logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 2

Kabanata 2
Pahirap
--
Mga nakabusangot ang mukha nina Mama at Amara habang iniimpake ang mga gamit ko. Nakanguso pa si Mama kaya halos matawa ako. Pinigilan ko lang dahil baka magalit sya sa akin.
"Anong mga mukha yan?" Natatawa kong tanong. "May patay?"
Nag angat ng tingin sa akin si Amara at matalim akong tinignan. Humalakhak ako at umupo na rin sa sahig kung saan sila nag iimpake.
"Uuwi rin naman ako. Para namang mga ano to!"
"Alagaan mong mabuti ang sarili mo doon. Wag mong pagurin masyado ang sarili mo para makapag aral ka ng maayos. Kumain ka sa tamang oras at kumain ka rin ng madami para tumaba ka na. Maligo ka araw araw. Walong tubig rin sa isang araw ang dapat mong inumin. Wag kang makikipag away. Makipag kaibigan ka sa lahat ng magiging kaklase mo. Humanap ka ng mga kaibigan na katulad nina Thea. Magpaka bait ka..." sunod sunod na sabi ni Mama.
Ngumiti ako, halos matawa. "Gagawin ko lahat yan, Ma. Wag na kayong mag alala. Wag na kayong malungkot. Hindi ko papabayaan ang sarili ko, promise."
Nag angat sya ng tingin sa akin. Nangingilid na agad ang mga luha nya. Napaka iyakin nya talaga.
"Bumalik ka dito buwan buwan..." dagdag nya.
Ngumiti ako at niyakap sya, silang dalawa ni Amara.
"Mag iingat talaga ako..."
Dumating ang mga kaibigan ko noong paalis na ako. Natawa pa ako dahil mga mukha pa silang nagmadali. Hindi rin maayos ang mga itsura nila. Si Thea lang ang maayos at kanina pang nandito dahil malapit lang ang bahay nila sa bahay namin.
"Gosh! Nahuli tuloy tayo dahil sayo. Paalis na tuloy si Amora!" Ani Bea kay Joy.
"Sorry. Hindi ako nakapag alarm," ani Joy.
Humalakhak ako. "Wag na kayong mag away. Ang mahalaga naabutan nyo yung dyosa."
Ngumuwi sila sa sinabi ko.
"Please lang, Amora. Wag ngayon," ani Pearl at inirapan ako.
Humalakhak ako at lumapit na sa kanila para mayakap silang lahat. Nasa harap na namin ang itim na van na medyo iba sa ginamit ni Mrs. Salvador kahapon. Nakabukas na rin ang pintuan noon at nasa tabi noon ang isang bodyguard na naghihintay sa pagpasok ko.
Ngumiti ako sa mga kaibigan ko. "Uuwi ako sa pasko."
"Magbabakasyon naman kami sa ibang lugar!" Ngumuso si Bea.
Ngumiti ako. "Magkikita pa naman tayo. Para nyo naman akong ginagawang patay nyan. Babalik rin ako!"
Ngumuso sila at muli akong niyakap.
"Mag iingat ka don, ha?" Si Sofia.
Tumango ako.
Niyakap ko rin sina Mama at Amara. Umiiyak na si Mama kaya niyakap sya ng mga kaibigan ko. Si Amara naman ay seryoso lang ang mukha pero nababasa sa kanyang mga mata ang kalungkutan.
Napangiti ako. Simula noong iniwan kami ni Papa, hindi na sya naging masayahin pa. Nakaka miss ang dating Amara.
Naglakad ako palapit sa sasakyan. Bumagal pa ang lakad ko dahil sumisikip rin ang dibdib kong iwan silang lahat rito. Huminga na lamang ako ng malalim para magkaroon ako ng lakas ng loob.
Humarap ako sa kanila at muling kumaway. Kumaway rin sila pabalik at pagkatapos noon ay sumakay na ako sa loob ng sasakyan. Nilingon ko sila at nginitian.
Ang mga chismosang kapit bahay namin ay nasa labas na rin at nakikinood sa pag alis ko. Ang iba ay nagbubulungan at paniguradong nagtataka sa pag alis ko habang yung iba naman ay kung ano ano na ang pinag uusapan. Bumuntong hininga na lamang ako at bumaling sa mga kaibigan at pamilya para muling kumaway.
Sinarado na ng bodyguard ang pintuan. Pagkapasok ng bodyguard sa loob ay binuksan nya ang bintanang nasa tabi ko dahilan para makita ko muli sila Mama. Muli akong ngumiti at kumaway.
"Mag iingat ka!" Sigaw ni Mama.
"Opo!"
Nang unti unti na kaming makalayo ay sinarado na rin ng bodyguard ang binatana. Bumuntong hininga ako ng ilang beses bago ngumiti at bumaling sa bintana.
Ano kayang mangyayari sa akin pagkarating ko roon? Magiging mabait kaya sila sakin? May magiging kaibigan kaya ako roon? Mabait ba ang magiging amo ko? Marami kaya akong magiging kaibigan sa bago kong papasukang school? Ano na ang sunod na mangyayari sakin?
Muli akong bumuntong hininga at hindi na muna inisip ang mga bagay na yon. In-enjoy ko nalang ang mga nakikita kong tanawin sa labas. Mga puno, gusali, mga bahay at mga taong hindi na pamilyar sa akin. Medyo nakalayo na kami.
Sa Laguna kami pupunta dahil doon ang bahay ng mga Salvador. Marami na akong nalaman sa kanila nang dahil sa mga kaibigan ko. Sana lang ay mababait talaga sila. Nang sa ganon ay madali ko lang matutulungan sila Mama at Amara.
Pero sabi nga nila, lahat ng bagay, kailangang nagiging mahirap. Dahil kung madali mo lang magagawa ang mga bagay, hindi yon magiging masarap sa pakiramdam.
Nakatulugan ko ang mga pinag iiisip ko. Nagising nalang ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan.
"Nandito na tayo," anang bodyguard.
Kinusot ko ang mata ko at dinilat ang isang mata. Naaninag ko ang isang bahay na hindi ko pa masyadong makita dahil nasa loob ako ng sasakyan.
Kinuha ko ang bag ko sa aking tabi at sinakbit iyon sa aking balikat. Bumaba ako ng sasakyan at napanganga nang makita ang napaka ganda at napaka laking bahay. O sabihin na nating mansyon!
Namilog ang mga mata ko. Titira ako dito?
Gosh! Ang laki namang bahay nito!
"Dito tayo," anang bodyguard at nilahad sa akin ang papunta sa kanilang bakuran.
Maraming tanim na bulaklak at halaman ang bakuran nila. Iba't ibang mga bulaklak ang makikita. Namangha ako sa kagandahan noon. Siguradong napaka hilig nila sa mga bulaklak.
Isang matandang lalaki ang nandoon, may hawak syang hose at dinidiligan ang mga halaman. Lumapit ako sa matanda para bumati.
"Magandang umaga po!" Bati ko.
Natigil sa pagdidilig ang matanda at napabaling sa akin. Hindi pa naman sya ganon katanda, nakakakilos pa naman sya ng maayos at malaki pa ang katawan.
"Magandang umaga rin, hija. Ikaw ba yung bagong kinuha ni Ma'am Juliette na kasambahay?" Anya.
"Opo," ngumiti ako. "Ako po pala si Amora," naglahad ako ng kamay.
"Mang Benjo ang tawag nila sakin," tinanggap nya ang kamay ko. "Aba'y mukhang kailangan mo munang magpahinga sa mahabang byahe. Sumama ka na sa bodyguard."
Napatingin ako sa bodyguard na naghihintay sa akin pagkatapos ay ngumiti ako kay Mang Benjo at tumango.
"Sige po! Magandang umaga po ulit, Mang Benjo!" Kumaway ako tsaka sumunod na sa bodyguard na binubuksan na ang malaking pintuan ng mansyon.
Pati sa pintuan ay namangha ako. Kulay brown ang kulay nito at bahagya pang makintab. Napaka ganda talaga ng bahay na ito.
Nang buksan na ng bodyguard ang pintuan ay namangha na naman ako sa sobrang ganda ng kanilang bahay. Kung sa labas ay maganda na, sa loob ay sobrang ganda pa. Unang pasok mo palang ay ang malaking sala na nila ang bubungad. May mga sofa, lamesita, mga paintings at isang flat sceen tv. May kulay gray at mabalbon na carpet na sumasakop sa kanilang buong sala.
May isa pang sofa sa kaliwa, hindi ko alam kung anong pagkakaiba noon pero ganon rin ang ayos. Iba lang ang disenyo ng mga sofa at kung ano ano pa. Medyo tago rin ang sala na iyon at sa tingin ko ay pwede kang matulog roon.
Sunod ko namang nakita ay ang kanilang kusina. Malayo iyon sa dalawang sala. Open rin kaya kitang kita ko kung gaano kaganda at kalaki iyon. May island bar at mga upuan sa labas. May nakita akong isang babae ngunit nakatalikod ito at nagluluto kaya hindi ko makita ang itsura.
Hindi ko naman na napuntahan yung babae dahil nilahad na sa akin ng bodyguard kung saan ako dapat pumunta. Sumunod na lamang ako.
Napatingin ako sa itaas kung saan may napaka laking chandelier. Sobrang nagliliwanag ito at ito yata ang nagpapaliwanag sa buong bilong na ibaba.
Naglakad pa kami ng ilang hakbang at napanganga nang makita ang grand staircase nila. May pulang carpet sa gitna noon at talagang napaka ganda! Ni hindi ko maalis ang paningin ko roon sa pagkamangha.
Sa likod ng malaking hagdan na iyon ako dinala ng bodyguard. May dalawang pintuang magkatabi roon na hindi ko alam kung anong kwarto.
"Dito ang kwarto ng nga maids. Dito ang magiging kwarto mo," anang bodyguard tsaka binuksan ang pang unang pintuan. "Mamaya pa uuwi si Ma'am Juliette kaya mas mabuting magpahinga ka na lang muna."
Tumango ako. "Sige po. Salamat po..."
Tumango sya at naglakad na paalis. Nalibot ko ulit ang paningin ko. Puro paintings lang naman ang nakikita ko ngunit namamangha pa rin ako.
Lumapit ako sa pintuan na binuksan nung bodyguard at sinilip ang loob. May isang double deck sa pinaka gilid noon. May dalawang closet rin na mukhang sa ibang mga maids. Marami ring paintings. May malaking bintana naman sa gitna at sa pinakagilid noon ay ang isang single bed. Sa tabi noon ay may closet na hindi naman ganoon kalaki pero ayos na para sa isang tao. May drawer rin sa gilid at may lamp pang nakalagay.
Nakanganga akong pumasok roon at nilibot pa ang paningin.
Whoa! Ang ganda naman dito! Magiging kwarto ko ito? Sino namang makakasama ko?
"Uh.. hi?" Isang boses ang narinig ko sa aking likod.
Napaharap ako sa kung sino man ang nandoon at nakita ang isang babaeng nakabihis na pang maid. Naka ponytail ang kanyang buhok at may pawis rin sya sa kanyang noo. Maganda sya. Kung hindi lang sya naka bihis na pang maid ay aakalaing kong isa sya sa anak ni Mrs. Salvador.
"Hi!" Ngumiti ako agad.
Ngumiti sya. "Kung ganon ikaw yung bagong maid," naglahad sya ng kamay. "Ako si Jana. Dalawang taon na akong nagtatrabaho rito."
Agad kong iyong tinanggap. "Amora."
"Amora," ngumiti sya at nilahad ang single bed na nasa tabi ko. "Dyan ang magiging kama mo. Closet mo rin iyon at pwede mong ilagay lahat ng gamit mo roon," tinuro nya ang double deck. "Doon naman kami ng isa ko pang kasama na maid."
"Ah..." tumango tango ako at nilagay ang bag ko sa kama. Ngumiti ako sa kanya. "Salamat! Mukhang may magiging kaibigan naman pala ako rito."
Ngumiti sya at umupo sa ibabang kama ng double deck. "Katatapos kong lang magsampay ng mga damit," bumuntong hininga sya. "Magpapahinga na muna ako. Magpahinga ka na rin muna dahil ang balita ko mamaya pa uuwi si Ma'am Juliette."
Tumango ako. "Sige..."
"Hayy naku..." pagod nyang sinabi habang humihiga.
Napangiti ako at nagsimula nang ilabas ang mga gamit ko. Nakatupi ng maayos ang lahat ng iyon sa bag kaya ang kailangan ko nalang gawin ay ang ilagay iyon sa closet. Pati ang puting sapatos na dala ko ay nilagay ko roon.
Napatitig pa ako sandali sa sapatos. Nang hindi ko na nakayanan ay nilagay ko na lamang iyon sa ibaba ng closet. Bumuntong hininga ako at iiling iling na nagpatuloy sa paglalagay ng mga damit.
Bigay sa akin ni Papa ang sapatos na yon. Ang sabi nya, ilang linggo syang nagtrabaho ng mabuti para maibili ako ng napaka gandang sapatos. Halos maiyak ako dahil wala manlang akong kamalay malay na ginagawa nya yon. Napaka bait nyang ama sa amin ni Amara. At hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari kung bakit nya kami iniwan.
Inalis ko na lamang sa isipan ko ang bagay na yon. Baka mamaya umiyak ako rito ng wala sa oras.
Napangiti ako nang makitang sakto lang sa laki ng closet ang mga damit ko. Sinarado ko iyon at pagkatapos ay nahiga na sa kama. First time kong makahiga sa kama. Sobrang lambot pala nito sa pakiramdam. Ang hinihigaan lang naman kasi namin noon ay banig at sa lapag lang kami natutulog.
Grabe! Ang lambot!
Kaya naman late na akong nagising dahil sa sarap ng pagkakatulog ko. Kinusot ko ang aking mga mata tsaka tumingin sa malaking bintana. Wala nang araw at kulay dark blue na ang langit. Bumangon ako at nag inat inat. Naghikab pa ako at pagkatapos noon ay tumayo na.
Grabe, ang sarap ng tulog ko. Ang sarap palang matulog sa malambot na kama.
Nakita kong wala na si Jana sa kanyang kama. Nag inat na lamang muli ako.
Aalis na sana ako sa kwarto nang bumukas ang pintuan at bumungad ang isang babaeng hindi ko kilala. Tuwid ang buhok nyang hanggang ibaba ng kanyang balikat. May mala puppy eyes syang mga mata, matambok rin ang pisngi, maliit ngunit matangos na ilong at manipis at mamula mulang labi.
Naalala ko yung babaeng nakita ko kanina sa kusina. Sya yon! Sigurado akong sya yon!
Agad akong ngumiti sa kanya. "Hi!"
"Uh... hi..." mahinhin nyang pagbati. "Ikaw yung bagong maid?"
"Mmm!" Tumango ako. "Ako si Amora. Ikaw si?"
"Klara..." ngumiti sya.
Ngumiti ako. "Ikaw pala yung isang kasama ni Jana. Tatlo lang tayong magiging maid rito?"
Tumango sya at naglakad papunta sa kanilang double deck. "Mapili kasi si Ma'am Juliette sa mga kasambahay. Kapag hindi maganda ang ugali, hindi nya tinatanggap."
Napatango tango ako roon. Iyon nga ang sabi nya noong pumunta sya sa bahay.
Gosh. Mabuti nalang talaga mabait ako at maganda. Napailing iling ako.
"Magiging maid ka ba rito katulad namin? Wala bang sinabi si Ma'am Juliette na iba?" Tanong nya at umupo sa kama ni Jana.
Napaisip ako. "Hindi ko alam, eh. Ang sabi nya kailangan daw ng anak nya ng isang personal maid. Iyon lang ang alam ko..."
Tumango sya. "Kung ganon ikaw ang magiging bagong personal maid ni Sir Joshua."
"Sir Joshua?"
Tumango sya. "Sya yung anak ni Ma'am Juliette..."
"Ah..." tumango tango ako. Ngumiti ako sa kanya. "Labas na muna ako. Hindi pa ako kumakain ng tanghalian, eh. Ayos lang ba kung kakain ako?"
Bahagya syang natawa. "Oo naman. May pagkain pa naman doon sa kusina..."
Napangiti ako. "Sige!"
Lumabas ako ng kwarto at napalibot ulit ang tingin sa buong bahay. Grabe. Ang laki talaga ng bahay na ito. Hindi ako makapaniwalang nakapasok ako sa ganitong klase ng bahay. Mansyon na yata ito.
Sumilip ako sa kusina bago pumasok. Ang laki laki rin ng kanilang kusina. Kumpleto sa mga gamit at may malaki at maayos rin silang dining area. May dalawang double door ref rin sila sa magkabilang gilid ng kanilang mahabang sink.
Nakagat ko tuloy ang labi ko sa pagkalito kung saan ako pupunta para tumingin ng pagkain. Pero kalaunan ay napili ko nalang yung nasa kanan. Pumunta ako roon at binuksan iyon. Napanganga na naman ako sa dami ng pagkain nila. May gulay, mga prutas, mga ulam at iba't ibang klase ng inumin katulad ng gatas, softdrinks, juice at marami pang iba.
Nagdalawang isip akong kumuha. Gosh. Okay lang kaya kung kakain ako?
"Who are you?"
Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa kung saan. Agad agad akong napaharap sa aking likod. Nakasandal sa hamba ng pintuan ang isang lalaking seryoso ang paningin sa akin habang nakahalukipkip. Kulay puting t-shirt, itim na pantalon at puting nike shoes ang suot nya.
Napalunok ako. Ang gwapo namang nilalang nito.
"Uh... hi! Ako si Amora. Y-Yung bagong maid dito..."
"Amora?" Ngumisi sya. "You look like a thief. What are you doing there?"
"Uh..." napatingin ako sa ref na nakabukas pa rin. Sinarado ko yon at muling tumingin sa kanya. "Gusto ko lang po kasi sanang kumain. Nakatulog po kasi ako kanina at hindi nakakain ng tanghalian..." nagkamot ako ng ulo.
Tumango tango sya at naglakad papalapit sa kabilang ref. Kumuha sya ng mineral water roon at uminom. Yumuko naman ako habang iniisip kung sino sya.
Sya kaya yung Joshua na sinasabi ni Klara? Yung anak ni Mrs. Salvador? Englishero, eh. Baka sya nga?
"Kumain ka na. Aalis tayo kaya bilisan mo," anya.
"Po?" Gulat kong tanong. "Saan naman po tayo pupunta?"
"You're my maid, right? Kailangan mo akong sundin."
"Po? Ikaw si Joshua?"
"Yes."
Napakurap kurap ako at napaisip. Kung ganon sya ang magiging amo ko? Pero hindi pa naman ako sigurado. Hindi ko pa nakakausap si Mrs. Salvador tungkol rito. Malay ko ba kung may kapatid sya at iyon ang magiging amo ko? Wala kaya akong alam sa mga Salvador. Ni hindi ko nga sila kilala, eh.Tsaka paano kung saan nalang nya ako dalhin? Paano kung mapahamak ako? Lalaki pa naman sya at gosh! Paano ako magtitiwala agad sa kanya?
Pero sabi ni Jana... Joshua ang pangalan ng magiging boss ko. Ibig sabihin...
"Faster. Kailangan ko nang umalis," masungit nyang sinabi at umalis na ng kusina.
Bigla akong nataranta kaya naman binilisan ko na ang pagkilos. Naku! Baka mamaya sya pala itong amo ko tapos hindi ko sinunod.
Mabilis akong kumuha ng kanin at ulam na nakita ko. Kumain ako ng mabilis at pagkatapos noon ay uminom na ng tubig. Malakas pa akong napa dighay.
Sarap.
Dali dali na akong tumakbo pabalik sa aming kwarto. Wala na roon si Klara kaya nagbihis na lamang ako at mabilis na nagsuklay. Inipit ko ang buhok ko at pagkatapos noon ay napatitig sa sapatos na nasa closet ko. Bumuntong hininga na lamang ako at hindi na nagsayang ng oras. Sinuot ko iyon para naman hindi ako magmukhang ewan. Wala rin naman akong matinong tsinelas. Sira sira na rin ang sandals ko.
Naabutan ko si Sir Joshua sa sala, nakapanlalaking dekwatro at nagpipipindot sa kanyang cellphone habang nilalaro naman sa kabilang kamay ang kanyang susi yata sa kanyang kotse.
Tumingin sya sa akin nang maramdaman ang presensya ko.
Pilit akong ngumiti, hinihingal pa sa bilis ng kilos. "Saan po tayo pupunta?" Tanong ko.
Tumayo sya at binulsa ang kanyang cellphone. "Let's go," iyon lang ang sinabi nya.
Agad na syang umalis kaya hindi na ako nakapag tanong pa. Agad agad nalang rin akong sumunod. Nakita ko pa sa labas si Mang Benjo na kausap ang bodyguard, mukhang nagkakatuwaan sila sa kung ano man ang pinag uusapan nila.
"Magandang gabi po, Mang Benjo, manong guard!" Bati ko sa kanilang dalawa.
Napatingin sila sa akin. Ngumiti at tumango silang dalawa. "Magandang umaga rin, hija," ani Mang Benjo.
Nagtatakbo ako papunta sa kinaroroonan ni Sir Joshua. Sobrang bilis nya maglakad. Pumunta sya sa kanyang kotseng kulay itim na katabi lang rin ng van na itim na sinakyan ko kanina.
Pinatunog nya ang kanyang sasakyan tsaka binuksan ang pintuan noon at pumasok. Napahinto naman ako sa pagtakbo at hindi alam kung ano ang gagawin.
Papasok ba ako? Saan?
"Get in," ani Sir Joshua nang hindi ako gumalaw.
Lumapit nalang ako sa pintuan kung nasaan ang likuran ng sasakyan. Bubuksan ko na sana iyon nang magsalita si Sir Joshua.
"Dito sa tabi ko. Wag mo akong gawing driver," anya.
Napabitaw agad ako sa pintuan. "Ah... hehe..." pilit kong tawa tsaka umikot para pumunta sa tabi nya.
Nang makapasok na ako ay agad agad na nyang pinaharurot ang sasakyan. Nahigit ko ang aking hininga sa sobrang gulat.
"S-Sir! B-Baka naman pwede nyong bagalan--whaaa!" Napatili ako nang lumiko sya bigla at lagpasan ang sasakyang nasa harapan namin.
Ngunit ganon na naman ang pagsigaw ko nang bigla nya nalang ihinto ang sasakyan! Muntik na akong mauntog sa harapan ko kung hindi ko lang naitungkod roon ang kamay ko.
Inis akong humarap kay Sir Joshua. "Ano ba namang pagmamaneho yan? Muntik na akong mamatay!" Singhal ko.
Kumunot ang noo nya. "Wear you seatbelts. Bakit ba hindi mo suot?"
Halos mapairap ako roon. "Ang bilis bilis nyo kayang umalis! Kasasakay ko pa nga lang humarurot na agad kayo paalis!" Hinagilap ko ang seatbelts. "Gosh... napaka gandang bungad ng unang araw ko, ah? Tsh," Bulong ko pa.
Narinig ko syang tumawa ng mapakla. "Don't you know that employees shouldn't answer their boss like that? I'm your boss, obviously."
Natigilan ako roon tsaka unti unting umayos ng upo nang maikabit ko na ang seatbelt ko. Sumulyap ako sa kanya ngunit napa iwas rin agad ng tingin.
"Sorry po..." tanging nasabi ko.
Ang bilis bilis mo po kasing magmaneho. Tsh.
Naging tahimik na ang buong byahe namin. Hindi na rin ganon kabilis ang pagpapatakbo nya pero para sakin ay mabilis pa rin. Tumingin na lamang ako sa bintana para libangin ang sarili sa napaka tahimik na atmosphere.
Pero dahil nga maingay ako ay hindi ko agad nakayanan ang katahimikan.
Humarap ako kay Sir Joshua na seryosong nagmamaneho. Kinagat ko ang aking labi tsaka nagsalita.
"Saan po ba tayo pupunta, Sir?" Tanong ko.
"Mall," simple nyang sagot.
"Ano namang gagawin natin doon?"
"Magtatanim," sarkastiko nyang sabi.
"Po?" Nagulat naman ako.
Matalim nya akong tinignan. "Syempre mamimili. Ano pa bang gagawin doon?"
Ngumuwi ako. Suplado syang bumalik sa pagmamaneho.
"Ano namang mga bibilhin nyo, Sir?"
"It's none of your business."
Bumagsak ang balikat ko at ngumuso nalang. Ang sungit. Tinignan ko nalang ang mga tanawin sa labas. Tsh. Sungit.
Malaki at malamig ang mall kaya namangha ako. Marami rin ang mga taong namimili at mga mukha silang mayayaman lahat. Ang mga babaeng sa tingin ko ay ka-edad ko lang ay magaganda ang mga suot at may mga paper bags sa kani kanilang mga braso.
Sumunod lang naman ako kay Sir Joshua habang naglilibot pa rin ang paningin ko. Namamangha ako sa mga bago kong nakikita. First time ko rito at masaya na agad ako dahil napapanood ko lang ito sa tv. Ngayon nandito na ako!
Pumasok sa isang shop si Sir Joshua. Mga magagandang damit at sapatos ang nandoon. Nakanganga ang bibig kong tinignan isa isa ang mga nakalagay roon.
Grabe! Ang gaganda naman ng mga damit dito. Magkano kaya ito?
Nang makita ko ang presyo ng isang t-shirt na kulay itim ay agad akong nagulat at napangiwi nalang. Tsh. Ang mamahal naman.
Pero ang nagpatigil sa akin ay ang sunod sunod na pagkuha ni Sir Joshua ng mga damit kahit hindi nya pa nasusukat. Nakanganga ko lang syang pinanood. Pati ang sapatos ay hindi nya manlang sinukat. Kuha lang sya nang kuha at ako pa yata ang nag alala dahil baka wala syang maging pambayad dyan.
Pero pumasok sa isip ko na isa syang Salvador kaya siguro naman kaya nyang bilhin lahat yan, diba? Hindi naman siguro nya kukunin yan kung wala syang sapat na pera? Sana naman wag nya akong idamay kung magkulang sya ng pera. Gosh. Wala pa nga akong sinasahod. Tsh.
Nilagay lahat nung babaeng staff sa paper bags ang mga binili ni Sir Joshua. Kinikilig pa sya at namumula ang pisngi habang nakatingin kay Sir at nung inaabot na nya ito sa kanya ay para syang kabuteng hiyang hiya.
"Give it to her," tinuro ako ni Sir Joshua at pagkatapos noon ay umalis na sya nang walang paalam.
Natigilan ang babae at parang nanlumo. Hindi manlang kasi sya tinignan ni Sir Joshua.
Nahihiya naman akong lumapit sa kanya at nag aalinlangang inabot ang mga paper bags. Nakanguso nya iyong binigay sa akin. Ngumiti naman ako at nagpasalamat bago sumunod kay Sir Joshua na napaka bilis maglakad at nasa malayo na agad.
Nagtatakbo na lamang ako habang ang limang paper bags ay nasa dalawang kamay ko. Gosh! Mahihirapan yata ako ngayon.
Pumasok naman sya sa isang bilihan ng relo. Sumunod ako sa kanya papasok at namangha na naman sa mga panibagong nakikita. Halatang mga bago ito at puro pang mayaman! Ang gaganda. Sigurado akong mahal rin ang mga ito.
Hindi tulad kanina, tinitignan na ngayon ni Sir Joshua ang relo sa pulsuhan nya. Ang mga babaeng staffs naman ay kinikilig rin katulad nung babae kanina. Impit silang mga nagtititili. Halos lahat yata ng staffs na babae at mga customer na babae ay sa kanya na napunta ang atensyon. Ngumuwi na lamang ako at napailing iling.
Tama nga sina Bea, sikat ang mga Salvador rito sa Laguna.
Tatlo ang binili nyang relo kalaunan. Katulad kanina ay sa akin nya pinadala ang mga paper bags. Kinuha ko muli iyon sa babaeng nanlulumo dahil hindi rin sya napansin si Sir Joshua. Ngumiti ulit ako at nagpasalamat.
Sunod na pinuntahan ni Sir Joshua ay ang bilihan ng mga shorts at pantalon. Marami na namang bumati sa kanya at mga kinilig. Tamad na lamang akong naghintay sa upuan doon at binaba na muna ang mga paper bags na medyo mabigat na.
Napaka rami na naman nyang biniling shorts at pantalon kaya naman hirap na akong magbuhat habang naglalakad. Napaka bigat ng mga pantalon kaya medyo nahihirapan ako. Bumuga na lamang ako ng malalim na hininga at pilit na binuhat ang mga paper bags.
"Hindi nyo manlang ba ako tutulungan dito, Sir? Ang bigat bigat po," nakanguso kong sabi habang naglalakad at nasa likod nya ako, sinisilip sya.
Tinignan nya ako pati ang mga paper bags na dala ko. Tinignan nya lang muli ako. "You're my maid. It's your job, not mine," iyon lang ang sinabi nya at muli na syang naglakad ng mabilis.
Malalim akong bumuntong hininga at sumunod na lamang sa kanya. Tama sya. Ako ang maid kaya dapat ako ang magdala nito. Gosh. Ang bigat, ah.
Sunod na pinuntahan nya ay ang mga bilihan ng sumbrero. Binagsak ko ang sarili sa sofa na nandoon at binaba ang mga pinamili nya. Sinuntok suntok ko ang hangin para medyo mahimasmasan naman ang dalawang braso ko. Nangangawit na kasi ito sa sobrang bigat ng mga pinagbibibili ni Sir Joshua.
Agad natapos sa pagbili si Sir Joshua kaya naman agad agad kong nabuhat ang mga paper bags at agad agad nang kinuha sa staff ang pinamili nya. Tumatakbo akong sumunod sa kanya para lang maabutan sya.
Ang laki naman ng biyas ng isang to. Kaka alis lang sa shop nasa malayo na agad. Tsk.
"Wala na akong bibilhin. Umuwi na tayo," anya at hindi ulit ako hinintay.
Hayy salamat naman!
Bumuga ulit ako ng hangin at naiiyak na sumunod sa kanya. Mabuti naman at uuwi na. Gosh. Ang sakit sakit na ng braso ko. Pati na rin nung mga daliri ko sa kamay. Nanlalamig na iyon dahil naiipit sa tali ng mga paper bags. Wag naman sanang mamatay yung mga daliri ko.
Pinasok ko lahat ng paper bags sa likod ng sasakyan ni Sir Joshua gaya ng gusto nya. Pagod na pagod akong napasandal sa upuan ng kanyang sasakyan. Pumikit ako at hindi na muna ginalaw ang mga braso sa sobrang pagkangawit nito.
Gosh. Gusto ko nang magpahinga.

Book Comment (97)

  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    17d

      0
  • avatar
    Jhon Cedric Cape

    it's so good

    22d

      0
  • avatar
    AlamanAira

    A high qualite

    15/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters