logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 13 and 14

Sue's Pov
"Kumusta ang exam mo?" Tanong sakin ni Mama. Inabutan ko siya sa sala kasama si Ji Seok
"Ayos lang" sagot ko na binigyan siya ng pilit na ngiti "sa kwarto muna ako Ma" ayokong makita ni Mama ang namamagang mata ko dahil siguradong mag aalala lang siya.
"Sandali nak dito ka muna may sasabihin kami sayo" pigil sakin ni Mama. Tumayo mula sa pagkakaupo si Mama at lumapit sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at inayang maupo muna.
"Ano po ba yon? Kailangan ko pa kasing mag review" totoo naman na kailangan kong mag review pero iniiwasan ko rin na mapansin niya mga mata ko.
"Sue napag usapan kasi namin ni Ji Seok na pumunta ng korea at doon magpakasal" napatingin ako sa kanila at hindi nakapag salita "natatandaan mo yung sinamahan mo'ko nag apply ng passport? Sabi ko pa sayo kumuha kana rin diba? Ang totoo, noon pa namin napag usapan ni Ji Seok na isasama niya tayo sa Korea" paliwanag pa nito
"Kailan kayo aalis?" Tanging lumabas na tanong sa bibig ko
"Anong kayo? Tayo nak. Sasama ka samin ng Tito mo hindi naman pwedeng maiwan kita dito" sagot ni Mama sakin
Tumango tango lang ako at hindi makapag salita. Nginitian ko si Mama bilang sagot ko at pag sang ayon sa gusto niya. Ayoko din naman masira kasiyahan niya dahil sakin. Ayokong madamay si Mama sa pagiging malungkot ng buhay ko, at least isa samin masaya.
********
Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Huling araw na ng exam namin bukas at kailangan kong mag review. Hindi na nga ako pinagpala magkaroon ng magandang mukha at katawan tapos hindi parin ako biniyayaan sa katalinuhan. Wala rin akong talent na maipagmamalaki, ngayon ko lang napagtanto na ang lungkot pala talaga ng buhay ko.
Hindi ko alam kung paano ko nagagawang mag review sa sitwasyon ko ngayon. Pumapasok ba talaga mga binabasa ko sa utak ko o naglalaho din itong parang mga bula sa hangin pagkatapos kong basahin?
Hindi ko alam kung iiyak ba ako habang nagbabasa ko o ngingiti dahil masaya si Mama. Ngayon sigurado ako na kahit anong gawin kong pagbabasa ang papasok lang sa utak ko ay kundi mga tao na nasa paligid ko at ang nararamdaman ko.
Binaba at sinara ko ang notebook ko atsaka nahiga sa kama. Sabi nila para makalimot ka sa problema ay abalahin mo sarili mo, ginawa ko naman yon kagabi at ngayon pero walang epekto sakin. Kahit i focus ko sarili ko sa isang bagay tulad ng pag rereview ay pumapasok pasok parin imahe ni Harry sa isipan ko.
Bakit nga ba nagawa ni Harry sakin yon? Dahil sa pera? Marami naman pwedeng gawin para kumita ng pera ng hindi nakakasakit pero pinili parin niya na saktan ako. Tama nga sila napaka ambisyosa ko, sa pangit kong to sino nga ba magkakagusto sakin. Masyado akong feelingera, umasa ako na may taong makakakita at magpaparamdam sakin na kahit hindi maganda ang mukha ko ay maganda parin ako kahit sa paningin lang nila.
What if mag invent ako ng virus na mabubulag lahat ng tao? Syempre pag nangyari yon hindi na nila makikita kapangitan ko. Pero hanggang imagination ko nalang talaga lahat, dahil kung may iimbentuhin man ako ay yung matuto lahat ng tao na magpakatao. At dahil hindi ako scientist hindi ko yon magagawa, masyadong mababa ang IQ ko para mangarap ng ganon. Lesson learned huwag mangarap ng imposible dahil masasaktan ka lang.
**********
CHAPTER 14
Sue's Pov
Hindi tulad kahapon ngayon ay mas malakas na ang loob ko. Slight nga lang. Pero kahit na achievement na rin yon para sakin.
Naglalakad lang ako tulad ng dati na tila pangkaraniwang araw ko lang. Oo may nambubully sakin non pero mas gusto ko na yon kumpara sa ginagawa nilang pambubully sakin ngayon.
Kung dati hanggang parinig lang sila at pagtawag sakin ng pangit o kaya baboy ngayon ay pinipisikal na nila ako at nadagdagan pa pangalan ko Shreak.
Kapag naririnig kong tinatawag akong Shreak ay si Harry agad naiisip ko, siya kasi nagbansag sa pangalan ko na yon na nagustuhan naman ng lahat. Kumusta na kaya siya? Hindi ko siya nakita kahapon nagsisisi kaya siya? Baka nakunsensya kaya hindi nagpakita sakin.
Sa wakas nakarating ako sa classroom namin ng walang aberya.
"Oh Shreak nandito kana pala" sabi ni William na nakaupo sa teachers table at kakwentuhan mga iba naming kaklase.
Hindi ko pinansin si William at diretyo nalang akong umupo sa upuan ko. Pagka upo ko ay may naramdaman akong malagkit. Doon nagsimula na naman magtawanan mga kaklase ko. Nasaan ba utak ko? Bakit hindi ko naisip i check ang upuan ko hindi na ako nadala.
Tumayo ako para linisin ang sarili ko. Lumabas ako ng classroom at nagtungo sa banyo. Habang nakatingin sa salamin ay kitang kita ko ang kulay brown na pintura na dumikit sa uniform ko at sa kamay ko.
Diba ako si Shreak? Dapat green ang nilagay nilang pintura imbes na brown para naman maging makatotohanan. Sabagay kung green nga naman gagamitin nila magiging obvious trip nila kulay brown naman kasi talaga pintura ng mga upuan namin.
Pinilig ko nalang ang ulo ko. Ayoko ng mag isip! Hinugasan ko nalang ang kamay ko na nalagyan ng pintura, buti nalang hindi mahirap tanggalin.
Nagbalik ako sa room namin at ayoko ang mga nakikita kong ngisi sa kanilang mga labi. Bago umupo ay pinalitan ko muna upuan ko, sinigurado na safe upuan yon bago ako tuluyang umupo don.
Binuksan ko english notebook ko at nagsimulang basahin mga nakasulat na pointers to review don. Panandalian nawala ang isip ko sa mga kaklase ko kaya nagulat ako ng may biglang mambato sakin. Tumingin ako sa mga kaklase ko habang pinupulot ang nilukot na papel na binato sakin. Walang nakatingin sakin kahit isa, ano trip nila ngayon? Maangmaangan? Feeling inosente? Pero mas okay na din kaysa sa pansinin nila ako.
Muli akong yumuko at nagbasa. Hindi pa man natapos isang minuto ay muli akong binato, ngayon ay plastic bottle ng softdrinks. Hinawakan ko ang ulo kong nasaktan at tumingin ulit sa mga kaklase ko. Halos magkakasabay naman na tumingin sakin mga kaklase ko na may nakapaskil na mala demonyong ngiti sa labi.
Sabay sabay nila akong binato ng kung ano ano. Ginamit ko ang bag ko bilang panangga pero hindi ko inaasahan na may magbabato ng bato sa kanila. Mabilis na tumulo ang dugo ko mula sa noo at ramdam ko ang paghapdi nito. Kailangan bang makita nilang duguan ako bago nila ako tigilan?
Mahinang hikbi ang pinakawalan ko, ganito pala ang gusto nila ang makita akong umiiyak ng dugo. Todo punas ako sa noo ko na may sugat pati sa luhang may halong dugo na galing sa noo ko.
*************

Book Comment (209)

  • avatar
    Rosel Malicse

    Ang ganda

    14h

      0
  • avatar
    ベルガラ サイディ

    iloveyouuu

    2d

      0
  • avatar
    BalicagIan

    a high quality

    3d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters