Celeste’s POV Isang linggo. Isang linggo na akong nagpapanggap na "civilized human being" at pramis, malapit na akong mamatay sa boredom. Walang vape, walang cutting classes, at walang pakikipag-away sa mga hipon sa hallway. Nakaupo ako sa dulo ng library, kunwari’y nag-aaral pero ang totoo, pinapanood ko lang si Lucian mula sa malayo. Nakaupo siya sa gitna ng long table, pinaliligiran ng mga officers niya. Seryoso ang gago, nakakunot ang noo habang may binabasa. Sarap guluhin. Tumayo ako at naglakad palapit sa table nila. Sinadya kong hindi isuot ang regulation vest ko, kaya puting button-down lang na medyo manipis ang suot ko. "President," bati ko sa malanding tono. Lahat ng officers ay napatingin sa akin. Si Lucian? Hindi man lang lumingon. Nagpatuloy lang siya sa pagpirma ng mga papel. "Mr. President, may itatanong sana ako tungkol sa... student welfare," sabi ko sabay sandal sa table niya, sapat para makita niya ang cleavage ko kung titingin siya. Dahan-dahan niyang iniangat ang paningin niya. Ang talim. Parang gusto niya akong balatan nang buhay. "Vane, may office hours ang SSG. This is the library. Quiet zone," sabi niya, boses-baritono na nakakanginig ng kalamnan. "Eh, emergency 'to. Paano kung ang welfare ko ang nasa panganib? I feel so... lonely. Baka pwedeng i-consult ang President?" Narinig ko ang mahinang ubo ng vice president niya. Halatang naiilang sila. Ibinaba ni Lucian ang ballpen niya. "The rest of you, go to the cafeteria. I'll follow in ten minutes." Mabilis na nagsialisan ang mga officers. Takot lang nila sa yelong 'to. Nang kami na lang dalawa, tumayo si Lucian. Masyadong matangkad ang lalaking 'to, kailangan ko pang tumingala. "Anong laro 'to, Celeste?" tanong niya, lumalapit sa akin hanggang sa maipit ako sa pagitan niya at ng mesa. "Hindi ‘to laro, Lucian. I'm just bored. Akala ko ba 'short leash'? Bakit isang linggo mo na akong hindi pinapansin? I'm starting to think you're scared of me." "I'm not scared. I'm busy. Unlike you, I actually have a future to build." Napairap ako. "Boring. Puro ka future. Why don't you focus on the present? Like, the fact na ako lang ang babaeng kayang pumasok sa personal space mo nang hindi ka nanginginig sa takot?" Inabot ko ang kurbata niya at dahan-dahang hinila. "Nabalitaan ko, may party sa frat house mamaya. Pupunta ako. Balita ko marami ring good kissers doon." Ramdam ko ang pag-igting ng panga niya. "You have a deal, Celeste. Isang gulo mo lang sa party na 'yan, suspended ka." "Oh, so pupunta ka para bantayan ako? How protective, Mr. President." Pinakawalan ko ang kurbata niya at kinindatan siya. "See you there. Wear something less... formal. Baka mapagkamalan kang bouncer." Lucian’s POV Pinanood ko siyang lumakad palayo. Ang kembot ng kaniyang balakang ay tila isang hamon na mahirap tanggihan. "President, okay ka lang?" bumalik ang treasurer ko. "Namumula ang tenga mo." "I'm fine," mariin kong sabi. Pero hindi ako okay. Simula nang dumating si Celeste sa unibersidad na 'to, nagulo ang lahat ng sistema ko. She’s loud, she’s messy, and she has the dirtiest mouth I’ve ever encountered. Pero sa tuwing lumalapit siya, may isang bahagi ng pagkatao ko—ang bahaging pilit ibinaon nina Papa at Mama—ang gustong lumabas. Ang bahaging gustong sumira ng mga rules. Kinuha ko ang phone ko at nag-message kay Thorn. Oo, ang head of security ni Papa na ngayon ay contact ko na rin. “Prepare the black SUV tonight. I’m going to a frat party.” Hindi ko hahayaan ang babaeng 'yan na makipag-make out sa kung sino-sinong lalaki habang dala niya ang pangalang Vane. At habang ako ang may hawak ng eskwelahang 'to. Mausok, maingay, at amoy alak. I hate places like this. Pero kailangan kong hanapin ang pesteng iyon. Nakita ko siya sa gitna ng dance floor. She was wearing a backless red dress that left nothing to the imagination. Nakapulupot ang kamay niya sa leeg ng isang varsity player, tumatawa nang malakas habang ang lalaki ay unti-unting ibinababa ang kamay sa likod niya. Hindi ko namalayang naggitgit na ang mga ngipin ko. Naglakad ako sa gitna ng crowd. Bawat taong nadadaanan ko ay tumatabi nang makita ang mukha ko. "Party's over," sabi ko nang marating ko sila. Lumingon si Celeste, medyo mapungay na ang mga mata. Lasing na ang gaga. "Oh! The President is here! Guys, look! Dumating ang pulis!" she shouted. "Let go of her," utos ko sa varsity player. "Sino ka ba? President ka lang dito, hindi mo kami pag-aari—" Hindi ko na siya pinatapos. Hinawakan ko ang collar niya at binalibag siya palayo. Mabilis, malinis. The Conrad training never fails. "Lucian! Ang hardcore mo!" tawa ni Celeste, susuray-suray siyang lumapit sa akin. Binuhat ko siya na parang sako ng bigas. "Bitawan mo 'ko! I was having fun!" sigaw niya, hinahampas ang likod ko. "You're going home, Celeste. Before you do something you'll regret. Or something I'll regret." "Anong ire-regret mo? Kiss me? Come on, President! Admit it! You want to know what I taste like!" Isinakay ko siya sa backseat ng SUV at pumasok din ako. Ni-lock ko ang mga pinto. Ang amoy niya ay parang alak at panganib. Nasa loob kami ng madilim na SUV. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin, ramdam ko ang init ng hininga niya sa labi ko. Sa isang iglap, nawala ang lahat ng rules, ang lahat ng pader. Hinawakan ko siya sa batok, akmang lalamunin ang labi niya, ngunit bago pa magdikit ang aming mga balat, rumehistro sa utak ko ang huling sinabi ni Papa bago ako pumasok sa unibersidad na 'to. "Lucian, ang mga Vane ay pamilya. Kahit anong dumi ng nakaraan, iisang dugo lang ang nananalaytay sa inyo." Iisang dugo. Para akong sinampal ng realidad. Mabilis ko siyang naitulak palayo, dahilan para tumama ang kaniyang balikat sa pinto ng sasakyan. "Get out," boses ko ay gumaralgal, puno ng galit sa sarili. "Lumabas ka na, Celeste. Ngayon din." "What? Bakit?" tanong niya, bakas ang gulat at pagkapahiya sa kaniyang mga mata. "Natatakot ka ba, Mr. President? O baka naman narealize mong... gusto mo talaga?" "I said get out!" sigaw ko, kasabay ng malakas na suntok sa dashboard. "Huwag mong hintayin na makalimutan kong magpinsan tayo, Celeste. Dahil kapag nangyari 'yon, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa 'yo." Nanigas siya sa kinauupuan niya. Ang salitang magpinsan ay tila isang sumpa na bumalot sa aming dalawa. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan nang hindi man lang lumingon. Sinuntok ko ang steering wheel nang paulit-ulit hanggang sa mamaga ang mga kamao ko. Tangina. Bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo, ang kaisa-isang babaeng nagpapatindig ng balahibo ko ay ang babaeng bawal kong hawakan? Celeste’s POV Pagpasok ko sa kwarto ko, hindi ko binuksan ang ilaw. Napasandal ako sa pinto, nanginginig ang buong katawan ko. Pinsan ko siya. Kadugo ko siya. Paulit-ulit ang tumatakbo sa isip ko habang hinahawakan ko ang sarili kong labi. Muntik na. Muntik ko nang hayaang halikan ako ng sarili kong pinsan. Ang dumi. Bakit ang dumi ng pakiramdam ko pero bakit ganoon pa rin kabilis ang tibok ng puso ko? "You're sick, Celeste," bulong ko sa dilim. Kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan ang wallpaper ko—isang stolen picture ni Lucian habang nag-s-speech siya sa podium. He looked so regal. So untouchable. Kung hindi kami magkadugo, baka matagal ko na siyang nilunod sa kama ko. Pero ang tadhana ay isang malaking gago. Ginawa kaming magkadugo para lang parusahan kami sa bawat titig at bawat haplos na gusto naming gawin. Naglalakad si Lucian sa hallway, pinalilibutan ng kaniyang security at mga officers. He looked cold, composed, as if nothing happened last night. Pero alam ko, nakita ko ang bahagyang panginginig ng kamay niya nang magtama ang mga mata namin. Huminto ako sa tapat niya. Kahit diring-diri ako sa nararamdaman ko, hindi ko mapigilan ang sarili kong inisin siya. It's the only way I can stay close to him without breaking the rules. "Morning, President," bati ko, sadyang nilalakasan para marinig ng mga dumadaang estudyante. "Nakalimutan mo pala 'to sa sasakyan mo kagabi." Ipinakita ko ang isang black lace na underwear. Siyempre, hindi ko 'yon naiwan sa kaniya. Inilabas ko lang 'yon mula sa bag ko para gumawa ng eksena. Napatigil ang buong hallway. Nanlaki ang mga mata ng mga officers niya. Alam ng lahat na magkamag-anak ang mga Vane at Conrad, pero ang makitang may "underwear" na sangkot? It's scandalous. It's forbidden. "Vane," banta ni Lucian. Ang kaniyang boses ay kasing lamig ng kamatayan, pero nakita ko ang pagdilim ng kaniyang mga mata—ang pagnanasang pilit niyang sinusupil dahil sa aming dugo. "Sa office ko. Ngayon din." "Sure, President. Is it for a... family meeting?" pang-aasar ko. Habang naglalakad kami patungo sa office niya, ramdam ko ang mga tingin ng mga estudyante. Ang bawat hakbang namin ay tila isang hakbang patungo sa impiyerno. Lucian’s POV Pagkapasok na pagkapasok namin sa office, ni-lock ko ang pinto. Binitawan ko ang folder na hawak ko sa mesa nang may malakas na kalabog. Humarap ako kay Celeste na ngayon ay relax na relax na naupo sa couch ko, naka-cross pa ang legs. "Are you insane?!" sigaw ko, pilit na pinabababa ang boses ko para hindi marinig sa labas. "Ipinakita mo ang underwear mo sa gitna ng hallway? Do you have any idea what kind of rumors that will start?" "Oh, come on, Lucian," tamad niyang sagot habang tinitingnan ang kuko niya. "Rumors are fun. At least ngayon, iisipin nilang may buhay ka sa labas ng mga rules mo." "Buhay? Celeste, magkamag-anak tayo! People know our history. Kapag nalaman nilang may ganitong klaseng biro sa pagitan natin, hindi lang ako ang masisira. Ang pamilya natin—" "Our family is already broken, Lucian!" mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. "At huwag kang magmalinis. Nakita ko kung paano mo ako tingnan sa sasakyan kagabi. Iisang dugo? Then why do you look at me like you want to devour me?" Hindi ako nakapagsalita. Nilagpasan ko siya at pumunta sa likod ng mesa ko. I need distance. "That’s enough. Bibigyan kita ng sanction. Community service for one month. Tutulungan mo ang maintenance staff sa paglilinis ng gymnasium pagkatapos ng mga laro." "What?! Tagalinis? President, Architecture student ako, hindi janitress!" "Then you should have thought about that before you pulled that stunt in the hallway," malamig kong sabi. "Dismissed." Celeste’s POV Bwisit. Napasapo ako sa noo habang naglalakad palabas. Community service? Sa gym? Ang dumi-dumi doon! Pero habang naglalakad ako, hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Lucian kanina. Galit siya, oo. Pero may takot sa mga mata niya. Takot na baka totoo ang sinasabi ko. Third Year Architecture, Rule Breaker, at ngayon... Janitress. Gusto ko lang naman siyang inisin. Gusto ko lang makita kung hanggang saan ang pasensya niya. Pero bakit sa tuwing maglalapit kami, parang may magnet na humihila sa akin? Kahit na alam kong bawal. Kahit na alam kong kadugo ko siya. Tapos na ang practice ng basketball team. Ang buong paligid ay amoy pawis at sapatos. Kinuha ko ang mop at nagsimulang maglinis nang padabog. "Kainis talaga ang bwisit na 'yon. Akala mo kung sinong santo," bulong ko sa sarili ko. Biglang bumukas ang pinto ng gym. Pumasok si Lucian. Wala na siyang blazer, naka-puting polo na lang siya na may tupi hanggang siko. Napalunok ako. Ang linis niya tignan sa gitna ng maduming gym. "Checking on your employee, President?" pang-aasar ko, hindi tumitigil sa pag-mop. "Checking if you're actually doing it or just causing more trouble," sagot niya habang naglalakad palapit. Tumigil siya sa tapat ko. Dahil sa pag-mop ko, medyo nabasa ang sahig sa pagitan namin. "You missed a spot," turo niya sa malapit sa sapatos niya. "Edi ikaw maglinis! Akala mo ba madali 'to?" inis kong isinandal ang mop at humarap sa kaniya. "You brought this on yourself, Celeste." Masyadong malapit na naman siya. Amoy sandalwood na naman. Bakit ba ang bango-bango niya kahit gabi na? Tinitigan ko ang leeg niya—ang adams apple niya na gumagalaw habang lumulunok siya. Bigla akong nakaramdam ng uhaw. Isang klaseng uhaw na hindi kayang pawiin ng tubig. "Bakit ka ba laging nandiyan?" tanong ko, ang boses ko ay bahagyang humina. "Kung diring-diri ka sa akin dahil magpinsan tayo, bakit hindi mo ako iwasan? Bakit kailangang ikaw mismo ang mag-supervise sa community service ko?" Huminga siya nang malalim. Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Inabot niya ang isang hibla ng buhok ko na humarang sa mukha ko at dahan-dahang inilagay sa likod ng tenga ko. Ang kaniyang daliri ay bahagyang dumampi sa balat ko. Kuryente. Napatigil ang mundo. Walang halik, walang yakap, pero ang tinginan naming dalawa ay sapat na para sumabog ang paligid. "Dahil kung hahayaan kitang mapunta sa iba, baka mas lalo akong mabaliw," bulong ni Lucian. Ang kaniyang mga mata ay puno ng pait at pagnanasa.Mabilis niyang binawi ang kamay niya, tila ba napaso siya. "Finish that. In ten minutes, the guard will lock the gym." Tumalikod siya at mabilis na naglakad palabas. Naiwan akong tulala, hawak ang mop, at ang puso kong parang sasabog na sa sobrang bilis ng tibok. Dahil kung hahayaan kitang mapunta sa iba, baka mas lalo akong mabaliw. Anong ibig niyang sabihin? Na mas gusto niyang siya ang nagpaparusa sa akin kaysa ibang tao? O na kahit magkadugo kami, ayaw niyang may humahawak sa aking iba?
try koto
14/02
0wow ang ganda ng sotry
12/02
0View All