logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

"Down! You get down!" sigaw niya sa aking harapan.
Tuluyan nang kinain ng kadiliman ang buong paligid. Maging sa mansiyon ay madilim na rin. Ang buwan ay hindi pa tuluyang sumisikat. Ang mga gasera naman ay hindi ko alam kung kailangan ko bang buksan. Sa totoo lamang ay hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon.
I don't really have any idea on how to manage these kind of situation. But then, in the middle of my intellection, I remember one moment in my memories wherein, sound of pulled triggers of guns and louds bangs are quite familiar.
Nang makabawi sa gulat ay gumapang ako patungo sa isang direksyon kung saan alam kong may nakatagong bagay na makakatulong sa amin.
"Where the fuck are you going?"
Hindi ko inalintana ang galit niyang sigaw sa akin. Sa halip ay nagmadali akong pumunta sa isang malaking paso at kinuha roon ang isang automatic magnum pistol. Nakita ko iyong inilagay roon ni Papa ilang buwan na ang nakakaraan. Under that huge flower vase are tons of ammonition.
I immediately assembled the gun and put exact rounds of bullets. 44 Auto Magnum has standard  of 170 mm vent rib barrel,  it has the weight of 1.62 kg and the length of 11.5 inches. This gun has the bullet diameter of 429 with the 7-round of single-column box magazine. It can be adjustable for target sights.
And I'm pretty expert in using this thing.
Bumalik ako kaagad sa kung nasaan ako kanina. Bahagya pa akong nataranta nang nabasag ang malaking paso dahil sa tama ng bala.
Umuulan ng bala kahit saan at kapag tumayo ako ay maaari akong matamaan. Sa ilang taong paggamit ko nito ay akam ko na kung gaano ito kapanganib.
Natauhan ako nang mahigpit akong hawakan sa braso ng lalaki na madilim ang pagkakatitig sa akin ngayon. Masakit ang pagkakahawak niya subalit hindi ko iyon ininda. Ang mas iniintindi ko ngayon ay kung paano ko ipapaliwanag kay Papa ang mga basag na kagamitan sa loob ng mansyon.
Ilang saglit pa ay nakita kong nakikipagbarilan na ang lalaki sa aking tabi.
Where did he get the gun?
Hawak pa rin niya sa kabilang
kamay ang braso ko. Mahigpit iyon at mariin. Parang ayaw bumitaw. Parang ayaw akong... pakawalan.
Madilim na sa labas subalit kaaagad kong nakalkula kung ilan at saan nakapuwesto ang mga taong nagpapaputok. Ginamit ko ang mga natutunan ko sa tuwing pinipiringan ako ni Papa habang binabaril ang tudlaan. Kaya naman kahit madilim, kaya ko silang maramdaman.
There are six of them.
Nakapalibot at magkakahiwalay ng puwesto. With all my strength, I grabbed my wrist from him and positioned myself to shoot the target. Hindi ko na pinansin ang mga malulutong na mura galing sa kaniya. Patuloy akong gumaganti sa bawat pagpapaputok ng kalaban. Sa tuwing mauubos ang laman ng magazine ay kaagad ko iyong pinapalitan. Ganoon rin ang ginagawa ng katabi ko at halos mainis pa ako dahil pagkatapos niyang magpaputok ay itutuon naman niya ang kaniyang atensyon sa akin. Para bang tinitingnan at sisiguraduhin muna kung may natamo ba akong sugat sa saglit na paglingat niya.
Naliwanagan ng buwan ang buong paligid. Tumatama ang liwanag niyon sa salaming bintana kung kaya't nang mapasulyap ako ay kaagad kong natanawan ang pisngi niyang dumudugo dahil sa daplis ng bala na tumama kanina.
Hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyayari. Wala akong kaalam-alam sa mga bagay na ito.
Nag-aalala ako na baka magalit si Papa kapag nadatnan niyang basag-basag ang mga bintana at gamit ng mansyon. Nag-aalala rin ako kinabukasan dahil paniguradong marami akong lilinising kalat.
Napayuko ako nang masabag muli ang isang plorera sa aking uluhan. Nakagat ko ang bagang ko nang makita na iyon ang pinakapaborito ni Papa na linisan.
Paano na ngayon ito?
Ilang saglit pa ay tumigil na ang nakakabinging putukan. Pinakiramdaman ko ang buong paligid at natiyak na wala na ngang ano pang anyo ng panganib.
Naibaba ko ang aking mata at mariing tinitigan ang aking kamay.
What have I done?
Anong ginawa ko sa kanila? I shooted the three of them. Did I just killed?
I'm just curious.
Anong kailangan nila? Paano sila nakarating dito? Did they targeted us for a purpose? Anong pakay nila sa amin?
Why did they showered us with tons of bullets. Kung hindi kami marunong lumaban, baka kami ang napatay ngayon.
Ito ba ang dahilan kung bakit ako tinuruan ni Papa ng mga ganoong bagay? Ito ba iyon? Sige sabihin na nating naiintindihan ko na. Subalit bakit? Normal ba iyon? Ang makipagbarilan at makipaglaban para lamang hindi mapatay?
Normal ba talaga iyon?
"Who are they?" basag ko sa matinding katahimikan. Sumandal siya sa upuan sa aking harapan, nakapikit at nakatingala. Mistulang nagpapahinga sapagkat maging ako ay napagod rin naman. Hinihingal ako kanina subalit ngayon ay mas kalmado na ang aking pakiramdam.
I stared at him. Because of the midnight sun, I can still see clearly how his adams apple protruded every time he swallows hard. His black midnight hair is glittering at every hit of the light. His pointed nose, thick arched midnight black eyebrows and thin lips are absolutely mesmerizing. How he holds his gun in his right hand is indeed strong and firm. His muscular, brawny and well-formed muscles in his arm are very evident despite of his quite thick clothes. He's the moreno type. And I cannot believe that I can actually see these kind of manly features right in front of me. I thought it was just in the books.
Ngayon ko lamang siya napagmasdan ng ganito katagal. Kinakabahan akong napaiwas ng tingin nang bigla ay magmulat siya ng mga mata at dumiretso kaagad sa akin ang paningin .
"You're a sharp shooter." saad niya. Nakalimutan yata ang tanong ko kanina.
Nang ibalik ko ang paningin sa kaniya ay kalmado na. Ang emosyon ay muli nang nakatago sa kasulok-sulukan ng aking damdamin. Mabuti man iyon o masama, ang mahalaga ay hindi ko maipakitang naapektuhan ako sa sinasabi niya. My father said that I shouldn't let my guard down. Do not let yourself be attached, the reason why my father and I never got the chance to be that close.
He's always putting a quite long distance between us.
Siguro ay iyon nga talaga ang kailangan kong gawin.
"It was... a hobby." tugon ko.
Seryoso ang ekspresyon niya ngayon habang nakatingin sa akin. Nangingilatis. Nananantiya.
"For a girl like you, it's a dangerous hobby."
Girl?
Umismid ako.
"You are underestimating my capabilities."
Tumitig lamang siya. Mariin. Seryoso. Mistulang may inaalam sa blangkong ekspresyon na ipinapakita ko.
"Are you scared?" pag-iiba niya sa usapan.
"Yes."
"You shouldn't, I'm here."
"No, I'm scared that my father might gets angry upon seeing all these mess." iginala ko ang aking paningin sa buong mansyon.
Magulo. Makalat. Nagkalat ang mga basag-basag na bagay. Wala na akong makitang gamit dito na hindi pa sira.
Kalaunan ay nadinig ko ang matunog niyang pagtawa. But I guess it's half-hearted. May restriction. Parang may pinipigilan. Parang iniiwasang itodo. Parang may kinatatakutan.
"Seriously?" ngising tanong niya.
"Bakit?"
"Instead of being afraid of what had just happened, you really are fucking problematic that your father might scold you?" hindi makapaniwala niyang saad.
Kumunot lamang ang aking noo. Hindi maunawahan kung ano ang nais niyang ipahiwatig.
"And of course, paniguradong marami akong lilinisin kinabukasan.
Tumawa siya. Hindi makapaniwala. Pagkuwa'y umiwas at roon bumulong nang bumulong.
Nahagip ng aking paningin ang daplis ng bala sa kaniyang pisngi. Hindi naman iyon malalim, subalit paniguradong masakit pa rin.
Nagugulat siyang napatingin sa akin nang lumapit ako at hiwakan ang ilalim na bahagi ng sugat. Nag-iingat. Natatakot  madampian iyon ng kamay.
"It's bleeding." mahina kong saad. Halos pabulong na. Tumitig muna ako sa kaniyang mata.
Nakipagtitigan rin siya. Malalim. Mistulang may hinahanap sa pagtitig roon. Hindi ko namalayang hinahamplos ko na pala ang kaniyang pisngi. Akma ko iyong aalisin nang bigla ay hawakan niya.
"Does...it hurts?"
Hindi siya sumagot. Tumitig lamang. Umiwas ako ng paningin nang pagkuwa'y nailang at naasiwa.
"It's painful." saad niya. Halos walang tunog. Masyadong mahina. Parang hirap na hirap na bigkasin iyon. Lumipat ang paningin ko sa kaniyang sugat.
He got so many injuries today.
Napangisi ako.
"What?" masungit niyang tanong. Umiling lamang ako at mas lumapit pa sa kaniya.
Hawak niya ang kaliwang kamay ko kung kaya't ang kabila naman ang aking ginamit sa pagkakataong ito. Hinawakan kong muli ang ilalim ng sugat. Marahan iyong hinaplos at ingat na ingat. 
Marahan ko rin iyong hinipan habang hinahaplos. Epektibo naman ito. Ganito ang palagi kong ginagawa sa tuwing nasusugatan ako. Hihipan ko lamang tapos nawawala na ang sakit.
"Masakit pa?" tumango siya.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa. Mas lalo iyong dinahan-dahan at iningatan. Natatakot na baka kapag nagkamali ng galaw ay madagdagan ang sakit niya.
"What are you doing to me?" he said huskily.
Mabilis kong inalis ang aking kamay. Pati ang kabila na hawak niya ay binawi.
Natataranta niya akong tiningnan.
"No. It's not what I mean."
"Sorry, I doesn't... really know how to treat wounds."
Bago pa siya makasagot ay tumayo na ako. Nakatingala siyang tumingin sa akin. Hindi ko maunawaan kung ano ang ekspresyon ang naroroon.
" You can stay for a while if you want. "
I turned my back from him, walking soundlessly, careful not to make any sound. And then when I reached the second floor. I leaned my back in the marbled wall. It's cold. Wintery. Nonchalant. Absolutely different from what I feel at this moment.
The whole mansion is obscure. I pushed some botton. And then fire from the flambeaux immediately lit up.
I opened my room's door and immediately tucked myself into the cold sheets of bed. I closed my eyes. But after a moment of silence I know I still couldn't sleep.
Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina.
Sino ba ang mga taong iyon? Anong kailangan nila? They could have killed us. Only, if ever we weren't skilled. And then that man, I'm really getting more curious about him.
Sino ba talaga siya?
Bakit bigla na lamang siyang sumulpot mula sa kung saan. Ilang beses pa kaming nagkita. Bakit kung nasaan ako ay naroon din siya? Marunong rin siyang humawak ng baril. Lahat ba talaga ay kailangang matuto noon? Lahat ba ng mga taga-bayan ay ganoon?
Magaling rin siyang bumaril. He eliminated half of the number. Maybe he really are skilled. Well-trained just like what  I've been through.
But until now, hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. I never ask. He never asked mine too. Funny how we met several times but still remained strangers to each other.
Pinatay ko ang gasera na nasa gilid ng aking kama. Hindi na ako nag-abalang silipin ang lalaki na iniwan ko sa salas ng mansyon. Ayoko. May iniiwasan akong mangyari. Hindi ko masabi. Hindi ko rin mapangalanan. Kung gusto niya niyang umalis o manatili upang magpahinga ngayong gabi,  nasa sa kaniya na ang desisyon.
Nagising na lamang  ako makaramdam ng init sa mukha. Bahagya pa akong nasilaw nang magmulat ako ng mga mata. Umaga na pala. Ang masaklap ay alam kong tinanghali ako ng gising kumpara sa nakasanayan ko. Kung nandito si Papa ay paniguradong mapapagalitan ako.
Masyado akong naging komportable sa pagtulog.
Matapos kong maghilamos ay kaagad akong bumaba. Napasapo ako ng noo nang maalala na may bisita nga pala akong iniwanan sa salas kagabi. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? Umalis kaya siya ng dis oras ng gabi?
Ang pinoproblema ko ng matindi kagabi ay biglang nasolusyonan. Ang inaasahan kong bubungad sa akin sa umaga ay makalat, magulo at basag-basag na gamit sa salas. Nagkalat ang mga bubog mula sa salamin at mga basyon ng bala na tumama sa mansyon subalit wala.
Malinis. Walang kalat. Maayos.
Nga lamang ay kitang-kita pa rin ang mga basag na bintana. Ang pader ay hindi ganoon katinding naapektuhan sapagkat gawa iyon sa matitibay na bloke ng mga bato.
Dali-dali akong lumabas at inasahang makakakita ng mga katawan. Dugo o kung ano man subalit wala. Malinis iyon. Maayos at parang walang nangyaring kaguluhan kagabi. Nga lang ay kapag tumingin ka sa mga puno ay roon mo makikita ang mga daplis at tama ng baril.
Mabuti na lamang at maraming baging na nakasabit sa bawat puno. Kulay lila at berde. Maninipis at malalaki. Mabuti naman at hindi naapektuhan ang ganda nito. Kung sakali ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Hinanap ko sa piligid ang lalaki pero hindi ko siya makita.
Pati ang mansyon ay hinalughog ko na subalit wala. Siguro ay umalis na. Hindi ako nakapagpasalamat sa kaniya.
Dumiretso ako sa kusina at bahagya pang nagulat nang makita na may nakahain roon. Tinapay at mga nilutong gulay. Kung ganoon ay hindi lamang sa pakikipagbarilan magaling ang ginoong iyon.
Mabilis akong kumain at iniligpit rin naman iyon pagkatapos. Marami akong kailangang gawin ngayong araw. Magbasa ng mga libro at magsanay ng pagdepensa sa sarili kahit alam kong paulit-ulit ko nang ginagawa iyon. Dapat rin sana ay nasa burol ako ngayon at nagsasanay sa pagbaril subalit wala. Sablay ako ngayon. Siguro ay magpapahinga na lamang muna ako ngayong araw. Balak kong hindi ipaalam kay Papa ang mga katamaran ko. Hindi siya matutuwa roon panigurado.
Nagpalit ako ng damit at kinuha ang pana at palaso sa lagayan nito.
I'm not going to hunt. Just wondering if I will still going to ace with this one.
Mabagal akong naglakad patungo sa Yaganak hanging bridge. Sa dulo nito ay kapatagan na. Madalas rin naman akong nagagawi roon subalit hindi ko pa nararating ang dulo. Masyadong malayo.
Humampas ang malamig at mabining hangin sa aking mukha bago pa man ako makarating sa tulay. Sa ilalim nito ay ang talon. Bigla ay naakit ako at nagdalawang-isip kung itutuloy pa ba ang naunang plano o maliligo na lamang muna.
Sa huli ay napagdesisyunan kong bumaba. Tumapak ako sa mga malalaking bato at tinalunton ang pamilyar na daan patungo sa palagi kong pinupuntahan.
I immediately felt the cold, wintery and icy water as I run down my right hand. I'm mesmerized when it suddenly created small waves.. It's my favorite. Above all the other falls, Yaganak is still my favorite. Nangingiti ako habang nilalaro ang malamig na tubig gamit ang aking kamay. Matagal-tagal rin akong hindi nakaligo rito.
Akma kong hububarin ang suot kong damit nang makaramdam ng pares ng mga matang nakatuon sa akin. Inilibot ko ang paningin at itinigil lamang nang mahuli ang itim na pares ng mga mata ng lalaking nakatingin na sa akin ngayon.
Nasa dulong bahagi siya ng talon. Nakaupo sa makinis na bato na siya ring madalas kong gawing pahingahan. Kaagad napawi ang ngiti ko. Iniwasan ko ring ibaba ang aking paningin sapagkat kaagad kong napagtanto na wala siyang suot na pang-itaas.
May mga tumutulong butil ng tubig mula sa itim na itim niyang buhok. Basa ang kilay, pilikmata at mababanaag ang mumunting patak ng tubig na naglalandas paibaba sa kaniyang mukha.
Mariin niya akong pinakatitigan. Seryoso. Nangingilatis at mistulang galit.
Bakit hindi ko kaagad siya napansin? Bakit hindi ko kaagad naramdaman ang kaniyang presensiya?
Siguro ay masyado lamang akong nasabik na lumangoy muli at maligo. Kahapon ay hindi ako masyadong nasiyahan sa pagpasyal sa bukal dahil naroroon siya.
Ngayon ay nasa harapan ko na naman siya. Makakaligo kaya ako ng matiwasay?
Bigla ay nakonsensiya ako sa mga iniisip na kasamaan sa kaniya nang maalala ang ginawa niya kagabi. Palaisipan pa rin sa akin ang kaganapang iyon. Tinanong ko naman siya subalit parang nakalimutan niyang sumagot. Malamang ay siya rin ang nagluto at nag-ayos ng mga kalat sa mansyon.
Kailangan ko bang magpasalamat?
Bigla ay naasiwa ako sa paraan ng pagtitig niya. Masyadong malalim iyon. Parang may hinahanap. May inaalam. May gustong malaman subalit walang mahita roon kung kaya't bahagyang kumukunot ang noo.
"Where are you going?" baritono ang boses ng pagkakasaad niya.
Napatigil ako sa paglalakad palayo. Nakatalikod na ako at handa nang umalis. Ayokong manatili sa lugar na malapit siya. Madalas ay nauuwi kami sa away. Ganoon ang palaging nangyayari sa tuwing nagkikita kami.
Hindi ko siya sinagot, sa halip ay nagpatuloy ako sa paglalakad palayo.
"One more move, and you're gonna fucking regret it." pagbabanta niya.
That cursing machine.
Umagang-umaga ay narinig ko na naman ang mga masasamang salita niya.
Hindi ko siya pinansin dahil gusto ko na rin namang makaalis kaagad dito. Ipagpapatuloy ko na lamang ang nauna kong plano. Pupunta ako sa kapatagan at magmamasid -masid roon. Nakakatawa lamang na kanina ay halos halughugin ko na ang kasulok-sulukan ng mansyon subalit ngayong nakita ko na siya ay kaagad rin naman akong iiwas.
Nagpatuloy ako sa mabilis na paglalakad. Halos takbuhin ko na ang mga baitang ng bato para lamang marating ang kalupaan. Palagi ko namang ginagawa ito. Madalas akong tumatakbo sa ibabaw ng mga bato kahit  ilang beses akong bumabagsak subalit siguro'y dahil sa pagmamadali ay mas lalo lamang akong minalas.
Natapakan ko ang isang bato na may mga lumot. Madulas iyon kaya naman nabitag ako. Dumulas ang paa ko at ang pang-upo ay bumagsak sa bato. Hindi naman ako nasaktan pero may nararamdaman akong humahapdi.
Nabasa ng bahagya ang suot ko pati na rin ang mga paa. Akma akong tatayo nang masulyapan ang ginoo na nasa harap ko na kaagad. Galit na galit ang ekspresyon na kaniyang ipinapakita. Mas dumilim ang mga mata kahit natural na iyong madilim. Paulit-ulit siyang nagsasalita ng mga masasamang salita sa harapan ko na para bang napakalaki ng ginawa kong kasalanan.

Book Comment (275)

  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇

    23/11/2021

      2
  • avatar
    Natasha Miranda Palacio

    hahaha

    24/06/2024

      0
  • avatar
    Kristel Degano

    ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd

    11/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters