logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER THREE

SA LOOB nang isang kalakihang bahay na malapit sa bayan ay nabili na iyon nina Endemion gamit ang ginto na meron sila demon realm. Kailangan nila ng matutuluyan habang nasa mundo sila ng mga tao habang hindi pa nila nakikita ang pakay nila, kararating lang nila sa bahay na nabili nila na may mga gamit na naman at kaunti nalang ang kailangan nilang idagdag.
"Mukhang kailangan nating bumili ng ibang gamit, at linisin ang buong kabaha---"
"Bakit kailangan mo pang dagdagan ang mga pangit na gamit na meron sa panget na bahay na ito? Hindi tayo magtatagal dito Ende--"
"Nahihirapan tayong matunton si Ahriman, mahal na prinsipe. Mukhang magaling makihalo si Ahriman sa mga tao kaya nahihirapan tayong matunton siya, maaring nasa katawan siya ng isang tao na mas mahihirapan tayong mahuli at makita siya. Kaya habang inaalam natin saan siya pwedeng makita at mahuli, mananatili tayo dito. Kaya pagtiisin mo muna, Beelzebub." Paliwanag na ani ni Endemion kay Beelzebub na kanina pa hindi nawawala ang inis dahil sa matatagalan ang pananatili nila sa mundo ng mga tao na kinaayawan niya.
"Wala na akong magagawa hindi ba? Bakit kasi ako ang inutusan ng matandang 'yun na ibalik si Ahrima?! Narito sa mundo ng mga tao si Zeldris at Escanor kaya bakit hindi nalang sila ang inutusan niya! Aish!" inis na angal ni Beelzebub na ikinabagsak nito sa sofa na ikinaubo nito dahil sa mga alikabok na naglabasan.
"Bwisit! Kaya ayoko sa mundo ng mga tao!" Reklamo ni Beelzebub na ikinailing lang ni Endemion bago nilingon si Belial.
"Hangga't naririto tayo hindi ka pwedeng magbago ng anyo mo, Belial, kahit narito tayo sa bahay na 'to."
"Hindi ikaw ang kamahalan ko para sundi--"
"Beelzebub, pakisabi naman sa alaga mong aso na gawin ang sinasa--"
Hindi natuloy ni Edemion ang sasabihin niya ng biglang magcrack ang sahig na kinatatayuan ni Belial at may itim na usok na lumalabas dito kasabay ng pamu-mula ng mata nito.
"Gawin mo ang sinasabi ni Endemion, Belial, nabubwisit na ako huwag niyo ng dagdagan."singhal ni Beelzebub na agad ikinabalik sa normal ni Belial na humarap sa kaniya at yumuko.
" Patawad kamahalan."
"Dahil nagtraydor si Ahriman sa aking ama, malamang na alam niyang may ipapadala si tanda para kaladkarin siya pabalik sa demon realm. Gusto niya pang makipagtaguan sa akin huh? Mananatili ako sa maduming mundo ng mga tao, kailangan kong magtiis na makihalubilo sa mababang uri ng mga nilalang na 'yun, kaya pagbibigyan ko si Ahriman sa taguan na gusto niya, bwisit siyang demonyo siya!" Pahayag ni Beelzebub na ikinatayo nito sa kinauupuan niya na akmang aalis ng harangan siya ni Endemion.
"Saan mo balak na pumunta?"
"Saan pa ba? Hahanapin ko ulit si Ahriman, pag nakita ko siya susunugin ko talaga siya at ibabalik kay tanda na isang abo nalang!" Saad na sagot ni Beelzebub kay Endemion.
"Ipagpaliban na muna natin ang paghahanap kay Ahriman, ngayong araw na 'to. Kailangan nating linisin ang itobg bahay na tutuluyan natin, alam ko din naman na hindi ka sasama sa pamimili ng kailangan natin kaya after nating maglilinis, aalis kami ni Belial para mamili. At ikaw kamahalan, hindi ka aalis at magpahinga ka lang dito."
"Endemion, demonyo ako diba? Hindi uso sa akin ang pahinga, kahit pagtulog hindi naman natin ginagawa dahil hindi tayo tao! Tsaka bakit ako maglilinis sa maduming bahay na 'to, prinsipe ako Endemion, ako ang pinagsisilbihan!" singhal ni Beelzebub na ikinabuntong hininga ni Endemion.
"Pero sa mga oras na 'to at sa mga araw na mananatili tayo dito, sa mga mata ng mga tao, kagaya nila tayo. Isa pa, dahil nasa anyong tao tayo, sa mundong ito hindi ka prinsipe. At dahil maaring matagalan tayo dito, maging mabait ka sa mga makakasala---"
.
"Nagpapatawa ka ba Endemion?! Demo--"
"Alam ko, pero tao tayo ngayon. Maglinis na tayo, mahal na prinsipe." putol na saad ni Endemion bago iniwan si Beelzebub para magsimula ng maglinis ng bahay nila na pigil ang inis ni Beelzebub sa mga sinabi ni Endemion.
"Naiinis ako Belial!"inis na ani ni Beelzebub sa kaniyang alaga na nakatingin sa kaniya.
"Maglilinis na po ba tayo, kamahalan?" inosenteng tanong ni Belial na napipikong marahas na napabuga nalang ng hangin.
"Endemion saan kami maglilinis?!" sigaw na singhal ni Beelzebub na walang magagawa kundi sundin si Endemion.
SAMANTALA, pagsapit ng gabi ay nanatili parin si Rana sa basement kung saan siya kinulong ng kaniyang tiyahin. Hindi nga siya dinalhan ng pagkain kaya nararamdaman niya na ang uhaw at gutom pero alam niyang wala siyang magagawa.
Nilalamig na din siya at alam niyang hindi siya makakatulog ng ayos dahil sa lamig, wala siyang higaan, kumot at unan at malamok din sa lugar, pero masasabi ni Rana na sanay na siya sa ganitong set up, lalo na pag napag-initan na siya ng kaniyang tiyahin.
Nakasandal lang si Rana sa pader ng basement ng mapaayos siya sa pagkakaupo niya ng marinig niya ang pintuan na nagbukas. 
"Sino 'yan? Tiya palalabasin mo na ba ako?" saad na taning ni Rana ng marining niya ang yabag na papalapit sa kaniya.
"Tiya?"
"Ako 'to Ate Rana."
"Michelle?" Kunot noong tanong ni Rana ng may humawak sa dalawang kamay niya.
"Ate Rana, naawa na ako sayo at sa ginagawa nina nanay. Narinig ko sila sa may sala, may isa silang lalaki na ipapakasal sayo para makuha ang pera mo. Ako ang nahihiya sa ginagawa ng pamilya ko sayo kaya itatakas kita dito."saad nito na tinulungan siyang tumayo.
"Pero Michelle, magagalit sayo si tiya pag ginawa mo 'to?"
"Alam ko, pero ayoko ng ipagpatuloy nila ang ginagawa nila sayo. Naging mabait si Tito Jose sa amin kaya hindi ko alam bakit ginagawa sayo 'to ni nanay. Halika na ate Rana." saad ni Michelle na inalalayan na siya palabas ng basement.
Nag-aalala si Rana hindi para sa kaniyang sarili, kundi para kay Michelle sa oras na malaman ng ina nito ang ginawang pagtulong sa kaniya para makalabas siya ng basement.
"Michelle, hindi mo kailangang gawin 'to..."
"Kailangan kong gawin ate Rana."
"Pero saan ako titira kung aalis ako?" saad ni Rana habng inaalalayan siya ni Michelle na sa tingin niya ay nakalabas na sila sa bakuran ng bahay ng kanilang tiyahin.
"Hindi ko alam ate, pero kailangan kitang maitaka---"
"RANA, MICHELLE!"
Parehas na natigilan sina Rana sa malakas na sigaw na kanilang narinig, sa tingin nila ay nalaman na ng mga iti ang pagtakas nila.
"Michelle..." ani ni Rana na mas binilisan ni Michelle ang paghila sa kaniya.
Tanging si Michelle lang ang umaalalay sa kaniya sa daan, at hindi niya alam kung nasaan na sila. Napapagod na siya sa kakatakbo, at hinihingal na rin siya.
Naramdaman niya ang pagliko nila ni Michelle na ikinadapa ni Rana dahilan upang paluhod itong bumagsak sa kalsada na bahagya niyang ikinangiwi dahil alam niyang nagasgasan ang tuhod niya.
"Ate Rana!" sambit ni Michelle na agad nitong ikinalapit sa kaniya.
"Hindi tayo makakatakas, Michelle, bulag ako at magiging mahirap sayo na alalayan ako." ani ni Rana.
"Ate kailangan mong lumayo, pipigilan ko sina nanay. Alam ko mahirap dahil wala kang makita pero tumakas ka na ate." ani ni Michelle na umalis na para iwan siya.
Hindi alam ni Rana kung anong gagawin niya, hindi niya alam kung saan siya dinala ni Michelle, dahan-dahan siyang tumayo kahit kumikirot ang tuhod niya ay pakapa-kapa siya sa hangin at dahan-dahan hinahakbang mga paa nang matalisod na naman siya na ikinabagsak niya sa semento, habang naririnig niya ang mga boses na papalapit sa kaniya, kasama ang boses ni Michelle na pinipigilan ang ina.
"H-Hindi ko kaya, anong magagawa ng isang bulag na gaya ko para tumakas?" Hopeless na ani ni Rana ng may marinig siyang bumagsak di kalayuan sa kaniya.
"Sino 'yan?"
"Aish! Kayong mga tao, para kayong mga basura, pakalat-kalat." ani ng isang boses na pamilyar sa pandinig ni Rana.
"K-kung sino ka man, pwede mo ba akong tulungan? K-kailangan ko lang tumakas?" lakas loob na paghingi ng tulong ni Rana.
"Hindi ako matulungin, wala 'yan sa ugali ko. Tama si Endemion, hindi na dapat ako lumabas." saad nito na may rinig pakiramdam niya iniwan na siya ng pamilyar na boses na narinig niya, nang marinig niya ang boses ng tiya niya na malapit na sa kinalalagyan niya na naluluhang ikinapikit niya.
Alam niyang wala naman siyang magagawa kaya, hinintay nalang niya na makalapit ang kaniyang tiyahin sa kaniya at ibalik siya sa basement at saktan. Nang magulat siya ng may bumuhat sa kaniya, na ikinahawak niya sa leeg ng kung sinoman ang kumarga sa kaniya at malakas na hangin ang naramdaman niya habang naririnig niya ang boses ng kaniyang tiyahin malapit na sa kaniya.
"Nasaan si Rana, Michelle?!" rinig ni Rana na sigaw ng kaniyang tiya na hindi niya alam bakit hindi siya nakikita nito.
"Bak--"
"Itikom mo nalang ang bibig mo tao kung ayaw mong makita ka nila." sambit na ani ng pamilyar na boses kay Rana ng mas mapakamit siya leeg nito ng pakiramdam niya ay umalis sila sa pwesto nila.
Hindi makapagsalita si Rana ng ilang minuto hanggang sa ilapag siya ng may karga sa kaniya na ikinadaing niya sa pagkakabagsak ng pwitan niya sa sahig.
"Ang sakit..." daing ni Rana ng makarinig na siya ng sunod-sunod na rant di kalayuan sa kaniya.
"Tinulungan ko ba siya?! Bakit ko tinulungan ang taong 'to! Aaarghh! Tangan demonyo ako, hindi ako matulungin na demonyo!" angal na rinig ni Rana na ikinalingon niya sa likuran niya dahil doon niya naririnig ang boses nito.
"Sa-salamat sa pagtulo--"
"Hindi kita tinulungan! Huwag mong babanggitin 'yan dahil hindi kita tinulungan!"putol na singhal nito ng maalala na ni Rana ang pamilyar na boses nito na bahagya niyang ikinangiti.
" Sa tingin ko nagkabungguan na tayo kanina lang, pamilyar ang boses mo. Ikaw 'yung masungit na nakabungguan ko diba?"ngiting ani ni Rana na rinig niyang ikinaingos nito.
"Tss! Anong nginingiti-ngiti mo diyan, tao?"
"Mabait ka pal---"
"Ahhhhh! Hindi ako mabait, tangna demonyo ako! Walang demonyo na mabait! Ulitin mo pa ang salita na 'yan susunugin kita!"
"Pero mabait ka naman talaga kasi tinulu---"
Hindi natuloy nito ang sasabihin niya ng marinig niyang naiinis na umangal na naman ito, na hindi alam ni Rana kung bakit natutuwa siya sa nagligtas sa kaniya.

Book Comment (203)

  • avatar
    Edgar Llamido

    good good

    12d

      0
  • avatar
    Floramay Salvo Becaoco

    nice story

    12d

      0
  • avatar
    BercesJizzel

    I love it. Naturally imagination

    18d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters