logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Nakilala ko si Michaela na siyang choreo nila. Top 6 nila ito at may salamin sa mata. Medyo mataray siya sa unang tingin. Maliit din siya at kayumanggi naman ang balat. Magaling talaga siya sumayaw.
"Istu napa. Mapagal naku." Sabi nung isang babae.
"Sige," Anang Michaela.
Inilabas namin nina Ylac at Jasmine ang meryenda nila. Nagluto ng biruya si tita. Saging ito na nilusaw sa harina at ni prito. Kumbaga sa pancake ay may saging ito. Ito raw ang karaniwang minemeryenda rito.
Nag play sila ng music habang nagmimeryenda. At ang naka play ay I Want Crazy ni Hunter Hayes. Natuwa ako. I'm a fan of Hunter Hayes.
"Kaya mo gayahin boses ni Hunter, diba?" Sabi ko kay Ylac.
Nakiki meryenda rin kami. Nakakapagod din kaya ang manood at pansinin ang mga nagkakamali, hehe.
Nanlaki ang mga mata ni Ylac. Kinanta kasi niya nung college pa kami ang kanta ni Hunter Hayes. I was sleeping then, (actually, I acted asleep) when he sang Wanted.
"A-Ano?"
"Sige na," Bahagya ko siyang tinulak dahil magkatabi kaming nakaupo.
"Hindi no!" Utas niya.
Mahaba habang suyuan na naman itey. I like it!
"Come on, Ylac!"
"I don't know what you're talking about," Medyo malayo kami sa iba at malakas ang speaker kaya hindi kami dinig mag usap.
"You knew what I'm talking about!"
"NO,"
"OH, YES!" Sabi ko.
"Kate!"
"Ylac James Montclair!" Binelatan ko siya.
"I've never sung Hunter's songs."
"You did,"
"I didn't." Giit niya.
Matigas ka talaga, ha? Let's see. I smirked. Kinuha ko ang phone ko at inopen ang isang folder na may title na 'Ylac's Song Covers'. Oh, yes. Mahilig siya kumanta kapag nag iisa. Di niya alam naiirecord ko halos lalo na kapag nahuhuli ko siya.
Itinapat ko sa tainga niya ang pagkanta niya ng Wanted sa school nung natutulog kuno ako sa bench. Well, I was really sleeping, that time, when he suddenly sang. I secretly recorded his voice. He really was a good singer.
He wanted to share his talent and music to everyone. Kahit na ang pagsikat ang kapalit 'nun. Minsan na rin niyang pinangarap maging artista lalo na sa hollywood. Pero nang mag highschool kami ay 'di na niya muling binanggit pa 'yun.
"See?" Ngumisi ako.
"So? If you think, hearing that record will entice me to sing. Well, then sorry!" Aniya.
"WHAT? Please, Ylac. Sing for us. Katuwaan lang!"
"No way! Nakakahiya!"
Ganun, ha? Tumayo ako at hinina ang volume ng speaker nila. Tumingin sila sakin. Nasa labas na rin sina tita, tito, nana, at mga bata dito.
"Guys, help me naman pleased Ylac to sing for us. He can imitate Hunter's voice." Nakangiti kong utas.
"Talaga, kuya? Kanta ka na. Paborito namin si Hunter Hayes, e." Ika Jasmine.
"Kuya, please?" Nagmamakaawang pahayag ng iba.
Sumali na rin si tita sa usapan, "Sige nga, Ylac. Ngayon ka pa lang namin maririnig kumanta. Sabi ni Ate Rosie, magaling ka raw."
Nilingon ko si Ylac. Nakasimangot siya. Nilapitan ko ulit siya.
"Please?" Ngumiti ako.
"Ayoko!"
Kinalma ko ang sarili ko. Nakangiti pa rin ako nang bumaling sa kanila. Hindi maipinta ang mga mukha nila pero hindi ako nagpahalata.
"Ayaw niya, friends. Kain pa kayo, o? Ang dami pang biruya rito,"
Walang nagsasalita sa kanila. Hindi ko kayang tignan si Ylac dahil hindi ko alam kung ano'ng magagawa ko. Naiinis ako sa kanya. Nung nasa bar kami, hindi naman niya ako pinahiya. Pero ngayon na todo effort ako sa pagpipilit ay tumanggi siya.
"A-Ah, gusto niyo pa ba?" Sabi ni Jasmine.
"Oo naman!" Sang ayon naman ni Michaela.
Kumain pa sila ng marami. Nilingon ko si nana at tita. Pilit na ngiti ang ibinigay nila sakin. Ngumiti rin ako pabalik. Umupo na ulit ako sa tabi ni Ylac. Hindi ako magpapahalatang inis ako sa kanya kahit na alam na niya iyon. Pinagbalingan ko na lang ang phone ko at naglaro ng 4 pics 1 word. Nasa level 240 na ako nang tawagin ako ni Michaela.
"Ate, marunong kang sumayaw?"
Nag angat ako ng tingin. "Hehe," Nahihiya akong ngumiti. "Di ako mahilig sumayaw, Michaela."
"Ballroom naman ito, ate. Tara na!"
Tumayo ako at nakisali sa kanila. Ako muna ang pumalit kay Jasmine since kuha na niya ang step.
"Ano'ng pangalan mo?" Tanong ko sa kapartner ko habang sumasayaw. Medyo magkasing tangkad na kami. Grabe talaga ang lalaki sa bilis ng pagtangkad. Hands down to their active growth hormones.
"Jeremy po,"
"Sus! Don't say po. Nakaka sakit ng damdamin," Tumawa kaming pareho.
Mabilis naman maka cope up si Jeremy. Masaya rin siya kakuwentuhan. Inusisa ko pa siya kung sino ang crush niya rito. Aniya'y wala raw at may gf na siya.
Tumawa ako. "Napaka loyal mo naman!"
Ngumiti siya. "Siya lang talaga ate." Namumula na ang kanyang pisngi. Hindi ko alam kung sa kilig o sa hiya. "Nagagandahan ako sa iba pero siya lang talaga. Saka siya ang pinaka maganda para sakin."
"Ayieh!" Kinikilig akong tumawa. Hinampas ko pa siya sa balikat.
"A-Ah, ate," Yumuko siya ng bahagya.
"Bakit? Sorry, ah? May pagka sadista ako, e."
"Hindi 'yun, ate. K-Kasi..." Nag alangan pa siyang sabihin sakin pero napilit ko naman. "Ang sama ng tingin ni Kuya Ylac sakin,"
Nag init ang pisngi ko. Nilingon ko si Ylac. Hindi naman siya nakatingin sakin. Nilalaro lang niya ang buhangin.
"Binibiro mo naman ako, e."
"Di, ate. Totoo! Nagseselos siya."
"Never. Wala naman gusto sakin 'yan,"
"Ayaw kitang mag assume, ate. Pero lalaki ako, saka ganyan ako nung may lumalapit na lalaki sa girlfriend ko."
Hindi ako nagsalita. Posible nga kayang mag selos si Ylac? Kinikilig ako deep inside. Kahit naman ayokong mag assume ay nagagawa ko pa rin. I know, masakit mag assume. Nakakapag expect ako ng kung ano ano and in the end ako rin ang masasaktan. Sana nga lang, may nararamdaman na si Ylac para sakin kahit kaunti lang. Pwede naman pausbungin 'yun, diba?
"Bukas na lang ulit! Hanggang 4 lang ako pwede, e." Dinig kong sigaw ni Michaela.
"Sige, ate."
Tinanguan ko si Jeremy. Sumama ako kay Jasmine sa paghatid sa kanila sa gate. Hinintay din namin na makasakay sila ng tricycle. Nagpaalam na sila samin.
"Pagpasensyahan mo na si Kuya Ylac, ate." Untag ni Jasmine habang papasok kami.
Nilingon ko siya. "I'm used to it, Jas. Since, my brother also has this erratic moodswings."
Ngumiti na lang siya. Naroon pa rin si Ylac at nagsusulat sulat sa lupa. Siya na lang mag isa dun at naipasok na rin ang mga ginamit sa pagmi meryenda. Naunang pumasok si Jasmine pero sumunod lang ako.
"Kate!" Kunwari ay 'di ko narinig ang pagtawag niya.
Nagtuloy tuloy ako sa kwarto. Mamayang alas siyete kami pupunta ng East Gate para manood ng GLF. Mamaya na lang ako maliligo. Patayo na ako at pupuntahan sana si lola nang pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Ylac.
"Bakit?" Tanong ko na parang walang nangyari. Hindi naman talaga big deal 'yun, napahiya lang naman ako. Pwede naman palagpasin, HA-HA!
"Ahm," Humawak siya sa kanyang batok at yumuko. "Sorry. Nakakahiya lang talaga."
Tumawa ako. Nag angat siya ng tingin. Mukha na ba akong baliw sa ginagawa ko?
"Wala 'yun," Lalagpasan ko na sana siya pero hinigit niya ang braso ko.
"Wag ka ngang ganyan. Alam ko, galit ka."
"I'm just pissed," Ngumiti ako.
"Still, you're disappointed." Tinitigan niya ako.
"Who wouldn't? I'm not dense to feel no shame."
"Sorry na nga,"
"Don't be. It's okay. Puntahan ko lang si lola,"
Binitawan niya ako kaya malaya na akong nakapunta sa kwarto ni lola. Walang nagbabantay sa kanya. Kakagising lang din naman niya.
"Asmin, ikaw ba yan?" Nanliit ang mga mata ni lola.
Napangiti ako. "Kate po ako, la."
"Ah, yung magandang asawa ng apo ko? Bakit di niyo man lang ako hinimbita sa kasal nyu? Nya kasing kami nung asawa ku, sa mayor lang, indi sa simbaan."
Lumapit ako kay lola. Umupo ako sa tabi niya. Nakayakap sa kanya ang picture ng asawa niya. Kahit makakalimutin ay 'di pa naman kinakalimutan si lolo. True love! Hay. Nakakainggit. Naaalala ko ang kantang Grow Old With You.
"La, love mo talaga si lolo no?"
"Sino'ng lolo? Ala kung asawang lolo."
"Sino po 'yan?" Tinuro ko ang picture frame na hawak ni lola.
"Asawa ko ito. Wag mung agawan! Akin lang ito. Inaabol ko to nung panahon namin. Saya ku pin nyang meging kami." Litanya ni lola.
Natutuwa ako kay lola. Pareho kami. Hinahabol ko rin si Ylac. Oo, palagi kaming magkasama pero hanggang bestfriends na nga lang yata kami. Gusto ko ng sumuko pero may parte saking ayaw pa. May nagsasabing isang taon na lang, chance ko na ito. Mayroon ding mahigit 14 years ko na siyang hinahabol, mahigit 14 years na akong umaasa pero wala pa rin. Ang isang taon pa kaya? Nagkakagulo ang buong sistema ko.
"La, buti ka pa, no? Nagustuhan ka rin niya." Malungkot kong sabi.
Hinawakan ni lola ang kamay ko. "Aburyan na ka rin, datang ing panaun."
Kumunot ang noo ko. Ano daw sabi ni lola? Bakit kasi walang translator rito. Hindi ko tuloy alam ano ibig sabihin ni lola.
"Nay..."
Napatingin ako sa pumasok. Si tita, dala ang gamot ni lola. Lumapit siya kay lola at ipinainom 'yun.
"Lola, ano nga uli yung sinabi mo?" Tanong ko. Nandito na si tita kaya pwede niyang itranslate.
Hindi niya ako pinansin. "Ika, Rosita! Mahalin mu ing asawa mu!"
Tinignan ko si tita. Ngumiti ito sakin. "Nanay talaga!"
"Ano daw po?"
"Mahalin ko raw asawa ko. Wag mo papansinin itong si lola, makakalimutin na talaga at kung anu ano ang pinagsasabi."
Pilit akong ngumiti. I zealousy want to know what lola has told me. Damn myself for not understanding kapampangan dialect.
Lumabas ako ng kwarto ni lola. Bumaba muna ako. Manonood sana ako ng TV kaya lang ay naroon si Ylac. Inalis niya ang tingin sa pinapanood at tinitigan ako. Hindi ako makatingin.

Book Comment (13)

  • avatar
    Abhi Gheil II

    so nice

    04/08

      0
  • avatar
    Jp Rosales

    landi dito landi doon

    08/07

      0
  • avatar
    Mjay Marasigan

    happy birthday

    12/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters