikhim ni Prince upang kunin ang atensiyon ng dalaga.  Napansin niyang nakatingin ito sa binti niya.
Napaigtad naman si Carmella sabay angat ng paningin niya.
"Parang may masama kang binabalak sa balahibo ko ah?" Biro nito sa kanya.
Napahagigik ang dalaga.
"Manghuhula ka rin pala, Dok." Sabi niya. "Parang gusto ko ngang ahitin ang legs mo sa dami ng balahibo."
Pareho silang natawa sa sinabi niya.
"Hmm, Dok, bakit ganyan ang suot mo? Maliligo ka ba sa dagat?"
"Hindi," sagot ng lalaki. "Lagi akong napasyal dito sa Isla pero never pa akong nakaligo sa dagat dahil takot ako sa pating at sa ibang malalaking isda. Ang kuwento dati sa akin ng Lolo ko, marami daw siyang namamataan na pating dito sa Isla."
Nanlaki ang mga mata ni Carmella na parang nanggilalas sa takot.
"Dok, mabuti nalang pala hindi ako ginawang hapunan ng mga pating nang mapadpad ako dito sa Isla. Kinilabutan tuloy ako!"
"Pasalamat ka busog sila," sagot ni Prince. Napangiti siya nang mapansin ang paglunok ng dalaga na tila natakot sa sinabi niya. "Nang gabi na naganap ang pagsabog ng barko sa Isla Gilligan, nasa Siyudad ako. Napanood ko ang balita sa telebisyon na madami daw ang pasahero ng barko na hindi na lumutang. Malamang ginawa na silang hapunan ng mga pating kaya hindi ka na nila ginalaw."
Hindi na nagawang kumurap ng mga mata niya si Carmella habang nakikinig sa lalaki. Na-imagine niya ang magiging hitsura niya kapag nilapa ng pating.
"Natahimik ka yata?" Pansin nito sa dalaga. "Nagbibiro lang ako, Carmella.  Parang hindi mo yata nagustuhan,"
Napaismid siya. Nakahinga siya ng maluwang.
"Wala 'yon, Dok." Sagot niya. "Palabiro ka pala, 'yon nga lang in bad taste."
Tinawanan lang siya nito. Maya-maya ay inaya siya nito sa isa pang bintana. Sumunod naman siya rito.
"Dito mas maganda mag-usap. Maganda ang landscape at makikita natin ang lighthouse." Sabi nito.
"Tama ka, Dok." Sang-ayon niya. "Ang ganda ng view dito,"
Naramdaman niya ang pagdampi ng hangin sa kanyang balat kaya saglit siyang napapikit.
Napangiti naman si Prince habang pinakatitigan ang magandang mukha ng dalaga. Mabilis din naman niyang binawi ang kanyang paningin nang magmulat ito ng mga mata.
"Sa sobrang ganda ng view rito para akong nakatingin sa isang malaking painting na gawa ni Sr. Gregorio Santillan." Sabi niya na ngumiti at itinukod ang mga siko sa bintana.
"Kilala mo pala si Sr. Gregorio Santillan?" tanong nito sa kanya.
"Oo naman," sagot niya at humarap rito. "Isa siya sa mga sikat na Artist. Nabasa ko ang tungkol sa kanya sa isang novel. Nakalimutan ko lang ang pamagat ng nobela na 'yon."
"Ang lihim ng mga larawan," sagot nito.
"Oo 'yon nga!" Napapalatak siya. "Nabasa mo rin ang nobelang 'yon?"
Tumango ito.
"Yes. Ang Lola Corazon ko ang sumulat ng nobelang 'yon. Siya ang may akda."
"Wow, may lahi pala kayong manunulat, Dok,"
Ngumiti ito sa kanya ngunit pansin niyang tila nalungkot ang mukha ng lalaki.
"Breath taking 'diba?" Pag-iiba ni Prince sa usapan. "Kapag narito ako sa Isla madalas kong pagmasdan ang lighthouse. Kaya nga itong kuwarto ang pinili ko para sa'yo para makita mo."
"Salamat po, Dok. Ang ganda-ganda nga rito. Para na din akong nakarating sa ibang bansa na may ganito kagandang tanawin." Sabi niya na muling ibinalik ang paningin sa karagatan. "Napakaswerte mo naman, may bakasyunan kayo na ganito ka ganda. Madalas ka bang narito?"
"Bihira lang," sagot nito. "Nasa Siyudad ang trabaho ko. Kahit busy ako sa hospital naglalaan ako ng oras para matignan ang Isla. Minana ko kasi ang kastilyong ito mula sa aking ninuno. Unti-unti ko itong pinapaayos,"
"Kastilyo pala ito, ang akala ko ay natural na malaking bahay lang. Hindi pa kasi ako nakakalabas kaya hindi ko makita ang kabuuan nitong kastilyo." Sabi niya na muling humarap rito. Itinuro niya ang lighthouse. "Ninuno mo rin ba ang nagpagawa ng lighthouse?"
Ngumiti ito sa kanya.
"Oo, si Lolo Roque ang nagpagawa niyang lighthouse." Sagot nito. "Madalas daw may nabubunggong barko o fishing vessel dito sa Isla lalo na kapag bumabagyo. Magigising nalang daw sila ni Lola na may kumakatok sa pinto upang humingi ng tulong."
"Nakakatakot din pala," sambit niya. "Sa mga napanood ko na movies may mga pirata sa dagat. Buti walang pirata na naliligaw rito at kumakatok sa pintuan."
"Wala naman," kumibit-balikat ito. "Pero may mga tao din na perwisyo kung minsan, nabababoy itong Kastilyo. Noong nabubuhay pa si Lolo Roque, siya ang nahihirapan magpagawa nitong Kastilyo. Dumating na sa punto na ayaw na ni lolo tumulong kaya lang noong may na stranded na barko rito sa Isla, doon niya nakita ang babaeng napangasawa niya. Ang lola Corazon,"
Natuwa si Carmella sa narinig.
"Totoo, Dok? Maganda pala ang kasaysayan ng Islang ito. Dahil dito nakilala ng lolo mo ang babaeng napangasawa niya. Malamang maganda ang love story nilang dalawa."
Sumandal sa bintana si Prince.
"Maganda talaga ang love story nilang dalawa,"
"Baka naman puwede mo ikuwento sa akin ang love story ng lolo mo. Bihira kasi ako makapanood ng love story. Noong nabubuhay pa si Inay ang huling napanood ko ay ang love story pa nina Tarzan at Jane. Hindi ko pa naintindihan ang kuwento dahil puro Gorilla ang nakikita ko,"
Natawa ang lalaki sa kuwento niya. Pero iyon naman ang totoo, nakikinood nga lang siya sa kapit-bahay nila noon.
"Hayaan mo, next time ikukuwento ko sa'yo ang tungkol sa love story ng lolo at lola ko. Let change the topic dahil may gusto akong itanong sa'yo."
Napanguso ang dalaga.
"Ano naman ang itatanong mo?"
"Are you married?" Tanong nito sa kanya na biglang sumeryoso ang mukha.
Bumunghalit siya ng tawa sa tanong nito. "Ayan ka na naman, Dok, parang nag jo-joke ka na naman,"
"No, I'm serious." Sagot nito. "May asawa ka na ba? Gusto kong isagot mo sa akin ay totoo,"
"Wala pa po akong asawa, Dok."
Tumango-tango ito.
"Anak?"
"Seryoso?" React niya. "Paano ako magkakaroon ng anak wala nga po akong asawa,"
"What about, boyfried?" Tumingin ito ng deretso sa kanyang mga mata. "Baka may boyfriend ka na?"
Umiling ang dalaga.
"Hindi ko alam kung bakit mga ganyan ang itinatanong mo sa akin. Pero wala rin po akong boyfriend, Dok."
"Good," sabi nito. Napakunot ang noo niya.
"Pero kung liligawan mo ako, Dok. Baka sakaling magka-boyfriend na ako, at ikaw 'yon!" Bulong ni Carmella sa hangin.
"May sinasabi ka, Carmella?"
"W-wala po." Mabilis niyang sagot. "Bakit po ba parang interesado kayo sa love life ko? Parang sumakit tuloy ang ulo ko dahil masyadong personal ang mga katanungan mo."
Mabilis pa sa minuto na idinampi ng lalaki ang likod ng palad nito sa kanyang noo kaya nagulat siya.
"Masakit ang ulo mo?" Nakikita niya sa mukha nito ang pag-aalala. "Napagod yata kita,"
"Dok, pakiramdam ko lalagnatin ako. Mainit po kasi ang pakiramdam ko, parang apoy na sumisingaw." Kinikilig na kinuha niya ang isa pang kamay nito at dinala iyon sa kanyang leeg. "Dok, Prince, pakiramdaman mo nga ako."
"I'm sorry, mi amor. Nabinat yata kita. Magpahinga ka na muna," inilipat nito ang isang bisig sa bewang niya.
"Kailangan ko nga po siguro magpahinga," pagkukunwari niya. "Maaari bang pakialalayan ako sa paglalakad papunta sa aking higaan, Dok? Baka matumba ako dahil nanghihina ang aking tuhod,"

Book Comment (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters