"You! You are so fucking stupid." Mabilis siyang lumapit sa akin at marahas na hinawakan at sinipat ang paa ko. Madiin ang pagkakahawak niya habang sinisipat ang isa kong binti. Pagkatapos ay muli na namang napabigkas ng masasamang salita nang bitawan ang isa at iyong kabila naman ang sinipat. "Look at this!" tumingin siya sa akin, pagalit. Iminuwestra ang binti ko na may mahabang kulay pulang linya. Gasgas ang balat niyon at may mumunting mga dugo ang lumalabas. Tiningnan ko ang bato sa malapit at hindi na nagtaka dahil talaga namang magaspang at matalas iyon. "This is not my first time." I said in a calm tone. I don't need to panic, I always get wounds. It's normal. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganiyan kung umasta. Siguro ay hindi iyan sanay ng nagagalusan man lamang. Binawi ko ang aking binti kaya bahagyang tumaas ang suot kong bistida. Aksidente siyang napasulyap sa aking hita. Natutuliro siyang umiwas ng tingin. Bago pa man ako makatayo ay muli niyang hinawakan ang aking binti. Mas maingat na ang pagkakahawak niya sa pagkakataong ito. Ingat na ingat na huwag madampian ang galos. Hindi kagaya ng paraan niya kanina na nasasaktan ako. "Stupid kid." Nagulat ako nang yumuko siya at marahang hinipan ang galos roon. Ang isa niyang kamay ay marahang hinahaplos ang ibabang parte at maingat na iniiwasang huwag tumama sa sugat. "Masakit pa ba?" masungit na pagkakasaad niya. Hindi naman ako kaagad na nakasagot. Kinikilabutan ako sa bawat pag-ihip niya. "Tama na nga iyan!" painis kong saad. Iniiwasang mahalata na hindi ako komportable sa ginagawa niya. Hindi niya ako pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang sa marahang pag-ihip niya roon. Hindi naman nakapagtatakang mas lalong nadadagdagan ang kilabot na nararamdaman ko sa bawat pag-ihip niya. Umiwas ako ng tingin dahil kahit anong gawin kong pagbawi ay ayaw parin niyang bitawan ang binti ko. It's really making me uncomfortable but I don't know how to stop him. Everytime that I'm going to reclaim my legs, He's just giving me death glare while tightening his grip on it. "Ayos na iyan. Hindi naman na masakit." saad ko. Mabagal niyang binitawan ang aking binti. Sinusuri. Parang nagdadalawang-isip pa na bitawan iyon. And then he lifted his gaze to me. Madilim na madilim iyon, salungat sa maliwanag na kulay ng paligid. "Don't you have eyes?! Look how stupid you are." iminuwestra niya muli ang aking galos na masyadong malayo sa bituka. Hindi ko iyon tiningnan sapagkat nanatiling nakakunot ang noo ko sa kaniya. Inaalam kung bakit ganoon katindi ang kaniyang reaksyon. And...he called me stupid for three consecutive times. "Anong ikinagagalit mo? Hindi naman ikaw ang nasugatan." Binigyan niya lamang ako ng inis na tingin. Madilim at mistulang nagpipigil lamang ng galit. "If you are worried that I'll be a burden to you, then go and don't bother look after me. I can take care of myself, anyway." Umiwas siya ng tingin at bumulong ng ilang mga salita na malabo kong maintindihan. Nang bumalik sa akin ang kaniyang paningin ay mas kalmado na. Hindi na ganoon kadilim kagaya kanina. "That's not what I mean." nakaawang ang labi niya. Isang beses iyong pinasadahan ng dila kung kaya't mas pumula nang mabasa. "I'm saying... Just be careful next time." Umiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Ilang minuto kaming natahimik. Ako ay nakalingon sa talon. Siya naman ay ramdam ko ang pagtitig sa akin. "Are you going to swim?" malumanay na pagkakatanong niya. Oo sana. "No. I'm going to go...somewhere else..." "Then why are you here?" "Napadaan lang." tiningnan niya ang hawak kong pana pati na rin ang lagayan ng mga palaso na nakasabit sa aking likod. Halatang nagdududa sa mga isinasagot ko. "Where else are you going?" "Diyan lang, maglalakad-lakad." "Let's go." kaagad ko siyang pinigilan nang makita siyang tumayo at handa nang umalis upang sumama sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung mananatili ako rito ay makakasama ko siya. Kung aalis naman ako ay sasama pa rin siya. Kahit pigilan siya ay paniguradong wala pa rin akong magagawa. Alam kong hindi siya iyong tipo ng tao na basta na lamang nagpapapigil. Lalangoy na lamang ako, bibilisan ko para naman hindi na kami ganoon katagal manatili sa iisang lugar. Gusto ko lamang tanggalin ang aking pagkasabik sa malamig na tubig ng talon na ito. "I'll swim..." nagdadalawang-isip kong saad. "I'll swim, instead." Bago ko pa man makita ang kaniyang reaksyon ay mabilis kong ibinaba sa isang malaking bato ang mga dala kong gamit at saka tumalon at lumangoy patungo sa malalim na parte ng tubig. Lumangoy ako nang lumangoy hanggang sa makarating sa gitnang bahagi. Umahon ako nang makarating sa lugar na mismong binabagsakan ng malakas na enerhiya ng tubig mula sa itaas. Mas malamig doon subalit iyon ang mas gusto ko sa tubig. Mas nae-engganyo akong maligo sa tuwing nakakapangatal ang lamig. Pinasadahan ko ng limang daliri ang aking mahabang buhok. Umagos paibaba sa aking katawan ang malamig na tubig. Tumalikod ako at lalangoy na sanang muli nang mabangga ang isang matigas na bagay. Hindi ako nagtangkang i-angat pa ang aking paningin. Mapapaso lamang ako sa paraan ng pagtitig niya na kanina ko pa nararamdaman. Naiangat ko ang aking mga kamay nang bigla niyang hapitin ang aking baywang. Tinangka kong itulak ang dibdib niya subalit napaso lamang ako dahil sa init niyon. "You are so hot... yet so cold." Tumitig siya sa akin. Napapansin kong napapadalas ang kaniyang pagtitig. Dumapo ang matinding kilabot sa aking katawan nang haplusin niya ang batok ko. "You are like a fire." pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko. Hinawakan ang dulo ng mahabang buhok saka muling tumitig sa aking mga mata. "And an ice." Palihim kong inaalam kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang sinabi. Inihalintulad niya ako sa apoy, at sa isang yelo. Magkasalungat. Masyadong magkaiba. Ngunit paanong nangyaring ganoon ang tingin niya sa akin? Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay bigla kong naalala na hindi ko nga pala kilala ang ginoong nasa harapan ko ngayon. Ilang beses na kaming nagkalapit subalit hindi ako nagbigyan ng pagkakataong alamin ang pangalan niya dahil palagi kaming nauuwi sa pag-aaway. Hindi rin ako nag-abalang itanong noong mga nakaraang araw dahil hindi ko naman inaasahang palaging pagtatagpuin ang aming mga landas. Hindi niya rin alam ang pangalan ko, hindi ko sinabi. Ganoon rin naman siya. Nag-ipon ako ng hangin saka nagpakawala ng isang malalim na paghinga. "May I ask your name?" saad ko. Kalmado. Mahina. Halos magdalawang-isip na iparinig na kaniya. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa akin kung kaya't nakawala ako. Humakbang ako ng isang paatras. Nababagabag na baka hindi na kayanin kung sakaling magkakalapit na naman kaming dalawa. Palihim ulit akong humakbang ng isa habang nasa iba pa ang kaniyang paningin. Nang makontento ay sinuri ko ang kaniyang postura. May mumunting ngiti ang kumakawala sa kaniyang labi. Nang humarap siya sa akin ay nasalubong niya ang nakakunot kong noo. "Hindi ba magandang ideya na tanungin ang pangalan ng iba?" I do not know. I never got the chance to know the culture, or the norms of the others most especially for those who live in the city. Maybe asking their name... Is really weird that's why this man in front of me had found something to humor with. "You were asking what my name is" saad niya habang nakangisi. "Why?... Do you want to be my fling?" "What?" takang tanong ko. "You're asking my name, then you want to be..." "What do you mean?" takang tanong ko. Sa pagkakataong ito ay talagang hindi ko na maunawaan ang kaniyang sinasabi. Tumawa muna siya. Nanatiling nakakunot ang aking noo. Inaalam kung alin sa mga sinabi ko ang nakakatawa. "Girls everywhere flock to me everytime they see me. Asking my name and saying that they want to be my fling." What the... "So I guess you are also like that?" ngisi niya. "Do you want to be like them?" This is nonsense. I know it is. Umiwas ako at saka dumiretso ng langoy palayo sa kaniya. Sinasabi ko na nga ba at hindi na naman magiging maganda ang pag-uusap naming dalawa. I should've chosen to do my original plan, instead! Hinagilap niya ang aking braso upang puwersahang iharap ako sa kaniya. Nasalubong ko na naman ang nakangisi niyang mukha. "Why are you so frustrated to get rid of me?" ngisi niya sa akin. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na talaga mabasa kung ano ang mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isipan. Ang paraan ng pagkakahawak niya sa akin ay mahigpit. Madiin. Mistulang ayaw na iyong bitawan. "Do you really think you can run away from me? Think again..." Nanatili akong kalmado sa harap niya. Matagal ang naging titigan naming dalawa. Sa tingin ko ay wala siyang balak tumigil. Sa malapitan ay mas malinaw kong nakikita ang kaniyang itim na itim na mga mata. Matagal ko rin iyong tinitigan. Nakikita ko ang sarili ko sa mga mata niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Umiwas ako at pabiglang binawi ang aking braso. Sa unang pagkakataon ay masasabi kong... Ang ganda nga ng kaniyang mga mata. Subalit pilit ko ring itinatak sa aking isipan na kinamumuhian ko rin ang mga iyon. Ayoko sa kaniya. Iyon ang totoo. Tumalikod ako at hindi na nag-abala pang lingunin siya. Siya man ay hindi na nagtangka pang magsalita. Hindi niya ako pinigilan. Hindi na rin siya nagpumilit na sumama. Kinuha at pinulot ko sa ibabaw ng malaking bato ang pana at palaso na inilagay ko roon kanina. Tahimik akong naglakad paalis. Tinahak ko ang daan patungo sa Yaganak hanging bridge. Maaga pa naman kaya itutuloy ko na lamang ang plano na magtungo sa kapatagan. Siguro roon ay mas may mapapala pa ako. Mahigpit kong hinawakan ang pana sa aking kamay. Mabilis akong naglakad patungo sa pamilyar na daan. Sinundan ko lamang ang lana na madalas ko rin namang dinaraanan noon. Masugid kong pinagmasdan ang paligid pati na rin ang mga matataas na puno na naroroon. Natural iyong malalaki at matataas subalit parang may mali. Parang may kakaiba. Hindi ko lamang agad maipunto sapagkat sa tuwing titingnan ko naman ay halos wala itong ipinagkaiba. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay bahagya akong nagulat nang makaramdamn ng presensiya ng dalawang tao sa aking likod. Lihim kong nakagat ang aking bagang dahil sa kaba. Pumikit ako ng mariin at pasimpleng pinakiramdaman ang aking paligid, mali. Tatlo sila. Bigla kong ikinabahala na baka maulit na naman ang mga nangyari kagabi. Nang makarinig ako ng mga pagkilos ay mabilis akong humarap. Doon ay nasalubong ko ang mga mata ng tatlong lalaki sa aking harapan na nakasuot ng itim na mga kasuotan. May mga panakip rin silang suot sa kanilang mukha. Dahilan kung bakit mata lamang nila ang nakikita ko ng malinaw. Ang isa sa kanan ay seryosong nakatingin lamang sa akin. Kulay itim ang buhok at ang mga mata... hindi ko maunawaan ang kulay. Ang isa sa kaliwa ay nakangisi habang nakatingin sa akin, halata iyon sa kaniyang mga mata. Sa kislap na ipinapakita niyon ay nahahalata ko ang kaniyang pagkamangha. Kulay kape ang kaniyang buhok at ganoon rin ang mga mata. Itinuon ko ang aking paningin sa taong nasa gitna. Hindi ako natinag nang makita kung gaano kalamig ang titig niya. Blangko iyon at walang emosyon. Itim na itim ang kaniyang buhok at ganoon rin ang mga mata. Humigpit lalo ang kapit ko sa aking dala. Anong kailangan nila? "Can we ask you something, Miss?" a man from the left side said playfully. Kalmado ko siyang binalingan ng tingin. Walang mangyayari kung papairalin ko ang takot ko. "What is it?" diretso kong saad. Nagkatinginan ang dalawa sa tabi. Ang nasa gitna ay hindi man lamang naalis ang titig sa akin. "By any chance, do you know a girl... named Feistrielle?" Nanatili akong kalmado. Subalit sa kaloob-looban ay unti-unti na akong kinakain ng kaba. Who are they? Anong kailangan nila sa akin? Walang ibang babae ang may ganoong pangalan dito. Matagal ko ng alam iyon. "Anong kailangan ninyo?" "Do you know her?" Napapikit ako kasabay ng paghinga ng malalim. Halata sa lalaking iyon na naglalaro lamang siya. Nakangisi at mukhang hinahamon lamang ako subalit ang totoo ay may ideya na sa kung sino ang kanilang hinahanap. Ilang metro ang layo nila sa akin. Mula sa aking posisyon ay pasimple akong humakbang paatras. Napansin nila agad iyon sapagkat ang paningin ay kaagad na bumaba sa aking mga paa. "By any chance, are you the girl named Feistrielle?" hindi na ako nagulat nang banggitin niya iyon. Humakbang akong muli at sa ngisi niya pa lamang ay alam ko na kung ano ang kaniyang naiisip. Natatakot ako. Pero hindi. Tinatantiya ko lamang ang distansya. Pinapalawak. Ang sabi ni Papa ay huwag akong kakausap ng mga taong hindi ko kilala. Subalit sa pagkakataong ito ay mahirap yata iyong gawin. Mahirap namang yatang talikuran na lamang sila habang kinakausap nila ako. "We won't do anything bad, don't worry." saad ng lalaki sa kanan. Seryosong-seryoso ang kaniyang ekspresyon. "He's right -- Van!" Nagtaka ako nang nilipat nila ang kanilang paningin sa aking likuran. Hindi ako lumingon. Siguro ay napapraning. Iniisip na kapag lumingon ako ay bigla na lamang nila akong susugurin. Bukod pa roon ay hindi ako komportable sa kanilang presensiya. Wala akong tiwala. Sa hula ko ay hindi maganda ang idudulot ng pagpunta nila rito. Mula sa likod ay naramdaman ko ang isang mainit at madilim na presenya, pamilyar iyon. Hanggang sa maglakad ito at lampasan ako. Tumigil lamang nang makarating na sa aking unahan. Hinaharangan ang aking paningin ng kaniyang likod. "Evander." napakalamig ng tono niyon. Sa hula ko ay ang lalaki sa gitna ang nagsalita sapagkat ibang boses iyon sa dalawang una kong narinig kanina. "Leave." saad ng lalaki sa aking unahan. Seryoso iyon. Malamig at may halong awtoridad. Nakarinig ako ng halakhak. Subalit halatang hindi iyon dahil sa pagkatuwa. Namamangha o hindi kaya ay may isang bagay na napatunayan. "But we've just arrived." "I don't fucking care!" "We're just checking you out, you know we don't care about the missions... but you seems to be so fond of playing here around." I tried to take a glance but the person in front of me won't allow. I tried to step forward but he already wayhaired his right hand in my side stopping me from moving. Stopping me from making another step. "I wonder why..." Ang mumunting kaba na aking naramdaman kanina ay tuluyan nang nawala. Subalit. Hindi ko maunawaan kung ano ang kanilang pinag-uusapan. What mission are they talking about? "Just leave. I don't want to see all of your fucking shit-faces here." Kasunod niyon ay nakarinig na lamang ako ng sunod-sunod na halakhak. "Hot-tempered, as always." "You wouldn't want if I got angry." may diin ang tono ng boses niya. Seryoso. Mistulang nagbabanta. Sandaling katahimikan ang namutawi sa buong paligid. Walang nagsasalita. Subalit maririnig ang mumunting halakhak ng kabila na mistulang pigil-pigil sa pagkawala ng ingay. "We're leaving." malamig na tono ng nasa gitna. Mabilis kong nakilatis kung alin at kaninong boses ang nagsalita kahit na hindi ko silang kilala lahat. "Were just checking on you, anyway." "I don't need all of you here." "Alright, then." Narinig ko ang sunod-sunod na tunog ng kanilang paghakbang. Humigpit ang hawak ko sa aking bitbit na pana nang tumigil sila malapit sa akin. Nakagat ko ang aking bagang. Naramdaman kong kaagad ang kakaiba nilang awra. Madilim. Malamig. Mistulang kagaya ng aking naramdaman noong unang beses kaming magkita ng tao sa aking harapan. Ultimo mga damit na suot nila ay kakaiba para sa akin. Makakapal at magaganda ang mga iyon. Kakaibang-kakaiba sa mga damit na sinusuot ko. "We're going to meet again soon, Elle." kinilabutan ako sa paraan ng pagsasalita noong nasa gitna. Napakalamig noon. Parang nananakot kahit hindi naman. Hindi ako nagtangkang humarap sa kanila upang hindi nila makita na tensyunado ako sa presensiya nila. Bakit ganito? Sino ba sila? "Goddammit!" sunod kong narinig ay ang malulutong na mura ng lalaki sa aking harapan. Kaagad siyang lumapit sa akin upang sipatin ako. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko upang mas mapaharap ako sa kaniya. Ang imahe ng tatlong lalaki ay unti-unti nang nawawala sa aking pangtanaw. "Did they do something on you?" kaagad niyang tanong at ginalugad ang kabuuan ko. Mistulang may hinahanap roon. May gustong makita. "Your name is Van?" bigla ay sumagi sa isip ko ang itinawag sa kaniya ng isang lalaki kanina. "Or Evander?" "Fuck." "Kilala mo sila?" Nagdadalawang-isip niya akong tinitigan. Tinabig ko ang dalawang kamay niyang nakapatong sa aking balikat. Hindi ko maunawaan kung bakit bigla akong nakakita ng natatakot na ekspresyon sa kaniya. Madalas ay malamig, seryoso, galit o hindi kaya naiinis. Siguro nga ay hindi ko naman talaga siya kilala. Kaya ngayong nakakita ako ng kakaiba ay naninibago na kaagad ako.
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 62 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (275)
Sarah Santiago Tabilog
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
23/11/2021
2hahaha
24/06/2024
0ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd
11/06/2024
0View All