logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

The Jerk and His Maid

The Jerk and His Maid

Loovybelle


Chapter 1

Isang buwan. Isang buwan na ako rito sa isla San Roque. Ni hindi ko alam kung sino at saan ako nakatira noon. Hindi ko alam kung ano ang tunay kong pangalan. Hindi ko alam kung ilang taon na ako. Hindi ko maalala. Wala akong maalala sa nakaraan ko.
Si nanay Henya lang ang kumupkop sa akin. Nakita niya raw ako sa baybayin ng dagat na walang malay. Marami raw akong sugat sa katawan nang matagpuan niya ako. Pero hindi ko alam kung saan ko iyon nakuha o ano ba talaga ang nangyari sa akin.
Wala akong maalala. Araw-gabi akong nag-iisip kung saan ako nanggaling? Ano ang pangalan ko? Ilang taon na ako? Kailan ang birthday ko? Nag-aaral ba ako? Blanko ang isipan ko. Wala akong makuhang ideya kung saan ako nanggaling. LAHAT.
"Huwag mo munang pilitin anak, sasakit na naman iyang ulo mo. Mabuti pa't mag almusal ka na. Naghanda ako ng makakain natin ngayon. Nanguha kasi kami ng ate Lordes mo ng mga seashells kanina. Iyon muna ang ulam natin ngayon. Ayos lang ba?" Marahang tanong ni Nanay Henya. Tumango ako at ngumiti. Kahit hindi niya ako kilala ay inaalagaan niya ako, pinapakain, at itinuturing na anak.
Walang pamilya si Nanay Henya sa edad na 52. Matandang dalaga raw siya at namumuhay mag-isa. May kapatid siya pero nasa maynila raw at nagtatrabaho.
Kumain kami na maraming kwentong baon si Nanay Henya galing sa Palengke. Nag titinda kasi siya ng isda at gulay sa Palengke. Minsan ay sumasama ako sa tindahan niya roon.
Kaya ko namang magbilang at magsukli. Ang galing ko nga eh. Tapos mabilis akong magbasa at nakakapagsulat rin naman ako. Laging pinupuri ni Nanay Henya ang kutis ng balat ko kesyo daw ay ang puti-puti ko raw. Tapos, makinis ang balat ko. Minsan tinatanong niya ako kung anong sekreto ko sa pampaputi e malay ko ba? Hindi ko nga alam ang pangalan ko, ang sabon ko pa kaya? Pero natatawa nalang ako sa mga hirit niya tulad ngayon.
"Alam mo Haylie, anak. Kapag naalala mo na ang sabon na ginagamit mo noon, sabihin mo kaagad sa akin ha? Para naman masubukan ko kung magiging ganito rin ako kakinis at kaputi." Sabay haplos sa balat ko.
"Naku! Walang problema Nay, sasabihin ko ka agad sa inyo." Sinasakyan ko lagi ang mga biro niya. Masaya kasi ako kapag nakikita kong nakangiti lagi si Nanay. Nagiging kumpleto ang araw ko. Dahil na rin siguro sa sitwasyon namin ngayon. Wala siyang anak. Ako naman ay walang maalala tungkol sa mga magulang ko.
Pareho kaming naghahanap ng pagmamahal galing sa totoong pamilya. Natutuwa rin ako minsan sa itinatawag niyang pangalan sa akin. Haylie. Para daw malapit sa pangalan niyang Henya.
May nagtatanong kung ilang taon na ako. Ang sagot ko ay 18. Pero hula lang yon kasi hindi ko naman talaga alam kung ilang taon na ako. Tsk. Mahirap ang ganito. Ni hindi ko maalala kung ano ang buong pagkatao ko.
"Haylie... ayan ka na naman at natutulala. Huwag mo munang pilitin ang sarili mong mag-isip baka makasama yan sa'yo. Baka sumakit na naman ang ulo mo." Nag-aalalang dinaluhan ako ng yakap ni Nanay Henya.
"Maraming salamat po Nay Henya sa pag-aalaga sa akin. Napakalaki na talaga ng utang na loob ko sa inyo. Pangako po, Kapag naalala ko na lahat, hindi ko po kayo pababayaan." Madamdaming saad ko kay nanay na ikinaluha niya.
"Alam mo, yan ang nakapagpapasaya sa akin,anak kasi lagi mong sinasabing hindi mo ako pababayaan sa huli. Para na tuloy kitang tunay na anak. Maraming salamat, Haylie o kung ano man ang tunay mong pangalan basta anak na talaga ang turing ko sa'yo." Nakangiti habang naiiyak na siya. Ginawaran ko rin siya ng ngiti. Isang ngiti na nakakapagparamdam sa akin ng matinding kasiyahan.
"Nasa labas pala si Trevor, ang kaibigan mo. Naku, parang alam ko na ang gusto niyang mangyari anak ah?" Nang-aasar niyang sabi.
"Ano po'ng gusto niya?" Wala akong ibang maisip na gusto daw na sinasabi ni Nanay.
"Ano ka ba? Hindi mo ba nahahalata anak? E parang nanliligaw sayo yon eh." Sabi niya na ikinataas ng kilay ko. Bukod sa pagiging kaibigan ng turing ko sa kanya ay wala na akong maramdamang higit pa don para kay Trev. Hindi naman yata manliligaw sa akin yon. Ang yaman non eh. Masyado lang 'yon si Nanay nag-iisip ng mga ganoon.
Bumaba ako sa hagdan at hinarap ang kaibigan kong si Trev na nakangiti ng malapad. Nakaupo siya sa bamboo chair sa isang maliit na sala ng bahay ni Nanay henya.
"Hi! Haylie. Foodtrip tayo!" Yaya ni Trev sa akin tapos kumindat. Hindi na bago sa akin ang pakindat-kindat niya. Halos lagi niya 'yon ginagawa. Nailing ako nang makita ang supot-supot na mga pagkain. Ewan ko lang kung anong klase ng pagkain na naman ang gusto niyang tikman ngayon at nagyaya ng Foodtrip.
"Naku! Nay Henya, nandito po pala kayo. Tara po gumawa tayo ng meryenda. Takam na takam po ako sa suman niyo eh. Pwede po bang humingi ng tulong sa pagluluto?" Magalang na pag hingi ng tulong ni Trev kay nanay. Tumango si nanay bilang sagot.
"O sige. Mabuti't wala akong paninda ngayon at matutulungan ko kayo sa foodtrip niyo."
Masaya kaming nagtulung-tulong sa pagluluto at sa pagkain ng suman. Mag gagabi na rin nang umuwi si Trev sa bahay nila.
Hindi ba nag-aalala ang mga magulang niya kasi lagi siyang wala sa bahay nila at laging naririto nakatambay? Bakasyon kasi ngayon. Walang pasok kaya't lakwatsa ang laging ginagawa kuno niya.
"Nay nagsaing na po ako ng hapunan natin." Pagbibigay alam ko.
Tinuruan ako ni nanay kung paano mag saing, mag luto ng ulam at maglinis ng bahay. Mag dadalawang buwan na ako sa poder ni nanay pero wala parin akong maalala.
Darating din naman ang oras na maaalala ko rin ang lahat kaya't hindi ko na dapat ipag-alala 'to. Sumasakit lang ang ulo ko masyado kapag pinipilit kong mag-isip.
Kinabukasan ay sinamahan ko si nanay na magtinda ng mga isda at gulay sa Palengke.
Marami-rami na rin ang nabili mag mula pa kanina.
"Naku! Gustong-gusto ko talagang naririto ka sa pagtitinda ko anak. Aba't akalain mo namang laging nauubos ang paninda ko. Ang ganda-ganda mo kasi. Nakasimangot na si Pasing sa kabila o! Hindi siya mabilhan. Hihi." Hagikhik ni Nanay Henya. Ngumiti lang ako. Nasanay na rin akong ganito, nagtitinda ng isda kasama si nanay. Ang galing nga e, laging umuuwi kami na ubos lahat ng paninda!
"Halika na at umuwi. Pagabi na rin anak, magluluto pa tayo ng pagkain natin. Ay palaka!" Bigla kasing may huminto na isang tricycle at ang nakasakay ay walang iba kundi ang kaibigan kong si Trev.
Napahawak si Nanay sa dibdib at maraming sinabi. Humalakhak ako sa naging ekspresyon ng kaibigan ko. Napakamot tuloy siya sa batok niya.
"Sorry ho Aling Henya. Tara sakay na kayo sa tricycle ko nang maihatid ko na kayo." Kinuha niya ang mga dala namin at ipinasok sa likod ng tricycle niya.
"Naku, hindi ba kami nakaka abala sayo Trevor? Malayu-layo pa naman papunta sa amin."
"Hindi po. Tara sakay na po kayo. Pagabi na rin."
Sumakay kami hanggang sa bahay. Umuwi na rin si Trev pagkatapos naming kumain. Dito na rin kasi siya pinakain ni nanay.
Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa tabing dagat. Dito ako napadpad noon at dito ako natagpuan ni nanay na walang malay.
Kumusta kaya ang pamilya ko? Kung meron man. Siguro nag aalala na sila sa akin o di kaya'y akala nila patay na ako. Dalawang buwan na ako dito sa isla. Bakit walang naghahanap sa akin?
Siguro ay Nakalimutan na nila ako.
---
"Anak, may lagnat yata ako. Pwede bang ikaw nalang muna ang magtinda sa Palengke? Baka kasi masira ang mga pinamili ko kahapon sa kabilang bayan.
"E paano po kayo rito nay? Wala pong magpapakain sa inyo." Nag-aalalang tugon ko.
"Kaya ko naman anak. Ang pagtitinda lang sana ang hindi ko kaya sa ngayon." Sabi niya habang nakabalot ng kumot.
Tumango nalang ako.
"Sandali lang po. Bibili lang ako ng gamot niyo sa labas." Nagluto na rin ako ng pagkain ni nanay at ibinilin kay nanay ang niluto ko pati ang mga gamot na dapat niyang inumin.
Nagtanong kasi ako sa tindahan kung ano ang gamot para sa lagnat.
Sumakay ako ng tricycle dala ang mga ititinda ko ngayon.
"Ikaw ba ang sinasabi nilang babaeng natagpuan ni Aling Henya sa baybayin? Naku, totoo nga ang sabi ng karamihan, ang ganda mo nga!" Tuwang-tuwang sabi ng isang babae. Tumango ako at ngumiti.
"Opo. Ako nga po. Salamat po." Magalang na sabi ko. Nasanay na rin ako na magalang ang pananalita. Naalala ko tuloy ang unang pag-uusap namin ni nanay Henya noong kagigising ko lang pagkatapos niya akong kunin sa may dagat.
[Flashback]
Napamulat ako at bigla akong tumayo nang sumakit bigla ang ulo ko.
"Shit! What the fck happened to my head? Oh fckng shit!" Mura ko sa sakit na nararamdaman.
"A-ano? Shit? Diba mura yon?" Nagtatakang tanong ng isang babae.
Tinaasan ko siya ng kilay tsaka tumayo. Pero asan ba ako?
"A-anong pangalan mo ineng?" Nauutal niyang sabi. Napatda ako sa kinatatayuan nang hindi ko alam ang isasagot.
"P-pangalan? Anong pangalan ko? Saan ako nakatira? I don't know. I can't remember a thing." Sabi ko habang pinipilit isipin ang nakaraan ko.
"Bakit? Nasaan ba ako?
Sino ako?" Tanong ko. Blanko lahat sa isip ko. Saan ako galing? Ano ang nangyari sakin?
"Nakita kita sa may dagat na walang malay. Hindi ko alam ang pangalan mo e. Ngayon lang kita nakita." Sabi niya na ikinagulat ko.
"What the?! What?" Sabi ko.
Simula noon ay hindi ko na ginagamit ang mga pananalitang bastos daw pakinggan sabi ni nanay. Yong english daw na pangmumura ko. Natawa tuloy ako. Saan ko ba natutunan ang mga ganoong pananalita?
Tinuruan ako ni nanay ng pag gamit ng po at opo. Ayaw niyang nakakarinig ng mura at masasamang pananalita. Tinuruan niya akong magluto, maglinis at maglaba.
Nakakalungkot isipin ang sitwasyon ko ngayon pero masaya parin akong kasama si Nanay Henya at sa pag-aalaga niya.

Book Comment (371)

  • avatar
    Keaty4

    more books please..

    17h

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Ang din nitong story na to..

    2d

      0
  • avatar
    Faith Areniego

    Ang gandaaa grabe

    14d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters