logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 1

"Talaga bang hindi mo siya kilala?"
SAMANTHA’S POV
"KUYA NAMAN! Napakakupad mo talagang kumilos! Argh!" pagmamaktol ko sa kuya ko na pa-chill chill lang habang naglalagay ng gel sa buhok niya.
Ang lakas ng loob niyang bagalan ang kilos niya habang halos hindi na ako magkanda-ugaga rito sa pagsigaw sa kan'ya.
"Dalian mo naman! Pa-gel gel ka pa, eh mukha ka namang lamok!" dagdag ko pang sabi sa kan'ya na ikinatawa lang nito.
Naiirita raw kasi siya kapag bumabagsak 'yong bangs niya sa mukha niya at tumatama sa mata niya kaya mas gusto niyang i-style 'yong buhok niya.
Pero ako, naiirita ako sa kan'ya! Grrr, magpapaturo pa ako ng assignment sa math kay Mich, eh! Kapag iyon talaga hindi ko naintindihan tapos tinawag ako ng teacher para i-explain 'yon, kakalbuhin ko talaga siya nang malala para hindi na siya mahalin ni ate Rica!
Sa totoo lang, ayoko naman talaga sana siyang hintayin pero may kotse kasi siya kaya makikisabay na lang ako. Kaysa naman maglakad pa ako kahit na puwede naman akong sumabay sa kan'ya, hindi ba?
Sayang lang ang effort ko, at sayang din ang kotse niya kung hindi niya rin sa akin gagamitin 'yon.
"May lakad ka ba?" nagtyatakang tanong nito habang nakyataas ang kanang kilay at nakatingin pa rin sa salamin habang bahagyang inii-style ang buhok. "O baka naman may boyfriend ka at magkikita kayo nang maaga ngayon?"
Lumawak ang ngisi niya pagkyatanong niya no'n sa akin. Nagpo-pogi pose pa ito sa harap ng salamin kaya naman ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na bigyan siya ng isang malakas na sapak.
"Aray!" kaagad na singhal nito sa akin. "Bakit ba defensive ka— aray!" reklamo niya sa akin nang bigla ko siyang hampasin sa braso nang paulit-ulit.
Dasurv, kuya. Dasurv.
"Makasabi ka kasi riyan na may boyfriend na ako! Wala. Akong. Boyfriend! Assignment, mayroon!"
Inirapan ko pa siya pero ang nakakainis kong kapatid, nginisian lang ako. Ang sarap niyang sabunutan!
Humarap siya sa 'kin na may makahulugang tingin sa mga mata niya.
"Wala? Eh sino kaya 'yong kahalikan mong lalaki kagabi? Akalain mo 'yon, may pumatol sa 'yo kahit na mukhang kalansay ka na sa sobrang payat?"
Humalakhak pa siya ng sobrang lakas pagkyatanong no'n, kaya 'yon, nakatikim siya ng sapak mula sa 'kin. Akala niya, ha!
"Buwisit ka kuya! Argh, isusumbong kita kay ate Rica!" parang bata kong sabi habang nakanguso.
Para akong bata na inagawan ng kendi ng kapatid niya. Nakakaasar talaga ang kapatid kong 'to kahit kailan.
Si ate Rica nga pala ay ang girlfriend ni kuya. Akalain mo 'yon, may papatol pa pala dito sa ungas kong kapatid? Akala ko kasi ay wala nang papatol pa sa kan'ya dahil mukhang pambubuwisit ng tao ang love language niya.
"Oh, talaga?" nang-aasar niya pang tanong bago ako tinaasan ng kilay at tinawanan ako.
Mas lalo lang siyang humalakhak dahil sa sinabi ko. Grrrr!
"Sige ka, isusumbong din kita sa ate Rica mo. Ano kaya ang magiging reaksyon no'n kapag nalaman niya na may kahalikan ka kagabi?" pang-aasar niya ulit sa akin na may kasama pang pagngisi.
Pssh, okay fine. Talo na ako.
Biglang uminit ang pisngi ko nang maalala ko ang halikan namin ng stranger na iyon kagabi. Nakakaano. Nakakakilig.
Ugh! Ano ba 'tong sinasabi ko? At bakit ako kinikilig sa halik ng isang estranghero, huh? Mali ito. Mali!
"Namumula si Colline," pagpansin na naman sa akin ng kapatid ko bago sinundot ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya.
Inirapan ko na lang siya at nauna na akong naglakad palabas ng bahay namin. Sumakay na ako sa kotse niya at dahil alam kong pinagmamasdan niya ako ay hinawakan ko ang steering wheel.
Pustahan tayo ng bente susunod agad si kuya sa 'kin in five... four... three... two... one...
"Huwag kang magd-drive, utang na loob!"
Kaagad na bumukas ang pintuan ng kotse. Pumasok si kuya sa driver's seat at itinulak ako papunta roon sa passenger seat na para bang isa akong langaw na napaupo roon sa trono niya.
Psh! Napairap na lang tuloy ako bago ipinagkrus ang magkabilang kamay ko sa aking dibdib.
Hingal na hingal pa siya at halyatang tinakbo niya nang mabilis 'yong daan mula sa bahay namin hanggang dito sa kotse niya. Para siyang sumali sa marathon dahil sa itsura niya ngayon.
"Phew," saad niya pa bago bumuntong hininga habang pinupunasan ang pawis niya sa noo gamit ang likod ng palad niya.
Napahalakhak na lang ako, at dahil doon ay sinamaan niya ako ng tingin.
"Chill, kuya," seryoso kong saad sa kan'ya, pero nahihimigan pa rin ang tawa sa boses ko. "Kahit naman inaasar mo ako ay hindi ko na gagawin 'yong ginawa ko dati sa kotse mo."
Naalala ko kasi noong nag-away kami ni kuya. Lambourgini pa ‘yong kotse niya no'n. Inasar-asar ako ni kuya na para na raw akong bangkay kaya naman dali-dali akong pumasok sa kotse niya at pinaharurot ko iyon.
'Yong katulad ng mga napapanood ko sa mga telenovelas na nagwa-walk out 'yong bida? Feel na feel ko maging ganoon eh.
Pero nakalimutan ko... hindi nga pala ako marunoong mag-drive kaya naman nabangga ko 'yong kotse ni kuya sa isang bahay.
"A-Anoong ginawa mo sa kotse ko, bubwit!"
Halos mangiyak-ngiyak pa siya noon habang dinuro-duro ako. Samantalang ako, tawa ako nang tawa dahil sa tumutulong uhog mula sa ilong niya habang naiyak. Alam ko naman na mali ang nagawa ko noong panahon na 'yon pero hindi ko lang din talaga maiwasan ang tawanan siya.
Pagkatapos no'n ay sinabihan niya rin ako na hindi raw ako puwedeng magkakotse kaya naman ay naglalakad na lang din ako kapag pauwi ako sa bahay namin galing school.
Hindi ko alam kung 'yon ang ganti niya sa akin pero kung 'yon nga, isa siyang malaking buwisit.
Tapos bumili na siya ng Ferrari at ayaw man lang niya ipahawak sa akin ang susi. Noon kasi ako ang tagahawak ng susi ng kotse niya— pero kanina ay nahawakan ko iyon dahil kinuha ko na 'yon sa tagal niyang kumilos.
Ang masama pa ay iba rin ang kotse na ginagamit niya kapag ihahatid ako.
Napangiti na lang ako dahil sa naalala ko. Parang gusto kong makita ulit 'yong reaksyon niya dati tutal kanina pa naman niya ako pinagt-trip-an. Hmmm...
"I don't like that smile, Samantha," komento ni kuya nang makita niya ang itsura ko.
I'm sure na mukha akong witch ngayon dahil sa itsura ko.
Ningitian ko na lang si kuya ng pagkatamis-tamis— pero alam ko na ang bitter ng ngiti ko na yon— at napangiwi lang siya bago niya pinagana ang makina ng kotse niya.
"Seatbelt mo," paalala niya bago itinuro ang beywang ko.
"Yes, boss!"
"NANDITO na tayo, bumaba ka na. Susunduin ko pa si Rica," bored na sabi sa akin ni kuya bago binuksan ang pintuan.
Minsan, hindi ko na talaga alam kung kapatid nga ba niya ako, o baka naman isa akong lamok sa paningin niya?!
"Oo na, atat na atat sa labing-labing!" Agad naman akong bumaba at kumaway sa kan'ya na paalis na.
"Bye, kuya! Walang forever! Tandaan mo 'yan!" sabi ko habang nakangiti.
And I'm sure na naka-pokerface na naman 'yon ngayon dahil sa sinabi ko. Bahala siya riyan.
Masaya akong pumasok sa gate ng school namin. Binati rin naman ako ng mga kaklase ko dahil matagal-tagal na rin kaming magkakakilala rito.
"Good morning, Sam!"
"Hi, Sam!"
Sinuklian ko na lang ang mga bati nila ng isang tipid na ngiti.
Naglalakad ako papasok ng room namin nang makita ko ang ilang mga kaklase ko na babae na nakatingin sa isang lalaki.
Napakunot naman ang noo ko. Hmm? May transferee ba o kaya naman ay exchange student?
"Ano'ng meron, Icia?" tanong ko doon sa isa kong kaklase.
"Nag-transfer dito si Chester sa school natin, at kaklase natin siya!" masaya naman niyang sagot bago nagpapapalakpak, pero wala naman akong naintindihan.
Chester? Sino 'yon?
"Sino'ng Chester?" nagtatakang tanong ko.
Sikat ba 'yon? Artista? Gangster?
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin bago nagtaas ng kilay. Mas lalo akong nagtaka.
"Bakit?" tanong ko.
"Talagang hindi mo siya kilala?" nagtyatakang tanong niya sa akin, napakurap pa nga nang dalawang beses.
Umiling naman ako. "Sino ba kasi 'yon?"
"Naku, sumali ka na lang sa Theater Club para makilala mo!" sabi niya sa akin.
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Sinubukan kong sumilip doon sa tinitingnan nila pero bigla ring nagbago ang isip ko.
“Ayoko nga! Ano siya, chicks?” sagot ko naman kay Icia. Tinawanan niya lang ako.
Nah, 'di bale na lang. Tsk, wala naman akong mapapala kung malalaman ko kung sino ang Chester na 'yon, eh.
Pero maya maya lang ay hindi ko namalayan na nanghihingi na pala ako kay Icia ng form para makasali sa Theater Club. Iyon kasi ang paraan para makilatis ko ang Chester na iyon. Hindi ko kasi siya masyadong makita kapag nandito lang ako sa labas, eh.
Noong ma-realize ko ang ginagawa ko ay napangiwi na lang ako. What the heck? Bakit ba nacu-curious ako sa Chester the transferee na 'yan?
Bago ako pumasok sa room ko ay tumingin muna ako sa kan'ya nang huling beses.
Pero nagulat ako nang mahuli ko siya na nakatingin sa akin. 'Yong tingin niya na parang tumatagos na sa buong kaluluwa ko. Nakakatunaw.
Biglang uminit ang pisngi ko. Hala, bakit?
Agad kong ipinilig ang ulo ko pero maya-maya ay tumingin ako sa kan'ya at nahuli ko siya na nakatingin pa rin sa akin. He smiled at ipinagpatuloy na niya ang kung ano mang ginagawa niya roon sa loob ng theater club. Nahuli niya ako, buwisit! Nakakahiya.
Pero teka. 'Yong ngiting 'yon... bakit sobrang pamilyar no'n sa akin?

Book Comment (16)

  • avatar
    Theson Ofalegent

    wow

    09/07

      0
  • avatar

    fffffff

    07/06

      0
  • avatar
    erlDalman

    napaka ganda Ng story Nito solid

    04/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters