logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6: Pag dududa

"Hi! diba sabi ko sayo ay magkikita tayong muli pag buhos ng ulan." Nasa harapan ko na ngayon ulit ang babaeng ilang araw ko na ring inaasam na muling makita.
Muli ko na namang nasilayan ang kanyang magandang ngiti. Ngiti na punong puno ng bagong pag asa at pagmamahal. Si Rain ay nandito na sa aking harapan.
Hawak ng isang kamay nya ang nakabukas nyang itim na payong at ang isang kamay naman neto ay nakapigil sa aking wheelchair. Tulad ng dati ay naka puting bestida na naman to at naka pulang lipstick. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan nya ako.
"Tara! dun tayo sa kwarto mo." Matamis na ngiti neto sa akin."
"Huh? si sige tar tara pasok ka." Medyo nauutal ko pang sabi.
"Doon ako ulit dadaan sa bintana mo." Nagulat ako sa sinabi nya dahil bakit sa bintana neto gustong dumaan?
"Bakit hindi ka na lang dito sa pintuan namin dumaan para mapakilala kita sa mama ko." Sabi ko sa kanya.
"Ayoko Grae nahihiya ako sa mama mo. Saka mas gusto kong dumaan sa bintana . Ano? punta na ako sa may bintana ng kwarto mo ha. Hintayin kita dun."
Mabilis na nawala sa aking harapan si Rain. Naiiling na napakamot na lang ako sa ulo ko. Naweweirduhan man ako sa kanya ay agad naman na akong pumasok sa aming bahay.
"Grae anak, bakit nagmamadali ka?" Nag tatakang tanong ni mama pagkakita nya sa akin.
"Umuulan na po kasi sa labas ma." Agaran kong tugon sa kanyang tanong.
"Hala! nabasa ka ba? Pasensya na anak at hindi ko namalayan na umuulan na pala." Hinging paumanhin sa akin ng aking mama.
"Ayos lang po ako ma. Hindi naman po ako nabasa. Sige po ma pasok na po ako sa kwarto ko." Nagmamadali kong sabi dahil nagaalala na ako kay Rain. Panigurado kanina pa yun nasa tapat ng bintana ng kwarto ko at baka mamaya ay basa na yon.
Kaagad akong pumasok sa aking kwarto at inilock ang pinto . Baka kasi biglang pumasok si mama eh mahirap na. Baka mamaya ay makita niya si Rain at kung ano pa ang isipin.
Nagmamadali kong binuksan ang bintana ng aking kwarto at hindi nga ako nagkamali nandun na nga siya. Agad ko siyang pinapasok at pinadaan sa aking sliding window. Pumasok naman kaagad si Rain pagkabukas ko neto.
"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at dito mo gustong dumaan? Kakaiba ka talaga para kang si." Napatigil ako sa gusto kong sabihin.
" Parang sino Grae?" Makahulugang tanong naman nya sa akin.
"Wala. Bakit nga ngayon ka lang nagpakita at bakit dito mo gustong mag usap?" Medyo naiinis kong tanong dahil naalala ko na naman si Marie sa kanya.
"Ooops, dami mo namang tanong. Isa- isa lang ok." Natatawang sabi niya sa akin. Yun na naman ang maganda nyang mga mata na parang nakatawa din.
Ngunit natigilan ako dahil nung huli ko siyang nakita ang alam ko ay kulay itim ang kulay ng kanyang iris. Pero ngayon ay kulay brown na to sa aking paningin. Natigil ako sa aking pag iisip ng muli tong magsalita.
"Diba sabi ko sayo ay magkikita tayong muli pag umulan."
"Eh bakit nga pag umuulan, anong meron sa ulan? Saka wala ka bang pasok ngayon?" Sunod-sunod ko na namang tanong sa kanya. Natatawa si Rain sa mga sinasabi ko. Napakaganda talaga ng pagtawa nya para bang musika ito sa aking pandinig.
"Ok, sasagutin ko na yung mga tanong mo. Kaya hindi ako nagpapakita sayo pag maaraw dahil may pasok ako. Kaya pag umuulan naman ay hindi ako pumapasok sa school dahil." Bitin neto sa kanyang sasabihin.
"Dahil ano?" Naiinip kong tanong sa kanya.
"Dahil baka dumami ako. Hahaha." Malakas nyang tawa.
"Puro ka kalokohan." Natatawa na rin ako na naiiling sa sagot niya.
"Ayoko lang pumasok pag umuulan. Nagkakasakit ako pag ganun ang panahon eh. Kaya naisipan ko na dito na lang ako pupunta. At may favor pala ako sayo ha."
"Ano un?" Putol ko sa sasabihin nya.
"Sikreto na lang nating dalawa na nagkikita tayo. Ayoko kasi na may makaalam. Gusto ko may secret tayong dalawa. Kaya mag pinky swear tayo." Naguguluhan man ay nakipag pinky swear na lang ako sa kanya.
"Para kang bata ang dami mong alam may pa secret at pinky swear ka pa." Sabi ko sa kanya na agad naman netong kinangiti.
"Pag hindi ka tumupad sa pangako mo ay hindi mo na ako muling makikita." Seryosong banta nya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ako tinablan ng banta nya. Parang may part ng pagkatao ko na nagsasabing kailangan ko pa syang makita. At may part din ng isip ko na nagsasabing malulungkot ako pag hindi ko sya muling masilayan.
Agad kong tinaboy sa aking isipan ang huli kong naisip. Bakit naman ako malulungkot kung hindi ko na sya muling makikita. Bulong ko sa aking isip.
" Sige payag ako. Secret natin na nagkikita tayo at mag uusap sa kwarto ko." Yun ang lumabas sa aking mga labi.
Sa labis na katuwaan ni Rain ay nayakap ako neto.
"Yehey! sabi pa neto sa akin." Agad akong natigil dahil sa amoy ng pabango nya. Amoy vanilla eto. Amoy na gustong gusto ni Marie.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahilan para tanggalin ko ang pagkakayakap nya sa akin.
"Sino ka bang talaga huh?" Tanong ko na may kasamang pagdududa sa kanya. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagkabigla.
"Sino ka ba at bakit pati amoy ni Marie ay ginagaya mo?"
Author's note:
Sino nga ba talaga si Rain? Mukhang nagkakaroon na ng munting lugar si Rain sa puso ni Grae. Kaya abangan lang mga ka Novelah ang susunod na kabanata.

Book Comment (280)

  • avatar
    Desiree Figares

    so beautiful ❤️

    3d

      0
  • avatar
    Zhally Libunao

    Magaganda ang mga binasa ko

    11d

      0
  • avatar
    Hazell Hazell

    Soo good

    16d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters