logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 8

Kabanata 8
"Cathy! Pinapapunta ka daw ni Ma'am Faye sa kanyang opisina."
Sabi ng baklang secretary ni Ma'am na medyo inartihan pa niya ang pagbigkas sa aking pangalan.
"Sige po papunta na!"
Nagmamadali kong sabi dahil nagmamadali kong isara ang laptop at kinuha ko ang isang buong papel na my design na gawa ko at hindi pa ako tapos doon sa design.
Pumasok na ako sa elevetor dahil aakyat pa ako mula 5th floor hanggang 10th floor.
Pinindot ko ang tenth floor at umandar na ito napasinghap ako ng tumigil pa ito sa 7th floor akala ko tuloy tuloy na ako.
Nagulat ako ng sumakay ang lalaking nagligtas sa akin at umandar.
Tahimik lamang kami ng binasag ko ang katahimikan.
"Salamat nga pala sa pagsagip sa amin ng pusa sa dagat kanina."
Nakita ko siyang tumingin sa akin at mabilis ulit na tumingin sa harap.
"Okay."
Medyo tamad niyang sinabi at medyo nainis ako doon dahil buti nga nagpasalamat ako kahit hindi naman ako nanghingi ng tulong.
Para mawala ang inis at galit sa aking isip ay tumingin ako kung nasaan floor na kami at papunta na kami sa 9th floor.
Nang nakarating kami sa ika-siyam na palapag ay lumabas na ng elevator yung lalaking nagligtas sa amin.
Bago tuluyang sumara ang pinto ng elevetor ay narinig kong ang sinabi niya na para sa akin.
"Alas syete ng gabi sa Veggie's Monhe Restaurant, Dinner."
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Catherine!"
Maikli niyang saad sa unang pahayag at hindi ko narinig ang kanyang binulong tapos nang paanyaya niya sa akin kumain ng hapunan.
Sinawalang bahala ko nalang ang kanyang binulong na hindi ko naintindihan at sa tinggin ko kaya niya ako inanyayahan sa hapunan para makabawi ako sa kanya.
Tumunog na ang elevator at nandito na ako sa opisina ni ma'am, bago ako tuluyan umapak ay huminga muna ako ng malalim.
'kaya mo yan catherine!' Bulong ko sa sarili ko upang lumakas ang aking loob.
"Maupo ka."
Boses ng isang babae na si Ma'am Faye at ito ang bumungad sa akin pagtapak ko palang sa may pintuan niya.
"Asaan na ang iyong design! bukas na iyon kailangan."
Medyo tumaas ang kanyang boses sa unang pahayag pero kinalma niya rin agad ito, nang medyo nanginginig ang kamay kong iabot ang mga papel na may design ko.
Sa totoo lang natatakot ako baka mali ang design ko at pangit iyon at higit sa lahat hindi pa iyon tapos.
"Ano ba itong drawing mo wala man lang feelings at halatang ang gumawa ng design na ito ay walang tiwala sa kanyang sarili!"
Nagkaroon ng ingay ang pagbagsak ni Ma'am nang papel at tumingin sa akin.
"Ms.Catherine Buliayan! Hindi mo natapos ang iyong gawa at wala man lang makikita sa design mo na kakaiba.
Alam mo namang maraming mas magaling magdesign dito kesa sayo pero ikaw parin ang nandito!"
Aniya niya habang hinihilot niya ang kanyang ulo at medyo kunot ang kanyang noo na para bang pasan niya ang mundo.
"M-ma'am mapapasa k-ko po yan bukas, magpupuyat nalang po a-ako."
Medyo utal kong sabi at huminga siya ng malalim at tiningnan ang aking gawa at tumingin sa basurahan.
Nagulat ako ng tumayo siya at wala alinlangan itinapon ni faye ang aking design.
"Gumawa ka ulit ng bago at kailangan ko na iyon bukas. Pwede kanang umalis."
Sabi ni Ma'am at pumunta sa kanyang upuan na para bang prinsesa at inumwestra sa akin ang pinto palabas.
Pumunta na ako sa pinto at pagkalabas ko hindi ko mapigilan hindi magalit sa kanya.
Ganyan na iyan simula noon namatay ang pamilya ko 
Isang-pu't-anim ang aking edad simula ng mamatay ang aking mama at papa at nagiisa lang ako na kanilang anak dahil sa akin kaya nasunog ang aming bahay dahil naiwan kong bukas ang kandila at walang kuryente nung oras na iyon kaya mabilis kumalat ang apoy.
Nagising na lamang kami noong tinatakas kami ng aming kapitbahay at nakitulog si Faye sa amin noon dahil ayaw niyang umuwi sa kanila at nagulat nalang kami na grabe na ang laki ng kain ng apoy sa aming bahay.
Umiyak ng umiyak si Faye noon samantala ako ay tulala lamang. Simula non lagi na siyang galit sa akin pero diba bakit siya nagagalit sa akin? Diba dapat ako ang magalit sa aking sarili?
Muntik na akong mapatalon sa aking kinatatayuan ng may nakita akong panyo na malinis sa aking harapan.
Nakayuko ako at nakatulala kanina pa habang iniisip iyon, talagang kapag iniisip ko iyon nagagalit ako sa aking sarili at sariwa pa sa akin iyon kahit walong taon na ang nakakaraan.
Kinapa ko ang aking pisnge at nakita kong may luha na palang tumulo doon. Kinuha ko ang panyo dahil baka pagbalik ko sa aking lamesa ay pagchismisan ako doon mahirap na.
Inaangat ko ang aking ulo para makita ko kung sino ang nagbigay ng panyo pero tumalikod nalang siya.
"Laban mo muna yan bago mo isauli."
Medyo tamad na sabi ng isang boses lalaki at hindi ako pwede magkamali ang boses na iyon at ang boses na nagligtas sa akin ay iisa.
Nakikita ko lamang ang kanyang likod at pumasok siya sa opisina ni Ma'am at alam kong siya ang nagligtas sa amin ni 'aborabo' yan ang pinangalan ko sa pusa na kulay abo.
Tumayo ako sa aking higaan at pakiramdam ko galing ako sa aking mahabang panaginip.
Nakaupo pa ako sa higaan at nagmumuni-muni dahil iniisip ko ang mga alaala na bumalik na sa akin at alam ko na wala na akong pamilya na medyo ikinalungkot ko.
'Ang buong pangalan ko pala ay Catherine Buliayan.'
Alam ko na din na may kaibigan ako na si Carla, kamusta na kaya siya? Saka ang niligtas kong pusa na si aborabo ay iyon pala si midnight ang pusang hinihimas ko tuwing nagigising ako at ang pusa ni Tita Joy.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang pusa natutulog naman siya sa may upuan kinuha ko siya at inilagay sa aking hita at hinimas himas ko at parang gustong guto niya.
Ang ikinatataka ko ay bakit yung lalaking nagligtas sa amin ay noong bumulong siya ay hindi ko narinig.
Samantalang noon bumulong si Tita ay narinig ko at mas malayo ang pagitan namin ni Tita kesa doon sa lalaki.
Ibig sabihin wala pa akong gantong nararamdaman dati.

Book Comment (0)

    View All

Related Chapters

Latest Chapters