logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

Tiffany
Kunot noong inabot ko ang nag-iingay na cellphone sa ibabaw ng tukador. Bahagya kong idinilat ang kanang mata ko para tingnan kung sino ang magaling na nang-iistorbo sa kulang ko pang tulog.
Dahil huling dalawang linggo na lang ng teleserye na pinagbibidahan ni Travis ay masyado ng intense ang mga pangyayari sa palabas. Pero ang pinakadahilan talaga ng pagkapuyat ko kagabi ay ang mga sweet nilang eksena ng kapareha niya roon. Kahit pa alam ko naman na akting lang ‘yon ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-isip ng kung ano-ano.
Napasimangot ako nang mabasa mula sa screen ang pangalan ng matalik kong kaibigan. Inaantok na sinagot ko ang tawag niya.
“Hello,” walang gana kong bati sa kanya.
“Tiffany Salazar! Don’t tell me that you’re still lying down on your precious bed right now? Have you forgotten about our scheduled prenup photoshoot today?” Jairus shouted from the other line.
What he said made my eyes wide opened and jumped out of the bed.
“I’m on my way. Pero mauna na kayo sa location.”
Tila may sasabihin pa siya mula sa kabilang linya pero agad na tinapos ko na ang tawag.
Shit talaga!
Tumatakbong tinungo ko ang banyo para maligo. Muntikan pa akong madulas pero hindi ko na ‘yon ininda pa.
Mabilis ang naging bawat pagkilos ko at ilang sandali pa ang lumipas ay binabaybay ko na ang daan patungong Nasugbu, Batangas.
Ngayon ko hinihiling na sana ay huli ring dumating ang mga kliyente namin. Nakakahiya kasi kung ako pa ang hihintayin nila. Hindi magandang imahe ang idudulot no’n sa Stuff and Glam Photography kapag nagkataon.
Pero tila maging ang kapalaran ay hindi sang-ayon sa hiling ko. Mukhang wala na talagang pag-asa ang Pilipinas pagdating sa problema sa trapiko. Kung kailan naman ako nagmamadali ay saka naman ako hindi binigyan ng maluwag na daan.
“Damn!”
Naiinis na napahampas ako sa manibela kahit wala naman itong magagawa pa. Habang naghihintay na umusad ang mga sasakyan ay napatingin ako sa labas ng bintana.
Natigilan ako nang mahagip ng paningin ko ang isang billboard, kung saan si Travis ang nakalarawan habang minomodelo ang isang kilalang clothing line.
My breath hitched on the sight of him. I can’t take off my eyes on him as if he was also staring back at me.
He’s also smiling in the picture. But I know better.
Dahil kahit anong ganda at ayos pa ng kuha niya ay nababanaag ko pa rin sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Na para bang sa kabila ng tinatamasa niyang kasikatan ngayon ay hindi pa rin ito sapat at mayroon pa ring kulang.
Katulad na lang ng nararamdaman ko ngayon.
Napakurap ako nang makarinig ng sunod-sunod na busina ng sasakyan. Ibinalik ko ang atensyon sa harap at doon ko lang napansin na kulay berde na ang nakabukas na ilaw sa traffic light. Agad na pinasibad ko naman ang sinasakyan kong kotse.
This is not the time for me to think of him. I still have a job to be done. That should always come first, or I’ll end up losing my concentration again.
I took Bachelor of Arts in Photography, since I am really fond of taking random pictures around me that will pick my interest. Most especially the beauty of nature that became my breath of fresh air from those tough times that I have been through my life. Its natural beauty never fails to amaze me that I can’t help but to capture it.
Isang oras pa ang lumipas ay nakapasok na rin ako sa wakas ng Batangas. Kasalukuyan ko ng binabagtas ang daan patungo sa mismong lokasyon na pagdarausan ng prenup photoshoot.
Hindi ko naiwasan ang magpalinga-linga sa paligid. Halos wala kasi akong nakikita na mga kabahayan at pawang mga talahiban lang ang nadaraanan ko. Bukod roon ay bibihira lang akong may nakakasabay o nakakasalubong man lang na sasakyan.
Napangiwi ako nang may madaanan akong isang lubak na daan. It’s actually my first time to go to this place. Kaya naman ng tanggapin namin ang proyektong ito dalawang linggo na ang nakararaan ay hinanap ko pa kay mareng Google ang mismong lugar kung saan gaganapin ang photoshoot para may ideya naman ako sa kabuuan nito.
Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng excitement nang lumabas sa resulta ang larawan ng mismong simbahan, maging ng iba pang maaaring pasyalan na nakapaligid rito.
Pero hindi ko man lang inalam na may ganito palang pagsubok na kailangan ko pang lampasan para lang makarating doon.
“I’m so sorry, baby Pinky. Please bear with me for a moment. Kaunti na lang at malalampasan din natin ang pagsubok na ito,” pagkausap ko sa kulay pink kong Honda Civic.
Tahimik akong nananalangin na sana ay hindi umatake ang sakit niya ngayong araw.
Hindi naman nagtagal ay may natanaw na akong magkakalapit na bahay. Hanggang sa tumigil ako sa tapat ng isang gate. Agad naman akong pinagbuksan ng dalawang guard na nakabantay sa labas.
Slowly, I made my way inside and the first thing that catches my attention is the Cenaculum, based on what I have searched. I stared at it for a moment before I roamed my eyes around.
Then there I saw a familiar color gray van where our equipments have been loaded. It was parked around the fountain compass. I drive straight towards its direction and park beside it.
Kinuha ko ang itim na sling bag kung saan nakalagay ang personal kong camera at bumaba. Napansin kong patapos palang ang driver namin na si Mang Julio at si Jairus sa paglalabas ng mga equipments.
Tila nagliwanag naman ang mukha ng best friend ko na nagsisilbi ko ring assistant pagkakita sa ‘kin.
Nakababa ang kanyang buhok at hindi na pinagkaabalahan pa na lagyan ng gel. May pagkasingkit ang kanyang mga mata kaya mistula itong palaging nakangiti. May nunal din siya sa mukha na malapit sa kanyang kaliwang kilay.
“Finally! You’re here! Halos kadarating lang din ng magkasintahan at kasalukuyang inaayusan sa dressing area.” Dali-dali niya akong nilapitan. Bakas ang pagkainip sa kanyang mukha.
Kinagat ko ang ibabang labi. “I’m really sorry. Nawala kasi sa isip ko ang schedule natin ngayong araw at late na akong nakatulog kagabi. Kaya nahuli ako ng gising.”
Bigla namang lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha.
“Sabagay, kahit ako naman ay mahihirapan ding makatulog kapag nakita ko ang ex ko na ilang taon ko ring iniwasan na makaharap. Kaya siguro nahihirapan kang makatulog nang dahil sa magkasunod na araw n’yong pagkikita.” Malalim siyang napabuntonghininga.
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa pinakalokasyon ng shoot. Ako na ang nagdala ng tripod at camera na gagamitin.
“Pasensya na. Ang dami ko lang kasing iniisip nitong mga nakaraang araw. Dumagdag pa ang ka-love team niya ngayon nang dahil sa teleserye nila.” Napasimangot ako.
Napatango naman siya. “Naiintindihan ko naman. Pero siyempre ay hindi mo pa rin maaalis sa ‘kin ang mag-alala.”
Tipid ko siyang nginitian. Ngunit nagulat naman ako nang bigla niya akong inakbayan.
“Pero wag mong alalahanin ang tungkol sa ka-love team niya. Hindi niya magugustuhan ‘yon.”
Tinaasan ko naman siya ng kilay. “How did you say so?”
He smirked. “I just know.”
I rolled my eyes and didn’t comment anymore.
Habang naglalakad kami ay hindi ko naiwasan ang mamangha sa paligid. Ngayon ko lubos na naunawaan kung bakit dito pinili ng mga kliyente namin gawin ang photoshoot at ang magiging mismong kasal nila.
Close to nature, Closer to God
Ito ang nabasa kong tagline ng Caleruega Church. True enough, this place is close to both.
Napapaligiran ng nagtataasang mga puno, halaman at iba’t ibang klase ng mga bulaklak ang buong lugar. Napansin ko rin ang iba pang hall accommodations kung sakali man na rito na rin mapagpasyahan ng ikakasal na idaos ang reception.
May nadaanan din kaming japanese garden, garden cafe, koi ponds at walkways pati hanging bridge.
I can’t help but feel breathless because of the sight in front of me. Who would have thought that there is a hidden paradise in an isolated sanctuary part of Batangas?
Pagkalampas namin sa hanging bridge ay nagsimula na naman ang panibagong pagsubok namin sa lakaran paakyat. Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng uhaw pagkarating namin sa tuktok. Mabuti na lang at mayroong dalang tubig si Jairus at agad na inabot ito sa ‘kin.
“Thanks.” Dali-dali ko itong tinanggap at ininom.
Nang matapos ay napansin ko ang isang outdoor na chapel sa dulo. If I’m not mistaken, this is what they called the Tent Chapel of Transfiguration. Maganda rin ang view mula rito sa pinakatuktok at sobrang refreshing lalo ng hangin. Idagdag pa ang kulay asul na kalangitan na tila ba abot kamay mo lang.
Nagsimula na rin kami sa pag-set-up. Mayamaya pa ay lumabas na mula sa dressing area ang bride at groom to be. Nilapitan ko lang sila at binati, bago ako pumuwesto sa likod ng camera na nakaayos na sa ibabaw ng tripod.
“Okay. Let’s start,” I announced, and they all get ready and positioned themselves.
“Mister Cruz, please step closer to Miss Sanchez and wrapped your arms around her waist.” I turned to the bride to be. “Miss Sanchez, please do the same.” Agad naman nilang sinunod ang mga nabanggit ko.
“Then look directly into each other’s eyes. A kind of look that’s full of love and gave us your sweetest smile,” I added and they obliged.
When I’m finally contented with their pose, I then started to take a picture of them.
Pero matapos kong i-click ang camera ay natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap ay ang mga mukha na namin ni Trevor ang nakikita ko ngayon sa harap ng camera.
Nakangiti kaming nakatingin sa isa’t isa, habang ang mga mata namin ay puno ng pagmamahal at nagsasabihan ng pangako ng isang totoo at may kasiguraduhan na pag-iibigan.
Biglang nanikip ang dibdib ko at uminit ang sulok ng mga mata ko. Parang kailan lang ng magsimula kaming mangarap tungkol sa magiging kasal at bubuuin naming pamilya.
Pero nang dahil sa isang maling desisyon ay nawala sa ‘kin ang lahat ng pangarap na ‘yon. Nawala sa ‘kin ang lalaking mahal ko.
Oo nga at naging malaya ako. Kahit sa mismong pamilya ko ay nakabukod na ako. Natupad ang pangarap kong maging photographer at magkaroon ng sariling photography studio nang dahil sa sarili kong pagsisikap. Nagagawa ko na rin ang lahat ng gusto ko. Kahit ang matalik kong kaibigan ay hindi ako nagagawang pigilan sa mga nagiging desisyon ko sa buhay.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ‘yon ay hindi pa rin ako masaya. Hindi ako naging totoong masaya.
Alam ko namang nasa huli palagi ang pagsisisi. Pero bakit itinuloy ko pa rin?
“Is it okay already, Tiffany? Should we go for the next pose?”
Natauhan lang ako nang biglang nagsalita si Miss Sanchez. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha na nakatingin sa ‘kin.
“Yes. Now, lean your head to Mister Cruz’s shoulder and intertwined your fingers.” I turned to the groom to be. “Mister Cruz, kiss the top of Miss Sanchez’s head, then closed your eyes and gave us your utmost sincerity expression.”
Hanggang sa matapos ang shoot ay pilit na inalis ko muna sa isip ko si Travis. Kahit kumukuha ako ng larawan ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko ang pag-iling ni Jairus na mayroong hawak na reflector.
“Okay! We’re done!” I announced.
Agad naman akong nilapitan ng dalawa at nagpasalamat. Nagsimula na ring ayusin ni Jairus at Mang Julio ang mga kagamitan namin.
“Jairus, ayos lang ba kung maglibot muna ako sandali?” Sabay na kasi kaming aalis ng set.
Napatango naman siya. “Sige ayos lang. Ibabalik na lang muna namin itong mga gamit. Nakapaglibot na rin kasi kami kanina rito.”
“Okay.” Patalikod na sana ako ng bigla niya akong tawagin.
“Pero wag ka palang pupunta sa mismong simbahan. Ang sabi kasi sa ‘min kanina ay may photoshoot din daw na nagaganap doon.”
Nagkibit balikat ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Dahil likas na sa ‘kin ang pagiging matigas ang ulo ay hindi ako nakinig kay Jairus.
Ayon na rin sa sinabi niya ay may photoshoot nga na naganap sa naturang simbahan. Pero tila tapos na ito pagkarating ko dahil nagsisimula na rin silang mag-impake.
Ngunit natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang nagsilbi nilang modelo sa photoshoot na ‘yon. Hindi pa man ako nakakabawi mula sa naging pagkikita namin nitong mga nakaraang araw ay ito at nasa harap ko na naman siya ngayon.
Akmang tatalikod na ako para umalis nang mabaling ang atensyon niya sa direksyon ko. Bakas ang pagkagulat sa kanyang guwapong mukha pero mabilis din naman niyang naitago ‘yon.
It seems that fate is now on my side. I guess, there’s no really turning back.

Book Comment (49)

  • avatar
    MagastinoElson

    kailangan ko ng dias para sa mlbb 200 dahil naiinggit ako sa iba

    18/05/2025

      0
  • avatar
    Jaycel Balungday

    nice

    03/03/2025

      0
  • avatar
    Zyanah Gagasa Villanueva

    pretty

    31/08/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters