logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

“anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ko nang makita ko si Levi sa harap ng bahay namin na naka sandal sa motor niya
“hinihintay ka”preskong sagot niya tsaka niya inabot sa akin yung dala niyang paper bag
walang ano-ano ay agad kong tinignan ang loob ng bag. It’s a box
a shoe box
I am wearing my sneakers dahil nga sa nangyari kagabi
“anong gagawin ko rito?” tanong ko sa kanya pero hindi parin naaalis ang tingin ko sapatos na hawak ko
mukhang mamahalin
“ikwintas mo” pilosopong sagot niya kaya sinamaan ko lang siya ng tingin. Ibabato ko sana yung isang pares ng sapatos pero agad siyang napa ilag
“eto naman hindi na madaan sa biro” natatawang sabi niya habang kumakamot sa ulo niya
“ano ‘to? wala akong pera na pambayad dito” I said tsaka binalik sa kanya yung sapatos
“no, it’s a thank you gift.” he said while smiling
“thank you for saving my face. Kung hindi ka dumating siguro may bandage na ako sa mukha ngayon” dagdag niya
he knelt to the ground and grabbed my foot para isuot yung sapatos na binili niya
and it fits me
paano niya nalaman yung size ng paa ko?
so weird
“it suits you” sabi niya tsaka tumingala para tignan ako.
Marahas kong hinila yung paa ko sa pagkakahawak niya dahil hindi ko kakayanin yung tingin niya. May something sa mata niya pag tinignan mo mahi-hypnotized ka
‘yon siguro yung isa sa mga dahilan kung bakit maraming nahuhulog sa kaniya
“paano mo nalaman yung size ng paa ko?” tanong ko sa kanya but he ignored me
sarap talaga tuktukan sa ulo nitong kumag na ‘to eh
hinagis niya sa akin yung extrang helmet na dala niya tsaka na sumakay sa motor niya
buti nasalo ko, kung hindi may bukol na ako ngayon.
“hop in baby”
feeling nito
kung si Marco, hon ang tawag sakin. Itong kumang naman na ‘to, baby ang tawag sakin.
napapaligiran ako ng mga baliw lately
halos lahat ng mga estudyante na madadaanan namin sa school ay napapatingin sa amin, marami rin akong nakikita na nag bubulungan habang nakatingin sa amin ni Levi pero wala atang napapansin si Levi, diretso parin ang tingin niya sa kalsada na para bang walang mga tao sa paligid
baka masira yung imagine niya dahil sa akin
nang makapag park na kami agad akong bumaba sa motor niya
hindi ko alam pero ang hirap hirap iunlock ng mga helmet nila pati ng kay Mako
ang daling ilock pero ang hirap iunlock
napansin ata ni Levi na nahihirapan akong tanggalin yung helmet kaya natatawa niya akong hinila palapit sa kanya para tanggalin yung helmet
even siya nag struggle rin dahil iniklian ko yung tali ng lock kanina nung sinuot ko kaya mas nahirapan siyang dukutin sa loob ng helmet
sobrang lapit ng mukha niya, ramdam ko rin ang hininga niya sa leeg ko.
kung titignan sa malayo mukha kaming nag hahalikan ni Levi kaya siguro pinag titinginan kami
“bagong babae ni Levi?” tanong nung isa sa mga junior sa kasama niya. Malamang sa malamang, fan nitong lalakeng ‘to
“I think so. Hindi rin yan mag tatagal, paglalaruan lang yan ni Levi.” sabi ng kasama niya
hindi ko alam sa mga chismosang ito pero yung mga bulungan nila rinig na rinig ko. Ganito na ba mag bulungan ngayon?
“gagawin lang din naman siyang parausan ni Levi.” dagdag pa ng isa nilang kasama
“don’t mind them” bulong ni Levi sa akin “done!” masayang sabi niya nang tuluyan niyang matanggal yung pag kakalock ng helmet
“thank you sa shoes” sabi ko at dali dali nang umalis dahil ayoko na machismis
“babawi ako next time!” sigaw ko sa kanya habang kumakaway kaway pa at lumalakad pa atras
and while I’m walking backwards and waving my hands in the air, I dumb into someone.
I know this scent
yung amoy niyang panlalake pero amoy baby
“It’s you again” bulong niya sa tenga ko
sh*t
ramdam kong nag taasan lahat ng balahibo ko sa katawan
boses pa lang niya kinikilabutan na ako
dahan dahan akong humarap sa kanya para mag sorry pero agad na pumukaw sa attention ko yung paper bag na dala niya.
siguro shoes niya for P.E
tumingala ako para tignan siya pero yung atensyon niya naka focus sa paa ko kaya naman hinabol ko ang tingin niya
buti naman hindi siya nag karoon ng pasa sa mukha, pansin ko rin na bagong palit yung bandaids sa labi niya.
“h-hi” nauutal kong sabi para agawin yung attention niya at tama nga ako dahil nag tama ang paningin naming dalawa
“thank you nga pala sa pag hatid sakin kagabi” dagdag ko, pero tumango lang siya at tuluyan nang umalis sa harapan ko na para bang walang nangyari
parang wala siyang kausap ah
oo matangkad siya at hanggang balikat niya lang pero duh! ang ganda ganda ko tapos lalagpasan niya lang
anong problema niya?
hindi ko magets ‘yung takbo ng utak ng dalawang ‘to.
———————————————————————-
“hoy mare! ano ang chismis?” bungad sa akin ni Troy pagkaupo ko sa upuan ko
“bakit nahuhuli kami sa mga chismis?” dagdag din ni Aki
malamang sa malaman, yung chismis na sinasabi nila ay yung nakita ng ibang students sa parking lot
kung titignan naman kasi talaga sa malayo ay mukha kaming nag hahalikan but no. Never akong papatol sa gusto ng kaibigan ko
duh!
“kung ano ‘man ang mga nasagap niyo, hindi totoo yun.” sabi ko habang mataray na nakatingin sa kanilang dalawa
“but sabi nila nag hahalikan daw kayo ni pareng Levi sa parking lot” i told you. Tama ako
“tinulungan niya lang akong tanggalin yun helmet” walang gana kong sagot
ang aga aga nakakadrain agad ng energy
I looked at them, halata sa mukha nilang dalawa na hindi sila satisfied sa sinabi ko
chismis is always a chismis, kailangan talagang detalyado kung hindi mabibitin ka sa chismis
“ganito yun, may nangyare kagabi malapit sa likod ng campus. Hindi ko alam kung anong merong pumasok sa utak ko at sinampal yung sumuntok kay Marco, duguan siya kagabi. Maybe na taranta lang ako kaya ko nagawa yun, then tumakbo kami agad para hindi na sila maka ganti” tinignan ko ulit sila Aki at Troy at mukhang interested talaga sila sa chika
“tapos ayon, habang tumatakbo kami hindi ko namalayan na wala na pala yung kapareha ng sapatos ko, that’s why pinuntahan ako ni Levi sa bahay and gave me this shoes” sabay pakita ko sa kanila ng sapatos, at mas lalong silang namangha sa nakita nila
“bakla! mas mahal pa sa pagkatao mo etong sapatos na ‘to!” sigaw ni Troy ng makita yung sapatos na binigay ni Levi
“sis! Alexander’s Mcqueen!?” sigaw din ni Aki
dahil sa na intriga ako, agad kong sinearch yung brand ng sapatos na binigay ni Levi para alamin yung presyo
at ngayon, pare-parehas kaming nagulantang ngayon
“paano ko siya babayaran?” mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanila
pati sila nakikiiyak na rin sa akin at halos halikan yung sapatos ko
parang hindi ko na ata ‘to kayang isuot. Mas better na lang atang mag paa ako kesa magasgasan at madumihan ‘tong sapatos na ‘to
hindi ko ‘to deserve!
sana cinash na lang niya
dali-dali kong hinubad yung sapatos na binigay ni Levi tsaka nag tungo agad sa room nila sa kabilang building para ibalik ‘tong sapatos na ‘to
ayoko mag karoon ng utang na loob sa lalakeng ‘yon
Nang makarating sa room nila, halos lahat ng babae niyang kaklase ay masama ang tingin sa akin, habang yung lalake ay nakangiting nakatingin sa akin.
ang weird naman ng room nila
“may hinahanap ka miss?” tanong ng isa nilang kaklase pero hindi ko na siya pinansin at nag tuloy-tuloy na sa pag pasok sa room nila para ibigay etong sapatos kay Levi
“hey—“
“thank you pero hindi ko na pala kailangan ‘tong sapatos” diretcho kong sabi kay Levi sabay abot ng sapatos ko
nandoon din si Marco pero nakatingin lang siya sa aming dalawa
“but why? gift ko yan” he said habang naka kunot noo na para bang naguguluhan sa nangyayari
“nothing, thank you ulit!” sabi ko at tuluyang nang tumakbo paalis ng room nila
yes, tumatakbo akong naka yapak dahil hindi ko nadala yung sneakers ko kanina.
bakit kasi nakinig pa ako sa kaniya at iniwan yung sapatos ko
ang bobo mo rin talaga Hani
panibagong chismis na naman ‘to panigurado
————————————————————————
natapos na yung class ko for today at heto ako, nakatambay parin sa quadrangle at nag hihintay ng himala
kung kahapon, wala yung isang sapatos ko. ngayon dalawa na yung wala
paano pa ako nito
“hon” agad akong napatingala sa lalakeng nasa harapan ko
hindi ko makita yung mukha ng lalakeng nasa harapan ko dahil sa paper bag naka harang sa mukha ko
eto na naman tayo sa paper bag na yan
nakanguso ko siyang tinignan
gusto kong umiyak
kung ano-ano yung pinag sasabi sakin ng mga tao tapos eto pa ako ngayon, hindi maka uwi at walang sapatos.
I looked at him
pinipigilan kong hindi tumulo ang luha ko
pero too late na
ayokong makita niya akong umiiyak
hindi siya umimik pero lumuhod siya sa harapan ko tsaka pinunasan ang luha ko na tumulo sa pisnge ko
eto na naman yung kilabot na nararamdaman ko
agad niyang sinuot sa paa ko yung sapatos na nasa paper bag na dala niya
“don’t worry, hindi mahal yan.” natatawang sabi ni Marco nang maisuot niya yung sapatos sa paa ko kaya hinampas ko siya sa braso
“‘yan lang afford ko eh” dagdag pa niya tsaka tumabi sa akin
“paano mo nalaman yung size ng paa ko?” tanong ko sa kaniya pero nag kibit-balikat lang siya
“paano nga?” tanong ko ulit tsaka siya kinurot sa tagiliran
“aray ko hahaha” daing niya habang hinahaplos yung parte ng tagiliran niya na kinurot ko “hinahanap ko yung sapatos mo” dagdag niya pa
“why?” I looked at him pero iniwas niya lang yung tingin niya sakin
“gusto ko lang mag thank you sa pag save mo sakin tsaka sa pag linis ng sugat ko, though hindi mahal yang ipinalit ko. Wala akong malaking halaga ng pera tulad ni Levi hahaha” sabi niya habang nakatingin parin sa kawalan
“thank you, Mako.” halos pabulong ko na sabi sa kaniya tsaka sinundot niya tagiliran niya
“bakit hindi mo tinanggap yung binigay ni Levi? I thought you like him”
“hindi ko lang deserve ‘yon, sa ibang babae niya na lang ibigay.”
he looked at me kaya napatingin din ako sa kaniya
ang ganda ng mata niya
kung na hypnotized ako ni Levi sa mata niya, kay Mako parang hinihigop lahat ng lakas ko.
kakaiba yung tingin niya
para akong nalulusaw
ang lakas ng kabog ng dibdib ko
nag wawala rin yung mga dinosaurs ko sa loob ng tyan ko
hindi na normal ‘to
agad kong tinakpan yung mata niya. Hindi ko kayang makipag titigan sa kaniya
nakakaubos siya
“I-I need to go” sabi ko sabay takbo
nakakabaliw ka Marco
hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin
palagi akong ganon sa tuwing nag kakalapit kami o kaya sa tuwing tinititigan niya ako
ang bango niya
ang ganda ng mata at ang tangos ng ilong
yung labi niya, mapula at makapal yung ibabang labi. ang sarap kagatin
mukhang malambot
what the f*ck Hani
hindi ka pinalaking batos at manyak ng magulang mo
bakit ka ganyan?
kasalan ‘to ni Mako
panindigan niya ‘to
panindigan niya ako

Book Comment (87)

  • avatar
    NicolasJm

    gtdd

    20d

      0
  • avatar
    Ny Êstēbãn Ä Shëll

    I love this apps

    29/07

      0
  • avatar
    UrbanoSamantha

    gandang au toh

    23/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters