Isang linggo ang lumipas. Para kay Lucian ay dragging iyon. Wala na siyang ibang iniisip kundi si Rowan. Alam niyang hindi ito natural. ‘Natamaan na nga yata ako sa kaniya,’ sa isip niya. Hindi man lang niya alam ang dahilan kung paano nangyari iyon. He was not someone who would readily get attracted to women, and he was definitely not into young ones. Pero bakit? Bakit may atraksyon na siyang nararamdaman para sa landscaper na iyon? Pasulyap-sulyap siya sa kaniyang cell phone na ipinatong sa ibabaw ng kaniyang mamahalin at magandang desk sa kaniyang malaking opisina. Gawa ito sa mamahaling tabla at salamin na may bakal na mga paa. May gold frame ang tabla at sobrang kinis at kintab nito. Ilang folders at papeles ang nasa isang bahagi ng mesa samantalang ang isang laptop na nakabukas ay nasa harap niya. Nasa isang gusali na pagmamay-ari niya ang kaniyang opisina, sa pangalawang palapag. Ang ilang palapag lang ang kanilang gamit habang ang iba naman ay pinarerentahan na niya. Co-owner siya ng family business nilang isang airline. Bukod doon ay may iba pa siyang sariling mga negosyo katulad na lang ng money lending, money changer, at textiles. Nakapag-invest din siya sa itatayong bagong ospital at eskuwelahan. Kaya natural lang na isa siyang napaka-busy na businessman. “Hindi pa ba tumatawag sa ‘yo ang taga-Organic Gardens, Rhenn?” usisa niya sa personal assistant nang pumasok ito sa kaniyang opisina. Tinawagan niya kasi ito upang itanong ang bagay na iyon. Napatingin ito sa kaniyang desk at napansin ang kaniyang cell phone doon. Napuna siguro nitong nakapatong iyon doon sa huling mga araw na ito kada pagpasok nito sa kaniyang opisina. Noon kasi ay nasa drawer lang niya palagi ang aparato upang huwag siyang maistorbo sa kaniyang trabaho. Ngunit iba na ngayon. Nakapatong na iyon sa kaniyang desk na tila isang napakaimportanteng bagay. “No, sir.” Napasimangot siya. Akala niya kasi ay tuwi-tuwina siyang tatawagan ni Rowan dahil sa sinabi nito. Kaya nag-expect siya ng tawag mula rito simula noong araw ng una nilang pagkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag sa kaniya. “Do you want me to follow up their office, sir?” presinta ng personal assistant niyang pro-active. Akma siyang sasagot nang tumunog nang bigla ang kaniyang cell phone. Bigla siyang napangiti at sinenyasan ang PA na lumabas at sinagot niya kaagad ang tawag na iyon nang tumalima naman ito nang walang tanong-tanong. Tumikhim pa siya bago sinagot ang kaniyang cell phone. “Yes?” “Hello, Mr. Ganadan. I’m so sorry to disturb you. I was wondering if you are amenable to timber edging of the trees at your lawn?” Napangiti siya nang marinig ang malamyos ngunit energetic na boses ng babae. It was like music to his ears. “If you could show me what it means, we’ll see,” naisagot niya. Napagtanto niyang gusto rin niyang makita ito. Gusto niya kasing tingnan ang mga mata nito at mukha habang nagsasalita. ‘Would her eyes look the same? I want to know.’ “Oh! Right. Sorry for that,” hinging despensa pa nito. “Medyo landscaping jargon nga po iyon. How about if… I-I will e-mail it to you para makita n’yo po ‘yong picture man lang ng sample? I don’t want to disturb your work po kasi.” “I think it’s better that we’ll meet somewhere, so we can further talk about it. How does it sound? I am free now.” Napasulyap siya sa kaniyang suot na smartwatch. It was almost five in the afternoon. Sakto para dinner time. “Uh… s-sure, sir, if you’re not busy,” nag-aalangang sagot nito. “Where can we meet up?” Napangiti siya at sinabi ang address ng kaniyang paboritong Korean restaurant. Sigurado siyang magkakaroon din sila ng privacy dahil maliban sa buffet tables doon ay mayroon ding cubicle-style ang kinaroroonan ng ilang mesa sa lugar na iyon. He could choose a booth for them then. “I can pick you up if you have trouble getting there,” ang alok niya sa dalaga. Narinig na naman niya ang pag-aalangan sa boses nito. “I-I can manage to get there. Thank you po. So… I’ll see you there na lang po,” at nagpaalam na ito. Napahigit siya ng hangin na napatingin sa kaniyang cell phone. Was he acting fast? Was he being pushy or what? Was he so transparent that he really wanted to see and meet her? Or was she taken off guard and was afraid that her boyfriend would mind her seeing a client like him? Hindi man lang sumagi sa kaniyang isipan ang huli kundi ngayon lang. Na-disappoint siya big time sa unang pagkakataon. He was not used to being disappointed in anything. Hindi na counted ang pagiging Marine ni Lee noon na inasahan talaga ng kaniyang Kuya Lucas na magmamana sa mga negosyo nito. Bigla siyang parang sinakluban ng langit at lupa. Baka nga ay may boyfriend na ang dalaga kaya hindi niya puwedeng pormahan kahit na gustong-gusto niya. Hindi naman siya ang tipo ng lalaking mangwawasak ng isang relasyon. Para sa kaniya ay isang sagradong bagay ang isang relasyon. Pero sumang-ayon naman si Rowan. Kaya kahit papaano ay natutuwa siyang makikita ito at makakausap mamaya. Kinuha na lang niya ang kaniyang jacket na pares ng kaniyang puting dress shirt, itim na kurbata, at slacks. Sinalubong siya ng kaniyang PA at naghabilin na lang dito. Hindi rin niya ito kailangan bilang driver. “I have sent my report to your e-mail, by the way, sir,” wika ni Rhenn. Napasimangot siya rito. “What report?” Naalala niyang hindi pa nali-late sa pagpasa ng reports ang kaniyang PA. At sa naalala niya ay naka-submit na rin ito. Kaya naman ay nagtataka siya kung aling report ang tinutukoy nito.
ganda 🥰🥰
10/04
0super kilig.....ang ganda
25/12
0thanks writer,,,,, it's nice story
26/07
0View All