logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4 STICK TO ME

Kinabukasan ay kanta ako nang kanta sobrang saya ko. Napahawak pa ako sa labi ko at muling inalala ang malambot na labi ng Baider na iyon.
Ngayon lang ako nabaliw sa lalaki dahil ito naman ang unang beses kong nagkagusto. Masaya akong nagprito ng itlog at nagsaing. Nilutuan ko siya ng itlog dahil iyon lang ang makakaya kong bilhin nagluto rin ako ng fried rice kahit pagod sa trabaho ko kagabi ay parang hindi ko iyon ramdam. Pinasadahan ko ng tingin ang maliit na kwarto ko pero agad ding napasimangot nang maalalang parang nahihibang na ako dahil sobrang taas naman yata ng pangarap kong magustuhan ng lalaking iyon.
Hindi dahil sa pera o sa kung ano wala akong intensyong gano'n. Ang akin lang ay gusto ko talaga siya at ito ang unang beses kong nagkagusto kaya hindi ko ito pipigilan.
Tinahak ko ang hallway. Wala pa masiyadong tao dahil sobrang aga pa. Pumasok ako agad sa clinic. Sana nandito na siya.
Napatigil ako sa pagpasok nang may marinig na tugtog. Sumilip ako at gano'n na lang ang pagkamangha ko nang makitang sumasayaw si Laurent.
Wow! Mas lalo akong na-inlove.
Napangiti ako at tahimik siyang pinanood. Ang swabe ng galaw niya! Hindi ko alam na marunong pala siyang sumayaw parang nagpapapawis lang siya sa ginagawa niya.
Ganito ba siya mag-exercise?
"Watta?" Nagulat siya nang lumingon ay ako agad ang nakita. Tumigil siya at agad na kumunot ang noo.
Lumabas ako sa pagkakasilip at malapad na ngumiti.
"Good morning, Mr. Baider," masigla kong bati at dire-diretsong pumasok.
Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
Ang sungit!
"Hindi mo ba ako babatiin ng good morning din?" Kumikinang ang mga mata ko nang tingnan siya.
Hindi niya ako pinansin at umupo lang sa harap ng table na nando'n. Gustuhin ko mang sumimangot ay hindi ko ginawa sa halip ay lumapit ako sa kaniya hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinilit iyong ipormang nakangiti.
"Smile, bebe boy," nakangiti kong sabi habang hawak ang pisngi niya. "Ang aga mo naman sumimangot," sabi ko habang umuupo sa harapan niya.
Hindi niya pa rin ako pinansin at tumingin na lang siya sa mga papel na nasa lamesa.
"Ang sungit mo. Pa'no ako manliligaw saiyo niyan?" Nakanguso kong sabi. Nagtaas siya ng tingin at kumunot nanaman ang noo.
"What do you want?" Masungit, walang gana at sobrang iritado niyang sabi.
"Sabi ko saiyo kahapon ‘di ba? I want you," pinakadiinan ko ang salitang iyon. Kinuha ko ang dal'wang tupperware na may lamang sinangag at itlog. Inilapag ko iyon sa table niya.
"Mag-breakfast ka," binuksan ko ang tupperware at kinuha ang kutsara at tinidor.
"I don't eat egg," ang pagkakakunot sa noo niya ay nando'n pa rin. Ako ang nahihirapan sa kaniya, eh.
Hinawakan ko ang noo niya at pinantay iyon gamit ang thumb ko. Ibinaba ko ang mukha ko para maging magka-level kami.
"Laging nakakunot ang noo mo, smile ka lang."
"You don't care."
Nasapo ko ang noo ko at pinilit na ‘wag ipakita ang lungkot dahil sa inaasal niya na para bang ayaw na ayaw niya sa akin.
Ganito ba kailap ang isang ito? Ang hirap manligaw.
Nilagyan ko ng egg ang kutsara at fried rice. Inilapit ko sa bibig niya ang pagkain.
"What the fuck are you doing?" Halos magtaas na siya ng boses.
"Sinusubuan ka. Sa hitsura mong 'yan hindi ka pa kumakain."
"I don't eat breakfast, Anmela Eris," madiin niyang sabi.
"Magkaka- " natigilan ako at napatitig sa kaniya.
Wait! Hindi pa ako nakapagpakilala sa kaniya na nakalimutan ko nga.
Paano niya nalaman ang pangalan ko?
Sa pagkagulat ko ay nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha. Ilang segundo ko siyang tinitigan dahil hindi ako makapaniwalang kilala niya ako.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Ah--" naghagilap siya ng sagot kaya pinaningkitan ko siya ng mata. "Nakita ko I.D. mo," nag iwas siya ng tingin pagkuwan ay kinamot ang tungki ng ilong niya.
"Uki," Sinubukan kong subuan siya ulit.
"Ayaw ko. Umalis ka na," Tumayo siya at akmang iiwan ako.
"Kapag hindi ka kumain hahalikan ulit kita." Hala! Biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi ko.
Ano 'yon, Anmela? Nababaliw ka na talaga.
"Kiss me, then," ngumisi siya.
What? Gumapang ang kilig sa buo kong katawan!
Hala! Woah!
Nakagat ko ang labi ko dahil sa pagpipigil ngumiti.
Kinikilig ako! Ahhh!
Lumapit siya sa akin napaatras naman ako pero naglakas loob akong umiwas.
"Kumain ka na lang kasi," pilit kong tinatago ang mukha ko dahil kinikilig ako nang sobra.
"Okay," sa unang pagkakataon ay nakita ko ang ngiti niya pero tipid na ngiti lang iyon.
Umupo siya ulit at nagsimula nang kumain. Nakita kong napapikit pa siya sa sarap ng kinakain. Nakangiti ko siyang pinagmasdan.
Alam kong mahirap kang abutin. Ang taas mo sobrang baba ko pero ano ba naman iyong magmahal ako ng tulad mo ‘di ba? Wala namang mawawala sa akin.
"Kumain ka na rin," sabi niya sa kabila ng pagnguya niya.
"Kumain na ako," lumapit ako sa kaniya at tinitigan lang siya.
Ang pogi niya. Hindi ko na siguro iyon pagsasawaang banggitin. Humahanga ako sa hitsura niya at sa hindi ko inaasahang magugustuhan ko ang pagsusungit niya.
"Doc, may-"
Napalingon kami sa babaeng nurse na pumasok. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Laurent pagkuwan ay tumitig siya sa akin nang matalim.
Galit ba siya?
"May kasama ka pala," mataray niyang sabi. "Sorry sa istorbo," lumabas siya at padabog na isinara ang pinto.
"Sino 'yon?" Tanong ko.
"Seilen," tipid niyang sagot.
"Bakit parang galit sa akin?"
Nagkibit balikat lang si Laurent at itinutok ulit ang atensyon sa pagkain. Tiningnan ko ang relo ko 6:30 am. Thirty minutes na lang at magsisimula na ang klase ko.
"Kailan mo ako sasagutin?" Wala sa sariling nasabi ko. Natigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.
"Are you serious?" Pumorma nanaman ang kunot niyang noo.
"Of course! Ano ba ang gusto mo sa isang babae?" Nakangiti kong sabi. Inabot ko ang mukha niya gamit ang hintuturo. Ang mahawakan siya ay langit na.
"Can you stop playing around?" Bigla ay naging seryoso ang mukha niya at iniwas sa akin.
Agad akong umiling. "Hindi ako naglalaro, Mr. Baider, seryoso ako."
Tumitig siya sa mukha ko. "Please?" Nakikiusap siya sa hindi ko malamang dahilan.
Tinitigan ko ang mga mata niya. "Seryoso ako," matigas kong sabi.
Umiling-iling siya at halatang hindi makapaniwala. "You would get hurt when you love me."
"Okay lang," nakangiti kong sabi. "Kapag mahal mo ang isang tao kakambal no'n ang sakit."
"Stop this, Anmela Eris," seryoso niya akong tiningnan. Kumunot ang noo ko.
Bakit ba? Dahil mahirap lang ako?
"Ayaw ko," may mataas at umaalon na tono kong sabi. "Mr. Baider, ano 'yan?" Turo ko sa dibdib niya. Tiningnan niya naman iyon.
"Alin?"
"Nasa iyo na ang puso ko ninakaw mo," nakangiti kong sabi.
Kumunot nanaman ang noo niya kaya lumapit ako para unatin iyon. Nagulat ako sa ginawa ko nang dampian ko ng halik ang noo niya.
"Lagi kasing nakakunot ang noo mo," nakangisi kong sabi.
Tumitig lang siya sa akin. Buti na lang hindi niya ako tinutulak o kung ano dahil sa ginagawa ko. Mabait naman siya sa totoo lang kasi kung ibang lalaki at ayaw sa babae baka nasuntok na sa kakulitan ko at pahalik-halik ko.
"You don't have class? Just go," tumingin na siya ngayon sa mga papel sa harap niya.
Sinilip ko ang relo ko. "Ten minutes before my class."
"Anmela Eris, there are so many boys. 'Wag ako," mariin niyang sabi habang ang mata ay nasa mga papel na hawak niya. “’Wag ako. Please lang. Masasaktan ka lang.”
"Eh, ikaw ang gusto ko," nakanguso kong sabi.
"Just leave me alone. I don't want girlfriend. I wanna stay single forever."
Nagtataka ko siyang tiningnan. "Bakit? Bakla ka ba?" Natutop ko ang bibig sa pagiging prangka kong iyon.
Oo nga! Bakit nga ba?
Na-curious ako kung bakit ayaw niya ng girlfriend.
Bumuntong hininga siya bago ako tiningnan. "You don't know the story. If I were you I will not push my feelings because it will always be complicated."
Napakunot ako sa sinabi niya. Wala akong naintindihan na kahit na ano.
"Ipaintindi mo, please?"
"Just go," mariin niyang sabi.
Bakit ba pinagtatabuyan niya ako? Dahil ba mayaman siya at hindi kami bagay?
"Bakit nga?" pangungulit ko.
Isang matunog na buntong hininga ulit ang pinakawalan niya. "You will die," seryoso niyang sabi na tinawanan ko lang.
"Matagal na akong patay.. patay na patay saiyo," kinikilig kong sabi pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “Gusto kong malaman kung bakit hindi kita pwedeng magustuhan?”
“You’ll die,” nag-iwas siya ng tingin at tumitig sa kawalan. “Your love will harm you.”
Natahimik ako sa kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Anuman ang sinasabi niya parang wala akong pakialam dahil ang gusto ko lang ay siya. Inabot ko ang pisngi niya at hinaplos iyon.
Bakit ba gusto kita?
Tanong ko sa isip ko habang nakatitig sa kaniya. Iniwas niya ang mukha at nagbaba ng tingin. “Leave me alone.. Leave and don’t come near me again.”
Nangilid ang luha ko at bago pa ‘yon tuluyang pumatak ay pinigilan ko na.
Ang sakit.
"Are you two done?"
Napalingon kami sa nagsalita, si Seilen.
"Go to your class, Anmela Eris," walang emosyong sabi ni Laurent at nilampasan ako at sumama kay Seilen.
Ouch!
Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. Mukhang hindi niya talaga ako magugustuhan kahit kailan.
Malungkot akong lumabas ng kwartong iyon. Sinulyapan ko muna siya na ngayon ay nagbi-BP sa isang matanda na sa tingin ko ay professor.
Ang hirap mong abutin pero hindi ako titigil.
Lumabas na ako at tinahak ang landas papunta sa room ko. Natigilan ako nang may umakbay sa akin.
"Anm," nakangiting sabi ni Ardent. Mapakla akong ngumiti ramdam ko pa rin ang sakit na dulot ng ginawa ni Laurent.
"Why are you sad?" Tanong niya sa akin na may nag-aalalang tono.
"Wala."
"Ganito na lang pupuntahan kita mamaya sa room niyo sa break time. Kain tayo nila Alem."
Wala akong gana pero tumango lang ako kay Ardent.
Buong klase ay ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko. Ganito pala ang pakiramdam ng ma-inlove.
"Tada!" Naglapag si Ardent ng maraming pagkain sa lamesa. Tuwang-tuwa si Alem na pinasadahan iyon ng tingin pero ako ay matamlay pa rin walang nagbago.
"May problema ka ba?" Tanong sa akin ni Alem. Nasa harapan ko siya ngayon. Si Ardent naman ay umupo sa tabi ko.
"Wala. Tinatamad lang siguro ako," matamlay akong kumain.
"Gusto mo bang lumabas mamaya after ng klase?" Nag-aalalang sabi ni Ardent. Inayos niya ng buhok ko at inilagay sa tainga ko.
Umiling ako kaagad. Pupunta ako kay Laurent.
Nanliligaw nga ako 'di ba?
"Bakit ka ba kasi ganiyan?" Tanong nanaman ni Ardent at nilagyan ng menudo ang plato ko. “Magsabi ka kung may problema kanina ka pa ganyan.”
"Ay alam ko na 'yan!" Biglang may naisip si Alem na kung ano at tinuro pa ang mukha ko. "Hindi ka pinapansin no'ng lalaking Baider 'no?"
Malungkot lang akong tumango. Halos hindi niya nga ako pinapansin. Ang sakit niya pa
"Normal lang 'yan inlove ka, eh," dagdag pa ni Alem.
"In love? Sino 'yong Baider na 'yon?" Tanong ni Ardent na halata sa mukha ang pagkairita.
"Ako."
Napalingon kami sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita si Laurent na masama ang tingin.
"Ikaw?" Nakataas ang mga kilay na tanong ni Ardent. Tiningnan niya ako na may nagtatanong na kislap sa mata.
Nang masulyapan ko si Alem ay kilig na kilig nanaman ngunit may pagpipigil. Nakatingin siya sa akin at nang-aasar ang mga ngisi.
"Should I repeat?" Masungit niyang sabi.
Lumapit si Laurent at hinawakan ang braso ko at maingat na itinayo. Nakita kong tumitig si Ardent sa kamay ni Laurent.
Walang pasabi akong hinila ni Laurent palayo sa kanila. Rinig ko pa ang pagtawag ni Ardent sa akin pero hindi ko na iyon nilingon.
Dinala ako ni Laurent sa dulo ng building. Walang kahit na sinong tao ang nandito.
"Are you fooling me?" Nakakunot noo niyang tanong.
"Hindi nga," naiirita kong sabi pero malumanay pa rin ang tono.
Hindi ko siya maintindihan kanina lang ay pinapaalis niya ako tapos ngayon tatanungin niya ako ng ganyan. Kumunot nanaman ang noo niya bago magsalita.
“Why are you talking to the other guy?”
“Kaibigan ko si Ardent.”
Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya. Napaatras ako nang unti-unti siyang lumapit at nang gahibla na lang ng buhok ay pabulong siyang nagsalita na titig na titig sa mata ko.
"Stick to me, then."

Book Comment (294)

  • avatar
    Roselyn Oco Mejia

    Wow! This story is very nice. complete package have a romance, action, comedy, tragic, suspense and drama. May maga dang lesson na mapupulot ka talaga. Dami ko ring nailuha s story na ito lalo n s last part but so sad the story of laurence.😭😭😭. Thank you so much author and keep up the good work. May the Lord always bless you. keep safe

    22/01/2022

      0
  • avatar
    Nion Rey Berco Berco

    ang ganda

    08/08

      0
  • avatar
    AmaroCatelyn

    sobrang Ganda ng story

    27/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters