logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Leijann Pov
"Sazchna doon sa second floor ang kwarto mo, mamili ka nalang kung saang guests room ang gusto mo." saad ko ng makababa ako sa hagdan.
"Okay Sir." nakatingala niyang sabi na parang sinusuri kung saan ba ang pipiliin niya. "Sir doon nalang po ako sa malapit sa hagdan."
"Don't call me Sir." paulit-ulit ko na tong sinasabi pero hindi niya pa din makuha-kuha.
"Pero Sir andito parin ako para mag work kaya boss pa din kita."
Hindi pa din ako sanay na tinatawag niya akong Sir or Boss. "I'm your boss at gagawin mo lahat ng sasabihin ko."
Tumango lang siya at nagtakip ng bibig ng biglang humikab. "Sorry Leijann, hehe." naka peace sign pa ang loko.
"Magpahinga kana." binitbit ko na ang dalawa niyang maleta para hindi na siya mahirapan. Mukang pagod siya sa dami ng trabaho kanina.
"Leijann ako na jan." sigaw niya ng makitang dalawang mabibigat na maleta ang hawak ko. Tinignan ko lang siya at nagpatuloy ng pumunta sa silid na napili niya.
Bigla siyang lumundag sa kama at masayang tumalon talon na parang bata. "Leijann ang lambot ng kama." Masigla niyang sambit na akala mo batang 8 years old.
"Magpahinga kana dahil maaga kapang gigising bukas para magluto." pagkasabi ko nun ay isinara ko na ang pinto.
Nagpahinga na din ako agad dahil pagod din ang sa dami ng tambak na trabaho kanina.
Wala pa ring pinagbago ang pagiging isip bata niya, cute pa din siya...
Nagising ako ng may kumakatok sa pintuan. Naalala ko na andito nga pala si Sazchna "Leijann, gising na. Luto na ang almusal." sigaw niya mula sa labas.
Hindi ko siya pinansin ako dali dali akong pumuntang cr para makaligo na. Nag shave muna ako ng balbas bago ako lumabas.
Nakangiti siyang bumungad saakin sa pintuan at nakabihis na din. "Luto na ang breakfast mo." nauna na siyang bumaba at kinuha ang bag niya.
Tumigin ako sa lamesa at mukang wala pang bawas ang niluto niyang pagkain."Saan ka pupunta?"
Nakangiti pa rin siyang humarap saakin. "Mag b-breakfast sa labas."
Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Anong klaseng sagot ba naman yon? "Bakit sa labas kapa magb-breakfast? May ka date ka?" hindi mapigilan ang iritasyon sa boses ko.
Nawala ang ngiti niya sa tanong ko at biglang nagseryoso. "Wala akong ka date kase hindi yun ang priority ko sa ngayon at tsaka yaya lang ako dito kaya para sayo lang ang niluto ko."
Medyo nabawasan ang iritasyon ko. "Umupo kana sa lamesa, sabay tayong mag b-breakfast."
Parang gulat na gulat siya sa sinabi ko. "Sure ka?"
Nasasayang ang oras sa ginagawa namin. "Umupo kana at nasasayang ang oras natin." napatingin ako sa gatas na nakalagay sa lamesa. "Hindi ako umiinom ng gatas. Ikaw nalang ang uminom niyan." nag umpisa na akong kumain.
Kinuha niya naman ang gatas. "Sarap." parang bata niyang sabi at may gatas pa siya sa taas ng labi.
Naging mabilis ang kilos ko na maging ang sarili ko ay hindi ko na namalayan ng punasan ko ang taas ng labi niya. "L-let's go. Mamaya mo na ligpitin ang mga pinagkainan natin. Ilagay mo nalang muna sa sink." nauna na ako maglakad sa kahihiyan na ginawa ko.
Ano bang nasa isip mo Leijann? Bakit mo ginawa 'yun?!
Ilang araw na din ng hindi ko kinaka usap si Lea, hindi rin naman niya na ako ginugulo kaya naman maganda na rin iyon. Alam kong hindi saakin 'yon kaya naman panatag ang loob ko.
Nag drive nalang muna ako at sa inio sa traffic ay niliko ko pa kanan ang sasakyan at pumunta muna sa kapatid ko. It's been a decade ng namatay siya, sariwa pa din saakin ang lahat ng nangyari sakanya. Hindi ko iyon malilimutan.
Nang mapagod ako kakatingin sa puntod ng kapatid ko ay napagdesisyunan ko na bumalik na sa office and thank God hindi na traffic.
Sazchna Pov
Nanigas ako sa kinauupuan ko ng punasan ni Leijann ang itaas ng labi ko. Hindi siya makatingin ng deretso sa'kin at ganon na din ako. Nagpapasalamat ako ng bigla siyang umalis at nauna ng pumunta sa opisina.
Habang inilalagay ko sa sink ang mga pinagkainan namin naisip ko na parang lumalambot ang puso ko sakanya, sa pangalawang pagkakataon. Hindi! Hindi na ulit ako magpapaloko sa kahit kaninong lalaki. 180 billion ang target ko at hindi ang makakasama habang buhay, wala ng ganon sa mundo bukod kila mommy.
Kinuha ko na sa bulsa ko ang susi ng porse ko at nag drive papuntang Tzusander Urban State Company ang no.1 na pinakamalaking kumpanya sa buong mundo dahil sa 10,000+ branches worldwide.
Madali akong nakarating sa kumpanya ni Leijann dahil hindi naman traffic. May ibibigay akong papeles kay Leijann nang buksan ko ang pintuan niya ay ang lakas na naman ng sigaw niya.
Napatingin siya sa gawi ko. "Alunsina, ikaw na nga ang gumawa ng pinapagawa ko dito kay Carla! Magbalot kana ng gamit mo Carla at kunin mo na ang sahod mo."
May isa na namang nasisante dahil sa init ng ulo nitong boss ko. Well, wala namang bago ganon pa din araw araw may natatanggal na empleyado.
Inilapag ko na agad ang mga papeles na pinagawa sa'kin ni Leijann kahapon. Madali lang akong matuto at masundan lahat ng pinapagawa ni Leijann dahil ako lang naman ang pinaka magaling na lawyer worldwide and also I'm a chef.
Walang ingay na umalis ako sa loob ng opisina ni Angelo ng bigla niya akong sundan at kausapin. "Alunsina, sumama ka sa'kin."
Naguluhan ako sa sinasabi niya dahil wala naman siyang naka sched na meeting sa labas. "Saan po tayo pupunta?"
Nauna na siyang maglakad at ako naman ay sumunod na din baka ako na ang sumunod na masisante pag diko sinundan to. "Sa coffee shop lang"
Naalala ko yung ginawa kong kahihiyan saanya sa coffee shop. Hahanapin ko na sana ang susi ng porshe ko ng bigla siyang magsalita. "Anong ginagawa mo?"
Natigilan ako. "Susundan po kayo."
Nagsalubong ang kilay niya sa sagot ko. "Sinong may sabi na hihiwalay ka ng sasakyan?"
Pilit akong ngumiti ng malapad. "Itigil mo yang pag ngiti mo, nakakairita tignan."
Napairap ako sa hangin sa sobrang demanding ng taong 'to. Pati pag ngiti ko pinapakealaman. Lettuce ka!
Sumakay ako sa likod ng passengers seat. "Gagawin mokong driver?" may iritasyon sa boses niya.
Lumabas ako at lumipat nalang sa harapan. "Okay na?" iritado kong sabi.
Hindi siya nagsalita at nag drive nalang papuntang coffee shop. Nauna siyang bumaba at hinintay ako sa may lilim dahil tanghali na at masyadong nakakasunog balat ang init. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Napabuga ako sa hangin sa inis.
Lumapit ako sakanya at akmang bubuksan ko na ang pinto ng coffee shop ng mahawakan ko ang kamay niya na nasa pinto na din ng coffee shop. Parang akong napasong napabitaw dahil may kung anong kuryenteng dumaloy sa kamay ko ng mahawakan ko ang kamay niya.
Tumingin ako sa kawalan at hinayaan na buksan niya ang pintuan. Siya na din ang nagprisinta mag order ng kape para saaming dalawa. Naghanap ako ng bakanteng upuan at doon siya hinintay.
Hindi ko alam kung bakit kailangan dito pa sa coffee shop mag usap tungkol doon sa catering na gagawin. Pwede naman sa loob nalang ng office, may kape din naman doon.
Ang sabi niya saakin ay bibisita ang mommy at daddy niya para isa isang tikman ang mga nasa menu para makapili ng mga ihahain.
Siguro ay sa linggo pupunta muna ako doon para tumulong mag assist sa mga gagawin nila at baka maging palpak, nakakahiya!
Mapagkakatiwalaan naman ang mga tauhan ko doon pero iba pa din kapag nakikita mo ang mga ginagawa nila at kapag nakakatulong sa pinag hirapan mo.
Kilala kaya ang ng mommy at daddy niya? O wala naman silang pake ku g ano man ang nang yari saakin dahil ako din ang dahil kung bakit hindi ako naaalala ni Leijann, hindi ako sigurado.
Naging mabilis ang oras at hindi namin namalayan na lunch time na kaya kumain na muna kami bago bumalik sa opisina.
Tahimik kaming bumalik sa kanya kanyang desk at inumpisahan na naman tapusin ang ilan sa mga paper works.
This day para akong call center agent, tawag dito, tawag doon. Hindi ko alam kung bakit dito niya pa ako pina pwesto e maiingayan lang naman siya sa mga calls na sinasagot ko dahil din naman iyon sa mga stocks o mga papeles na dapat lakadin dahil yung iba ay mag e expire na.
Hindi ko na siya tinapunan ng tingin at naging abala nalang sa mga ginagawa ko.

Book Comment (156)

  • avatar
    Jerry Alluvida

    great job and great work by both the artist of this piece of work and the person who created this piece of art and the art of this piece are very inspiring and very very talented in their style of work as they do this work with their own unique style of artwork which they have created in the art community as a community of people who have a passion and a desire for the arts as a whole to create and to inspire them and their own creative and artistic work that is very much like art in a sense

    6d

      0
  • avatar
    Conejos Shame

    wala akong ibang masasabi kundi ang ganda ng story

    10/08

      0
  • avatar
    John Andre Galagnara

    yes

    03/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters