logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

The Water Goddess

The Water Goddess

Reign Empress


The Coupon (Prologue included)

Prologue
Ametina's POV
*Kaluskos*
Nagising ako nang makaramdam ako ng kaluskos."Hon." panggigising ko sa aking asawa.
Agad naman syang napamulat."Bakit?" tanong nya habang kinukusot ang mata.
"May narinig akong kaluskos." sabay kaming nagkatinginan nang may isang malakas na kalabog ang bumasag sa katahimikan.
Agad kaming dinala na aming mga paa sa pinanggalingan ng ingay. Hawak-hawak ng asawa ko ang espada nya habang ako naman ay nakahanda sa anumang pag-atake na gagawin nya.
Dahan-dahan kaming umakyat at pinakiramdaman ang paligid ng bahay nang biglang umiyak ang anak namin na si Ianna.
"Cleper! Sa kwarto ni Ianna!" sigaw ko sa kanya na agad naman kaming pumunta na kinaroroonan ng anak namin.
Sa pagbukas ng pinto, wala kaming nakita kundi ang anak namin na umiiyak.
Lumapit ako kay Ianna at agad na inakay sya. Tinignan pa naming dalawa ang bintana na ngayon ay nakabukas na.
"Sino kaya ang may gawa nito?" tanong ko sa asawa ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak si Ianna. Maging sya ay wala din ideya kung sino ang may pakana nito.
"Hindi kaya isa sa mga taga-dystopia?" Kapwa nanlaki ang mga mata namin at muli kaming nagkatinginan nang biglang may humila sa asawa palabas ng bintana.
"Cleper!" sigaw ko.
Buti na lamang ay agad akong nakahanda at sinalo sya ng lambat na gawa sa tubig na likha ko.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko, hindi sya sumagot pero narinig ko ang pagsigaw nya.
"Kung sino ka man, magpakita ka! Huwag kang magtago! Sa halip ay ipakita mo iyong totong anyo!"
Dumaan kami ng anak ko sa bintana gamit ang hagdan na likha ng kapangyarihan ko upang makababa.
Lumapit sa asawa ko habang akay-akay ang anak namin. Isang kaluskos muli ang aming narinig. Mga yabag ng paa na ramdam naming papalapit na sa amin. Itinaas ni Cleper ang espada upang ihanda ang sarili sa pag-atake.
"Umalis na kayo ni Ianna dito. Ako na ang bahala."
Inabot nya sa akin ang isang kwentas na naglalaman ng isang ginintuang tubig. "Itago mo 'to magagamit ni Ianna yan."
Hindi ako pumayag sa gusto nya. "Hindi! Hindi ka namin iiwan dito ng anak mo. Kung makikipaglaban ka, lalaban din ako." Pagpupumilit ko sa kanya.
"Hindi maaari, kailangan mong iligtas ang anak natin. Si Ianna ang pakay nila kaya habang may oras pa tumakas na kayo." Pagtataboy nya sa akin.
"Hindi Cleper! Handa akong makipaglaban para sa anak natin. Sasamahan kita di--" natigilan ako sa aking sinasabi nang tumigil ang pagyabag.
Katahimikan ang muling namayani sa paligid. Pero dama pa rin namin ang presensya nito sa paligid.
"Nandito pa sya." bulong ni Cleper.
Pumikit ako para pikiramdaman ang paligid. Isang sabay-sabay na pagsabog. Sumabog ang bahay at nasunog ito.
Agad kaming napaupo at pinroteksyonan ni Cleper gamit ang kalasag nya. Hindi ko na nagawang apulahin pa ang apoy dahil naglaho din ito pati na ang bahay sa isang iglap.
Pareho kaming napatunganga sa madilim na paligid. Na sa isang iglap nawala ang masaya naming tahanan. Ni bakas nito ay wala na.
Dumilim ang paligid, tanging ang ginintuang tubig lang nagliliwanag na ngayon ay suot-suot ni Ianna.
Maya-maya pa'y may boses na nagsalita."Ibigay nyo sa akin si Ianna at malaya kayong makakaalis sa lugar na ito ni Cleper!" bulalas nito.
Malaki at nakapangingilabot na boses pero hindi nagawa nitong sindakin ang asawa ko.
"At sino namang hibang ang gagawa ng ganyang bagay sa anak nya! Sa tingin mo ganun mo lamanng makukuha ang anak namin?!" Nangingilid na ang mga ngipin nya sa galit.
"Magpakita ka at wag kang magtago sa dilim!" Paghahamon nito.
"Yun ba ang gusto mo Cleper?" sagot ng nakakatakot na boses.
Bumuo ako ng tubig at pinasok sa loob si Ianna, matibay na proteksyon iyon upang hindi sya masaktan ng halimaw. At ako naman ay tutulong sa ama nya.
Lumapit ako kay Cleper at nilagyan din sya ng proteksyong tubig, bumalot iyon sa katawan nya. Matibay ang proteksyong ginawa ko para sa kanilang dalawa. Sapat na siguro yun para parotektahan sila.
Lumitaw sa dilim ang nagliliwanag na mga mata- kulay pulang mata na nanlilisik. Palapit nang palapit, hanggang makita namin ang buo n'yang anyo. Mahahabang sungay at itim na mga pakpak. Hindi nga kami nagkamali ni Cleper, isa sya sa mga taga- Dystopia-isang dyseus.
Kagaya din namin sya na may angking kapangyarihan ngunit di nagbago ang ang lahat sa kanya ng lamunin sya ng kasamaan. Kaya n'yang mag-anyong tao ngunit kasamaan ang nananalaytay sa kanyang dugo. Puno ng galit at paghihiganti.
"Kamusta ka na mahal kong Ametina?" Lumapit sya at hinawakan ang pisngi ko.
Akmang susugurin sya ni Cleper nang biglang harangan ni Treyvor ang paligid namin.
"Ametina!" sigaw ni Cleper.
"Wag ka mag-aalala Cleper. Hindi ko kayang saktan ang babaeng pinakamamahal ko." aniya sabay tingin ng panunuya kay Cleper.
At muli n'yang ibinaling ang tingin sa akin, "Diba Ametina?"
Nanatili lang akong nakatayo habang ang mga matutulis nyang mga kuko ang humihimas sa mukha ko. Halos manghina ang tuhod ko sa panginginig dahil sa takot na anumang oras malaya nya akong maatake.
Nag-iisip ako ng plano kung paano ko aatakihin si Treyvor, isang magandang pagkakataon 'to na malapit sya sa akin kaya naman hinayaan ko lang sya na magsalita ng kung anu-ano.
"Walang hiya ka talaga Treyvor!" sigaw ni Cleper na hindi pa rin magawang makatawid sa apoy na harang ni Treyvor.
"Kung may walang hiya man dito, Ikaw yon! Dahil inagaw mo sa akin ang kaisa-isang babaeng minahal ko. Masakit pa dahil kaibigan kita pero tinraydor mo ko!" galit na sabi nito at humigpit ang hawak nya sa baba ko.
Ilang saglit lang ay binitiwan na ni Treyvor ang mukha ko at tumalikod sa akin. Akma ko na sanang sasaksakin sya sa likod si Treyvor nang sinyasan ako ni Cleper na delikado kung itutuloy ko ang plano. Maya-maya ay humarap ulit sya.
Masyado pang maaga para sa plano.
"Hindi nya ako inagaw sayo Treyvor kusa ko syang pinili dahil sya ang nararapat sa aki--" putol ni Treyvor sa sinasabi ko.
"Paano naman ako? Minahal mo din naman ako hindi ba?" Lumapit syang muli at tinignan ako sa mga mata.
"Oo minahal kita pero hindi naging sapat ang pagmamahal para magbago ka. Sa pagtagal ng panahon nilamon ka ng ambisyon, galit, poot at paghihiganti, hindi ko kayang makasama ang isang tao na walang ng natitirang kabutihan sa kanyang puso." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Hindi mo ko mahal, dahil kung mahal mo talaga ako maiintindihan mo kung bakit ako nagkaganito!" Sumigaw sya at lalo pang lumaki ang apoy sa paligid. Mabuti na lamang ay nalagyan ko ng proteksyon si Ianna kung hindi baka hindi nya kayanin ang init dito sa paligid.
"Hindi totoo 'ya---" hindi ko naituloy ang sasabahin ko ng lumapit si Treyvor kay Ianna.
"H'wag mong hawakan ang anak ko!" sigaw ni Cleper na pilit pa rin tumawid sa harang na apoy.
Nataranta na ako at di ko na alam ang gagawin dahil nabigla ako sa biglaang paglapit ni Treyvor sa anak ko. Kailangan kong mag-isip ng plano kung paano ko sya mailalayo ang anak ko sa demonyong yon?
"Ametina pigilan mo sya."
"Napakagandang bata! Pag napasa akin sya maisasagawa ko na ang aking mga plano." Nahihibang na komento nya habang nakatingin sa anak ko.
"Dyan ka nagkakamali dahil hindi mo makukuha sa amin si Ianna!"
Isang malakas na sigaw ang namutawi sa paligid nang atakihin ni Cleper si Treyvor ngunit naka-ilag ito.
Gamit ang aking isip ay pinalutang ko si Ianna papunta sa isang ligtas na lugar upang hindi sya masaktan sa pag-aaway ng dalawa.
Buong lakas na sinugod ni Cleper si Treyvor sa tagiliran ngunit muling naka-ilag si Treyvor at pinaulanan naman ni Treyvor ng nag-liliyab na palaso si Cleper.
Sinangga ni Cleper ang mga atake ni Treyvor sa kanya hanggang sa hingal na hingal na napaluhod ito sa lupa. Nalatukod lang sa lupa ang espada na bilang suporta sa katawan n'yang nanghihina. Samantalang, nasa hangin naman si Treyvor at nakangising nakatingin kay Cleper.
Nagtatalo ang mga tinginan nila na walang gustong magpatalo. Muling tumayo si Cleper at umangat sa ere para tapatan ang lebel ni Treyvor. Ngayon pareho na silang nakalutang sa hangin at nagpapalitan ng pag-atake.
Pareho na silang may mga pinsala sa katawan, mga duguan ang mukha. Mukhang hinang-hina na pero walang gustong sumuko. Muling silang nagtapat at buong lakas na nilabanan ni Cleper si Treyvor.
Sa mga sumunod na pangyayare hindi na makatama si Cleper kaya ako naman ako kumilos, ginamit ko ang kapangyarihan ko at umangat din sa lupa.
"Wag muna subukan Ametina, masasaktan ka lang." sabi nya habang inihahanda ko ang aking sarili sa pag-atake.
Ang kaninang apoy na bumalot sa paligid ay naging tubig na. Ilang pagsugod ko din ang hindi naiwasan ni Treyvor kaya nagdulot din ito ng matinding pinsala sa kanya pero hindi naging sapat para matalo ko sya. Bumagsak ako sa lupa at naiwan syang nakalutang sa hangin.
Tumayo ako at ginawa ang huling pagsugod ko-wala pa ring nangyare. Nanatili paring syang nakatayo samantalang ako halos bumulagta na sa lupa. Ubos na ang lakas ko, konti na lang ang natitirang sa kapangyarihan ko.
"Sinabi ko naman sayo Ametina diba, wag mo ng subukang kalabanin ako."
Kapwa kami ni Cleper na hindi halos makatayo dahil sa pinsalang inabot namin kay Treyvor. Lumakad palapit si Treyvor sa kinaroroonan ni Ianna.
"Nagmamakaawa ako Treyvor, wag mong kunin ang anak ko. Wag Treyvor! Wag!" Pagmamakaawa ko ngunit hindi nya ito pinakinggan.
"Treyvor!" Isang sigaw na nanggaling kay Cleper, hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya kay Treyvor ng ganun kabilis.
"Wag!" Pagpipigil ko sa kanya ngunit huli na dahil nakalapit na sya kay Treyvor.
Sumakay ito sa likuran at sinakal si Treyvor upang makalayo ito kay Ianna. Nag-apoy ang buong katawan ni Treyvor dahilan para masunog si Cleper pero hindi pa rin ito bumibitaw.
"AHHH! " sigaw ni Cleper na puno ng sakit sa nararamdamang paglapat ng apoy sa mga balat nya.
Halos ikamatay ko ang pamimilit ng asawa ko sa sakit na nararamdaman nya ngayon para mailigtas kami ni Ianna. Wala na syang lakas at ganun din ako. Desperada na kaming pareho na patayin at tapusin ito.
"Hangal ka Cleper para kalabanin ako!"
Mas tumindi pa ang apoy na bumabalot sa kanilang dalawa. Pinilit ko namang makatayo, sa huling pagkakataon ginamit ko na naiiwan ko pang kapangyarihan para atakihin at tapusin si Treyvor.
"Ngayon na Ametina!"
Nabasa ni Cleper ang nasa isip kong plano. Ang sigaw na 'yun ang hudyat na maaari na akong sumugod kaya agad na akong kumilos.
"Paalam Treyvor!"
Tumarak sa dibdib nya ang hugis trident na hinulma ko mula sa tubig. Tumagos iyon hanggang sa kanyang likod. Buti na lamang ay agad na nakaalis si Cleper sa likod kundi baka nadamay sa pagbaon ng trident sa dibdib nito.
Parehas silang tumumba ni Treyvor. Hawak hawak ni Treyvor ang dibdib nya na may nakatarak na malaking bagay sa puso nya. Unti-unti syang naghina at naglaho na parang usok.
Hindi ko sigurado kung napuruhan ko nga sya pero ang mahalaga ngayon ay ligtas na kami sa kamay ni Treyvor. Nilapitan ko naman si Cleper para alalayan ngunit isang butas sa dibdib nya ang nakita ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Hindi ko inaasahan na nadamay pala sya sa ginawa kong pag-tarak ng trident sa puso ni Treyvor. Nanginginig ako na halos di ko sya mahawakan.
"Paano? Dahil ba 'to sa ginawa ko? Nadamay ka ba?" naiiyak kong tanong sa kanya sa gitna ng namamaos kong boses.
"Hindi mahal, bago *ubo* mo pa man sya inatake *ubo* napinsala na nya ako, isang parte ng buto nya sa likod ang bigla na lumabas sa likod nya at yun ang dahilan nito."
Kahit hirap na hirap ay nagawa nya pa ring ipaliwanag sa akin ang nangyari. Naaawa ako sa mahal ko, naglalabas na sya ng dugo. Puro dugo ang nasa katawan ng makisig kong asawa. Nakahiga sya sa kandungan ko at panay ang tulo ng mga luha ko sa pisngi nya.
"Alagaan mo si Ianna. Mangako ka na hindi mo *ubo* sya pababayaan. Poproteksyonan mo sya kahit na anong mangyare." sambit nya habang patuloy pa rin ang pagtagas ng dugo sa dibdib nya. Hinahabol nya na din ang kanyang pag-hinga.
"Mahal, Cleper hindi ka pwedeng mawala. Pag nawala ka para na rin akong namatay! Wag kang bibitaw na kamay ko! Parang awa mo na, mahal na mahal kita Cleper." umiiyak kong sabi sa kanya.
"Wag ka ng umiyak. Babalik naman ako eh. Matatagalan nga lang." nakangiti nyang sabi na tila ba may kasiguraduhan talaga ang pagbabalik nya.
Alam kong sinabi nya lamang iyon upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Paano?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Hindi na sya sumagot sa tanong. Sa alip ay pinunasan nya lang ang mga luha ko na walang tigil sa pagpatak at sa huling pagkakataon ngumiti sya ng napaka-tamis sa akin.
"Kunin mo 'to," Hinila nya ang kwintas n'yang kalasag sa kanyang leeg.
"Magagamit nyo ni Ianna 'yan. Kapag nasa delikadong sitwasyon kayo kusang *ubo* nagiging kalasag 'yan. Ingatan mo ang sarili mo at ang anak nati---" hindi na natapos ni Cleper ang kanyang sinasabi dahil agad na syang nilagutan ng buhay.
"Hindi! Cleper! Clepeeer!!!" Kahit ano pang sigaw ko ay hindi ko na maibabaik si Cleper. Hindi ko na maibabalik ang buhay ng mahal kong asawa.
Magpapakatatag ako para sa anak naming naiwan sa akin, pinapangako ko na walang sinuman ang pwedeng manakit sa anak namin.
Iniwan ko si Cleper dun at kinuha si Ianna. Ngunit napansin ko ang marka ng kagat sa may pulso nito.
"Anong....Hindi! Hindi ito maaari!"
~***~
The Coupon
Mellea's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at tinatawagan si Sebry—bestfriend ko. Gusto ko kasi pumunta sa JS Freedom Night kung saan makikita ko na naman si Prince. Ang pinakamamahal kong si Prince.
"Seb, aattend ka ba ng Junior and Senior Freedom Night ? " tanong ko sa kaibigan kong si Sebry sa kabilang linya.
"Oo, bes." sagot nya.
"Sige. Punta na lang din ako. Daanan mo ko dito sa bahay ah."
"Okay bye. See yah. mwa" Pagkatapos ay agad ko nang ibinaba ang phone at pumunta ng banyo para maligo.
after 30 minutes...
"Mellea! Anak?!" dinig kong sigaw ni mama. "Hanggang anong oras ka pa ba dyan sa banyo, eh si Sebseb na sa baba na naghihintay sayo." dugtong nya pa.
"Sabi mo sa kanya Ma, patapos na ako." sigaw ko mula sa banyo.
"Oh sige... pero paakyatin ko na lang sya dito." sabay umalis na si mama.
"Opo."
Dali-dali na akong nagbanlaw at lumabas ng kwarto para magbihis.
"Hi bes!"
Nakatapis akong lumabas, "Nak ng isang daang tinapa!" utas ko. Halos mapatalon ako sa gulat ko nang makita si Sebseb sa kama ko.
"Wag ka nga basta-basta nangguhulat! Pasalamat ka wala akong sakit puso kundi lang... naku! Baka bumulagta na ako dito." sermon ko sa kanya. Ngunit, tumawa lang sya.
"Hays...syempre kung alam kung alam ko namang may sakit ka sa puso hindi kita gugulatin." sagot nya at pinagpatuloy ang paghiga sa kama ko.
Napanguso na lang ako, "Tumalikod ka nga! Magbibihis ako!" Agad naman s'yang tumalikod.
"Sus may ganyan din naman ako no?" bulong nya pa.
Pilosopo talaga 'tong babaeng 'to.
Pumili na lang ako ng maisusuot ko habang sya naman ay nasa kama ko pa rin at dumudutdot ng phone nya. Take note nakataas pa ang paa nya sa hangin.
"Ano kayang magandang suotin bes?" tanong ko. Humarap naman sya sa akin pag katanong ko sa kanya.
Tumayo sya para ituro sa akin 'yong napili nya. "Ito! Maganda ito bes, bagay sayo." Pinili nya 'yung strap skirt na kulay blue then pumili pa ulit sya ng t-shirt na babagay sa strap skirt ko.
Sa tagal ng prusisyon sa wakas may nahanap din sya.
"Oh ito suotin mo na." Inabot nya sa akin yung kulay white na t-shirt na may nakaprint na "crush kita" na black ang font color.
Corny ng damit ko kasi naman hindi pa ako nakapag-pamili ng mga bagong damit. Naghihigpit kasi ng sinturon ang nanay ko.
Bumababa na kami pagkatapos namin mag-ayos, sakto 8:00 pm na. Siguro naman nagsisimula na 'yon pagdating namin dun. Sinadya talaga namin 'yon para part-party na agad ang maabutan namin.
"Ma! Alis na kami." nagpaalam na kami kay mama at umalis.
"Umuwi kayo ng maaga ah." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon ko sa kanya.
"Yung kwintas mo, dala mo ba?" pahabol na tanong ni mama nang tumapat kami sa pinto.
"Opo Ma." Sigaw ko.
"Bye po, Tita." Pahabol na paalam ni Sebry.
Ngumiti lang at bumabye na si mama sa amin. Nagbabye din naman kami at tuluyan nang umalis.
Madami na nga tao sa loob pero may mga estudyante pa rin sa labas na patuloy sa pagdating. Dinig na dinig ang lakas ng tugtugan sa sa labas na nanggagaling sa loob ng campus.
May mga bukas pa na mga booths malapit sa entrance ng Hall. Nakaagaw pansin ng mata ko ang isang booth.
"Tara. Tingin tayo dun." Pag-aaya ko sa kaibigan ko. Hinila ko si Sebry dun at tinignan kung anong meron.
"Aray! Be gentle naman," aniya. Napatingala kaming dalawa sa signage ng booth. "Ano 'to? Gift Giving Delivery?" nagtatakang tanong nya.
Tinignan ko lang sya. Hindi ko din naman alam ang isasagot ko sa kanya kaya sya na ang nagtanong sa babae.
Kinuha nya 'yong mga coupons na nakasabit sa bawat sulok ng booth. "Ate paano po ito?" tanong ni Sebry sa nagbabantay.
"Ah ito. Ganito sya laruin mamimili ka ng mga items na nasa likod ko. Tapos pag may napili ka na bigay mo sa amin 'yong name ng pagbibigyan mo tapos kami nang bahala na magbigay nun sa kanya. Then my twist 'to," panimula nung babae sa amin. Samantala nakikinig naman kami ng maigi ni Sebry. Nakakaintriga kasi ang larong ito.
"May ipapabunot kami sa kanya na coupon na may dare depende kung ano yung mabunot n'yang coupon na may dare kapag hindi nya 'yon ginawa, triple yung babayaran mo sa amin kapag ginawa naman nya half price na lang 'yung babayaran mo. Para malaman namin na ginawa nya yun kailangan ipakita mo sa amin yung coupon na nabunot nya." patuloy nung babae sa paliwanag.
Napangiti ako dahil may naiisiip akong gawin ngayon. Habang nag-papaliwanag kasi si ateng sa amin, lumilipad naman ang isip ko sa kung saan.
"So it means ate kailangan nyang kunin yung coupon dun sa pinagbigyan nya. Eh ano ba 'yung mga dare dun?" tanong naman ulit ni Sebry na para bang nacucurious ito.
Parang interesado talaga sya eh.
May pagbibigyan siguro sya.
"Uh oh. Secret po yun." nakangiting sabi ni ate na nagbabantay at napansin ko ang palihim na pag-ngisi nya.
Sabi ko e, may binabalak talaga sya.
"Grabee ka naman ate, pasekreto pa eh." aniya at maya-maya pa ay sa akin na sya tumingin, "Sige na Mellea pumili ka na." nguso nya sa mga items sa likod.
“Huh? Bakit ako?" turo ko sa sarili ko.
"Anong bakit ako? Alangan naman ako? Alam ko naman na may gusto kang pagbigyan eh. Sige na bilisan mo na. Para makapasok na tayo sa loob." utos nya na may awtoridad sa tono ng boses nya.
Nababasa nya ba ang nasa isip ko?
Pero naisip ko na okay din to kasi atleast di halatang ako talaga yong may gusto, so kunwari napilitan lang ako. Kahit kailan talaga magkarugtong ang balun-balunan at utak namin ng babaeng to.
"Oh sige sige." Agad ko syang pinatalikod para kunin 'yong wallet ko sa loob ng bag nya. Pinalagay ko kasi sa bag nya kanina 'yong wallet ko.
Grabe alam nya talaga ang balak ko hehe.
"Aray ah kanina ka pa ganyan. Sadista nito." nakasimangot nyang sabi sa akin dahil marahas ko s'yang pinatalikod.
"Sorry po." sagot ko na lang. Kinuha ko na 'yong pera ko at inabot ko na 'yong bayad sa babae. Pumili naman ako ng items.
Pagkatapos kong pumili. Agad na kaming pumasok sa loob. Pero may kaba akong nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit. Huminga na lang ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad.
Wala lang naman 'yon.
Laro lang naman 'yon. Bakit ba ako kinakabahan?
Nasa loob na kami ngayon. Nakatayo sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nandito sa loob ng hall. Hindi ko naman maifocus ang sarili ko dahil lumulipad naman ang isip ko sa kung saan.
"Oy bakit ba ang tahimik mo?" Hampas sa akin ni Sebry sa braso kaya napabalik ako sa ulirat.
Tumingin naman ako sa kanya. "Eh ah kasi baka magbayad tayo ng triple kapag hindi nya ginawa yung
game." tugon ko.
Palusot ko lang talaga 'yon. Aasarain nya na naman kasi ako nito.
"Sus 'yon lang pala edi share tayo sa bayad." nakangiting sabi nya.
"Talaga?"
"Oo nga! Kaya enjoy dapat tayo ngayon ah."
"Okay okay! Let's party!" Nabuhayan ako sa sinabi nya. Wala naman dahilan para magpa-lungkot ako. Nandito ako ngayon para mag-enjoy kasama ang bestfriend ko.
"WHOOA!!" sabay na sigaw namin ni Sebry nang mag-play 'yong favorite song namin sa dancefloor na Gravity by Jessica Jarell.
♫Grab it, ratchet, smack it, good
Up and down, up on that wood
Got that ass up like I should
Drop it like gravity
Asses up, a-asses up, asses up
Then drop it like gravity ♪
Para kaming mga wild sa gabing to. Wala kaming paki kung ano man sabihin nila sa amin basta ba nag-eenjoy kami. Minsan lang naman 'to eh.
"Drop like Gravity!!" sabay na sigaw namin habang ang mga kamay namin ay nasa ere at sumasayaw ng todo.
"Hahahaha!!"
"Whoa!"
Parang kaming mga bulate sa sayaw namin. Parang kaming mga baliw. Napapatalon at nagpasuntok sa ere. Nagpapadala sa indayog ng tugtugan at sa bawat bagsak ng aming mga paa sa sahig ay s'yang paglipad ng problema sa hangin.
Nang matapos ang sayawan pumalit naman ang sweet na kanta, kanya-kanyang lingkis sa mga jowa nilaang ilan, samantalang ang mga walang partner na kagaya namin ni Sebry sa corridor na lang tatambay.
"Tara na! Puro lang pa-sweet tums yung mga 'yan eh. Haha." mapait na saad nya.
Hindi rin bitter ang isang 'to e.
Hinila nya naman ako sa labas pero bago 'yon, kumuha muna kami ng isa pang baso ng juice. Oo juice lang talaga ininom namin. We don't drink liquor, mababait kasi kaming mga bata at masyado kaming maarte dahil wine lang ang iniinom namin.
Hindi ako pinanganak sa mayamang pamilya but Sebry born with a golden spoon in her mouth, so nasanay ako na wine ang iniinom namin dahil marami sila nun sa bahay nila.
At masasabi kong mas okay ang wine kesa sa alak dahil light lang yong aroma at taste nya. Kumbaga hindi sya mabaho at mapait.
"Hays! Napagod ako bes!" saad nya habang nakaupo sa harang ng corridor habang ako naman nakatayo at nakasandal sa harang.
Nakatingin ako sa loob. Glass kasi 'yong dingding ng hall kaya makikita 'yong mga nangyayari sa loob.
"Ako din nga eh...hiningal ako." sabi ko sa gitna ng paghinga ko ng malalim. At ininom ang hawak kong juice.
Kapwa kami nagkatinginan dahil pareho kami nagrerecall ng mga kabuangan namin sa dancefloor kanina at bigla na lang kami natawa sa mukha ng isa't-isa. Tinginan pa lang namin nagkakaintindihan na kami.
Nag-play ang music sa loob ng hall.
Slow music ng Statue by Lil Eddie♪
Ang gandang pagmasdan ng mga mag-jowa sa loob. Ang sweet, kinikilig ako.
♪When a day is said and done,
In the middle of the night and you're fast asleep, my love.
Stay awake looking at your beauty,
Telling myself I'm the luckiest man alive.
♪'Cause so many times I was certain you was gonna walk out of my life.
Why you take such a hold of me, girl,
When I'm still trying to get my act right
"Bakit kaya sa tinagal-tagal natin sa University na 'to hindi man lang tayo nagkaroon ng mga boyfriend?" wala sa sariling tanong ko kay Seb.
"Alam mo tinanong ko din yan sa sarili ko dati eh. Bakit nga ba? Hindi naman tayo mga pangit, magaganda naman tayo, matino hindi nagpapaka-bitch para lang magka-boyfriend, mababait at matatalino naman tayo kahit papaano. Pero sa lahat ng 'yon, isa lang ang sagot."
Tumingin sya sa akin na para bang may maganda s’yang naisip.
"Ano?"
"Siguro kasi hindi ito 'yong tamang lugar, tamang oras at panahon. At higit sa lahat wala dito 'yong tamang tao para sa atin." seryosong turan nya.
Namangha ako sa mga sinabi nya. Kahit pala hindi pa sya nagkakaboyfriend eh marami din syang alam tungkol sa pag-ibig. Napaisip din ako sa sinabi nya. Maaaring hindi sa lugar na ito namin makikilala ang taong mamahalin namin.
"Bakit ang dami mo 'atang alam? " nakangiti kong tanong sa kanya.
"Syempre hindi naman pwede na maging mangmang tayo pagdating sa pag-ibig bes, syempre natuto din ako sa mga nakikita ko sa paligid ko." pagyayabang nya sa 'kin.
Naliwanagan ako sa sinabi ni Sebry sa akin, napaisip ako kung hindi dito ang tamang lugar eh saan?
Kung hindi ito ang tamang oras at panahon eh kailan?
At kung hindi sya? Sino?
Darating din kami ni Seb sa ganyang bagay. Hintay-hintay lang.
Ang pag-ibig naman dumadating nang hindi mo nalalaman. Na kahit dumating na sya hindi mo pa alam na sya na pala talaga. Minsan kasi nililigaw tayo ng tadhana natin kaya minsan di na natin hinahanap ang daan pabalik.
Pero kung talagang para sayo ang isang tao, hahanap at hahanap yan ng paraan, magtagpo lang kayo kasi di pwedeng hindi matupad yong plano no Bathala. Palaging sya ang dapat na mauna at masunod sa lahat ng desisyon natin.
Kung tutuusin nakakapagod maghintay pero hindi rin naman magandang maghanap o magmadali dahil kusang darating yan. Lahat ng bagay na minamadali hindi nagiging maganda ang resulta. And it has a reason if everything doesn't work well.
"Kamusta na kaya 'yong pinagbigyan mo ng gift? Natanggap nya na kaya? Go kaya sya sa Dare?" pag-iiba nya ng topic.
Bigla ko namang naalala 'yong bagay na 'yon. Buti pinaalala nya sa akin, muntik ko nang makalimutan.
Ilang oras na rin kasi ang lumipas at wala pang nangyayari. Naghihintay lang ata kami sa wala kaya napagdesisyunan namin na umalis na dahil hindi rin kami pwedeng magabihan.
Kahit hindi na nya gawin yung dare okay lang. Parang ayoko na din eh. Bayaran na lang namin ulit 'yung game.
Kahit naman college na kami, may curfew pa din naman kami. It is for our own safety lalo na't babae pa kami. Ngayon pa na madaming nang nangyayari sa gabi na krimen.
Prince's POV
"Oy pare kamusta?" pangangamusta ko sa mga schoolmates ko at mga kabanda. Medyo namiss ko lang sila, ngayon balik na naman ako sa school bale last year ko na din ito eh.
"Oy!? Okay naman kami pare, ikaw? Anong ganap sayo nitong semestral break?" tanong ng kasama ko sa banda na si Sam na nakipagsangga pa ng braso sa akin.
Umupo ako sa bakanteng upuan. "Okay naman pre, wala naman akong ginawa nung bakasyon kundi ang kumain haha. " natatawang sabi ko sa kanila.
"Kung ganun saan napunta kinain mo pare, parang wala namang nadagdag na taba dyan sa katawan mo." aniya habang sinusuri nya paikot 'yong buo kong katawan bago ulit tumingin sa akin.
"Hahahaha sadyang hindi lang ako tabain." at sabay na kaming tumawang dalawa.
Naputol ang pagtatawanan namin sa loob ng kwarto nang may kumatok sa pinto. Agad namang tumayo si Sam para tignan kung sino yung kumakatok.
"Bakit po? " dinig kong tanong nito sa babaeng nasa labas ng pinto.
"Si Mister Prince Cleyton Crossen po?" tanong nya. Nagtaka ako kung bakit ako ang hinahanap nya. Kaya sumilip ako.
"Pare may naghahanap sayo!" Sakto naman na tinawag ako ni Sam kaya lumapit na lang din ako para makita kung sino man ang naghahanap sa akin.
"Sige iwan ko muna kayo." pagpapaalam ni Sam at lumabas na muna ng kwarto. Hinintay nya muna na makalayo si Sam bago ulit nagsalita 'yong babae.
"Sir kayo po ba si Mr. Crossen." tanong ulit nung babae sa akin.
"Oo bakit ano ba 'yon?" mabilis na sagot ko sa kanya.
"Sir kasi po may nagpapabigay po nito sa inyo." sabay abot nya ng gift bag.
"Kanino daw galing?" Nakakunot-noo kong tanong sa kanya.
"Sir nakalagay na po dyan sa loob ng bag yung name ng nagpapabigay. Then bunot na lang po kayo dito ng coupon."
Kahit nagtataka ako ay bumunot ako ng coupon.
"Para saan po ba 'to? Anong gagawin ko dito sa coupon?" naiinis kong tanong sa kanya.
"Ah sir buksan nyo po nakalagay po dyan yung gagawin nyo." muli nyang sagot sa akin.
Binuksan ko naman kaagad ang coupon para makita yun. Nakita ko ang mga salitang ...
"Go to her and take a picture with her and make sure you have her sign at back of the picture."
"Huh? Paano kung ayaw ko?" supladong tanong ko sa babae.
"Edi the game is over BUT?"
"BUT WHAT?" agad na tanong ko.
"You have to pay it thrice of the original price. " nakangising sabi ng babae.
"What the ? How much ba?"
"1, 500." napangnga ako sa laki ng babayaran ko para lang sa bagay na 'to.
Napaka walang kwentang laro naman nito. Kahit ayokong maglaro ay tinanggap ko na lang ang dare sayang din naman yung pera ko tsaka isa pa baka magandang babae din ang makikilala ko ngayong gabi.
"Sana magandang binibini ang makilala ko ngayong gabi."

Book Comment (86)

  • avatar
    Jemjem

    ayos talaga tong story na to, ang ganda. habang pahaba nang pahaba yung story, paganda din nang paganda. more chaps pa author. 😘😘😘

    09/12/2021

      1
  • avatar
    Nathalie Kate Elizaga

    nice

    24d

      0
  • avatar
    TanomnaJessibelle

    in this first chapter maganda na agad

    26/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters