logo
logo-text

Download this book within the app

The SSG President’s Private Agenda

The SSG President’s Private Agenda

eyangksksks


Prologue:

Lucian’s POV
"Mr. President, another report for the day."
Hindi ko iniangat ang tingin ko mula sa binabasang budget proposal ng engineering department. Ang amoy ng kape sa loob ng SSG Office at ang mahinang ugong ng aircon ang tanging nagpapakalma sa akin.
"Put it on the desk," malamig kong sagot.
"It's about the same girl, Sir. Si Celeste Vane. Third year Architecture. Nahuli na naman siyang nag-v-vape sa likod ng auditorium. And... she also provoked the security guard by calling him 'Daddy'."
Dito na ako napahinto. Inilapag ko ang ballpen ko. Ang pangalang Vane ay laging nagpapaigting ng panga ko. Hindi dahil sa pamilya niya—dahil matagal nang kinalimutan ng mga magulang ko ang nakaraan—kundi dahil sa kaniya mismo.
"Nasaan siya?"
"Nasa Discipline Office, Sir. Pero ayaw makipag-cooperate. Sinasayawan daw po ang Dean."
Tumayo ako. Isinuot ko ang aking navy blue blazer at inayos ang salamin ko. "I’ll handle this. Get back to work."
Celeste’s POV
"Dean, don't be so stiff. Minsan lang tayo mabuhay, baka gusto mong subukan 'tong strawberry frost? Mas masarap 'to kaysa sa stress," sabi ko habang nakasandal sa mesa niya, nilalaro ang vape ko.
"Ms. Vane! This is your third offense this week! At bakit ganyan ang suot mo? That skirt is too short for university standards!" sigaw ni Dean, pulang-pula na ang mukha.
Ngumisi ako. "Sabi kasi ng yaya ko, kung maganda ang legs, i-flaunt. Tsaka Dean, huwag kang sumigaw. Sayang naman ang retirement fund mo."
Bago pa makasagot si Dean, bumukas ang pinto. Pumasok ang lalaking tinitingala ng buong campus.
Si Lucian Alexander Conrad.
Matangkad, malinis ang gupit, at ang mga mata niya... parang yelo na kayang sunugin ang balat mo sa isang titig lang.
The Ice King.
"Dean, I'll take over from here," sabi ni Lucian. Ang boses niya ay may awtoridad na hindi mo pwedeng baliin.
"Salamat, Mr. President. Please, gawan mo ng paraan ang babaeng 'yan. She's a menace!" padabog na lumabas si Dean.
Naiwan kami ni Lucian sa loob. Humalukipkip ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
Tangina, ang guwapo pa rin ng gago.
"Anong tinitingin-tingin mo, Conrad? Miss mo 'ko?" pang-aasar ko.
Lumapit siya sa akin. Masyadong malapit. Amoy siya ng sandalwood at mamahaling pabango. Ibinaba niya ang kaniyang tingin sa labi ko, pagkatapos ay sa maikli kong palda.
"You're a mess, Celeste," sabi niya, walang emosyon. "Bakit ba kailangang lagi kang naghahanap ng atensyon? Is your life that boring?"
Tumawa ako nang malakas at humakbang palapit sa kaniya hanggang sa magkadikit na ang mga dibdib namin. Ramdam ko ang tigas ng kaniyang katawan.
"Atensyon? Hindi ko kailangan 'yon. Ang gusto ko lang ay makita ang ugat sa noo mo na lumalabas kapag naiinis ka sa akin. It's... sexy."
Hinawakan niya ang panga ko. Hindi masakit, pero mariin. "You talk too much. At ang dumi ng bunganga mo."
"Gusto mo linisin? Gamitin mo 'yang sa 'yo," hamon ko, sabay dila sa labi ko. Nginisihan ko pa siya.
Nanatiling blangko ang mukha niya, pero napansin ko ang bahagyang pagdilim ng kaniyang mga mata. "You like making out with random guys in the parking lot, right? I saw the CCTV footage last Friday."
"Oh, jealous?" ngisi ko. "He was a good kisser. Hindi tulad ng mga boring na katulad mo na laging naka-pindot ang butones hanggang leeg."
Bigla akong binuhat ni Lucian at inupo sa ibabaw ng mesa ni Dean. Napasinghap ako. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko, kinukulong ako.
"Let's make a deal, Vane," bulong niya sa mismong tenga ko, na nagpatayo ng balahibo ko. "If you can stay trouble-free for one month, I'll leave you alone. Pero kung magkakalat ka pa... ako mismo ang magpapatalsik sa 'yo sa unibersidad na 'to. And I'll make sure your father knows everything."
"Takot ako," sarkastiko kong sabi, kahit na ang totoo ay mabilis na ang tibok ng puso ko. "At kung ayaw ko?"
"Then I'll have to keep you on a very short leash. At alam nating dalawa na hindi mo gusto ang kinukulong."
Tinitigan ko siya.
Interesting, huh.
"Challenge accepted, President. Pero babalaan kita... baka bago matapos ang buwan na 'to, ikaw na ang nakaluhod sa harap ko."
Ngumisi siya—isang ngising ngayon ko lang nakita. "Don't hold your breath, Celeste."
Ngumisi ako sa kaniya. Tinabig ko ang mga braso niya upang makalabas sa pagkakacorner niya.
"Hindi porque ikaw si Lucian, si Lucian ka habang buhay," sabi ko na may ibig sabihin.
Kunot noo niya akong tiningnan. Kahit nasa mukha ko ang tingin niya, napapababa iyon sa suot kong skirt dahil napakaiksi ng gamit ko ngayon.
"How's my legs? Is it pretty?" I smiled sweetly at him.
Nakita kong nag-igting ang panga niya. Galit na galit sa akin. Halata namang stress na siya at hindi alam ang gagawin. Walang buwan na hindi ako nadala sa Dean Office.
"Bye, Lucian!" malandi ang tono ko bago lumabas ng opisina.

Book Comment (2)

  • avatar
    Xiamara L. Zafiro

    try koto

    14/02

      0
  • avatar
    MarcialCatherine

    wow ang ganda ng sotry

    12/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters