logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

NMFW 9: Torrie's revenge

AKESHA'S POINT OF VIEW
"Ba't ang tagal mo?"
Sinigurado 'kong wala nang luha sa mga mata ko bago ako lumapit kila Torrie na naka tambay sa bench sa quadrangle. Nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ako sa c.r kasi kanina pa ako naiihi. 
"Maraming tao," walang ganang sagot ko, tinatago ko kay Torrie yung mukha ko baka mahalata niyang katatapos ko lang umiyak. "Balik na tayo sa room, baka nandon na yung mga educator, mapagalitan pa tayo." Usal ni Perrie kaya nagsimula na kaming mag lakad. 
"I know na katatapos mo lang umiyak,"  nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan yung braso ko kaya napatigil kami sa paglalakad. "Uhm... Perrie, may bibilhin lang kami sa canteen, mauna ka nang pumasok baka nandiyan na yung educator niyo." Walang emosyong sambit ni Torrie at napatango lang si Perrie.
Nung umalis si Perrie, sumama ang tingin sa'kin ni Torrie. "Anong dahilan  bakit ka umiyak?" Inis na usal niya kaya bahagya akong kinabahan. "W-wala, n-napuwing lang ako," na-uutal 'kong sagot at sumalubong naman ang kilay niya. 
"Napuwing? Pulang-pula yung pisnge at ilong mo, napuwing?" Patay! Wala na akong magawa dahil nahuli na niya ako. Hindi ko alam kung paano mag sisimula. "May lalaking nag bato sa'kin nung itim na bag," kinakabahang kwento ko. 
Nakatingin lang siya sa'kin at hinihintay niya ang susunod 'kong sasabihin. "Pagkatapos niyang ibato sa'kin 'yon, tumakbo na sila nung mga kasama niya kaya nag taka ako kung kanino 'yon." Seryoso talaga siyang nakatingin sa'kin!
"N-nagulat ako nung may biglang lumabas sa c.r," hindi ko na matapos yung sasabihin ko dahil kinakabahan ako. "K-kay Z-zacc yung bag, s-sinisi niya ako na ako daw yung kumuha nang bag niya." Mas lalong kumunot ang noo niya at hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi pumasok na kami sa room.
Natapos yung klase na hindi kami nag uusap ni Torrie, galit na galit talaga siya sa nangyari. Hindi na rin kami nakapag paalam kay Perrie kasi pagkalabas nung educator, dali-daling lumabas si Torrie.
Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang parking lot at tumigil yung pag tibok ng puso ko nung nadatnan namin si Zacc na nakatambay sa parking lot at mukhang hininihintay niya yung kaibigan niya. Patay!
*BLAG*
Tumingin ako kay Torrie at nakayukom ang kamao niya habang nakatingin kay Zacc. Nalingat lang ako saglit, bigla niyang sinugod si Zacc at sinuntok niya ito sa panga! 
Lumapit agad ako kay Torrie at pinigilan siya dahil akmang susuntukin niya pa ito ulit. Sa wakas at nag pahila na siya sa'kin at dire-diretsyo kaming sumakay sa kotse niya at pinatakbo niya agad 'yon palayo. "D-dapat h-hindi mo na g-ginawa 'yon," nauutal 'kong usal at nag hahanap ako ng makakapitan 'kasi ang bilis niyang mag drive.
"Alam mo naman yung ipinangako natin kay lolo Ambrosio bago siya mawala!" Sigaw niya kaya gulat akong napatingin sa'kaniya at pulang-pula siya sa galit. Kinakabahan ako dahil ang bilis niyang  mag maneho at bumabagal lang 'yon pag titigil kami sa street light.
"H-hindi ko naman makakalimutan 'yon. A-ang akin lang, p-pwede n-naman tayong umiwas sa gulo." Pinipilit 'kong maging mahinahon kahit kinakabahan ako. Nararamdaman 'kong sumisikip yung dibdib ko kaya hindi na ako nag salita pa. 
"Sinubukan naman nating umiwas sa gulo! Pero ang gulo ang kusang lumalapit sa'tin!" Inis paring bulyaw niya pero hindi na ako sumagot. Inhale Akesha, Exhale. Nakarating kami sa bahay na panay ang sigaw niya. Hindi na ako sumagot dahil walang tigil ang paninikip ng dibdib ko.
Pag-ka-park niya ng kotse, nagtataka ako dahil hindi niya parin tinatanggal yung seat belt niya. "A-akesha, I'm sorry, g-gusto lang naman kita ipag tanggol sa bitch na 'yon 'e."  Pakiramdam ko bumuti na ang pag hinga ko nung sinabi niya ang mga katagang 'yon.
"Naiintindihan ko, naiintindihan ko na nag aalala ka, pero sana kahit papano, umiwas tayo sa gulo." Usal ko habang nakatingin sa'kaniya. Naluluha siya habang nakatingin sa'kin. "A-ayaw ko kasing nakikita ka na nasasaktan, dati palang, alam mo 'yan." Tuluyan nang bumuhos ang luha niya at niyakap ko siya.
"I love you," naluluhang tugon niya at siya na ang kusang humiwalay sa pagkakayakap sa'kin. "I love you too," Sagot ko at bumalik na ang ngiti niya sa labi. "Ugh... Sayang make-up! Sana hindi nalang ako nag re-touch!" Reklamo niya at tinawanan ko lang siya.
"Samahan mo 'ko sa mall next week, wala na akong stocks diyan." Sabi niya at niyaya niya na akong pumasok sa loob. "Mga anak, nakauwi na pala kayo," bungad ni tatay Ruben, may dala-dala siyang dalawang malaking tupperware. 
"Tatay Ruben, ano po 'yang dala niyo?" Tanong ni Torrie pagkatapos niyang mag mano. "Sinigang anak," masayang usal niya at excited siyang kainin namin 'yon. Nag mano na rin ako at pumasok na kami sa loob,
Pinaupo ko na sila sa dining area at ako na ang nag prepare nung pagkain namin. "Let's eat!" Masayang usal ni Torrie, mukhang gutom na gutom siya sa nangyari. Nag lapag na ako ng plato sa harap nila at sabay-sabay na naming pinag salu-saluhan yung pagkain. 
Siyempre bago kumain, hindi namin nakalimutan mag dasal. "Amen," kumain na kami at tuwang-tuwa si tatay Ruben dahil nagustuhan namin yung ulam na niluto niya. "Tatay ang yummy po ng niluto niyo." Tuwang-tuwa si Torrie, aaminin 'ko ang sarap naman talaga ng mga luto ni Tatay Ruben.
"Salamat anak, bukas anong gusto niyong ulam." Nakangting usal niya at mukhang proud na proud siya sa luto niya. Natapos na kaming kumain at si Torrie na ang nag prisinta na mag hugas ng mga plato. Nasa living room kami ni Tatay Ruben at nanonood kami ng T.v. "Kumusta pag-aaral anak," Tanong ni Tatay Ruben.
"Ayos naman po, kinakaya pa naman," sagot ko, naka-upo lang ako sa sofa habang inaayos niya yung librong nakakakalat sa sahig, mga libro 'yon ni Torrie. "Saan nga pala kayo nag aaral?" Tanong niya pagkatapos niyang ayusin yung mga librong nakakalat.
"Arellano International School po." Sagot ko, tumayo ako para kunin yung laptop ko sa table. "Ah, sa  Arellano, pagmamay-ari ni Sir. Zacchristian Delfredo sr." Nagulat ako dahil kilala niya sa dean. Lumingon ako sa'kaniya at ang tanong. "Kilala niyo po si Dean?" Tanong ko at tumango naman siya.
"Kilala ko siya anak, siya ang nag bigay nang scholarship sa panganay ko sa isang sikat na university sa manila." Kahit na nakangiti siya, kitang-kita ko ang lungkot at pangungulila niya sa anak niya. 
"'E yung bastardo niyang apo, kilala niyo ho ba?" Pag singit ni Torrie habang pinupunasan niya yung kamay niya gamit yung KURTINA! Pinandilatan ko siya ng mata at nag peace sign lang siya sa'kin. 
"Ah si Zacchaeus, oo kilala ko siya anak, sabi nila ibang-iba daw siya sa tatay at lolo niya, pero para sa'kin naiintindihan ko kung bakit ganon yung ugali niya dahil lubos siyang nasaktan sa pagkawala ng nanay niya." Mahabang lintaya ni tatay Ruben kaya ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganon yung ugali niya.
"Pero hindi po sapat yung dahilan niya para manakit siya ng kapwa niya tao, kasama pa niya yung kaibigan niyang buhok pancit canton." Tinawanan lang siya ni Tatay Ruben kasi para siyang batang nag rereklamo. 
"Intindihin nalang natin siya anak, siguro grabe lang talaga yung naging epekto sa'kaniya nung pagkawala ng nanay niya kaya siya naging ganon." Malumanay na sabi ni tatay Ruben. "Opo itay," sagot ni Torrie.
"Oh siya, alis na ako mga anak, matulog na kayo para may lakas kayong pumasok bukas." Pagpapaalam ni tatay Ruben. " Goodnight tatay," usal ni Torrie . "Goodnight po," nag mano kami bago siya umalis sa bahay. "Goodnight," nung maka-alis na si tatay Ruben, bumalik na ako sa laptop para gawin yung mga assignment ko.
"May rason naman pala kung bakit tarantado yung Zacc na 'yon." Tumabi sa'kin si Torrie dala-dala yung laptop niya. "Everything has a reason," sagot ko habang nakatingin parin ako sa laptop. "Ang hindi ko lang alam, yung rason mo, kung bakit mo ginamit yung kurtina pampunas sa kamay mo," dagdag ko at narinig 'kong humagikgik siya.
"I'm sorry, tinatamad na kasi akong hanapin yung towel," rason niya at tumango lang ako. Wala nang nag salita saming dalawa at busy kami pareho sa mga assignment namin. 11:30pm na kaya napagdesisyunan naming umakyat na sa kaniya-kaniyang kwarto para mag pahinga.
Pagkatapos 'kong mag toothbrush, ibinagsak ko na yung katawan ko sa kama. Papikit na sana yung mata ko nung biglang may kumatok sa pinto. "Pasok, hindi naka lock 'yan," sabi ko at pumasok na si Torrie. "Akesha, pwedeng tumabi ako sa'yo? I feel lonely kasi sa room ko 'e" 
Tumango lang ako at tumabi na siya sa'kin. Pang dalawang tao naman 'tong kama ko kaya okay lang na mag tabi kaming dalawa. "Akesha pag dumating yung time na hindi tayo magkasama, sa tingin ko hindi ko 'yun kakayanin." Biglang usal niya kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko, diretsyong nakatingin lang siya bago sa'kin bumuntong hininga. "Ang ibig 'kong sabihin, pano pag dumating yung time na kunin na ako nila daddy at pabalikin na nila ako sa Canada... Akesha hindi ko kaya." Hindi ko naman siya masisisi sa pag o-overthink, dahil magsimula bata kami, kami na ang magkasama.
"Wag ka mag alala, hindi tayo mag hihiwalay," kampateng sagot ko. Totoo naman 'e, may araw na kukunin na siya ng magulang niya pero napigilan namin. "Pero kung dumating yung  araw na maghihiwlay tayo, walang kalimutan ah." Tumulo nanaman yung luha niya. "Hindi pa ako handang magkahiwalay tayo." Lumuluhang usal niya.
"Kung pwede lang kitang pakasalan ginawa ko na para lang hindi ako mawalay sa'yo." Ayaw na ayaw niya talagang mahiwalay sa'kin. Para kaming kambal sabi ng mga magulang namin dahil hindi kami naghihiwlay, kung nasan ako, nandon rin siya.
"I wish I am a boy, kung 'yon lang yung paraan para pakasalan kita, but God gave me a tahong." Gusto 'kong matawa kasi napakadrama niya pero alam 'kong lahat ng sinasabi niya ay totoo. Napakaswerte 'ko talaga, dahil naging kaibigan ko si Torrie.
"Hindi naman basehan ang pagpapakasal, para hindi mag hiwalay ang dalawang tao," pinunasan ko yung mga luha niya. "Tandaan mo, may tinatawag na divorce," dagdag ko. "Pero kung dumating man yung panahon na magkaroon ka ng boyfriend, subukan niya lang na saktan ka, ako ang makakaharap niya." Sabi niya na may pagbabanta.
Natawa ako sa sinabi niya. Hinila ko siya at niyakap. "Hindi ko na kailangan ng boyfriend, Torrie ikaw lang sapat na." Sabi ko habang nakayakap ako sa kaniya. "Tulog na tayo," sabi ko at tumango naman siya. 
"Goodnight," sabi ko.
"Goodnight," sagot niya at sabay naming ipinikit ang mga mata namin.

Book Comment (129)

  • avatar
    NatashaadilaHafizulaili

    best gilerrr

    25/06

      0
  • avatar
    Yolanda T. Hilot

    100

    23/06

      0
  • avatar
    Genesis Aonuevo Ragada

    So beautiful

    20/06

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters