logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Tiffany
Itinulak ko ang hawak na pushcart patungo sa snacks section. Kung mayroon mang pagkain na hindi puwedeng mawala sa loob ng pantry ko ay ang mga junk food ‘yon.
“That’s it? Ni hindi mo man lang nasabi ang talagang pakay mo sa pakikipagkita sa kanya? Sayang naman ang pagkakataon na ‘yon, Tiffany! You’ve waited that moment to come for how many years already!”
Umusli ang nguso ko at agad na inilagay sa pushcart ang mga paborito kong junk food. Hindi ako nag-abalang tapunan man lang ng tingin si Jairus na kanina pa nakasunod sa ‘kin at nagrereklamo, matapos kong ikuwento sa kanya ang nangyari sa naging pagkikita namin ni Travis kahapon.
“It can’t be helped. Mukhang kailangan niya talagang puntahan si Jela kahapon.”
Kinagat ko ang ibabang labi at nagpatuloy na sa paglalakad. Pilit na inignora ko ang kirot na naramdaman nang maalala ko ang tungkol sa babaeng ‘yon.
Janella Agoncillo, also known as Jela in modelling world and showbiz industry, is Travis’ best friend since college. Alam kong kaibigan lang ang tingin niya kay Travis, kaya naman ay hindi ko nagawang mabahala noon, kahit pa may mga pagkakataon na madalas silang nagkakasama.
But people change. So do feelings. Kaya naman ay hindi ko na masigurado kung hindi pa nga rin ba nahuhulog ang loob ni Jela kay Travis. Most especially now that they’re both experiencing the blinding lights of spotlight.
As far as I know, Jela wants to focus on her model career. That’s why she only accepts a supporting role either in a movie or a television show. Aside from that, the two of them even have the same manager.
“Nagseselos ka ba kay Jela?”
Natigilan ako sa akmang pagkuha ng instant noodles nang dahil sa tanong ni Jairus. Marahas na napalingon ako sa kanya.
“Of course not!”
Tiningnan naman niya ako ng may pagdududa. Lumolobo pa ang kanyang pisngi na para bang nagpipigil ng tawa.
“Really? But it seems that you feel threatened by her presence. Kahit hindi kayo malapit sa isa’t isa ay hindi mo naman siya pinagseselosan dati.”
Truth be told, Jela and I have never been close before. Don’t get me wrong. I really have nothing against her. It’s just that I have this uncomfortable feeling whenever I’m with her.
Isa pa ay hindi rin nakatulong ang tila aso at pusa nilang bangayan ni Jairus. I don’t know how it started. But it seems that they don’t like each others guts the moment we introduced them to each other.
“I’m not threatened,” I deniable said against his accusation.
Pinasadahan ko ng tingin ang listahan na nakalagay sa phone ko, bago muling pinausad ang pushcart patungo sa kabilang aisle.
Nagpresinta naman siyang magtulak ng cart kanina pagkarating namin dito. But I just want to do it myself.
“Why are you here anyway? Don’t you have a blind date or something?” Pag-iiba ko ng usapan. Sa ngayon ay siya ang nauunang maglakad sa ‘kin.
Nakasimangot siyang humarap sa ‘kin. “Don’t remind me about that. Pero bilib na talaga ako kay Mama kung halos araw-araw siyang makakakuha ng babae na puwede niyang i-blind date sa ‘kin.”
Natawa naman ako nang dahil sa sinabi niya. Pero sa totoo lang ay hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng awa. His mother keeps on bugging him about having a girlfriend ever since we graduated from college. And I know that somehow, it made him feel pressured.
“Palagi niyang sinasabi sa ‘kin na gusto pa raw niyang maabutan ang magiging apo niya. And I was like, of course you will. Mahaba ang buhay ng masamang damo.”
Mahina ko siyang binato ng kinuha kong sabon. Ngunit mabilis naman niyang nasalo ‘yon.
“Loko-loko! Nag-iisa ka kasing anak kaya intindihin mo na lang.”
He looked at me in disbelief. “Only child ka rin naman. Pero hindi naman gano’n sa ‘yo sila Tita.”
“At least hindi naman ako NBSB,” depensa ko sa kanya.
Bago pa siya makapagprotesta ay nagpatuloy na ako sa pamimili. Nang masigurong kumpleto ko na ang lahat ng nasa listahan ko ay pumila na ako para magbayad.
“By the way, don’t forget our appointment in the next day,” Jairus reminded me.
Napatango ako. Buwan na naman ng Disyembre ngayon. Bukod sa pagbibigayan ng regalo ay punong-puno rin ng pagmamahalan ang buwan na ‘to, nang dahil sa dami ng magpapakasal.
Pinag-usapan lang namin ang detalye ng gaganapin na pre-nuptial shoot project na gagawin namin, habang naghihintay.
Nang malapit na ako sa counter ay napatingin ako sa magazine stand na malapit lang din dito.
Tuluyang nawala ang atensyon ko sa kung anong sinasabi ni Jairus at mariin kong ipinagdikit ang mga labi nang makita kung sino ang cover ng isa sa mga fashion magazine na nandoon.
It’s none other than Jela Agoncillo. She’s wearing a blue round neck shirt with short sleeves and slit on the lower middle part, making her flat stomach exposed. It was partnered with the A-line white chiffon temperament waist skirt. Her lips were slightly parted as she projects a fierce look in front of the camera.
“Ang ganda niya, no! Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan sila ni Travis, eh. Pero bagay rin sila, no!”
Tila nagpanting ang tainga ko nang marinig ang sinabi ng babaeng nakapila sa harap ko, habang nakatingin din sa magazine.
“Kaya nga, eh! Sa totoo lang, kahit kanino naman ipareha si Travis ay talagang may chemistry. Pero iba rin ang pagiging bagay nila ni Jela, eh.”
Pakiramdam ko ay kumulo ang dugo ko nang dahil sa sinabi ng isa pa niyang kasama. Malamig naman dito sa supermarket pero bigla ring uminit ang ulo ko.
Anong bagay ba ang pinagsasabi nila? The two of them can actually pass as siblings, if not as best friends.
Saka hindi pa naman nila kami nakikitang magkasama ni Travis. Hindi sa harap ng camera, kung hindi sa tunay na buhay. Paniguradong mapapansin nila na mas lamang ang chemistry na mayroon kami kumpara kay Jela o sa kung sino man na mga naging ka-love team niya.
Ilang sandali pa ay muling umusad ang pila, hanggang sa nakapagbayad na rin ako sa wakas. Dali-dali namang kinuha ni Jairus ang mga pinamili ko. Hinayaan ko na lang at kanina pa niya gustong tumulong.
“May pupuntahan ka pa ba?” tanong niya pagkalabas namin ng supermarket.
Napailing ako. “Wala naman na. Balak ko lang talagang mamili ngayon. Bakit?”
Napahawak naman siya sa tiyan niya. Mukhang alam ko na ang problema niya.
“Kain na tayo. Gutom na ako, eh.”
Napatango naman ako. Dahil ako lang naman ang mag-isa sa bahay ay tinatamad na akong magluto.
“Okay. Para hindi na rin ako magpadeliver mamaya pag-uwi ko,” sang-ayon ko sa kanya.
He shook his head and lightly flicked my forehead. I glared at him and punch his arm in return.
“Kawawa naman ang mapapangasawa mo. Kung hindi de lata o instant noodles ay madalas na take-out ang kakainin n’yo,” pang-aasar niya ng magsimula na kaming maglakad ulit.
I shrugged. I’m not really friends with the kitchen and anything related to it.
“Travis can cook,” I proudly said.
Seriously, may ibang bagay ba na hindi alam gawin ng lalaking ‘yon?
Nagulat naman ako nang bigla na lang niya akong inakbayan. “Ang confident mo sa part na ‘yon, hah. Na parang kayo talaga ang magkakatuluyan.” Ngisihan niya ako ng nakakaloko.
I rolled my eyes at him. “Hindi ‘yon parang. It will happen.”
Hindi naman na siya umimik. Pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang pang-aasar.
Binalewala ko na lang ito at diretsong pumasok sa isa sa mga paborito kong fastfood ng madaanan namin ‘to.
Ewan ko ba. Kahit ang mga pagkain dito ang madalas kong orderin sa tuwing nagpapadeliver ako ay hindi naman ako nagsasawa rito.
Siya na ang nagpresintang umorder at pumila. Kaya naman ay kinuha ko mula sa pagkakahawak niya ang eco bag at naghanap na ng mauupuan naming dalawa. Dahil palaging maraming tao rito ay naghintay muna ako ng mayroong matapos, bago makakuha ng puwesto.
Hindi nagtagal ay dumating na si Jairus bitbit ang tray kung saan nakalagay ang mga order namin. Dali-dali naman niya itong ibinaba at inayos. Napamaang lang ako sa kanya dahil mukhang gutom na gutom na talaga ang loko.
Akmang magsisimula na siyang kumain ng pigilan ko siya.
“Wait. I’ll just take a picture,” aniya ko sa kanya, bago ko kinuha ang dalang camera sa bag ko.
Malalim ang naging pagkakakunot ng noo niya, kasabay ng pagkakakurap ng kanyang mga mata.
“Are you for real? It’s just a burger, fries and spaghetti, Tiff. It’s not like a picturesque scenery of mountains or food from a five-star restaurant,” he reminded.
Tinaasan ko siya ng kilay. “So?”
He let out a deep sighed as he laid his back on the chair and crossed his arms.
“Nothing. Just hurry up. I’m hungry already.”
Napangiti ako at sinimulan ng kuhanan ng litrato ang mga pagkain namin sa iba’t ibang anggulo. Nang matapos ay akmang sisimulan na ulit niya ang pagkain ng mahina kong tampalin ang kamay niya.
“What is it this time?” tila naiirita na niyang tanong.
Napangisi ako at kinuha naman ang phone ko, bago binuksan ang camera app nito at inilipat sa front camera.
“Let’s have a selfie first. My day ko lang.”
Nakabusangot ang mukha na tumingin siya sa camera. “It’s not a selfie dahil dalawa tayo.”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Wag ka na nga puro kontra riyan! Gutom ka na, ‘di ba?”
Nang dahil sa sinabi ko ay mabilis siyang napangiti. Kaya naman ay agad na pinindot ko ang click button nito.
“Happy? Can I eat now?” paniniguro niya
“Yeah.”
Hinayaan ko na siyang maunang kumain, dahil inasikaso ko muna ang pag-post ng my day ko sa mga social media accounts ko.
Nang matapos ay agad na una kong kinain ang burger na order ko. Ipinagpatuloy lang namin ang pag-uusap tungkol sa pre-nuptial shoot na gagawin namin sa susunod na araw hanggang sa matapos kami. Nanatili pa kami ng ilang minuto, bago tuluyang umalis.
Sa paglabas namin ng mall ay agad na sinalubong kami ng haring araw. May dala naman akong payong, pero tamad naman akong gamitin ito. Kaya naman ay binilisan na lang namin ang paglalakad patungo sa parking lot.
Nag-commute lang si Jairus papunta sa bahay na tinutuluyan ko kanina, dahil hindi siya makapaghintay na malaman ang nangyari kahapon. Kaya naman ay sasakyan ko ang ginamit namin papunta rito. Ako na rin ang nagmaneho, dahil hangga’t maaari ay ayokong ipagamit ito sa iba.
Surprisingly, the road is clear. Which is very rare to happen.
Sa isang iglap ay bigla kong naalala ang naging usapan ng mga babaeng sinusundan ko sa pila kanina. Nang dahil sa inis na nararamdaman ay medyo binilisan ko ang pagmamaneho.
“Tiff, kalmahan mo lang. Hindi naman tayo nagmamadali.” Napaayos ng upo si Jairus at napakapit sa hawakan.
Hindi ako umimik. Hanggang sa kinabig ko ang manibela pakaliwa.
Pero gano’n na lang ang gulat ko nang may biglang lumabas na sasakyan sa intersection na lilikuan ko. Mabilis naman akong nakapagpreno at gano’n din naman ito.
“What the hell?” kabadong aniya ni Jairus.
Naiiritang bumaba naman ako ng kotse. Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Jairus sa ‘kin.
Kahit hindi naman tumama ang kotse ko ay tiningnan ko pa rin ang unahan nito para makasiguro. Pagkatapos ay naglakad ako patungo nakatigil din na kulay itim na Porsche at kinatok ko ang bintana nito sa driver’s seat.
Pero mukhang walang balak ang kung sino man na nasa loob na pagbuksan ako ng bintana kaya muli ko itong kinatok.
Ngunit napaatras na lang ako nang bumukas ang pinto nito at bumaba mula roon ang lalaking hindi na ata nagpahinga sa isipan ko.
“Travis?”

Book Comment (49)

  • avatar
    MagastinoElson

    kailangan ko ng dias para sa mlbb 200 dahil naiinggit ako sa iba

    18/05/2025

      0
  • avatar
    Jaycel Balungday

    nice

    03/03/2025

      0
  • avatar
    Zyanah Gagasa Villanueva

    pretty

    31/08/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters