logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 1

Kabanata 1
Mahal
--
Gaya ng plano ko, pumunta nga kaming Maynila. Nasabihan ko na sina Mama at Amara at hindi naman sila tumutol sa akin. Siguro dahil na rin alam nila ang pinagdadaanan ko. Siguro alam nilang gusto kong lumayo. Lalo na si Mama. Alam nya ang lahat ng sa akin. Wala akong maitatago sa kanya.
Alam kong ayaw ni Mama rito sa plano ko. Dahil hindi sigurado kung mabubuhay kami roon sa Maynila at makakapag patuloy. Kaunti nalang kasi ang ipon namin tapos mag e-enroll pa ako sa bagong school. Hindi naman pwedeng libre dahil wala akong scholar, sa private ako nanggaling.
Sabi nina Bea ay sila nalang daw magbabayad ng tuition ko. Pati daw doon sa uupahan naming bahay. Nakahanap na kasi agad sila ng bahay at agad akong tumanggi nang sabihin nilang sila ang magbabayad roon. May kaunting ipon naman ako kaya kaya naman siguro namin ito. Ayokong umasa sa kanila.
At dahil hindi ako pumayag sa lahat, wala nalang silang nagawa. Tsaka malaking tulong na rin sa amin nina Mama ang paghahanap nila ng matitirhan namin roon sa Maynila. Atleast hindi na kami mahihirapan pa sa paghahanap. Magbabayad nalang kami.
At dahil nga hindi ako pumayag sa lahat ng alok nila, nagpresinta nalang silang ihatid kami sa Maynila. Pumayag na ako roon dahil hindi naman abala sa kanila tsaka makakatipid pa ako. Sobra talaga akong nagpapasalamat at nandyan sila para sa amin. Balang araw, susuklian ko ang mga tulong nila sa akin na ito.
Marami akong ipon galing sa pagtatrabaho sa mga Salvador. Hindi naman kasi ako gumagastos roon dahil... hindi ako hinahayaan ni Joshua. Napabuntong hininga ako nang maalala na naman sya. Inalis ko nalang agad sya sa isip ko.
Meron ring ipon sina Mama. Marami rin silang ipon dahil tulad ko, hindi rin sila masyadong gumagastos. May stock kami ng pagkain sa bahay at ang baon lang sa araw araw ni Amara. Kaya hindi masyadong magastos. Siguro naman makakaya namin ito.
Hindi ganon kalaki at hindi rin naman ganon kaliit ang nahanap na bahay ng mga kaibigan ko. Saktong sakto lang sa amin iyong tatlo nina Mama at Amara. Tapos mura lang rin ang renta, isang libo lang buwan buwan. Mabait rin ang may ari kaya natuwa kami ni Mama. Hindi na kami mahihirapan.
Nakausap na rin ni Bea ang ate nya na si ate Bianca tungkol sa pag a-apply ko ng trabaho sa coffee shop nila. Agad kaming pumunta roon ng mga kaibigan ko nang makarating at maayos ang lahat sa bahay na uupahan namin.
Malaki ang coffee shop nila. Maraming upuan at malaki rin ang counter. May maliit rin na stage roon na merong upuan, stand mic at kung ano anong instrumento. Siguro may mga bandang tumutugtog rito kapag gabi? Ewan.
"Pwede ka naman rito, Amora. Pero mahihirapan tayo sa schedule mo since may pasok ka. And you're a college student, baka maging busy ka," si ate Bianca.
Nasa taas ang office ni ate Bianca. Hindi naman ito ganon kalaki, sakto lang. May table kung saan ang pwesto nya, tapos may sofa, may maliit na lamesita, may mga paintings rin sa ding ding at may isa pang pinto na paniguradong banyo nya.
"Ayos lang po. Kaya ko naman po," sabi ko.
"Are you sure?"
"Opo,"
"Okay," tumango sya at ngumiti. "Ayusin mo muna ang schedule mo sa school mo tapos aayusin naman natin ang schedule mo rito,"
Ganon nga ang nangyari. Nag enroll ako sa Philippine Normal University. Iyon lang kasi ang pinaka murang school na nahanap ng mga kaibigan ko. Four thousand mahigit ang tuition roon taon taon at... kaya naman siguro. Magtatrabaho naman ako tsaka may mga ipon nga kami ni Mama.
Maayos ang naging pagtakbo ng lahat. Maayos akong nakapasok sa PNU at maayos rin akong nakapag trabaho sa coffee shop ng mga Carmona. Naayos na rin ang schedule ko. Umaga hanggang hapon ako sa school tapos four thirty palang ng hapon ay dapat nasa coffee shop na ako. Ibig sabihin, pagdating ko palang galing school, mag aayos na ako para pumuntang coffee shop at magtrabaho. Hanggang ten thirty ang oras ng pagsasara kaya ganon rin ang uwi ko.
Ayos lang naman yon. Kahit pa sobrang daming ginagawa sa school, kinakaya ko pa ring magtrabaho sa gabi. Tapos kapag may mga projects o assignments, pagkatapos nalang ng trabaho ko ginagawa. Palagi akong puyat pero ayos lang. Kinakaya ko para makapag patuloy. Tsaka ayos nga ito, eh. Atleast sobra akong nagiging busy. Hindi ko na naaalala pa ang nakaraan.
Pero aaminin kong kailanman ay hindi sya nawala sa isip ko. Palagi syang nasa isip ko tuwing nasa school ako, tuwing nasa trabaho at maski sa pagtulog ay nandoon sya. Kahit sa panaginip ko. Minsan muli na lamang akong napapaiyak hanggang sa makatulugan ko nalang.
Sobrang hirap. Pero wala akong magagawa kundi ang magtiis dahil ginusto ko ito. Ginusto kong lumayo. At ginusto ko ring makatulong kay Mama. Ayoko na syang napapagod.
Si Amara, nakapag enroll na rin sya sa PNU. Sabay kaming pumapasok at umuuwi. Minsan na nyang sinabi sa akin na gusto nya ring magtrabaho para makatulong pero hindi ako pumayag. Sobrang hirap at hindi ko kakayaning makita syang naghihirap. Lalo na at graduating na sya ng high school. Maraming ginagawa sa school at ayokong magtrabaho pa sya. Ayos na yung ako lang.
"Anak, kaya ko namang magtrabaho. Pwede akong mag apply rin dyan sa coffee shop nila Bea. Kaya ko..." si Mama isang araw habang kumakain kami ng agahan.
"Hindi na, Ma. Dito nalang kayo. Ayos lang naman ako. Nakakapag ipon ako kaya hindi na kailangan," ngumiti ako sa kanya.
Bumuntong hininga sya, walang magawa.
Isang linggo na ang nakalipas nang umalis kami sa Tondo. Napaka bilis ng araw at hindi ko akalaing makaka abot ako rito. Minsan napapangiti nalang ako kahit pa ang kirot sa puso ko ay sumasabay. Nagpapasalamat ako at nakausad pa rin ako. Akala ko patuloy lang akong makukulong sa nakaraan.
"Amora!"
Lumapit sa akin si Candy, isa sa mga kasamahan ko rito sa coffee shop at kaibigan ko na rin. Working student lang rin sya. At nag aaral rin sya sa PNU. Dahilan para maging close kami agad.
Nagpupunas ako ng lamesa ng isang customer na kakaalis lang. Sumagot ako habang hindi tumitigil sa ginagawa.
"Pinapatawag ka ni Ma'am Bianca," anya. Umupo sya sa isa sa mga upuan ng table na pinupunasan ko.
"Mmm? Bakit daw?" Tanong ko.
"Ewan ko. Walang sinabi,"
Tumango ako. "Tatapusin ko lang ito,"
"May tutugtog daw na banda ngayon. Ibang banda naman at ang sabi mga gwapo raw!" Kinikilig nyang balita sa akin.
Natawa ako. "Ikaw talaga. Palagi ka nalang nag aabang ng mga ganyan,"
"Syempre, noh! Malay mo dyan ko mahanap yung lalaking para sakin? Gosh! Excited na tuloy ako!"
"Puro ka gwapo. Kapag hindi gwapo hindi mo nagugustuhan,"
"Eh, syempre..." ngumisi sya.
Napailing ako sa kanya.
Pagkatapos kong maglinis roon ay nagpunta na ako sa taas kung nasaan ang office ni ate Bianca. Nakita ko syang may sinusulat sa kanyang table at mukhang busy sya.
Napatingin sya sa akin nang pumasok ako. Ngumiti naman ako.
"Pinapatawag nyo daw po ako?"
"Uh, yes," ngumiti sya at tinabi ang mga papel na sinusulatan nya kanina. "May sinabi kasi sa akin si Beatrice..."
Napaisip ako sandali at maya maya ay nagtaka.
"Ano po yun?" Tanong ko.
Tumawa sya. "Gusto nyang taasan ko ang sahod mo,"
Nanlaki ang mga mata ko roon. Ano?
"Kinonsensya nya pa ako na kapag hindi ako pumayag ay wala akong puso dahil hindi ko matulungan manlang ang mga taong kailangan na kailangan ng tulong. Don't get me wrong, ah, pero iyon ang sinabi nya," natawa ulit sya at napailing iling.
Nag init ang pisngi ko at agad na umiling. Hayy naku, Beatrice!
"Naku! Hindi na po kailangan," napakamot ako sa ulo ko. "Wag nyo pong pakinggan si Bea. Madaldal lang talaga yon..."
"I know," ngumiti sya. "Kaya ko namang dagdagan ang sahod mo but... that would be unfair to the other staffs, right?"
Tumango ako. Tama sya.
"Kaya napag isip isip ko na... dagdagan nalang ang trabaho mo. Tsaka gusto ko ring makatulong sainyo kaya hindi naman mabigat ang ipapagawa ko sayo,"
Nagliwanag ang mukha ko roon.
"Talaga po? Sige po! Kayang kaya ko pong gawin ang kahit ano!" Sabik kong sinabi.
Ngumiti sya. "Ipapalinis ko lang naman itong office ko," tumingin sya sa paligid at ganon na rin ang ginawa ko. "Matagal na kasing hindi nalilinis ito. Hindi ko na kasi naiisipang ipalinis dahil busy ako at ngayon nalang ulit pumasok sa isip ko nang humiling sakin si Beatrice,"
Tumango tango ako. Hindi naman ganon kalaki ang office ni ate Bianca kaya kayang kaya ko. At kahit sobrang laki pa nito, kaya ko pa ring linisin! Makakadagdag ito sa pag iipon ko!
"So... is it fine with you?" Tanong ni ate Bianca.
"Opo naman po! Kaya ko po! Kailan po ba ako magsisimula?"
"Mmm, ngayon na sana. Medyo naaalikabukan na ako, eh. Kanina pa ako humahatsing,"
Ngumiti ako. "Sige po!"
Kumuha ako ng walis, pampunas, mop at kung ano ano pang panglinis sa labas at nagsimula nang maglinis sa office ni ate Bianca. Habang si ate naman ay naging busy na ulit sa mga papel na sinusulatan nya.
Nagwalis ako sa sahig, tinabi tabi ko pa yung mga sofa para mawalisan na rin yung mga ilalim noon. Pinagpag ko ang carpet nya at winalisan na rin iyon. Tapos nagpunas ako ng lamesita nya, pinunasan ko rin ang bintana sa likuran nya. Hindi ko muna pinunasan ang lamesa nya dahil marami pa syang ginagawa at mukhang malinis naman na yon. Pagkatapos noon ay nag mop ako. At habang ginagawa ko yon, may pumapasok na alaala sa isipan ko.
Naalala ko kung paano nya ako utusan, kung paano nya ipalinis ang kanyang kwarto sa akin, kung paano nya ako paglabahin gamit ang kamay ko, kung paano nya ipalinis halos buong bahay nila sakin. Lahat ng yon ay pumasok sa isip ko dahilan na naman ng pagkirot ng aking puso.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Pinigilan ko ang pagkirot para hindi na muling mangilid ang aking mga luha pero hindi ako pinagbigyan. Nangilid ang mga luha sa aking mga mata at wala akong nagawa kundi magpatuloy na lamang. Pinikit pikit ko ang mga mata ko para mawala iyon. Nagpatuloy ako sa ginagawa.
Nang matapos ay tinabi ko na lahat ng gamit sa pinagkuhanan ko. Nagpasalamat ako kay ate Bianca at sinabi nyang dadagdagan nya ang sahod ko sa ginawa ko. Masaya naman ako roon kaya masaya akong bumaba at sinalubong si Candy na nasa counter lang at naghihintay ng customer.
"Oh? Bakit natagalan ka yata?" Bungad nya nang makalapit ako. "At bakit parang masaya ka?"
Ngumiti ako lalo. "Pinaglinis ako ni ate Bianca ng office nya. At sinabi nyang dadagdagan nya ang sahod ko dahil roon!"
Nanlaki ang mga mata nya. "Talaga? Naku! Ang swerte mo naman!"
Humalakhak ako at tinapik ang balikat nya. "Swerte swerte lang talaga yan," pang iinis ko.
Nginusuan nya ako. Humalakhak naman ako lalo. Nakita kong may umalis na na customer at maraming lilinisin sa table nila kaya nagpaalam na ako kay Candy.
"Sige na. Lilinisin ko pa yon," sabi ko kay Candy.
"Okay!" Pumangalumbaba sya sa counter.
Lumapit na ako sa table nung mga umalis at naglinis na. Lima silang nandoon at marami silang inorder. May mga tira tira pang cake sa plato nila. Sayang.
Narinig ko ang pagsisimula ng banda sa likod ko. Hindi ko pa alam kung anong banda yon at kahit gusto kong tignan ay napaka rami namang lilinisin. Binilisan ko nalang.
Medyo madilim na sa buong shop. Akala mo nasa bar ka. Lahat ng tao ay nakatingin sa banda sa stage. At halatang nag e-enjoy sila.
Nagpatuloy ako sa pagpupunas.
~Sa piling ba niya'y ikaw ay may lungkot na nararamdaman.. damdamin mo ba'y di maintindihan...~
Unti unti ay natigilan ako. Natigil ako sa pagpupunas at nanigas ako sa aking kinatatayuan. Bumilis ang pagtibok ng puso ko at kasabay noon ay ang pagkirot nito ng matindi.
Ang malamig na boses na yon...
~Nandito lang ako.. naghihintay sayo na mapansin ang aking damdamin na para lang sayo...~
Dahan dahan akong lumingon sa likod ko at doon nakita ko si Joshua. Nakaupo sya sa upuan roon kaharap ang stand mic, ang gitara ay nasa hita nya at ang seryosong mga mata ay nakaderekta sa akin.
Mabilis na nangilid ang aking mga luha. Nanginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay ano mang oras bibigay na ako sa panghihina ng aking mga tuhod. Kumirot nang kumirot ang puso ko, walang tigil na parang pinaparusahan ako.
Ang kanyang mga mata na seryoso man ay nakikitaan pa rin ng galit, lungkot at pangungulila. Nanghina ang mga tuhod ko at bago pa ako bumagsak ay humawak na ako sa table. Mahigpit kong hinawakan ang pamunas.
Kinagat ko ang aking labi at mabilis na tumalikod sa kanya. Bumagsak ang mga luha ko at agad ko iyong pina alis. Mabilis kong tinapos ang pagpupunas at nang matapos roon ay agad na akong bumalik sa counter. Mabilis kong hinubad ang apron na suot at pumunta sa locker.
"Huy! Amora! Anong ginagawa mo? Uuwi ka na?" Humabol si Candy nang makita ang paghubad ko sa apron.
Sumunod din sya hanggang locker room.
"M-Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko. Gusto ko munang umuwi," palusot ko at pina alis muli ang luhang lumandas.
"Ha? At teka? Umiiyak ka ba? Huy!"
Pumasok ako sa banyo at hindi na sya nakasunod pa. Mabilis akong magbihis roon. Muli kong pina alis ang mga lintik na luha na bumagsak na naman.
Anong ginagawa nya rito? Bakit sya nandito? Bakit sya ang tumutugtog roon? Hindi naman sya nagbabanda banda dati, ah? O ako ang talagang sadya nya? Kung ganon nga, paano nya nalaman na nandito ako? Paano nya ako nahanap?
Tinigil ko ang pagtatanong at mabilis nalang na lumabas sa banyo nang matapos. Agad akong sinalubong ni Candy pero nilagpasan ko sya.
"Huy, Amora! Anong problema? Anong nangyayari sayo? May lagnat ka? Bakit ka nagmamadali?" Sunod sunod nyang tanong. Wala akong sinagot ni isa roon.
Dinala ko ang bag ko at lumabas na.
"Amora!"
"Pasensya na," hinarap ko na si Candy. "Kailangan ko na kasing umuwi. Masama ang pakiramdam ko. Pakisabi nalang kay ate Bianca, ha?"
Halata ang pag aalala sa kanyang mukha pero walang nagawa kundi ang tumango. Agad na akong tumalikod at lumabas ng shop. Hindi ko na naririnig pa ang boses nya. Boses ni Zil ang naririnig ko. Nandito rin sya?
Wala na akong panahon para magtanong pa. Mabilis na akong naglakad palabas ng shop.
Gusto kong tumakbo. Gusto kong magalakad ng mabilis. Gusto kong umuwi. Gusto ko lahat yon basta maka alis lang ako agad rito! Wala na akong pakialam kung pagalitan ako ni ate Bianca bukas. O kung bawasan nya man ang sweldo ko dahil hindi pa naman oras ng uwi ko, sobrang aga pa. Wala na akong pakialam sa lahat.
Nakalabas na ako ng shop nang matigil ako nang may kamay na humawak sa braso ko at pinaharap ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang galit na galit na mukha ni Joshua.
"Where are you going?" Mariin nyang tanong.
"B-Bitawan mo ako!" Sigaw ko at pilit na inalis ang hawak nya sa braso ko pero walang nangyari!
"Ano? Tatakbo ka na naman? Ha?"
Matalim ko syang tinignan. "Bitawan mo sabi ako!"
"I thought you choose your fucking dreams and money? Then why are you here and working?"
Sa sobrang pagkakagulat ko sa kanyang sinabi ay natigil ako sa pagpupumiglas. Ano? Alam nya? Paano nya nalaman?
"You choose money over me, right? If you choose money then why are you still working?" Galit na galit ang kanyang itsura kaya hindi ako makapaniwala na nakakita ako ng sakit sa kanyang mga mata na agad nyang inalis at pinalitan din agad ng galit.
Kumirot ang puso ko pero pinatatag ko ang sarili ko. Matalim ko syang tinignan at sinubukang bawiin ang braso kahit pa alam kong hindi nya yon bibitawan.
"Wala ka nang pakialam roon! Wala ka na sakin para magpaliwanag pa ako sayo!" pilit kong pinatapang ang boses kong halos madurog na.
Ilang sandali syang hindi nagsalita. Tinitigan nya ako at ngayon, hindi na nya tinago ang sakit na nararamdaman nya.
"Wala na ako sayo?" Halos ibulong nya yon.
"Wala na! Gusto mo ba talagang paulit ulitin ko, ha, Joshua?! Wala ka na sakin kaya bitawan mo na ako at hayaan mo nalang ako!"
"Hindi sapat sakin ang mga dahilan mo, Amora! Sa tingin mo ngayong alam ko na ang totoo hahayaan pa kitang umalis?"
Halos matawa ako. "Hindi pa sapat yang mga nalaman mo, Joshua? Na mas pinili ko ang pera kesa sayo?"
"Nahihirapan ka lang! Alam kong hindi mo ako gustong iwan!" Halos manginig ang boses nya. Para bang sa paraan ng pagkakasabi nya, para bang kinukumbinsi nya rin ang sarili na ganon nga.
Kumirot ang puso ko. Nangilid ang mga luha sa mga mata ko.
Sinubukan ko ulit bawiin ang braso ko pero hindi ko kaya. Ayaw nyang bitawan!
"Ano ba, Joshua!"
"I know you, Amora," mariin nyang sinabi. "The happiness in your eyes whenever you're with me says everything! You can't lie to me. I know you can't leave me. You love me, right?" Halos magmaka awa sya.
Mas lalo ko syang tinulak dahil pakiramdam ko hindi ko na kakayanin.
"Tama na, Joshua! Tama na yang mga ilusyon mo! Oo, masaya ako kapag kasama kita! Pero hindi sapat yon para piliin kita!"
Hindi na sya nakapag salita. Kitang kita ko kung paano dumaan ang sakit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Mas lalo akong napaiyak. Tumulo nang tumulo ang mga luha ko.
At sinamantala ko na ang panghihina nya para makawala ako. Malakas ko syang tinulak at wala syang nagawa kundi ang mapa atras. Pagod at sakit ang tangi kong nakita sa kanyang mga mata na mas lalong dumurog sa puso ko.
"Tama na, Joshua!" Sigaw ko at marahas na pina alis ang mga luha na bumagsak.
Ilang sandali nya akong tinitigan. Nakatayo na lamang sya roon na parang hinang hina at wala nang pag asa. Mas lalo akong nasaktan.
"Did you really choose money, Amora?" Nanghihina nyang tanong.
"Oo! Kaya tama na! Tumigil ka na!"
"Then why are you here?" Rumiin ulit ang kanyang boses. "Bakit ka nagtatrabaho? Kung may pera ka na, bakit ka pa nandito?"
Hindi ako nakasagot. Matalim ko syang tinignan, gusto ko na syang patigilin dahil sobra na akong nasasaktan at alam kong ganon na rin sya. Dapat na naming itigil ito!
"Answer me, Amora," mariin nyang sinabi.
"Wala ka nang pakialam kung bakit ako nagtatrabaho! Sino ka ba para magpaliwanag pa ako? Pwede ba, Joshua? Tigilan mo na ako! Tama na! Pabayaan mo nalang ako!"
"Titigilan lang kita kung sasabihin mo sa akin ng totoo," muli syang lumapit dahilan para mapa atras ako. "Bakit ka nagtatrabaho? Bakit ka pumapasok sa isang napaka murang school? Bakit kayo nangungupahan sa isang maliit na bahay? Bakit, Amora?"
Mariin nyang hinawakan ang dalawang braso ko dahilan para hindi na ako maka atras pa. Galit na galit na ngayon ang kanyang mga mata. Habang ako ay gulat sa mga sinabi nya. Paano nya nalaman lahat ng yon?
"Answer me, Amora!"
Nagtiim bagang ako at kumalas sa kanya. Hindi nya inaasahan iyon kaya naman nabitawan nya ako. Umatras ako para hindi na nya ako mahawakan pa.
"Gusto mo talagang malaman? Sige! Sasabihin ko sayo!" Sigaw ko. "Marami kaming utang! Lahat ng yon binayaran namin, Joshua! Lalo na ang mga utang ni Papa na iniwan nya sa amin na halos milyon ang halaga! Kaya naubos at kinailangan ko ulit magtrabaho! Ano? Ayos ka na? Ayos na ba? Umalis ka na!"
Nagtiim bagang sya at galit pa rin akong tinignan. Galit pa rin sya pero alam kong unti unti ko na syang napapaniwala.
Sige lang, Joshua. Maniwala ka. Maniwala ka at umalis ka na. Iwan mo na ako. Hindi ako ang babaeng nararapat sayo.
"How about your dreams? May ipinangako sayong studio si lolo, hindi ba? At makakapag aral ka rin sa ibang bansa. Bakit hindi ka pa rin nakakapag aral roon?" Sobrang laki ng pag asa sa kanyang boses.
"Tinanggihan ko yon! Sinabi kong pera nalang ang ipalit sa lahat ng yon dahil kulang pa ang perang binigay nya para mabayaran ang milyon milyong utang ni Papa! Ano, Joshua? Tapos ka na ba?"
Nanghina ang kanyang mga mata. Para bang nawalan na talaga sya ng pag asa. Bumagsak nang bumagsak ang mga luha ko. Ako pa yata ang mas lalong nasaktan sa mga kasinungalingang sinabi ko.
Tinignan nya ako sa nanghihinang mga mata. Hindi ko yon kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin at marahas na pina alis ang mga luha sa pisngi ko.
"Kung hindi ka ba pinapili ni lolo... mananatili ka ba sakin?" Tanong nya.
Sumikip ang dibdib ko. Kinagat ko ang aking labi para pigilan pa ang mga luha pero hindi noon yon napigilan. Mas lalo lang bumuhos ang mga luha ko.
Bakit ka ganito, Joshua? Gaano mo ba akong kamahal para tanungin sa akin ito?
"Mahal kita, Amora..." halos magmaka awa sya.
Pinunasan ko ang mga luha ko at nag angat ng tingin sa kanya. Kitang kita ko ang pagod sa kanyang mga mata. At habang pinapanood ko sya, unti unting pinupunit ang puso ko.
Lumapit sya sa akin. Hindi ko na nagawa pang umatras sa panghihina. Hinawakan nya ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Please don't leave me..." pakiusap nya. "Hindi ko kaya..."
Pumikit ako ng mariin. Gusto kong humagulgol at yakapin sya pabalik. Gusto kong ibsan ang kalungkutan at sakit na kanyang nararamdaman. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Gusto kong sabihin na mahal ko rin sya. Pero alam kong hindi pwede.
Lalo na nang dumilat ako at nakita ko ang isang lalaking may hawak na camera. Nagtatago ito sa iskinita at nakatutok sa amin ang camera. Alam kong tauhan iyon ni Mr. Antonio Salvador.
"Please..." si Joshua.
Pumikit ako ng mariin at ang natitirang tapang ay ginamit na. Malakas kong tinulak si Joshua palayo sa akin at dahil na rin sa panghihina, napa atras ulit sya.
"Kailangan mong kayanin, Joshua!" Sigaw ko. "Kung hindi pa sapat ang mga dahilan ko sayo, alalahanin mo ang sinabi ko sayo nung iniwan kita!"
Sumikip ang dibdib ko lalo. Hindi ko alam kung kaya ko ba iyong sabihin ngayon sa pangalawang pagkakataon. Pero pinatatag ko ang sarili ko.
"H-Hindi na kita mahal!" Sigaw ko sa kanya.
Umawang ang labi nya. Ang mga mata ay nakitaan ko ng pagkinang at alam ko na agad kung ano yon. Sobra ko na syang sinasaktan. At bago ko pa makitang tumulo ang lintik na luha na yon, tatapusin ko na ito.
"Ngayon sapat na ba na dahilan yon? Sapat na ba, Joshua? Kung hindi pa sapat sayo yon, problema mo na yon! Wag kang maging selfish! Hindi gagana ang isang relasyon kung isa lang ang masaya sa ating dalawa! Kaya tama na! Umalis ka na rito at wag na wag mo na ulit akong guguluhin pa!"
Pina alis ko ang mga luha sa pisngi ko at agad agad nang tumalikod. Tumakbo ako at pumara ng isang taxi. Nang huminto iyon ay sumakay na agad ako. Humagulgol ako sa loob noon at hindi agad nasabi sa driver kung saan ako pupunta.
Sana ngayon tumigil ka na, Joshua. Sana paniwalaan mo ako. Sana wag ka na ulit magpakita pa. Dahil hindi ko na alam pa ang gagawin ko kung makita ulit kitang nasasaktan. Baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong yakapin ka at sabihing mahal pa rin kita, Joshua.

Book Comment (155)

  • avatar
    tearShall

    It's an interesting story and how painful they suffer as well

    23/12/2021

      0
  • avatar
    Nawaf Sultan Mustapha

    goods

    30/04

      0
  • avatar
    Erika Evangelista

    ganda 🥰

    14/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters