logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4: Si Rain sa tag-ulan

Grae's P.O.V.
Nabahala akong bigla sa nakita kong lungkot sa mga mata ni Rain.
"Bakit bigla kang nalungkot dyan?" Tanong ko sa kanya.
"Naalala ko kasi si Marie. Dati ko siyang kaibigan sa cheering squad Grae." Nagulat ako sa sinabi neto dahil hindi ko siya napapansin sa cheering squad nila Marie dati. Ang dati ko kasing nobya yung captain ng squad nila.
"Hindi kita napapansin dati." Turan ko sa kanyang sinabi.
"Alam ko, kasi nga si Marie lang ang lagi mong nakikita. Sa kanya lang umiikot ang mundo mo." Nakangiti na muling wika neto.
"Pano mo nga ulit nalaman na mas nalulungkot ako pag umuulan." Naaamazed ko na tanong sa kanya.
"Kasi nga siguro magiisang taon na kitang naoobserbahan." Sagot neto sakin.
"Saka magiisang taon na kami dyan sa tapat nyo. Bibihira ka lang lumabas at mukhang wala kang pakialam sa paligid mo, kaya hindi mo siguro alam na may nakatira na pala sa tapat nyo." Mahaba pang turan neto sakin.
"Umuulan kasi nun nang mangyari ang aksidente samin ni Marie." Namalayan ko na lang na kwento ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong bumubulong sa akin para magkwento dito kay Rain.
"Nakikipagbreak kasi si Marie sakin nun at hindi ko matanggap. Dahil sa galit ko binilisan ko pa ang pagdadrive. Huli na ang lahat dahil hindi ko na nakita yung kasalubong namin na truck."
Humahagulhol na pala ako habang nagkukwento sa kanya. Dahil sa unang pagkakataon may nakakwentuhan ako tungkol kay Marie. Kahit sa dati kong malalapit na kaibigan at barkada hindi ako ngkukwento sa kadahilanan na ayokong mapag usapan ang bagay na yon.
Nagulat na lamang ako ng may pumupunas na pala sa mga luha ko. Napatigil ako sa pag iyak at nakita ko si Rain na umiiyak na rin. Parang ramdam na ramdam nya ang sakit na nararamdaman ko. At namalayan ko na lang na lalong lumakas ang ulan na dinig na dinig sa aking kwarto.
"Sorry hindi ko dapat naikwento yun." Hingi kong paumanhin sa kanya.
"Ayos lang yun. Hindi bat mas gumaan ang pakiramdam mo."
Natigilan ako sa sinabi nya. Totoo nga na gumaan gaan ang loob ko. Nakakapagtakang medyo pumanatag din ang loob ko sa kanya. Dahil siguro hindi na ako nahiyang umiyak kanina sa harapan niya.
"Matanong ko lang bakit wala kang kaibigan na pumupunta dito or dumadalaw manlang sayo"? Tanong sakin ni Rain.
"Ako ang lumayo sa kanila." Mapait kong turan sa kanya.
"Pakiramdam ko kasi kailangan kong parusahan ang sarili ko. Pakiramdam ko na wala akong karapatang sumayang muli."
"Hindi ka naman Dios Grae upang hatulan ang sarili mo. Hindi mo ba naiisip na baka nahihirapan si Marie sa kabilang buhay dahil pinarurusahan mo ang sarili mo." Nagulat ako sa sinabi nya. At sa pagkakataon na yon nasilayan kong muli ang maganda nyang ngiti. Ang ngiti nyang tila nagsasabi na magiging okay din ang lahat.
Pamilyar sa akin ang ngiti na yon ang ngiting nagsasabi sa akin na kaya mo yan. Huwag kang susuko Grae. Hindi ko lang maalala kung kanino ko nakita ang ngiti na yon.
"Medyo tumila na pala ang ulan." Bigla akong natauhan sa sinabi ni Rain. Oo ngat parang tumila na ang ulan hindi tulad kanina.
"Kailangan ko ng umuwi Grae baka hinahanap na ako sa amin." Pagkawika nya agad siyang tumayo at kinuha ang payong nya na nakalagay sa gilid.
Binuksan nya ang aking bintana at lumusot dun. Bago tuluyang umalis si Rain ay bigla ulit itong lumingon tulad ng ginawa neto kaninang umaga. Kapag ginagawa nya yun ay naaalala ko si Marie sa kanya. Gawain din kasi ni Marie yun pag biglang may maaalala na sasabihin.
"Magkikita tayong muli Grae sa pagbuhos ng ulan." At tuluyan na nga etong lumakad palayo. Naguguluhan man ako sa sinabi nya ay bigla akong napangiti na naiiling.
"Para kang sira Grae, hindi ka dapat sumaya ng ganyan." Malungkot kong bilin sa sarili ko. Namalayan ko na lang na tuluyan ng tumila ang ulan. Agad ko namang sinara ang aking bintana at nagpasyang humiga na sa aking kama.
Naalala ko ang ngiti ni Rain pati na rin yung bigla bigla nyang paglingon muli bago umalis. Sabi nya kaibigan daw siya ni Marie sa cheering squad pero wala akong maalala. Sa bagay sabi nya si Marie lang ang lagi kong nakikita. Bigla akong napatigil sa aking pag iisip.
"Hindi kaya may lihim na gusto sakin yung si Rain at ginagaya nya ang mga kilos ni Marie." Kausap ko sa sarili ko na parang kinukumbinsi eto. Yun lang ang naiisip ko kung bakit ganun. Naisip ko din na obserbahan siya ulit sa muli naming pagkikita.
Alam ko may kakaiba sa kanya. Pero kahit ganun pa man na kaduda duda siya at kakaiba ang mga kinikilos, aminado naman ako sa aking sarili na parang napagaan ni Rain ang aking kalooban.
Dahil sa isiping iyon ay nakangiti na pala ako at hindi ko na namalayan na ako'y nakatulog na .

Book Comment (280)

  • avatar
    Desiree Figares

    so beautiful ❤️

    3d

      0
  • avatar
    Zhally Libunao

    Magaganda ang mga binasa ko

    11d

      0
  • avatar
    Hazell Hazell

    Soo good

    16d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters