logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Travis
Kampante kong binabaybay ang daan dahil wala naman akong kasabay at nakakasalubong na ibang sasakyan, nang may bigla na lang lumitaw na kotse sa paglabas ko ng intersection.
Mahina akong napamura at mabilis na napapreno. Agad rin namang huminto ang kasalubong kong kotse, bago pa nito tuluyang matamaan ang harap ng sasakyan ko. Kung tutuusin ay nasa tamang linya naman ako kaya alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan.
Isa pa ay hindi gano’n kabilis ang takbo ko, kumpara sa kung sino mang nagmamaneho ng kulay pink na Honda Civic na ‘to.
It seems that the driver of this car is a girl.
I was about to step outside, when the driver of the Honda Civic car step out. My breathing hitched, and I was taken aback upon seeing her.
Hindi pa man ako nakakahuma mula sa naging pagkikita namin kahapon ay ito at nasa harap ko na naman siya ngayon.
But wait. Since when did she become a reckless driver?
Napakurap na lang ako nang mapansin na nasa harap na pala siya ng pinto ng kotse ko at kumakatok sa bintana. Nagtatalo ang kalooban ko kung dapat ko pa ba siyang kausapin o palampasin na lang ang nangyari.
I let out a deep sighed when she knocked again. All I need to do is to cooperate to get this done and over with, I guess.
Sa pagbukas ko ng pinto at pagbaba ng sasakyan ay napansin kong tila natigilan siya nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Gano’n din naman ako nang makita si Jairus na bumaba mula sa passenger seat. Seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha, habang mabilis na nilapitan si Tiffany.
Of course, she’s with him. The two of them are best of friends since time immemorial.
“What is it? Hindi naman tayo nagkabungguan kaya wala namang damage pareho ang mga sasakyan natin. Can you just let me pass? I still have to go somewhere.” I tried to sound as calm as possible.
I saw pain crossed her eyes, but she immediately blinks it away.
Bakit nga naman siya masasaktan? Samantalang siya naman ‘tong nang-iwan sa ‘kin.
Bigla akong natigilan.
Paano naman napunta ang issue ro’n, Travis?
Tinaasan ko siya ng kilay nang mariin niyang itikom ang kanyang bibig. Tila pinipigilan niya ang sarili na mapanguso.
“Ikaw naman kasi ang may kasalanan! Bakit ka kasi bigla-biglang sumusulpot?” pang-aakusa niya pa.
Sa pagkakataong ‘yon ay hindi ko napigilan ang matawa at pameywangan siya. I don’t even bother to care anymore if there are some paparazzi around, and be on the headline of showbiz news tomorrow.
“Just so you know. I’m on the right lane. Ikaw ‘tong wala sa tamang linya tapos bigla na lang lumiko,” I reminded her.
She looked around. Her lips parted as realization seems to finally hit her.
“Fine! I’m sorry!” she blurted out.
Napamaang ako nang dahil sa sinabi niya. Gano’n din naman si Jairus na gulat siyang nilingon.
Why do I feel like she’s sorry about something else, and not about the incident a while ago?
“What is it?” Napakunot noo ako. Kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya.
She looked straight at my eyes. Samot saring emosyon ang mababanaag ko roon na hindi ko magawang pangalanan.
“I’m sorry. I really do,” she sincerely said.
Ikinuyom ko ang palad ko nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
No. I shouldn’t let a single sorry to break down the wall that I build to protect myself from getting hurt again.
Napaayos ako ng tayo at tumikhim.
“Okay. I’m sorry as well. Let’s no longer create such a big fuss about it. We’re blocking the way for too long already.”
Napatango naman siya bilang pagsang-ayon.
Nang mapansin kong mayroon ng mga paparating na sasakyan ay mabilis akong bumalik sa loob ng kotse ko at pinasibad ito paalis.
Sa pagtingin ko sa side mirror ay nakita ko pa siyang nanatiling nakatayo sa labas at nakatanaw sa papalayo kong sasakyan.
Pilit na pinigilan ko naman ang sarili na kabigin pabalik ang manibela. Hindi na ako puwedeng lumambot pagdating sa kanya.
Not again.
*****
“Are you alright, son? You look so bothered ever since you came.”
Napakurap ako at napatingin kay Papa. Iniangat niya ang hawak na tasa ng kape sa harap ko na agad ko namang inabot.
“Yeah. I’m fine. What is it again?” tanong ko, bago ito ininom.
“Your father is asking if how’s your work. Is there something bothering you? You’re not in your usual self today,” may pag-aalalang puna naman ni Mama.
Napailing ako at umayos ng upo. “Wala naman po. Iniisip ko lang ang mga huling eksena na kukuhanan bukas para sa teleserye. And also about my photo shoot this coming weekend.”
Naupo naman si Mama sa tabi ni Papa. Kasalukuyan kaming nasa balkonahe ngayon at nagmemeryenda. Madalas ko silang dalawin dito kapag mayroon akong libreng oras.
“You’ve been very busy these past few years. Can you at least take a break, Kuya?”
Napangiti ako nang ihilig ng bunso kong kapatid na si Verina ang kanyang ulo sa balikat ko. She’s really a sweet girl.
“No worries. Last shoot naman na sa teleserye. Pagkatapos ay may dalawang photo shoot na lang akong kailangan gawin. After that, I will take a break. Nakapagsabi na rin naman ako,” I assured them.
“You should do that.”
Tumayo si Mama at nilapitan ako, bago masuyong hinaplos ang buhok ko.
“You’ve done a lot for this family already. It’s time for you to enjoy what you have worked hard for as well on yourself.”
Inabot ko ang kamay niya at mahigpit itong hinawakan. “Thank you, Ma.”
“Saka sana ay magkaroon ka na ng lovelife, Kuya. No offense sa mga naging kapareha mo, ah. Pero waley akong bet sa kanila na maging girlfriend mo.”
Nagkatawanan naman kaming lahat nang dahil sa sinabi ng magaling kong kapatid.
“Ikaw talagang bata ka! Wag ka ngang ganyan sa kuya mo,” aniya ni Papa bago bumaling sa ‘kin. “Pero kailan ka nga ba ulit may ipapakilala sa ‘min?”
Napailing na lang ako nang dahil sa tanong nila.
“Wala pa po sa isip ko ang tungkol diyan. Gusto ko lang po muna mag-focus sa career ko sa ngayon.”
“Sus. If I know ay hindi ka pa nakaka-move on,” bulong ni Verina na narinig ko naman.
Bigla namang natahimik sina Mama at Papa, bago ako seryosong tiningnan.
“Anak, alam naman naming si Tiffany ang tumapos ng relasyon n’yo noon. Pero kahit ganoon, sa totoo lang ay siya pa rin ang babaeng gusto ko para sa ‘yo. Lalo na ngayon na pareho na kayong matured at successful sa buhay,” pangungulit pa ni Mama.
Muli akong napainom ng kape, bago nagsalita. “Bata pa naman ako, Ma. I’m just in my early 20s. So what’s with the rush?”
Ang buong akala ko ay sanay na akong sumagot sa ganitong klase ng issue sa tuwing natatanong ako ng media. Pero iba pa rin pala kapag ang mismong pamilya mo ang naglagay sa ‘yo sa hot seat para gisahin ka.
“Pagpasensyahan mo na ang mama mo. Gusto na kasi niyan magkaapo kaya nagkakaganyan siya,” imporma ni Papa.
Muntikan ko nang mabitiwan ang tasa ng kape na akmang iinuman ko ulit nang dahil sa sinabi ni Papa.
“Are you serious?”
Napanguso naman si Mama. She looks like a child asking for a toy. “Yeah. Alangan namang diyan kami sa kapatid mo maghanap ng apo.”
Bigla akong napatayo. “No way! She’s still studying.”
Napatango naman si Mama, habang nagkukunwaring nagpupunas ng luha.
Tinapik-tapik naman ni Papa ang balikat niya na para bang nakikisakay sa drama niya.
Napangiwi ako. I bet, she can be a good actress.
“Precisely. Kaya pasensya ka na kung sa ‘yo kami nag-aabang ng magiging unang apo namin.”
I groaned in frustration. Sa tuwing dumadalaw talaga ako sa kanila ay hindi puwedeng mawala ang usaping pag-ibig.
Pero ngayon lang umabot sa ganitong punto.
Binalingan ko naman si Verina na bigla na lang tumahimik sa tabi ko.
“Kamusta na pala kayo ni Jace?”
She shrugged. “We’re fine.”
Tiningnan ko siya ng may pagdududa. “Really? Sabihan mo lang ako kapag may hindi magandang ginawa ang lalaking ‘yon sa ‘yo, hah. Wala akong pakielam kung magkaroon man ako ng issue dahil sa pambubugbog ko sa kanya.”
She gave me a bored look. “You don’t really have to be so harsh on him, Kuya. He’s just being busy. That’s it.”
“Wag kang mag-alala. Palagi rin naman naming pinagsasabihan ang kapatid mo. Malaki na ‘yan. Alam na niya ang tama sa mali. Pati na rin ang nararapat niyang gawin,” depensa ni Papa.
Natahimik na lang ako. Hindi naman nila ako masisisi kung protective ako kay Verina. Hangga’t maaari kasi ay ayokong maranasan din niya ang naranasan ko noon.
Lihim akong nagpasalamat nang sa wakas ay ibalik na nila ang usapan sa trabaho ko.
Palubog na ang araw nang magpasya akong umalis at magpaalam sa kanila.
“Ingat ka sa pagmamaneho, okay? Ang dami pa namang driver diyan na akala mo ay sila ang may-ari ng daan,” paalala ni Mama.
Sa isang iglap ay bigla kong naalala ang nangyaring insidente kanina. I smirked at the thought of it.
“Anong nginingisi mo riyan?” nagdududang tanong ni Papa.
I shook my head. “Nothing. I just remembered something.”
Hinalikan ko na si Mama sa pisngi at nag-fist bump naman kami ni Papa. Nilapitan ko naman si Verina na nakatingin lang sa isang tabi at hinalikan sa tuktok ng ulo niya.
“Alis na po ako.” Binuksan ko na ang pinto ng kotse.
“Okay. We love you,” pahabol pa nila.
“I love you all,” aniya ko, bago tuluyang lumulan sa sasakyan at pinaandar ito paalis.
Habang nasa biyahe ay naisipan kong buksan ang radyo. Ngunit nahigit ko ang hininga nang pumailanlang ang isang Christmas song.
Oo nga pala. Disyembre na naman.
Nang makita kong napalitan ng kulay pula ang ilaw sa traffic light ay agad akong huminto. Habang naghihintay ay wala sa loob na napatingin ako sa glove compartment.
Dahan-dahan ko itong binuksan. Doon ay bumungad sa ‘kin ang isang kahon na balak ko sanang ibigay sa kanya ng gabing ‘yon.
Kinuyom ko ang palad at agad na isinara ‘yon. Mariin akong napapikit at napasandal sa kinauupuan ko.
Deep inside my heart, I know the reason why I didn’t enter into a new relationship, and I’m not even swayed by my on-screen partners.
That’s why I can’t help it but to hate her.
But with that, I hate myself even more.

Book Comment (49)

  • avatar
    MagastinoElson

    kailangan ko ng dias para sa mlbb 200 dahil naiinggit ako sa iba

    18/05/2025

      0
  • avatar
    Jaycel Balungday

    nice

    03/03/2025

      0
  • avatar
    Zyanah Gagasa Villanueva

    pretty

    31/08/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters