logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 6

Kabanata 6
Patid
--
Kahit naiinis ako ay kinakabahan pa rin ako sa maaaring sabihin sa akin ni Sir Joshua. Baka pagalitan nya ako at sabihin kay Ma'am Juliette na tanggalin ako sa trabaho dahil sa ginawa ko sa girlfriend nya kaya natatakot ako. Hindi ako pwedeng matanggal rito.
Nang pumasok sya sa isang kwarto na hindi ko malaman kung classroom ba o bahay. May sofa kasi, may tv rin, may maliit na lamesita, may kusina pa sa gilid, tapos may banyo pa sa gilid.
Pero dahil sa kinakabahan ako ay hindi ko na napansin o pinagtaka pa ang lahat ng iyon. Gusto ko nalang ay ang magpaliwanag para hindi naman ako tanggalin ni Sir Joshua.
Umupo si Sir Joshua sa sofa kung saan may lalaking naglalaro sa tv habang may hawak na ps4 o kung ano man yon. Tutok lang ito sa tv na parang walang tao sa kanyang harapan.
"S-Sir, pasensya na po sa nagawa ko. Hindi ko naman po sinasadya, eh. Sya po ang unang nanakit sa akin tsaka pinagtanggol ko lang naman po si Klara. Hindi ko po talaga sinasadya," paliwanag ko.
Biglang napatingin sa akin yung lalaking naglalaro tsaka kumunot ang noo. Pero hindi ako sa kanya bumaling kundi kay Sir Joshua na blangko lang ang tingin. Bigla tuloy akong kinabahan.
"S-Sorry po talaga, Sir. Hindi na po talaga mauulit. Ayaw ko lang naman pong inaabuso nila si Klara..." nagpatuloy pa ako.
"Bakit ka nagsosorry? Akala ko ba sya ang nauna at hindi ikaw?" Ani Sir Joshua.
Napaisip ako roon. "O-Oo nga po. P-Pero baka kasi isumbong nyo ako kay Ma'am Juliette. Ayoko pong matanggal sa trabaho. Hindi ko po talaga yon sinasadya--"
"Sa susunod wag mo nalang syang patulan," humalukipkip sya at sinandal ang ulo sa sofa habang napakalaki ng pagkakabukaka ng kanyang mga hita.
"Is Klara okay?" Biglang singit noong katabi ni Sir Joshua.
Napabaling ako sa kanya. Nakababa na ang kanyang hawak kanina at naghihintay nalang sa sagot ko na para bang interesadong interesado sya.
"Uh... oo. Maayos naman sya..." nagtataka kong sabi.
"Hindi ba sya sinaktan ni Ella?"
"Hindi naman..."
Bumuntong hininga sya at tumango tango. Para bang nakahinga sya ng maluwag. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
Bumaling sya kay Sir Joshua. "Why don't you break up with Ella, Joshua? You don't even really like her," umiling iling sya at bumaling muli sa kanyang nilalaro.
"Shut up, Zil."
"You're just wasting your time on her."
Binangon ni Sir Joshua ang kanyang ulo at tumingin sa lalaking iyon na nagngangalang Zil nang nakangisi.
"You're just worried about Klara."
"I'm annoyed at Ella," pagtatama nya kay Sir Joshua tsaka bumaling rito. "She's too much. She's always bullying Klara. Naaawa lang ako sa tao."
Matunong na ngumisi si Sir Joshua tsaka bumaling sa akin. Nilapag nya sa lamesitang maliit na kaharap nila ang isang libong pera.
"Buy me snacks and pineapple juice," anya.
"O-Opo, Sir," agad kong sabi at lumapit para makuha ang pera.
"Paki bilisan," habol nya pa nang paalis na ako.
Huminto ako sa paglalakad tsaka pumikit ng mariin. "Opo, Sir," mariin ko ring sabi tsaka umalis na roon.
"Anong meron sainyo nung kaibigan ni Sir Joshua? Yung Zil?" Tanong ko kay Klara.
Lunch na at kumakain na kami rito sa cafeteria. Maraming tao at maingay ang buong cafeteria. Sobrang laki rin nito kumpara sa canteen ng dati naming school. May malaking fan din ang umiikot sa itaas at aircon pa!
Kanina pagkatapos kong sundin ang utos ni Sir Joshua ay bumalik na agad ako sa classroom. Nandoon na ang teacher nang makarating ako at medyo napagalitan dahil na-late. Nanghingi na lamang ako ng tawad at sinabi ang dahilan ko. Nagulat naman sya nang sabihin kong inutusan ako ni Sir Joshua. Doon nya nalaman na ako ang bagong personal maid ni Sir kaya naman hindi na nya ako tuluyang pinagalitan.
Pagpapakilala lang ang naganap kanina. Puro pagpapakilala. Hindi rin ako masyadong nakasabay sa kanila sa pag aaral dahil medyo late ako ng transfer. Pero may naintindihan naman ako. Kailangan ko nga lang aralin pa ang mga pinag aralan na nila noon para makasabay ako sa kanila ngayon. Medyo magiging busy ako.
Natigilan si Klara sandali tsaka kumunot ang noo. "Wala naman. Magkakilala lang kami. Bakit?"
Ngumuso ako at nag isip. Eh, bakit ganun?
Umiling ako. "Wala..." sambit ko nalang.
"Ikaw si Amora?"
Napa angat ang tingin ko sa babaeng lumapit sa aming table. Nakangiti sya at naghihintay sa isasagot ko.
Bahagya akong ngumiti. "Oo. Bakit?"
"Pinapatawag ka ni Joshua sa table nila," tinuro nya ang table nina Joshua, Ella at nung Zil sa di kalayuan. Marami pa silang kasama roon na hindi ko kilala.
Bumuntong hininga ako tsaka tumango sa babae. "Sige. Pupunta na ako."
Tumango sya at umalis na. Bumaling naman ako kay Klara nang nakanguso.
"Ano ba yan... uutusan na naman ako? Hindi ba pwedeng pakainin nya muna ako?" Busangot kong sabi.
Humalakhak si Klara. "Mabilis lang naman siguro yon. Sige na. Baka mapagalitan ka pa."
Tatamad tamad akong tumayo. "Babalik rin ako..."
Tumango sya at kumaway pa sa akin. Naglakad na ako papunta sa table ni Sir Joshua. Malayo palang ako naririnig ko na ang maarteng pagtawa ni Ella. Nakapulupot pa ang mga braso nya sa braso ni Sir Joshua habang hilig na hilig rito. Umirap ako nang maalala ang nangyari kanina. Gosh. Nabubwisit na tuloy ako sa pagmumukha ng Ella na to.
"Ano po yun, Sir?" Tamad kong tanong nang makarating sa kanilang table.
Natahimik silang lahat at napatingin sa akin. Tinignan nila akong lahat mula ulo hanggang paa. Mga kumikislap ang mata nung mga lalaking kasama ni Sir Joshua rito sa table habang tumititig sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin.
"I need a chemistry book. Ikuha mo ako sa library," sambit ni Sir Joshua.
Nakita ko ang pagngisi sa akin ni Ella. Paka hilig pa sya kay Sir Joshua na para bang pinapamukha talaga sa akin na ang anak ng may ari ng school ang boyfriend nya. Gusto kong umirap pero pinigilan ko ang sarili. Ayoko nang makagawa pa ng gulo.
Tumango ako kay Sir Joshua. "Sige po."
Umalis na ako roon at nakipag laban sa init ng sikat ng araw. Syempre tanghaling tapat kaya sobrang init. Binilisan ko na lamang ang paglalakad at paminsan minsan ay sumisilong sa mga punong nadadaanan para naman lumamig sandali ang aking balat.
Gosh. Ang init!
Nang makarating sa library at mahanap ang gustong libro ni Sir Joshua, nagstay pa muna ako roon ng ilang sandali para magpalamig. Aircon rin ang library kaya sobrang sarap sa pakiramdam ang magbasa rito. Sa susunod magbabasa ako rito kapag may time.
Nang makuntento ay nagpaalam na ako sa librarian na kukunin lang ang libro sandali at umalis na doon dahil baka mapagalitan pa ako ni Sir Joshua sa sobrang tagal ko. Nakipag laban ulit ako sa init ng araw. Halos tumakbo ako makasilong lang sa mga punong nakikita. Sanay naman na ako sa ganitong init pero hindi naman ganitong sobrang init. Gosh! Tanghaling tapat, oh!
Pawis na pawis ako nang makarating sa cafeteria. Guminhawa ang pakiramdam ko nang makaramdam muli ng lamig. Dumeretso agad ako sa table nina Sir Joshua. Nakita ko silang nagtatawanan roon maliban kay Sir Joshua na seryoso lang ang paningin habang kumakain.
"Eto na po, Sir," hinihingal ko pang sabi habang nilalagay sa kanilang table ang libro.
Kinuha ko yon ni Sir Joshua at tinignang mabuti. Tumango tango sya nang makitang tama ang nakuha ko.
"Oh, I forgot. May isa pa pala akong kailangan," ani Sir Joshua na nagpairita sa akin.
Sinasabi ko na nga ba, eh. Hindi ito makukuntento sa isang utos lang, eh. Kainis naman!
"Ano po yun, Sir?" Tanong ko na lamang.
Tandaan mo, Amora. Kahit alam mong pinapahirapan ka lang nyan, wala ka pa ring karapatang magreklamo. Wala.
"I need a book of geometry too," anya.
Tumango ako at hindi na sumagot. Umalis na lamang ako roon. Sumenyas ako kay Klara na lalabas ulit. Ngumuso sya at tumango na lamang. Alam kong alam nyang marami na namang utos si Sir Joshua.
Mas tumindi ang init kumpara kanina. Napapaso na ang balat ko sa sobrang init. Gusto kong maiyak dahil baka umitim ako. Hindi ako pwedeng umitim. Gosh! Yumg kutis ko! Hindi pwede!
Huminto ako sa isang puno tsaka naghabol ng hininga dahil tumakbo ako papunta rito.
Grabe. Hindi ko talaga inaasahan na ganito ang mangyayari sa akin pagkarating ko rito. Akala ko magiging maayos lang ang pagtatrabaho at pag aaral ko, hindi pala.
Pero wala, eh. Kailangan ko ang trabaho na to kaya kailangan kong magtiis. Gagawin ko to para kina Mama at Amara. Hindi na sila pwedeng mahirapan pa.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa library. Pagod na pagod ako nang makarating ako roon. Para na naman akong nahimasmasan sa sobrang lamig ng library. Init lamig na ang nangyayari sa akin.
Huhu. Sana naman last na to.
Hinanap ko ang gustong libro ni Sir Joshua roon. Medyo nahirapan ako sa paghahanap dahilan para matagalan ako. Sobrang laki naman kasi ng library na ito.
Nagpaalam ulit ako sa librarian na kukunin ang libro tapos umalis na roon. Huminto ulit ako sa isang puno at nagpahinga roon. Napangiti ako nang umihip ang malakas na hangin dahilan para lumamig ang nag iinit kong balat.
Kahit papaano naman pala ay may pakialam pa rin sa akin si nature. Hindi nya talaga ako pinapabayaang mahirapan ng todo.
Mas lalo akong napangiti.
Pagkatapos ng ilang sandaling pagpapahinga ay dali dali na akong bumalik sa cafeteria. Ang pawis na nawala na kanina nang magpahinga ako ay muling bumalik. Gosh. Nagagawa nga naman ng init.
Nilapag ko sa table nina Sir Joshua ang librong hiniling nya. Kinuha nya muli iyon at tinignan nang mabuti kung tama ba.
"Eww. Sobrang pawis mo naman. Lumayo ka nga ng kaunti. So disgusting..." maarteng sinabi ni Ella sa akin.
"Oo nga. We're eating, oh..." anang isang babae.
"Ella, Rian, stop it," pagbabawal ni Zil sa dalawa.
"We're just being honest here, Zil," ani Ella. "Kumakain tayo tapos tumutulo ang pawis nya. Nakakadiri lang."
"Hindi naman tumutulo ang pawis nya sa pagkain mo kaya tumigil ka na."
"Why are you being so mean to me everytime we are together? I'm just saying the truth!"
"You're being too much, Ella. Walang ginagawang masama sayo yung tao."
"Nakakadiri nga kasi sya!"
"Stop!" Binagsak ni Sir Joshua ang libro dahilan para bahagyang umangat ang balikat ko sa gulat. Nagulat rin ang iba at natahimik. "Nasa harap tayo ng pagkain. Stop being so immature," inis nyang sabi tsaka bumaling sa akin. "You can leave now."
"O-Opo, Sir..." sambit ko at humakbang na paalis.
Ngunit hindi pa man ako nakakadalawang hakhang ay may pumatid nalang bigla sa akin dahilan para bumagsak ako sa sahig at maramdaman ang pag gasgas ng aking tuhod. Impit akong napadaing at napapikit sa sakit.
Nangibabaw agad ang tawanan.
"Ella!" Galit na usal ni Zil tsaka lumapit sa akin at tinulungan ako. "Are you okay?"
Tumango ako. "A-Ayos lang. Salamat..."
"Why did you do that?!" Singhal ni Zil kay Ella.
"She deserves it! Nakialam sya sa akin kanina! Ano ba, Zil? Masyado ka namang nagiging maaawain sa mga maid lang naman! Let her go!"
"Shut up, Ella!" Singhal ni Zil na ikinagulat ko.
Tinulungan nya akong tumayo. Nahihirapan man dahil sa sakit ng katawan ay pinilit ko pa ring tumayo dahil marami na ang nagbubulungan at may naririnig pa akong sobrang arte ko daw dahil hindi naman ganon kalakas ang pagkakabagsak ko. Bumuntong hininga na lamang ako ng makatayo na.
"May sugat ka sa tuhod," ani Zil. "Gusto mong gamutin ko yan? May first aid kit sa tambayan namin ni Josh."
Umiling ako. "H-Hindi na. Maliit lang naman na sugat yan. Kaya ko na."
"Are you sure?"
Tumango ako.
"Gosh, Zil! Talagang tinutulungan mo pa yang babaeng yan?" Ani Ella.
"Just shut up, Ella! Wala ka rin namang sasabihing maganda kaya tumahimik ka nalang!"
Lumapit sa akin si Klara at hinawakan ako sa braso.
"Ayos ka lang?" Nag aalala nyang tanong.
Tumango ako. "T-Tara na..."
"Are you sure you're okay?" Tanong muli ni Zil.
Tumango ako. "Ayos na talaga ako. Salamat..."
Hinila ko na si Klara paalis roon. Sobrang sakit ng katawan ko pero pinilit ko pa ring maglakad ng maayos. Naiiyak ako sa isiping pinagtawanan ako ng marami at sinabihan pang maarte kahit sobrang sakit naman talaga ng pagkakabagsak ko. Naiiyak ako sa ganoong kasimpleng bagay lang. Naiiyak ako sa mga bagay na hindi naman na dapat pinapansin pa.
Napahiya ako.
Kinuha ko ang gamit ko sa table namin ni Klara. Agad na rin nyang kinuha ang sa kanya. Nakita kong ubos na nya ang kanyang pagkain kaya naman inaya ko na syang umalis roon. Wala na akong pakialam kung hindi ko pa nauubos ang pagkain ko. Gutom pa ako pero baka hindi ko na mapigilan ang mga luha ko kaya mas mabuti pang umalis na lamang ako rito.
Natatakot akong mapagtawanan muli.

Book Comment (97)

  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    17d

      0
  • avatar
    Jhon Cedric Cape

    it's so good

    22d

      0
  • avatar
    AlamanAira

    A high qualite

    15/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters