logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER FIVE

SA KALAGITNAAN ng gabi, inilabas ni Endemion ang kaniyang itim na pakpak at lumipad papuntang bubungan ng bahay nila. Naroon si Beelzebub sa itaas ng bubungan na alam niyang inis na inis sa mga oras na 'yun. Hanggang ngayon ay hindi parin maunawaan ni Endemion kung bakit nag-uwi ng isang tao si Beelzebub, sa pagkakakilala niya dito ay masyado itong makasarili, mahilig makipagtalo sa ama nito at sa dalawa nitong kapatid, walang pakiealam sa paligid kahit may nasasaktan na ito, at higit sa lahat mabilis umiinit ang ulo ni Beelzebub, na namana nito sa amang hari nito.
Hindi niya inasahan na taong alam ni Endemion na simpatya ang dahilan kung bakit dinala ni Beelzebub si Rana sa bahay nila at hindi lang dahil ayaw na nitong maulit ang paglilinis nito sa bahay nila. Anuman ang dahilan, sa tingin ni Endemion, may bahagyang impact si Rana dito at 'yun ang aalamin niya kung ano.
Pagkarating ni Endemion sa bubungan ay nakita niya agad si Beelzebub na nakaupo at naglalabas ng itim nitong apoy sa kanang kamay nito, tahimik lang ito sa pwesto nito pero ramdam ni Endemion ang pagka-inis parin nito na ikinababa niya nasa bubungan na naramdaman ni Beelzebub pero hindi nalang siya nilingon. Naglakad na si Endemion palapit kay Beelzebub at umupo ito sa tabi nito.
"Naiinis ka parin ba sa mga sinabi ni Rana?"tanong ni Endemion na masamang tingin ang ibinigay sa kaniya ni Beelzebub.
"Huwag mo siyang tawagin sa madumi niyang pangalan, ang taong 'yun ay hindi karapat-dapat manatili sa mundong ito dahil sa kalapastanganan niya!"Singhal ni Beelzebub na bahagyang ikinangiti ni Endemion.
"Dahil ba sa sinabihan ka niyang panget?"saad ni Endemion na ikinakuyom ng kanang kamao ni Beelzebub kung saan mas nag-alab ang itim nitong apoy.
"Ang taong 'yun, ang lakas ng loob niyang insultuhin ang prinsipe ng Demon Realm!"ani na inis ni Beelzebub habang naalala ang mga sinabi ni Rana sa kaniya kanina.
*FLASHBACK*
"D-demonyo ka? 'Yung may sungay at nananakit ng mga tao?"putol na pahayag ni Rana na biglang ikinawalan ng imik ni Beelzebub habang nakatingin kay Rana na may bahagyang gulat sa mukha nito.
"Bakit? May problema ka kung demonyo ako? Kanina ko pa sinasabi sayo 'yan ah? Kayong mga tao hindi niyo pinaniniwalaan ang akala niyo hindi nag-eexist, Ako si Beelzebub, ang prinsipe ng demon realm kaya kung ayaw mong masunog ng buhay sa kinatatayuanmo, bawiin mo ang sinabi mo."saad na giit ni Beelzebub.
"Beelzebub, alam kong galit ka sa mga tao pero kahit sa kaniya lang bawasan mo pagka demonyo mo."ani na sita ni Endemion kay Beelzebub na akmang magrereklamo ng maunang magsalita si Rana.
"Hindi ba ang mga demonyo ay panget at nag-aanyo lang ng maganda para akitin ang mga bibiktimahin nila para gumawa ng masama? Bago ako mabulag, may nakita na ako sa mga palabas sa t.v na mga pang---"
"Anong sabi mo?! Siguro nga mga panget ang mga alagad ko pero ibahin mo ang prinsipeng gaya ko! Paano mo makikita na hindi ako katulad ng sinasabi mo eh hindi ka naman nakakakita! Bawiin mo ang sinabi mo tao!"Singhal ni Beelzebub habang hindi alam ni Endemion paano sisingit sa dalawa.
"Pero sabi mo demonyo ka?"
"Oo nga, demonyo ak---"
"Eh di panget ka, buti nalang hindi ako nakakakita kaya hindi ko makikita ang mga itsura niyo. Okay lang naman sa akin na maglinis sa bahay niyo, kung hahayaan niyo akong manatili dito."pahayag na putol na ani ni Rana na nag-iigting ang pangang ikinalapit ni Beelzebub kay Endemion na ramdam ni Rana na nawala sa harapan niya si Beelzebub.
"Pwede ko ba siyang sunugin, Endemion? Masyado akong hinahamak ng taong 'yan."gigil na saad ni Beelzebub na ikinalayo ni Endemion sa kaniya kay Rana.
"Wala kang susunugin, Beelzebub."ani ni Endemion na ikinalingon nito kay Rana.
"Hindi ka ba natatakot sa amin? Nalaman mo na hindi kami mga tao kundi mga demonyo, gusto mo paring makitira dito?"tanong ni Endemion kay Rana na bahagyang ngumiti..
"Wala naman akong nakikita para may katakutan ako sa inyo, isa pa, kahit sinasabi niyo na demonyo kayo, mababai---"
"Endemion susunugin ko na talaga ang taong 'yan pag hindi 'yan tumigil sa kakasabi niya na mabait tayo kahit tangnang hindi naman!"Singhal na sita at banta ni Beelzebub na nakaharang si Endemion dito.
"Manahimik ka muna kamahalan, ikaw ang nagdala sa kaniya dito para may tagapaglinis ka diba?"reklamong sermon ni Endemion na ikinawalan ng imik ni Beelzebub.
"Sabihan mo lang angn taong 'yan na huwag maglalabas ng kung ano-ano sa bibig niya, at para sabihin ko sayo tao, kahit demonyo ako baka mas maganda pa ang itsura ko sa inyong mga maduduming nilalang!"pikong ani ni Beelzebub na naglakad na papuntang terrace at inilabas ang pakpak at lumipad paakyat sa bubungan.
"Umalis na siya? Pasensya na Endemion, sanay kasi akong magsabi ng magagandang salita, hindi ko alam na magagalit siya."ani ni Rana na ikinalingon ni Endemion sa kaniya.
"Iwasan mo nalang Rana pag narito si Beelzebub, at habang narito ka sa bahay, iwasan mong galitin siya dahil kahit dinala ka niya dito may pagkakataon na gawin nga niya ang sinasabi niyang susunugin ka niya kung maiinis parin siya sayo."bilin ni Endemion.
"Oo, gagawin ko."
*END OF FLASHBACK*
"Alalahanin mo, Beelzebub, ikaw ang nagdala sa kaniya dito sa ating tinutuluyan kaya kailangan mong magtimpi pagdating sa taong dinala mo."bilin ni Endemion na ikinaingos ni Beelzebub.
"Kung hindi ko lang kailangan ng maglilinis sa bahay na 'to hindi ko naman kukunin ang taong 'yan."
"Beelzebub, bakit isang bulag ang kinuha mong tagalinis ng bahay? Paano niya malilinis ang kabahayan kung wala siyang makita?"tannong ni Endemion na agad na ikinatayo ni Beelzebub sa kinauupuan niya.
"Napagod ako kakalinis kanina, hindi na talaga mauulit 'yun. Magpapahinga na ako Endemion para sa paghahanap natin bukas kay Ahriman, hindi ako magpipigil pag nakita ko ang demonyo na 'yun."ani ni Beelzebub na inilabas ang mga pakpak at lumipad pababa ng bubungan at iniwan si Endemion na napapa-clueless sa ginawa ni Beelzebub na ikinatingala niya sa kalangitan.
Pagkapasok naman ni Beelzebub sa loob ng bahay ay nahagip ng mga mata niya si Belial na pinagmamasdan ang mahimbing ng natutulog na si Rana sa may sofa sa sala nila, na ikinalakad niya palapit dito.
"Narinig mo ang sinabi ni Endemion kanina, Belial. hindi mo pwedeng kuhanin ang kaluluwa niya."saad ni Beelzebub na ikinaayos ng tayo ni Belial at ikinalingon nito sa kaniya ang habang ang tingin ni Beelzebub ay nakay Rana.
"Hindi ko lang mapigilan kamahalan, ang kakaiba ang itsura ng mga tao. Sa kanila natin nagaya ang itsura natin ngayon at ngayon lang po ako nakakita ng tunay na tao."saad ni Belial.
Dahil isang argoth si Belial at alaga niya, ay mas madalas ito sa kaniyang chamber at parehas silang ngayon lang nakakita ng tunay na tao, pero hindi nababago ang pagkadisgusto at galit nii Beelzebub sa mga tao dahil sila ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ina.
"Huwag mong hangaan ang isang taong tulad niya, Belial, mababang uri ang mga katulad niya."seryosong saad ni Beelzebub na patuloy niyang inaarok ang kaniyang isipan sa kung anong dahilan bakit niya dinala si Rana sa kanilang bahay.
"Magpapahinga na po ako kamahalan."ani ni Belial na bumalik sa tunay nitong anyo at pumahiga na sa sahig di kalayuan sa sofa na hinihigaan ni Rana.
Akmang aalis na si Beelzebub para pumasok na sa kaniyang kwarto ay di pa man siya nakakalapit sa pintuan ng matigilan siya ng makarinig siya ng kalabog na sa paglingon niya ay nakita niya si Rana na nasa sahig na at hindi man lang nagising.
"Anong klaseng tao ang nahuhulog sa higaan nila? Bakit ko nga ba dinala ang walang silbing tao na 'yan sa pamamahay na ito."reklamong ani ni Beelzebub na akmang magtutuloy na sa paglapit niya sa kwarto niya pero naiinis na lumiko ang kaniyang mga paa para lapitan si Rana at binuhat ito pabalik sa sofa.
"Bwisit! Wala akong pakielam kahit lamigin ka pero hindi ako maawaing demonyo, Pasalamat ka kahit papaano mapapakinabangan kita sa linisin sa bahayy na 'tp!"Singhal na ani ni Beelzebub na pagkababa niya kay Rana sa sofa ay akmang aalis na siya ng magulat siya ng bigla siyang yakapin ni Rana na akmang itutulak niya palayo ng matigilan siya ng marinig niya itong humihikbi.
"D-daddy, n-namimiss na ko na kayo...."iyak na sambit ni Rana habang tulog at nakayakap kay Beelzebub na hindi malaman nito kung anong gagawin habang umiiyak sa kaniya si Rana.
"Hindi ako ang tatay mo, tao, alisin mo na 'yang maduming kamay mo sa pagkakayakap sa akin."sita ni Beelzebub ng wala siyang makuhang sagot dito siya na ang nag-alis sa nakayakap na mga braso ni Rana at mabilis na umayos sa pagkakatayo nito habang binagsak ang tingin kay Rana na natutulog pero umiiyak.
"Tss! Nakakasuka ang kahinaan niyong mga tao."saad ni Beelzebub na naglakad na papunta sa kwarto niya habang pinapagpag ang leeg niyang niyang niyakap ni Rana.

Book Comment (203)

  • avatar
    Edgar Llamido

    good good

    12d

      0
  • avatar
    Floramay Salvo Becaoco

    nice story

    12d

      0
  • avatar
    BercesJizzel

    I love it. Naturally imagination

    18d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters