logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata-2

Scotty Pov.
11:30 pm
Huminto ang sasakyan sa harap ng isang abandonadong gusali. Binuksan ni Greg ang pinto ng backseat kaya lumabas ako ng sasakyan.
" Tama ba ang lugar na napuntahan natin?"tanong ko habang inikot ikot ang tingin sa buong paligid. Biglang umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili na wala sa oras.
" Young Master ito po gamitin ninyo" inabot sa akin ni Greg ang isang makapal na jacket. Umiling iling lang ako hinihintay namin ang pagdating ni Jason.
" Scotty masaya akong dumating ka" isang boses ang tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita si Brian na naglalakad papalapit sa pwesto namin.
" Hindi ko papalampasin ang ganitong palabas" nakangiti kong sabi.
" Yan ang gusto ko sayo maikli ang buhay para magkulong sa isang kwarto at magbasa ng libro" aniya bago tinapik ang balikat ko.
" Anong ginagawa mo dito pumasok na tayo sa loob"
" Mauna kana hihintayin ko si Jason"
" Ahh!! ang isang dakila at mabait na anak sa umaga pero isang magaling na car racer sa gabi" pabiro niyang sabi.
" Ako ang pinag uusapan niyo" napalingon kami ng marinig ang boses ni Jason. Nang makalapit siya sa amin binatukan niya si Brian sa ulo agad naman itong nakaiwas kaya hindi siya natamaan.
" Na saan si Alden?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Naglakad ako papasok ng gusali iniwan ko sila sa labas. Kapag narinig ko ang pangalan ng lalaking yun umiinit ang dugo ko.
" Scotty hintayin mo kami" sigaw ni Jason na naglalakad sa likuran ko.
" Bakit ano ba ang nangyari?" tanong ni Brian sa kanya kasalukuyang nag uusap sila sa likod ko.
" Pwede bang tumahimik kayo" saway ko bago tumigil sa paglalakad. Itinaas ni Jason ang kamay niya habang si Brian hatalang naguguluhan sa nangyayari.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa loob. Tumigil ako ng makita ang isang lumang elevator.
" Huwag niyong sabihin na dito tayo sasakay?"tanong ko habang tinuturo ang elevator. Tumango tango naman silang dalawa pinindot ni Brian ang isang button. Biglang bumukas ang elevator napangiti lang ako ng makita ang isang tagong elevator hindi yun luma katulad ng kanina.
" Ito ang tunay na sasakyan natin pababa" paliwanag ni Brian pumasok kaming tatlo sa loob.
" Marami tayong pera hindi natin kailangan magtiis sa lumang elevator" sabi naman ni Jason nagsimulang bumaba ang sinasakyan namin.
" Ilang buwan niyo tong pinaghandaan?"
" Dalawang buwan" sagot ni Brian habang nakatayo sa tabi ko.
" Oo nga naman kapag nahuli tayo siguradong malaking scandal yun. Anong sasabihin ng mga tao na ang Presendial Son ay sangkot sa isang illegal na mga aktibidad" ngumiti lang siya at tila ba ay hindi narinig ang mga sinabi ko.
Pagbukas ng pinto maririnig agad ang malakas na hiyawan sa loob.
" Grabe pinupuri kita sa ganitong pagkakataon" sabi ko ng makita ang isang engrandeng disenyo ng buong lugar. Sa ibaba mayroong arena kung saan gaganapin ang karera.
" Okay pupunta na ako doon" sabi ni Jason bago bumaba ng makita siya ng ibang manonood mas lalong nagsigawan ang mga tao dito sa loob.
Hindi ko sila masisisi si Jason ang masasabing crowd favorite at wala pa siyang talo kapag car racing ang pag uusapan. Inikot ikot ko ang tingin sa paligid mula sa kinatatayuan ko makikita ang iba pang kilalang tao. Ang iba ay anak ng mga politiko, negosyante, artista at ipa.
Ito ang mundong ginagalawan namin mundo kung saan magagawa namin lahat ng gustuhin namin.
" Ano ang iniisip mo?" tanong ni Brian bago inabot ang isang basong alak.
"Mayroon lang pumasok sa isip ko" sagot ko bago kinuha ang binigay niyang alak.
" Ladys and Gentlemen ito ang gabi ng pinakahihintay niyong lahat" sigaw ni Ken habang nakatayo sa mataas na stage.
Isang malakas na hiyawan ang maririnig ulit kasabay ng paglabas ng usok sa stage.
" Sabay sabay nating isigaw ang mga katagang simulan na ang karera."
Isang putok ng baril ang naging hudyat ng pagsimula ng karera. Maririnig ang tunog ng mga sasakyan na nag- uunahan para makuha ang unang pwesto. Gaya ng inaasahan si Jason ang nanguguna sa karera habang sampung sasakyan ang nakasunod sa kanya. Mas lalo niyang binilisan ang pagpatatakbo ng sasakyan kaya lahat ng manonood halos hindi makahinga habang nakatingin sa kanya.
" Ang galing niya" sabi ni Brian habang nakatutok ang attensiyon sa karera.
Nanatili lang akong tahimik habang nanonood ng karera. Isang ikot nalang panalo na si Jason.
" Brian masamang balita napasok tayo" sabi ng isang lalaki na lumapit sa amin.
" Ano pambihira sigurado ka ba diyan?"
" Oo napapalibutan na tayo wala ng oras para tumakas"
Napatingin ang lahat sa pwesto namin naglakad si Brian paakyat ng stage. Mayroon siyang binulong kay Ken nagsilbing host ng karera.
" Mayroong akong masamang balita sa labas naka pwesto lahat ng mga police para hulihin tayo. Mayroon ba sa inyong naglabas ng impormasiyon tungkol sa magaganap na karera ngayong gabi?" tanong ni Ken
" Hindi namin sinabi sa kahit sino" sagot nilang lahat
" Huli na ang lahat ipagpatuloy nalang natin ang panonood ng karera. At ihanda niyo na ang pinakamagaling niyong abogado" nakangiti kong sabi lahat sila naghiwayan matapos marinig ang sinabi ko.
Lahat nanatiling kalmado at pinagpatuloy ang panood ng karera. Matagumpay na nakarating si Jason sa finish line at hinirang ng bilang undefeated champion.
Bumukas ang pinto at pumasok ang mga pulis sa loob. Lahat kami nanatiling nakatayo at nanatiling kalmado.
" Itaas niyo ang mga kamay niyo you are all under arrest" sigaw ng isang pulis.
" Brian siguraduhin may ipapaliwanag ka kay Tito Dan pagkatapos nito" sabi ko sa kanya isang makahulugang ngiti ang ginanti niya sa akin. Pinayuko kami ng mga pulis naglabas sila ng posas at hinawakan kami sa kamay.
" Sandali" isang sigaw ang nagpatigil sa kanila. May isang lalaki na lumapit sa pwesto namin.
" Nandito na siya" bulong ni Brian bago kumindat mukhang alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin.
" Huwag niyo silang galalawin kayong lahat tumayo kayo"
Kusang lumayo ang mga pulis sa amin isang matikas na tao ang nakatayo sa harap namin ni Brian. Sa unang tingin palang alam ko na na siya ang taong tagalinis ng kalat ni Brian.
" Umalis na kayo dito at sa susunod sabihan mo ako kapag may ginawa kang kalokohan" sigaw niya pero medyo pabulong ang huling dalawang salita niya.
" Maraming salamat Heneral" sagot ni Brian lumingon siya muna sa pwesto ko bago naglakad palabas.
" Mag ingat ka baka matisod ka" pabiro kong sabi biglang naglaho ang mga pulis sa buong paligid.
Pag alis nila isang malakas na hiyawan ang marinig sa loob. Bumaba ako sa arena kung saan prenteng nakasandal si Jason sa sasakyan niya.
" Hindi ko inaasahan yun" sabi niya ng makalapit ako
Lumapit din sa amin si Ken at binigay ang kanyang tropeo. Itinaas niya ang kanang kamay kasabay ng malakas na sigawan.
Kinabuksan bumalik sa normal ang lahat mabuti nalang hawak ni Brian ang mga pulis walang nakalabas na balita tungkol sa naganap na illegal race kagabi. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro sa silid aklatan napahawak ako sa puso ng biglang bumukas ang pinto. Binaling ko ang tingin kay Greg na humahangos habang may hawak na cellphone sa kanang kamay niya.
" Paunmanhin Young Master pero may kailangan kayong malaman" panimula niya habang naghahabol ng hininga.
Binaba ko ang libro na hawak ko at tinuon ang buong attensiyon sa kanya.
" Huwag kayong mabibigla pero si Master Alvin ay sinugod ulit sa hospital" sabi niya dahil sa gulat bigla akong nakatayo sa kinauupuan ko.
" Ihanda mo ang private plane aalis tayo papuntang singapore ngayon mismo"
" Masusunod po" sagot niya bago tumakbo palabas ng silid aklatan. Dali dali akong lumabas at dumeretso sa kwarto ko. Kumuha ako ng mga damit at nilagay sa maleta bago lumabas.
Habang naglalakad palabas ng bahay sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang mag alala sa kalagayan niya alam kong mayroon siyang iniindang sakit pero hindi niya yun sinasabi sa akin. Agad naming tinungo ni Greg ang paliparan sumakay kami sa pribadong eroplano para mas mabilis ang pag biyahe namin.
" Young Master huwag kayong masyadong mag alala naniniwala akong ayos lang ang kalagayan ni Master Alvin " nagsalita si Greg na nakaupo sa harap ko.
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili habang nakahawak sa inuupuan ko. Isang mainit na kamay ang dumampi sa aking balat.
" Young Master kumalma po kayo" sabi ni Greg habang hawak ang kamay ko.
" Greg hindi ko kakayanin kapag may nangyari kay Lolo" naiiyak kong sabi siya nalang ang kumkampi sa akin kapag nawala pa siya hindi ko talaga kakayanin.
Pagkatapos ng ilang minuto lumapag ang sinasakyan namin. Mabilis akong lumabas at tumakbo papunta kay Jeff siya ang tagapag-alaga ng mansyon namin dito sa singapore.
" Maligayang pagbabalik Young Master Scotty" bati niya habang nakayuko.
" Kamusta ang kalagayan ni Lolo sabihin mo sa akin na ayos lang siya" nanginginig kong sabi habang hawak ang braso niya.
" Mabuti pang si Master Alvin nalang ang kausapin niyo tungkol sa bagay na yan" sagot niya sa akin bago binuksan ang pinto ng sasakyan.
Lumingon ako sa likuran kung saan naglalakad si Greg.
" Bilisan mo diyan" sigaw ko bago pumasok sa loob. Binilisan niya ang paglalakad at pumasok na din sa kabilang pinto.
" Jeff bilisan mo ang pagmamaneho"
Pinaandar niya ang engine ng sasakyan papunta sa hospital kung saan naka confine si Lolo. Pagkahinto ng sasakyan agad kong binuksan ang pinto at tumakbo sa loob.
" Young Master hintayin mo ako" sigaw ni Greg sa akin hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo hanggang sa makapasok ako sa loob.
" Miss na saan ang hospital room ni Mr. Alvin Anderson?" tanong ko sa babae na nakabantay sa reception ng hospital.
" Sandali lang sir hahanapin ko" sagot niya bago hinahanap ang pangalan ni Lolo.
" Sir room 206"
Mabilis akong tumakbo paakyat sa taas matapos marinig ang sinabi niya. Nang makita ko ang hospital room huminga muna ako ng maluwag bago binuksan ang pinto. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kama niya nakita ko siyang natutulog habang may nakakabit na mga apparatus sa katawan niya.
" Lolo gumising kayo" sabi ko habang hawak ang kamay niya.
Bumukas ang pinto at pumasok si Greg at Jeff lumapit sila sa pwesto ko. Ibinaba ko ang kamay ni Lolo bago tumingin kay Jeff ang taong nakakaalam ng kalagayan niya.
" Jeff sabihin ang totoo anong nangyari?"
Tumingin muna siya kay Lolo bago binaling ang attensiyon niya sa akin.
" Paumanhin pero mahigpit ang bilin ni Master Alvin na huwag akong magsasalita tungkol sa kalagayan niya. Kung gusto niyong malaman ang lahat mas makakabuti kung siya mismo ang tanungin mo Young Master" sagot niya gaya ng inaasahan ko tikom ang bibig niya.
Kinuyom ko ang mga kamao habang nakaupo sa harap ni Lolo. Matagal ko na siyang tinatanong kong ano ang sakit niya pero kailan man hindi siya nagsasalita. I am upset dahil alam ni Jeff ang lahat samantalang ako walang kaalam alam kung ano ang pinagdadaanan niya.
" Young Master kumalma kayo siguradong may dahilan si Master Alvin kung bakit niya tinago sayo ang lahat" singgit ni Greg na nakatayo sa likod ko.
Tinitigan ko siya sa mata nagtataka ako kung paano niya nalalaman ang mga iniisip ko. Ilang sandali pa gumalaw ang daliri ni Lolo kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata.
" Ang mahal kong Scotty" sabi niya na nakangiti hinawakan niya ang kamay ko.
"Lolo kamusta ang pakiramdam niyo? May masakit ba sayo?" sunod sunod kong tanong habang umaagos ang luha sa mga mata ko.
" Sa tingin ko hindi maayos ang pakiramdam ko" mahina niyang sagot. Naramdaman ko na nahihirapan na siya kaya mas lalo akong kinakabahan.
" Greg tawagin mo ang Doctor" nanginginig kong sambit
" Scotty makinig ka sa akin kapag nawala ako bumalik ka sa mga magulang mo"
" Lolo huwag mong sasabihin niyan hindi ako papayag. Huwag mo akong iwan" katagang binitawan ko mas lalo kong hinigpitan ang pagkahawak sa kamay niya.
" Makinig ka mayroon akong kanser sa utak" sabi niya habang may mga luha na namumuo sa mga mata niya.
Para akong binagsakan ng langit at lupa matapos marinig yun. Humagolhol ako sa pag iyak at patuloy sa pag iling iling.
"Matagal ng may taning ang buhay ko, gusto kong humingi ng tawad sayo dahil itinago ko ang katotohanan. Ang tanging hiling ko lang sana matapos mo ang pag aaral mo at sana mapatawad mo ako"
Bigla nalang siyang bumitaw sa pagkakahawak sa akin. Tumunog ang mga apparatus na nakalagay sa katawan niya pumasok ang doctor sa hospital room at pinalabas kami sa loob.
" Lolo naririnig mo ako gumising ka" sigaw ko habang hawak ako ni Greg.
" Greg bitawan ko ako kailangan ako ni Lolo ngayon" pagpupumiglas ko.
" Young Master hindi tayo pwede sa loob" sagot niya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Siniko ko siya sa tagiliran kaya nabitawan niya ako.
Sumilip ako sa pinto para malaman kung ano ang nangyayari sa loob. Nakita ko kung paano nila sinubukang isalba si Lolo. Tumigil ang doctor sa pag revive sa kanya at tumingin sa orasan.
Napaupo ako sa sahig bago tiningnan ang relo na suot ko.
Time of death 10:30 am napahawak ako sa dibdib ng makaramdam ng hirap sa paghinga.
" Young Master" tawag ni Greg sa akin
Unti unting lumalabo ang paningin ko hanggang sa nawalan ako ng malay.

Book Comment (21)

  • avatar
    DawangOmar

    cool story

    29d

      0
  • avatar
    NgujoYolanda

    magandang kwento

    10/08

      0
  • avatar
    Angel Trisha Mae Banas

    good

    20/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters