logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

5

Matatalim na mga mata kaagad ni Mommy ang bumungad sa akin pagka-alis ng mga kliyente sa Board room. Pinasadahan niya ng tingin ang soot ko. Nasa labas si Daddy habang nag-papaalam sa mga kliyente.
Narinig ko ang buntong hininga niya. Tumaas ang kaliwang kilay at disappointed na tumingin sa akin.
"What are you wearing? You supposedly wearing some formal or nice outfit. Humarap ka sa mga bisita Amora, hindi sa mga bisitang kaibigan mo."
"I know and I'm sorry, hindi ko naman po sinasadya eh."
"Wag mo ng uulitin sa susunod!"
Yumuko ako.
"Opo, Mommy."
Umiiling-iling ito na deri-deritsong lumabas. You need to wear a decent outfit whenever you're infront of a guest. Iyan ang linya na tumatak sa isipan ko. Maliit palang ako iyan na ang sinasabi niya sa akin.
So I disappointed her today huh.
Masaya si Daddy habang nasa sasakyan kami at papa-uwi na. Nakatingin lang ako sa labas. Sino ba naman ang hindi sasaya kung marami ang tumutulong sa kompanya mo.
Sinamaan ko ng tingin ang Driver ng pumunta na kami sa parking lot. Umawang ang labi nito at kunot ang noo ang ibinigay sa akin. Hindi alam kung ano ginawa, kung bakit ako galit sa kaniya.
Nakasimangot akong sumakay sa kotse. Sa front seat sumakay si Daddy. Si Mommy naman ay katabi ko.
Halos buong biyahe ay nakasimangot ako. Inaalala parin ang sinabe ni Mommy. Napatingin ako sa rear view mirror. Nagkasalubong kami ng tingin nong lalake. Busangot ang mukha ko kaya nakitaan ko ng maliit na ngiti ang mga mata niya. Siya ang unang nag-iwas ng tingin.
Sumalubong kaagad si manananggal Amalia kena Mommy, pag-uwi namin.
"Mommy! guess what!?..."
Hindi ko na pinakinggan pa ang pinag-usapan ng mga ito. Deritso na ako sa itaas. Tinungo ang kwarto at pabagsak na humiga sa kama roon. Hindi ko naman alam na mga diyos pala ang bisita. Tss.
It's not my fault to wear this though. Hindi naman sila mamamatay kapag nag swimsuit pa ako do'n.
Kinabukasan nakita ko sa garden ang lalake. He's name is Demos, unique na pangalan ng lalake ni minsan ay hindi ko pa narinig, sa kahit sino. Kakaiba, katulad sa kaniya, weird din.
Umangat ang tingin nito sa akin papunta sa veranda kung nasaan ako. May hawak itong gunting, umawang ang bibig ko. Mabilis na lumabas ng kwarto. Naabutan pa si Yaya Lyn na may hawak ng tray na pagkain sa kamay.
"Iha, akala ko hindi ka bababa. Nag-dala ako ng pagkain mo."
Hindi ko ito sinagot. Nag-patuloy ang pagpunta sa garden para singhalan ang lalake.
"Hoy!" Sigaw ko habang inaayos ang night robe na puting soot ko.
Pumameywang ako na humarap dito.
"Anong ginagawa mo sa mga bulaklak ko!? wag mo nga iyang galawin!"
Inilagay nito ang gunting sa lupa at pinulot ang mga tuyong dahon na nakalagay na sa plastik.
"Did I gave you my permission to touch my flowers? Ha!?"
Seryoso at naka-kunot ang noo nito. Wala itong sagot sa mga tanong ko. Umalis ito at inilagay ang tuyong dahon sa basurahan.
Masama parin ang tingin ko dito ng bumalik ito.
"You gave me a permission yesterday, remember?"
Napintig ang tenga ko sa narinig. Well, tama siya.
Tumaas ang isang kilay kong bumalik ang tingin sa kaniya.
"Kahapon lang 'yon!"
Ngumisi ito. Muli ay ipinagpatuloy ang ginagawa. Aangal na dapat ako pero dumating si Amalia manananggal na may dalang tray ng meryenda. Sumimangot ako at nag-dadabog na umalis.
"Mabilaokan ka sana." Bulong ko habang papalayo sa kanila.
Narinig ko naman sa hindi kalayuan ang pag-ubo ni Amalia. Evil smirked.
Nakataas ang kilay kong ngumisi habang sinusundan ng tingin si Diana. Umirap lang ito kasama ang mga kaibigan niya. Nagtawanan kami ng mawala ito sa paningin namin.
Akala ko ba bibili? bakit lumiko at lumabas sa exit ng cafeteria?
"She's so pangit! Hahaha"
Halos lahat ay iba-iba ang komento. Inilibang ang oras sa pang ba-backstab kay Diana. That manananggal!
Uwian na at aligaga ang lahat sa pag-liligpit ng gamit. Napatingin ako kay Lenzy na aligaga sa pag-kulikot ng bag niya. mahigpit ang hawak nito sa bag at masama rin ang tingin niya rito.
Heather was busy calling or texting her driver.
Malakas ang ulan sa labas. Everyone is panicking. Pati narin ang mga kaibigan ko, maging ako.
"I'm gonna go, guys! nandiyan na si manong selmo" Heather.
Halos lumipad itong lumabas ng classroom. I eyed Lenzy again. Masayang mukha na ang meroon siya ngayon. Isinasayaw ang maliit niyang payong na para bang nawala iyon ng ilang taon.
Napabuga ako ng malakas na hangin.
"May payong ka?"
Tiningnan ko siya at umiling.
"Wala kang sundo?" Inaayos na niya ang bag niya ngayon.
Hindi ko ito sinagot. Meron! at ayokong sumakay sa bwesit na lalaking iyon. Sana naman wala pa siya sa labas.
"Sumabay ka nalang sa akin" Isinukbit na nito ang bag.
Sa tingin ba niya, magkakasya kami sa maliit niyang payong. No thanks.
"Wag na"
Umasim ang mukha nito kalaunay ngumisi na parang may naisip.
"May nag-mumulto pa naman dito―Ah!"
Binato ko ito ng notebook kaya ay napa-aray ito.
"Pwedi ba, wag mo 'kong takutin. Umalis ka na nga!"
"Oo na! bahala ka, Bye."
Inirapan ko ito. Wala nga talaga akong magagawa kung hindi ang magpabasa ngayon huh? Isinukbit ko na ang bag sa likod. Linakad ang tahimik na hallway.
Great! Maliligo nga talaga ako ng maaga ngayon!
Busangot ang mukha kong tumingin sa ulan. I love rain, so much. Pero pag nasa bahay lang ako mag-damag. Watching netflix and sipping my coffee. That is so fucking relaxing.
Pero hindi ngayon. May pasok pa 'ko bukas at ayokong magka-sakit.
Wala sa labas ang lokong driver na iyon. Nag date yata ng girlfriend niyang manananggal!
Sinulong ko ang ulan. Mabilis na tumakbo sa kung saan. Shit! wala pa namang waiting area dito. Lahat kasi may kotse o di kaya'y driver. Kaya hindi na kailangang mag commute at mag-hintay sa waiting area.
Malakas ang ulan. Samahan pa ng kolog at kidlat. Malamig ang hangin at alam ko na basa na ang lahat ng gamit ko. Peste ang driver na iyon! sana sisantihin siya ni Daddy bukas.
Napa-tigil ako sa gitna ng puno. Nagulat ako ng may mga lalaki doon. Kumabog ang dibdib ko, mabilis na linisan ang puno.
Sa gitna ng daan. Lakad-takbo ang ginagawa ko. Sana hindi naman ako magka-sakit bukas noh? sana makapasok parin ako dahil tatawanan pa namin si Diana manananggal.
"Amora!!"
Napalingon ako. Huminto ang itim na sasakyan sa gitna ng daan. Nanginginig ang labi ko. Ang kamay ko naman ay nanginginig din habang naka-hawak sa bag ko na nasa aking ulo.
Bumukas ang pinto at lumabas don ang lalaki. Galit ang mukha nito habang nanmimilog ang mga mata. Nagtiim bagang at mabilis na lumapit sa akin.
Ako man ay walang nagawa kundi ay yumakap sa kaniya. Nabitawan ko ang bag na nahulog sa kalsada. Yinakap ako nito pabalik at nag-mumura.
Wala na ako sa sarili para magalit sa kaniya. Wala na ako sa sarili para hindi sumama. Linalamig na ang boong katawan ko. Bago pa ako mawalan ng malay ay malalaking braso ang yumakap sa akin.
Bukas nalang kita aawayin.
Ngunit kinabukasan, masakit na ulo ang bumalot sa akin. Si Yaya lyn kaagad ang nakita ko. Nag-aalala ang mukha nito.
"Iha, gising ka na!"
I am here in my room. Sa bedside table nakalagay ang mga gamot. Sinalubong ko ang tingin ni Yaya lyn.
"Maayos ka na ba? Gusto mong  kumain? anong gusto mo?"
"Anong nangyari?"
Bubuka na dapat ang bibig nito ng pigilan ko siya.
"Wag mo na palang sagutin; bring my food here."
Tumango ito at mabilis na lumabas.
Inabot ko ang thermometer sa gilid ng mesa. It took a minute bago makita ang resulta at confirmed may sakit nga ako. Lumabas ako ng kwarto. Not minding my fever. Hindi naman ako aalis kaya mas mabuti na mag-lakad-lakad kaysa humiga magdamag.
Ayaw kong humiga magdamag dahil mas lalo lang akong magkaka-sakit.
At iyong lalake, sigurado na pinagalitan siya ni Daddy at paalisin na siya dito. Ngumiti ako. Sinadya na dumaan sa opisina ni Daddy.  Narinig na may nag bubolong-bulongan sa loob. Idinikit ko ang tenga sa pinto at pinakinggan ang usapan nila.
Mag-paparty talaga ako ng bongga pati ang mga patay imbitado kapag napa-alis ang lalake dito.
"Pasensya na po sir, Natagalan po kasi ako sa ba-banyo kaya hindi ko nasundo si ma'am sa tamang oras."
Pero hindi iyon ang boses ni Demos. Wait, may ibang driver pa bang hinire si Daddy?
Komonot ang aking noo. Muli kung pinakinggan ang usapan nila.
"Whatever your reason is, I don't care! Nag-kasakit ang anak ko dahil sa kapabayaan mo. You're fired."
"S-sir, hindi ko naman po sinasadya, p-pasensya na po. Wag lang po ninyo akong paalisin."
"Pasensya narin Mr. Samonte but my decision is final. Kahapon ang unang araw mo sa trabaho dapat nag-handa ka. Unang araw palang palpak na kaagad, You are supposed to be my daughter's driver but you failed my expectation. Makaka-alis ka na Mr. Samonte."
Natahimk sa loob. Nagulat ako ng bumukas ang pinto. Iniluwa roon ang hindi katandaan'g lalake. He is forty plus I think. At bago pa siya mawala sa paningin ko. Hindi makakalimutan ng mga mata ko ang nasaksihan. Galit.
Muli akong nakinig sa loob.
Wala na akong naririnig. Siguro nag-punta ang mga ito sa veranda. Hindi ba mag-babago ang desisyon ni Daddy? Hindi ba niya paalisin ang driver na iyan? Nagkasakit ako ng dahil sa kanya kagabi!
"Iha"
Gulat akong napalingon kay Yaya Lyn. Dala ang pagkain  ko.
"Anong ginagawa mo? Nagpapahinga ka dapat..."
Bumukas ang pinto sa aking likod at naamoy ko kaagad ang mamahaling pabango niya. Hindi ako naniniwala na isa lang siyang driver! Ang expensive kaya ng perfume niya!
"D-daddy, Hi! Hihi..." Awkward kong saad. Siguro naiisip nila na pinakikinggan ko ang mga usapan nila.
"Amora, Iha..."
Daddy asked some question kung maayos na ba ako. I answered him ngunit ang tingin ko sa lalaking kahit saan mag-punta. Lahat ay pupuriin siyang anghel.
Well! He is a Devil. A weird Devil.
✔︎ZN

Book Comment (19)

  • avatar
    Angeli Solon

    happy🥰

    3d

      0
  • avatar
    SilvaAliciamae

    I loved

    20d

      0
  • avatar
    Nuraisa

    Yes yes

    21/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters