logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

New Face

New Face

Beberose


CHAPTER 01 and 02

Sue's Pov
Nakayuko akong naglalakad papunta sa canteen ng school namin. Sanay na ako sa tingin na natatamasa ko sa mga taong nadaraanan ko. Kahit sino yata mapapatingin sakin hindi dahil sa maganda ako kundi dahil ang pangit ko na nga ang taba ko pa.
"Normal paba ang ganyang kataba?" Dinig kong tanong ni Girl 1 sa dalawang kasama niya
"Look parang nahihirapan na siya sa paglalakad" sabi naman ni Girl 2
"My God! Kung ako yan magpapakamatay nalang ako" sabi naman ni Girl 3
Sanay na ako sa pang aalipusta sakin, araw araw bang maranasan ko ang ganito. Isang ordinaryong araw lang to sakin. Matapos kong makuha ang binili kong hamburger at coke ay naghanap na ako ng pwesto ko.
Dito sa school wala akong kaibigan. Ilag ang lahat sa akin at maging ang mga dapat nakakatabi ko sa upuan ay todo iwas sakin. Kaya kahit na sa may bandang gitna dapat ako nakaupo dahil alphabetical ang pwesto namin ay nauuwi ako sa may likuran.
Lagi rin akong ginawang katatawanan at maging ang mga guro ko ay tila nandidiri at natatakot sakin. Minsan nga nung papasok ako nadaanan ko dalawang guro ko si Mrs. Carlos at Mrs. Garcia, bumati ako sa kanila ng good morning pero tinignan lang nila ako. Narinig ko pa si Mrs. Garcia na nakakasira daw ako sa imahe ng school namin.
Minsan naisip ko na din lumipat ng school baka sakali mag iba ang trato ng mga estudyante at guro sakin. Napapaisip nga ako na mas edukado pa mga tao sa baranggay namin kahit nakatira lang kami sa eskwater kaysa sa mga nakakasama ko sa eskwela na nag aaral.
Dahil na rin sa kahirapan hindi ko masabi kay Mama na gusto kong mag aral sa kabilang bayan namin. Kasalukuyan akong nag aaral sa isang public school at ang pinaka malapit na isa pang public school ay sa kabilang bayan pa. Dahil kapos kami sigurado hindi papayag si Mama dahil madodoble ang pamasahe ko. Magkano lang naman kinikita niya sa paglalako ng banana que at kamote que kaya mas mabuting tumahimik nalang ako.
Ako nga pala si Sue Flores, labing anim na taong gulang, grade 11 at kasalukuyang nag aaral sa San Juan National High. Dalawa nalang kami sa buhay ng Mama ko namatay kasi Papa ko noong 9 years old pa ako. Nasa probinsya din mga kamag anak ng magulang ko at ilang taon na rin mula ng huli kong makita sina Lolo at Lola.
***************
CHAPTER 02
Sue's Pov
Pasimple kong pinapanood mga kaklase ko na nag aayos ng mukha. Kahit minsan hindi ko pa naranasan o kahit nasabukan lang ang mag kilay at mag lipistik. May mga gamit naman si Mama sa bahay ng pampaganda pero hanggang polbo lang talaga ako. Binili nga ako ni Mama dati sa tyange ng lip balm dahil ang dry daw ng mga labi ko pero sa huli siya rin lang ang gumamit dahil hindi ko yon ginagalaw.
Minsan gusto ko din makipag kwentuhan sa mga kaklase kong babae pero ng subukan kong makipag kaibigan sa kanila ay todo iwas sila. Narinig ko pa nga sila noon na pinag uusapan ako, ang sabi nila literal daw ang pagiging makapal ng buong pagkatao ko, paano ko daw nagawang kausapin sila at maging feeling close pa? Baka daw walang salamin sa bahay namin.
Buhat ng marinig ko yon ay umiwas na ulit ako, wala naman mawawala sakin kung hindi ko sila maging kaibigan. Mas gugustuhin ko na rin mapag isa kaysa makasama sila na ayaw naman talaga sakin.
Oo masakit, masakit sa puso mga sinasabi at mga pantitrip na ginagawa nila sakin pero ano ba magagawa ko kung hindi ang umiyak?. Pero pagkatapos kong umiyak at ibuhos lahat ang sakit ng naranasan ko kailangan ko ulit punasan ang mga luha ko at magpakatatag.
"Sue pakopya ako sa Math" ganyan sila. Lumalapit lang sila sakin at kilala lang ako kapag may gusto sila.
"Hindi ako gumawa ng assignment" sagot ko kay Chanel. Sa lahat naman kasi ng subject bakit Math pa napili niya? Sigurado hindi niya din alam katulad ng iba na bobo ako sa Math. Paano nila malalaman eh invisible ako sa mga mata nila at nakikita lang ako kapag may kailangan sila.
"Ang damot mo namang baboy ka! Maganda ka teh?!" Inis na sabi nito habang naka pameywang sa harapan ko
"Wala talaga akong assignment sa Math kung gusto mo sa English nalang" mahinahon na sabi ko
"Math nga diba?! Ang pangit mo na nga ang pangit pa ng ugali mo! Baka magkaroon ka ng award niyan sa pagiging pangit mo!" Galit na sabi nito
Nagsilapitan mga kaklase ko samin at inawat si Chanel. Yumuko nalang ako dahil wala akong magawa.
"Chanel ako may assignment sakin kana kumopya" sabi naman ni Leila na isa sa umawat kay Chanel
"Nakaka high blood kasi siya palibhasa baboy" sabi pa ni Chanel bago bumalik sa upuan niya
"Huwag mo ng patulan baka mahawa ka sa kapangitan niyan" sabi naman ni Irish na pinaka bestfriend ni Chanel
Kahit tapos na ang Math subject namin ay hindi parin matigil si Chanel at mga kaibigan niya na kaklase ko din ang pagpaparinig nila sakin. Malas ko talaga sa araw na to, kaya nga mas gusto ko maging invinsible sa mga mata nila kaysa sa laging ako nalang nakikita tapos pagtitripan nila.
**********

Book Comment (209)

  • avatar
    Rosel Malicse

    Ang ganda

    2d

      0
  • avatar
    ベルガラ サイディ

    iloveyouuu

    4d

      0
  • avatar
    BalicagIan

    a high quality

    4d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters