Chandee's Pov Grabe ang dami kong nakain at sobrang busog na busog talaga ako. Halos maubos ko ang isang buong bangus at masarap din ang pinakbet nila. Tinikman ko yung nilagang baboy nila pero hindi ko bet pero kung bibigyan ko ng marka ang resto na'to bibigyan ko sila ng 6. Six lang kasi hindi maganda ang service nila. Ang bagal. Ilang beses akong tumawag ng extra rice pero ang bagal talaga. Nag request din ako ng toyo, calamansi at sili pero nung dumating wala naman platito. At heto ang matindi, ayoko sa may ari. Kaya first and last ko ng pagkain dito. "Masarap ba?" Dinig kong tanong ni Isabelle kay Kapitan. Si kapitan naman mukhang enjoy na enjoy habang minamasahe ni Isabelle ang balikat niya. Si Isabelle pala yung may ari o anak ng may ari ng resto. Mukhang regular dito si kapitan kasi kilala na siya at may special service na masahe pa. "Chandee try mo yung minatamis na macapuno namin ah sigurado ako magugustuhan mo iyon" Sabi nito tsaka tinawag yung waiter at sinabing magdala nung sinabi niya. Pilit na ngumiti nalang ako at tumingin sa baba kung saan may mga nagdaraang mga tao. Kung hindi lang mainit sa labas inaya ko na itong si kapitan umalis sa resto na'to. "Siyanga pala, totoo ba ang balita na dumating na ang babaeng itinakda at ipaparada siya mamaya? Kaya ba may salo salong gaganapin sa tahanan niyo mamaya?" Tanong ni Isabelle kay Kapitan. Lumaki naman ang tenga ko upang marinig ang pag uusap nila. "Totoo ang nabalitaan mo. Kung gusto mo siyang makita ay huwag kang mawawala mamaya" sagot ni kapitan. So ibig sabihin hindi pa ito yung last na pagkikita namin nitong Isabelle. Tsk! "Maraming salamat sa Panginoon at dininig na ang panalangin natin. Pero sa dami ng gustong makita ang babaeng itinakda siguradong maraming tao ang dadalo mamaya" "Tama ka pero wala naman dapat ipag alala dahil sisiguraduhin namin na walang mangyayaring masama sa babaeng itinakda. Lahat ng sundalo ay iaalay ang kanilang buhay maprotektahan lamang siya" sagot ni Kapitan kay Isabelle. Bakit kinabahan ako bigla? Bakit kasi may narinig na naman ako ng alayan ng buhay. Susko! May mga masamang tao ba nagbabalak na I ambush ako mamaya? Parang ayoko na tuloy tumuloy sa parada. "Oo nag aalala ako sa babaeng itinakda pero mas nag aalala ako sayo" sabi ni Isabelle na ikinataas ng isang kilay ko. "Mas bibigat ang tungkulin mo ngayon sa bayan dahil sa pagdating niya. Mas mawawalan ka na ng oras para sa sarili mo" dagdag pa niya "Tungkulin ko ang pangalagaan ang babaeng itinakda. Ayos lang sa akin kung mawalan man ako ng oras para sa sarili ko kung ang kapalit nito ay ang kaligtasan niya. Mula noong paslit ako ay inialay ko na ang buhay ko sa bayan ng Dalya at ang tagumpay ng Dalya ay tagumpay ko rin" Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinagot ni kapitan para kasing may mali. Pero teka, iniisip ba ng babaeng ito na pahihirapan ko si kapitan dahil sa pagdating ko? As if naman gusto ko mapunta dito at maging babaeng itinakda niyo. Excuse me din dahil wala akong balak gawing yaya si kapitan. Na tyempo lang na nagpasama ako ngayon at pwede naman siyang tumanggi kung gusto niya. "Bakit hindi ka muna magpakasal? Sigurado ako maraming babaeng papayag na makipag isang dibdib sayo. Hindi natin alam ang mangyayari kinabukasan kaya mas mabuting mag asawa ka na at bigyan siya ng supling" Sabi ni Isabelle na mukhang nag aalala talaga sa lahi ni kapitan, todo hawak pa nga siya sa kamay e. "Mukhang masarap nga" kunwaring excited na sabi ko ng dumating na yung minatamis na macapuno. Bumaling naman ang atensyon nila sa'kin "Sige tikman mo masarap yan" nakangiting sabi ni Isabelle "Sige salamat" Sabi ko at tumingin kay Kapitan "Ikaw din tikman mo kapitan" Sabi ko sa kanya at kumuha sa kutsara ng macapuno at itinapat sa bibig niya para isubo niya "una ka na Ewen" malambing na bigkas ko pa sa pangalan ni kapitan. Nakita ko naman napatulala si kapitan sa akin pero binuka parin ang bibig at sinubo ang binigay ko. Tumingin naman ako kay Isabelle na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Tss.. ganyan lumandi girl. Nakakairita kayong tignan edi nganga ka ngayon. Bakit kasi hindi mo nalang diretyahin sabihin mo kapitan anakan mo'ko Hindi yung parang nag aalala ka na dahil sayang ang lahi niya. "Masarap siya" sinserong sabi ko. Kalasa siya nung nabibili sa supermarket na naka bote. '"Bagong imbento ng punong tagapagluto namin" sagot niya sa'kin pero sa kutsarang nasa bibig ko siya nakatingin. Tumingin naman ako kay Kapitan na sa kutsara ko din nakatingin. "May problema ba?" Tanong ko sa dalawa "W-wala naman" mabilis na sagot ni kapitan sa'kin "Ang mabuti pa umalis na tayo at pumunta sa pamilihang bayan" sabi pa ni kapitan sabay tayo at hinawakan ang kamay ko "mauuna na kami" paalam nito kay Isabelle. Tumango at nginitian ko nalang si Isabelle at nagpahila kay Kapitan. Pagbaba namin ay agad na nagbayad si kapitan sa kinain namin. Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan ang kinikilos ni kapitan. Gusto ba niyang mag cr? Kaloka. "Okay ka lang? Kung gusto mong mag banyo sige lang, hintayin nalang kita sa tapat ng resto" Sabi ko. Baka kasi di niya matiis at sa labas datnan alam niyo na. Kinunutan lang niya ako ng noo at hinihila parin niya. Ang laki ng mga hakbang niya at halos lakad takbo ang ginagawa ko para makasabay lang sa kanya. May mga tindahan kaming nararaanan na gusto ko sanang hintuan pero tuloy tuloy lang siya. Nang may madaanan kaming eskenita ay hinila niya ako papunta doon. Parang eksena sa K-drama na itinutulak sa pader ang bidang babae tapos hahalikan siya ng bidang lalake. "Bakit mo ginawa iyon binibini? Alam mo ba ang ginawa mo?" Tanong nito na parang galit. "Anong sinasabi mo? Hinila hila mo'ko dito tapos ikaw pa ang galit ngayon?" Syempre di ako magpapatalo dapat galit din ako. Napasuntok siya sa pader malapit sa mukha ko. Omg! Parang galit talaga siya at hindi uubra yung galit galitan ko. "Hindi mo dapat ginawa iyon" mariin na sabi niya "Ako ba kasi ang ginawa ko?" Tanong ko sa kanya at nag isip. Wala naman akong natatandaan na ginawa ko na masama. Yung bang tinawag ko siyang Ewen? Jusko para yun lang? Edi tawagin niya akong Chandee! "Yung kutsara" mahinang sabi nito habang nakayuko Inisip ko naman yung kutsara "oh napano yung kutsara?" Tanong ko naman sa kanya. Alam ko kasi malinis naman yung kutsara bagong bigay nga yun ng waiter kasama nung macapuno. "Hindi mo parin ba naiintindihan? Isinubo mo sa'kin yung kutsara pagkatapos ay isinubo mo rin" mariin na sabi nito tsaka iniwas ang tingin sa'kin "Anong problema? Ayos lang iyon hindi naman ako maarte" Sabi ko. Para namang na transfer ko yung bacteria sa bibig ko sa kanya e siya nga unang gumamit nung kutsara. "Kung sa pinanggalingan mo ay walang problema dito samin ang paggamit ng isang kobyertos ay para lang sa magkabiyak. Ang mga hindi mag asawa na gumamit ng iisang kobyertos ay kailangan mag isang dibdib. Dahil kung hindi ay babatuhin sila ng mga bato at ituturing na masamang ehemplo ng lahat ng tao" paliwanag nito. Namilog naman ang mga mata ko at napatakip sa bibig. Grabe naman mga tao dito para yun lang kailangan ng mag pakasal? Edi kung si Isabelle ang gumawa nun kanina edi napikot na si Kapitan. "Ang OA ah! Hindi naman tayo naghalikan. Edi kunwari hindi nalang yun nangyari at kalimutan nalang. Pakiusapan nalang natin si Isabelle na huwag sabihin sa iba ang nakita niya. Tsaka baka pwedeng exempted nalang ako dahil bago lang ako dito at hindi alam ang rules niyo" Sabi ko "Exempted? Ano yun?" Naguguluhang tanong niya "Exempted yung maka libre. Yung parang pabayaan at kalimutan nalang" paliwanag ko "Sabihin mo sa'kin kung paano ko makakalimutan iyon" seryosong tanong nito na nakatingin diretyo sa mga mata ko "M-maliit na bagay lang naman iyon na hindi na dapat pinapalaki" nautal na sagot ko habang naka lock ang mga mata namin sa isa't isa "Kung sayo ay maliit na bagay lang na madaling makalimutan sa'kin ay hindi" Sabi naman niya at muling hinawakan ang kamay ko at muling naglakad. Mas mabagal na ngayon ang paglalakad naming dalawa. Humihinto rin siya kapag napapansin niyang may mga tinitignan ako at tinatanong kung may gusto ako. "Ano yun?" Tanong ko sabay turo sa mga tao na tumutugtog. Kung kanina ay ako ang hinihila niya ako naman ngayon ang naghila sa kanya. Ang sarap pakinggan ng tunog na nanggaling sa tambol at mga kalaksing ng kung ano man ang tawag doon na nagbibigay ng musika. "Tinatanggal nila ang malas at pinapapasok ang swerte sa bagong bukas na tindahan kaya sila tumutugtog sa tapat ng kainan" paliwanag ni kapitan. "Ahh" tumatango tangong sabi ko at sumilip sa bagong bukas na kainan. Maraming tao sa loob mukhang epektibo yung ginawa nilang pagtugtog. Umalis na kami ni kapitan doon at pumunta sa bilihan ng mga tsinelas at sapatos. Pumili ako ng tsinelas na parang beachwalk lang. Ang pinag kaiba lang ay mas manipis ito at ang dahon ay leather na tela. Sumukat din ako ng doll shoes na bulaklakin ang disenyo. Malambot ito sa paa kaya pinabili ko rin kay Kapitan. May tinuturo akong tsinelas at sapatos din para sa kanya pero tumanggi siyang bumili. Sunod na destinasyon namin ay mga palamuti. Tumingin tingin lang ako pero hindi bumili. Wala kasi talaga akong hilig sa mga alahas maliban sa relo. May suot akong relo ngayon pero huminto naman ang oras niya ng mapadpad ako dito. "Pwede mo ba akong ibili nito?" Tanong ko kay kapitan ng may makita akong nagtitinda ng puto. Oo yung puto na alam natin pero yung tinda nila walang nakalagay na keso sa itaas. "Bigyan niyo po ako ng limang piraso" sabi ni kapitan sa babaeng nagtitinda "Teka dalawa lang tig isa tayo, ang dami pang mabibili oh gusto kong tikman lahat" Sabi ko pero isa lang ang binili niya. Busog pa daw kasi siya. Tama bang pamukhain akong patay gutom tsk. Oo nga pala hindi puto ang tawag nila sa binili namin ngayon kundi bao. Marami kaming hinintuan na tindahan pero agaw pansin sa'kin ang dalawang matanda na parang may iniluluto. Nang lapitan ko para tignan ay inakala kong fishballs niluluto nila. Nang tignan at tanungin ko sila kung ano yon ay kinayod na kamote daw iyon at ibinilog. "Pabili po ako ng dalawang balot" nakangiting sabi ko "Isa nalang busog pa ako" sabi ni kapitan "isa lang po" Sabi niya sa matandang babae na nagtitinda "Hindi naman para sa'yo ang isa ibibigay ko kay Glenda" Sabi ko at inismiran siya. Pagkabayad niya sa binili kong kamote ay inaya ko na siyang bumalik sa bahay nila. Medyo pagod narin kasi ako sa paglalakad. "Malayo pa ba tayo sa tindahan ni Mona?" Tanong ko dahil masakit na ang mga paa ko "Malapit na" sagot nito "Kanina mo pa sinasabing malapit na pero ang layo layo parin": reklamo ko tsaka huminto sa paglalakad. "Maaga pa naman binibini pwede tayong magpahinga kung pagod ka na" sabi nito "Magpapahinga lang ako saglit tapos uwi na tayo" Sabi ko. Tumango naman siya at tumabi. Wala pa yatang 30 seconds ay inaya ko na ulit siya maglakad. Bigla akong nahiya dahil ako naman may gusto nito. Nagsimula na ulit kaming maglakad pero pagod at masakit na talaga ang mga paa ko. "Mabuti pa siguro ay sumakay ka na sa likod ko" Sabi nito na umupo sa may harapan ko. Ano to K-drama ulit piggy back ride? "Hindi okay lang kaya ko pa naman" pagmamatigas ko. Never pa ako nagpa piggy back ride at never mangyayari yon lalo na sa ganito karaming tao nakakahiya. Nung akala kong tatayo na si Kapitan ay lumayo ako ng kaunti hindi ko naman sukat akalain na bigla niya akong papasanin. Wala naman akong nagawa kundi kumapit. "Ibaba mo na ako kaya ko naman maglakad" Sabi ko dahil nahihiya na talaga ako. Maliit na babae lang ako pero alam kong mabigat ako. "Mas mapapabilis tayo binibini kung papasanin nalang kita. Kailangan narin kasi natin makauwi para makapag ayos ka pa" Sabi naman niya "Bakit kailangan ko pang mag ayos hindi naman ako mag sasagala. Diba parada lang naman para makita ako ng mga tao" Sabi ko "Pasensiya na binibini hindi ko alam kung ano ang plano nila para sa parada mamaya. Ang tungkulin ko lang po ay siguraduhin ang kaligtasan mo" sagot ni kapitan Hindi nalang ako kumibo. Siya narin kasi nagsabi na wala siyang alam. Pero in fairness ang tatag ng balikat niya. Ang init din ng likuran niya at mabango ang buhok. Napangiti ako at di napigilan ang tuwa ng makita ang tindahan Mona. Dahil yata sa layo ng nilakaran ni kapitan habang karga ako ay nabawasan ang hiya ko. Sinalubong ulit kami ni Mang Berting at maging si Mona ay lumabas. Inaya niya kaming pumasok sa tindahan niya para makapag kape pero tumanggi si kapitan dahil kailangan na naming umalis. Habang sakay sa kabayo tsaka ko lang naisip na masyado kong inabala si kapitan ngayon. Nakakahiya pala talaga dahil nag inarte pa ako. Buti nalang mukhang nakalimutan na niya yung tungkol sa kutsara. *****
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 50 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (297)
DinawanaoMariela
very good story I like it very much thank you author
very good story I like it very much thank you author
25/05/2025
0ganda^^
27/07/2024
0very nice
24/06/2024
1View All