Hugo's POV Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga salitang narinig ko mula kay Ellie. Even though that is coincidence, that his father is the man who got me killed still the truth hurts me. Kahit ilang ulit kong balikan ang gabing ‘yon, kahit ipilit kong kalimutan, paulit-ulit lang bumabalik sa isip ko ang boses niya, ang mga salitang hindi ko inakala na manggagaling sa kanya. Anak siya ng taong sumira sa buhay ko. I decided that I would never see her again. Hindi dahil nagagalit ako sa kanya kung hindi dahil maalala ko lang ang kasalanan ng tatay n'ya sa akin. And I don't do that. That's why I decided not to go to the park ever again. It's ironic that I believe that I'm slowly healing when I'm around here in our place but knowing things about her make me feel more pain. “Hindi ka na naman lumalabas,” ani Dr. Claire habang iniaayos ang mga tubes na nakakabit sa braso ko. Nasa loob kami ng maliit na testing room, isa sa mga mini-lab na itinayo niya matapos naming tumakas dati. “Your body’s still reacting abnormally, Hugo. You need sunlight, you need movement.” Tahimik lang ako. Pinagmamasdan ko ang mga kumikislap na monitor sa gilid namin, ang mga linya ng pulso na paiba-iba sa ritmo. Parang sila na lang ang tunay na nakakaalam kung buhay pa ba ako o hindi. “Akala ko ba ayaw mo na umaalis ako?” sagot ko sa wakas, mahina pero buo. “Tapos ngayon pinipilit mo ako.” Napabuntong-hininga siya. “Gusto lang na mag paalam ka sa'kin. Gusto ko lang na safe ka. You met someone, didn’t you? That girl you always talk about. What happened to her?” Tanong n'ya. Natigilan ako. I don't know what happened to her after ko siya iwan sa park. Maybe she's teaching right now. Ilang sandali bago ako nakapagsalita, “She’s gone.” “Gone?” tanong niya, bahagyang nagulat. “She’s the daughter of him. The man behind all of this.” Itinuro ko ang sarili kong dibdib, ang mga peklat, ang mga marka ng experiment. “The same man who got me killed and turned me into this.” Napatigil si Claire. Tila naghanap ng salita pero walang lumabas. Kaya ako na lang ang nagsalita muli. “She didn’t even know,” sabi ko, mas mababa na ang tono. “She looked at me like I was human. Like I was worth saving. And for a moment, I believed her. I believed I could be normal again.” Napatawa ako nang mahina, isang mapait na tawa. “But knowing the truth changes everything. No matter how innocent she is, her blood is still his. That no matter what I see, she reminds me of her father.” Natahimik si Claire. “You can’t punish yourself for something she didn’t do,” aniya sa wakas. Tiningnan ko siya, diretso sa mga mata. “I’m not punishing myself,” sagot ko. “I’m just accepting what I’ve become and refusing to see her again.” Ngumiti siya nang malungkot. “You say that like you’ve already given up on her.” “Maybe I have,” sagot ko. “Because sometimes, acceptance is the only thing left when hope refuses to stay.” Tahimik ulit ang paligid. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang ugong ng mga makina sa paligid Namin at ang tibok ng puso kong hindi ko alam kung sa’kin pa ba o sa expirement na isinagawa sa akin.. “What happened to you, Claire? You sound like you actually care.” Curious kong tanong. Huminga siya nang malalim, saka marahang nagsalita. “I’m not a robot, Hugo. I know what pain looks like and I see it every time I look at you.” She paused, her voice trembling just a little. “I’m sorry for bringing you back. But that doesn’t change the fact that I did. And seeing you like this, hurting, blaming yourself, it hurts me too, as your creator.” Napatawa ako nang mapait. “Wow. Creator. What a word.” Sarkastikong kong sabi. Tumingin ako sa kanya sa gawi n'ya. Pinakatitigan ko ang kanyang mata. “You make it sound like I’m some kind of invention, not a person.” Huminga s'ya ng malalim. Naghahanap ng sasabihin ng maangaw ang atensyon namin ng pagtunog ng Isang alarm. Mabilis na lumapit si Claire sa control panel. Pinapanood ang mga CCTV na nakakapit sa paligid. “No this can’t be right.” “Anong nangyayari?” tanong ko, agad akong napaatayo kahit nakakabit pa sa mga tubes ang mga braso ko. Tumingin siya sa akin, nanlalaki ang mga mata. “They’re here.” “What do you mean they?” Tanong ko. “Ciano’s security team. They must’ve tracked the lab’s location. We don’t have much time!” Agad niyang hinila ang ilang cables, pinindot ang emergency release sa terminal, at tinanggal ang mga tubes na nakakabit sa katawan ko. “Move, Hugo! Kailangan na nating tumakas” sigaw niya habang kinuha ang mga mahahalagang files sa lamesa, mga papel, hard drives, at isang maliit na metal case. The alarm’s red light flashed across the room like a heartbeat. Kinuha ko ang hoodie ko sa upuan at tumulong mag-impake. “What about the samples? The machines?” “Leave them!” sagot niya habang tinatanggal ang isa pang device sa console. “They already know too much. We can’t let them find you.” Mabilis naming pinatay ang mga ilaw at sinira ang ilang monitors para hindi nila makuha ang data. Ramdam ko ang panginginig ng sahig, mga sasakyang paparating, marahil ilang metro na lang mula sa lab. “Hurry!” sigaw ni Claire, habol ang hininga. Binuksan niya ang isang secret door sa likod ng storage shelf, nagbigay daan sa makitid na lagusan. “Claire” tawag ko, mabigat ang boses. “If they find us—” “They won’t,” putol niya, mariing sabi n'ya. “I won’t let them take you. This experimentation is mine” At sabay kaming tumakbo sa loob ng tunnel. Ang tunnel ay pinapalibutan ng makapal na gabok. Ramdam ko rin ang lamig at yabag ng paa namin habang tumatakbo. “Keep going!” sigaw ni Claire habang dala-dala pa rin ang metal case. “There’s an exit ahead an old maintenance tunnel leading to the forest where my car is” Sa likod namin, rinig ko ang mga yapak ng mga armadong lalaki. Minsan, may maririnig kaming kalabog mula sa itaas na ginagalugad ang paligid. “Claire, they’re getting closer!” sigaw ko. “I know!” Sagot niya habang nagmamadaling tinutok ang flashlight sa madilim na daan. “Just a few more meters!” Paglabas namin sa tunnel, sinalubong kami ng malamig na hangin ng kagubatan. Amoy lupa, amoy ulan, at ang katahimikan ay parang bagyong humahabol sa amin. Tumatakbo kami ni Dr. Claire sa pagitan ng mga puno papunta sa nakatago nyang kotse. Nang lumingon ako, nakita ko sila. Ang mga hired agents ng Ciano Corporation, suot ang itim na tactical suits, mga mukha’y natatakpan ng helmets, at kumikislap na night-vision goggles. Naka-vest silang suot, may dalang mga high-powered rifles na may mga pulang laser na tumatama sa mga puno at katawan naming parang mga matang handang pumatay. “Keep running!” sigaw ni Claire, nanginginig ang tinig habang tinutulak ako paabante. Pero bago kami makarating sa dulo ng daan kung nasaan ang kotse ni Claire, Naramdaman ko ang kirot sa leeg ko isang matalim na bagay ang tumusok sa leeg ko ramdam ko ang panghihina ng katawan ko, bumagsak ako sa lupa, bumagsak rin si Claire at nawalan ng malay. Unti unting nagdilim ang lahat at paggising ko, nasa loob na ulit ako ng Cianno Laboratory. Hindi makagalaw. Hindi makapagsalita. All I can do is observing them disassembling my limbs. Nawalan ulit ako ng malay at sa susunod na paggising ko nakita ko Mr. Roderick kasama ang mga doctors n'ya wearing surgical mask. Hindi ko sila marinig pero I bet this is the process where they cut my brain into pieces. Muling nandilim ang lahat at sa muling pagmulat ko. Nakita ko si Claire, experimenting on me again. May explosive collar na nakalagay sa leeg n'ya. She's working with Mr. Roderick again this time hindi na n'ya matatakasan si Mr. Roderick dahil kapalit noon ang buhay n'ya. Nandilim ulit ang paligid. Para akong nakulong sa loob ng panaginip sa loob ng maraming taon until narinig ko ang boses n'ya. All of my memories of that night came back to me, the Harry Potter costume she wore, the ice cream we shared in front of 7-Eleven, and the stories I told while she listened to me comfortably in the park. I'm trying to understand what she's doing here pero baka nag hallucinating lang ako. Wait she's talking to her to her father? Is she trying to rescue me? I'm not sure but there is something I'm sure now, I finally understand that she's different from her father.
Marami salamata
05/11
0View All