logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 1

Kabanata 1
Papa
--
"Hindi pwede, Amora. Baka mapahamak ka lang dyan sa kung ano mang trabaho na yan. Hindi pwede," si Mama habang nagpupunas ng lamesa habang ako naman nakaupo.
"Mama, hindi naman siguro ako mapapahamak. Tsaka mukha namang mabait yung babae--"
"Hindi nga pwede, Amora," hinarap nya ako. "Pinagbabawalan nga kitang tumulong sa akin sa paglalabada, dito pa kaya? Magtigil ka."
Ngumuso ako. "Mama naman. Sige na. Mag iingat naman ako. Tsaka mayaman yung babae. Itatanong ko kina Pearl kung kilala nila yon."
"Kahit mabait pa yan, Amora, hindi pa rin kita papayagan. Unahin mo ang pag aaral mo at ako na ang bahala sa lahat."
Bumagsak ang balikat ko at nakangusong tumingin kay Amara na nasa tabi ko at nag aaral. Nagkibit balikat lang sya sa akin at tinuloy ang pagsusulat nya ng kung ano ano.
Bumaling muli ako kay Mama. "Kung gusto mo, Ma, tawagan natin yung babae tapos ipakikilala ko sya sayo--"
"Tumigil ka, Amora. Ni pangalan nga ng babaeng yan hindi mo alam. Baka mamaya mapahamak ka lang dyan."
"Nagmamadali nga kasi sya kanina kaya hindi na sya nakapag pakilala pa. Pero may pangalan naman nya dito sa card, oh. Juliette Salvador," pinakita ko pa sa kanya ang card pero hindi nya manlang iyon tinignan.
Naibaba ko nalang ang kamay ko at ngumuso ulit.
"Mama... kaya ko naman, eh..." sambit ko.
Tumigil sya sa pagpupunas at tumingin sa akin. Natigilan ako nang makitang nangingilid ang luha kanyang mga mata. Agad akong napatayo at lumapit sa kanya.
"Mama, bakit po kayo umiiyak?"
Umiwas sya sa akin at nagpatuloy sa pagpupunas. Nag alala ako lalo pero hindi na ako makalapit sa takot na baka itulak nya ako.
"Nag aalala lang naman kasi ako, anak. Hindi mo naman kailangang magtrabaho..." nahihirapang sinabi ni Mama dahil sa pagpipigil nyang umiyak.
Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya. Humikbi sya sa balikat ko kaya mas lalo ko syang niyakap. Hinimas himas ko ang likod nya.
"Kaya ko naman kayong buhaying dalawa ni Amara. Hindi mo na kailangan pang gawin ito, anak..."
Hindi ako sumagot. Alam kong mahirap para kay Mama ang mahiwalay sa akin at masakit rin sa kanyang makita na magtatrabaho ang anak nya imbes na sya ang gumawa noon. Pero desidido na ako sa desisyon ko. Tatanggapin ko yung trabaho para hindi na sya mahirapan pa sa paglalabada araw araw. Ayoko na syang nahihirapan ng ganito.
"Anak... hindi mo ito kailangang gawin..." paulit ulit iyong sinabi ni Mama.
Nang mahimasmasan si Mama ay kinausap ko sya ng maayos. Tutol pa rin sya sa pagtatrabaho ko pero nagdesisyun na akong tawagan si Mrs. Juliette Salvador gamit ang cellphone ni Thea kinabukasan. Wala akong cellphone o kahit anong gadgets kaya sa kanya nalang ako nanghiram.
"What is this, Amora? You will work?" Si Beatrice.
Nandito silang lahat sa amin. Nandito kami sa labas ng bahay namin kung saan may maliit na lamesa sa gilid. Agad agad sinabi sa kanila ni Thea ang tungkol sa nangyayari kaya agad agad rin silang pumunta rito.
Ngumuso ako at pumangalumbaba. "Oo. Magiging maid lang naman ako. Hindi naman siguro masama yon."
Umirap si Sofia. "Baka mamaya scam yan?"
"Hindi naman siguro. Mukha namang mabait yung babae."
"Eh, ano bang pangalan ng babaeng yan? Mayaman ba?" Tanong ni Bea.
Tumango ako. "Gusto ko rin ngang malaman kung kilala nyo dahil mukha talagang mayaman na mayaman."
"Taga saan ba?" Tanong ni Joy.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko pa alam. Nagmamadali kasi sya noong inalok nya ako. Mukhang kailangan nyang kausapin ang principal natin. Pangalan lang yung nalaman ko sa kanya. Kasama yun sa card na binigay nya."
"Ano bang pangalan?" Tanong ni Pearl.
"Juliette Salvador."
"What?!" Sabay sabay na sigaw nina Pearl, Sofia, Bea at Joy.
Nagugulat kaming napailag ni Thea. Napakurap kurap kaming dalawa.
"Bakit?" Sabay naming tanong ni Thea.
"Oh my god!" Nagtakip pa ng bibig si Bea.
Kumunot ang noo ko. "Bakit ba?"
"Are you sure? Juliette Salvador?" Hindi makapaniwalang sinabi ni Sofia.
"Oo. Bakit? Anong meron sa kanya?" Na-curious na tuloy ako.
"OMG! Juliette Salvador! Sikat sila sa Laguna!" Si Pearl. "Salvadors are the richest and most influential family in Laguna. They are also known in Manila where they built many businesses!"
Whoa. Talaga?
"Like, hospitals, schools, shops, restaurants and much more! Oh my gosh! I can't believe the Salvadors will be your boss!" Dagdag ni Pearl.
"A-Ang yaman pala nila..." iyon lang ang tangi kong nasabi.
"Kung doon ka naman pala magtatrabaho ay ayos lang. I'm sure they are kind," si Joy.
"Talaga?" Bigla akong nagkaroon ng pag asa.
Tumango silang lahat at kung ano ano pa ang sinabi.
Unti unti akong napangiti. Paniguradong papayag na si Mama kapag nalaman nya ito!
Pero natigil kami sa pag uusap nang isang itim na van ang huminto sa harap ng bahay namin. Ang mga chismosang kapit bahay namin ay agad nagsidatingan at nagbulung bulungan. Pumalibot pa sila sa van.
Napatayo ako nang makilala ang van. Ito yung van nung Juliette Salvador kahapon sa school. Posible kayang... oh gosh!
"Oh my gosh!" Napatayo na rin ang mga kaibigan ko.
"Baka si Mrs. Salvador na yan!" Tili ni Sofia.
Lumabas sina Mama at Amara nang marinig ang maiingay naming kapit bahay. Pati sila natigilan nang makita ang van na nasa harapan. Tumingin sya sa akin at sa mga kaibigan kong nagugulat at nae-excite.
"Sino yan, anak?" Tanong sa akin ni Mama.
"Mukhang si Mrs. Salvador na po yan, tita Anna!" Si Pearl kay Mama.
"Mrs. Salvador?" Takang tumingin sa akin si Mama. "Iyong nag alok sayo ng trabaho?"
"Opo! Sya nga!" Si Bea naman ang sumagot.
Pinandilatan ko sila sa pangunguna nila sa akin. Hindi naman na nila ako pinansin dahil mas interesado sila sa van na nasa harapan.
Bahagya akong ngumiti kay Mama. "Mukhang sya na nga po yan..."
Bumuntong hininga si Mama at tumingin rin roon sa van.
Kanina noong tinawagan ko si Mrs. Salvador sinabi nyang pupunta na sya agad. Binigay ko sa kanya ang address namin. At hindi ko akalaing pupunta talaga sya agad agad. Wala pa yatang dalawang oras noong tinawagan ko sya.
Bumaba ang bodyguard na nagpapayong sa kanya kahapon at binuksan ang sliding door ng van. Lumabas roon si Mrs. Juliette Salvador na naka dress at may suot na napaka taas na heels. Mas lalong nagbulungan ang mga kapit bahay.
Matamis agad syang ngumiti nang makita kami at naglakad papunta sa amin. Nasa tabi nya naman ang kanyang bodyguard na handang umalalay sa kanya sa oras na sya'y madapa.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Magandang umaga po, Mrs. Salvador," bati ko.
"Good morning po!" Nakisingit ang mga kaibigan ko maliban kay Joy na ngingisi ngisi lang dahil sa mga kaibigan ko.
"Oh," nagulat si Mrs. Salvador sa mga kaibigan ko. "Beatrice Carmona?" Nakilala nya si Bea.
"Hi, po!" Kumaway kaway si Bea.
"It's nice to see you again. Why are you here?"
"I'm a friend of Amora, Mrs. Salvador. We heard that you offered her a job so we came here immediately."
"Oh..." tumingin sa akin si Mrs. Salvador. "That's unexpected. The Carmonas are our business partners."
Ngumiti ako.
Nakilala nya rin sina Pearl, Joy at Sofia. Nagpakilala at bumati naman si Thea. At pagkatapos noon hinarap na nya kami nina Mama at Amara.
"Magandang umaga," bati ni Mrs. Salvador kay Mama. "Are you Amora's mother?" Nakangiti nyang tanong.
Ngumiti si Mama. "Ako nga. Magandang umaga rin."
Pinapasok namin sya sa bahay dahil marami ang nakikichismis sa kung ano man ang pinag uusapan namin. Maliit lang ang bahay at kung wala lang ang mga kapit bahay sa labas nalang sana kami nag usap usap. Napaka init kasi rito sa loob ng bahay namin. Nakakahiya kay Mrs. Salvador.
Naupo kami sa harap ng lamesa. Nasa gilid lang ang mga kaibigan ko at hindi pa rin makapaniwala na nasa harap nila ngayon ang isa sa mga Salvador. Ngumuso ako. Kilala talaga ang mga Salvador? Bakit ako hindi ko sila kilala?
"So, Amora," ngumiti sa akin si Mrs. Salvador. "Napag isipan mo na ba ang alok kong trabaho?"
"Ahmm..." napatingin ako kay Mama pagkatapos ay bumaling muli sa kanya. "Ang totoo po nyan tutol po ang Mama ko. Pero napag usapan na po namin ito kagabi. Gusto ka muna daw po nyang makilala..."
Ngumiti si Mrs. Salvador at tumingin kay Mama. "I'm sorry if I made this offer all of a sudden. And I'm sorry if I didn't let you know this first. But now I will introduce myself first. I'm Juliette Salvador," naglahad sya ng kamay kay Mama. "Nice to meet you..."
Tinanggap ni Mama ang kamay nya. "Annalea Cruz..." bahagyang ngumiti si Mama.
"Nice to meet you, Mrs. Cruz. And hi, what's your name?" Bumaling naman sya kay Amara.
"Amara po," bahagyang ngumiti si Amara.
"Nice to meet you too, Amara," ngumiti sya at naghanap pa ang mga mata. "Where's your father, Amora? At work?"
Pare pareho kaming natigilan sa tanong ni Mrs. Salvador. Pati ang mga kaibigan kong nagbubulungan ay natahimik. Nag iwas naman ako ng tingin at biglang hindi naging komportable sa kinauupuan. Ganon rin si Amara na tumingin na lamang sa malayo.
Si Mama lang ang pilit na ngumiti sa kanya. "Matagal nang patay ang Papa nila..."
Napatingin ako kay Mama na nakangiti man ngunit nandoon pa rin ang kalungkutan sa mga mata. Kumirot ang puso ko sa sinabi nya.
"Oh..." biglang nag alala si Mrs. Salvador at nagpalipat lipat ang tingin sa amin. "I-I'm sorry. I didn't know. H-Hindi ko sinasadyang tanungin--"
"Ayos lang po..." pinutol ko sya. Humugot ako ng malalim na hininga. "P-Pwede na po ba nating pag usapan ang tungkol sa trabaho?"
Napatitig sya sa akin sandali. Kitang kita ko ang paghingi nya ng tawad gamit ang mga mata nya. Ngumiti naman ako para sabihing ayos lang yon.
"S-So, as I said to you yesterday..." tumikhim si Mrs. Salvador. Tinignan ko nalang ang mga kamay ko na nakapatong sa lamesa. Naramdaman ko ang kamay ni Bea sa balikat ko. "Gusto sana kitang kunin bilang maid..."
"Maid?" Singit ni Mama.
"Uh.. yes?" Ngumiti si Mrs. Salvador. "Those I hire to work in our home need to be kind-hearted. Yesterday, I saw her helping an old woman without hesitation kaya naisip ko na bakit hindi sya ang kunin ko?"
Napatingin sa akin si Mama. Maliit akong ngumiti sa kanya at binalik ulit ang tingin sa mga kamay.
"I couldn't explain yesterday because I was in a hurry."
"Pwede ko po bang malaman kung ano po ang ginagawa nyo doon sa school? Noon ko lang po kayo nakita..." singit ko.
"Well.. I help schools that lack equipment like books, notebooks, ballpens and much more. I heard that there's a school here in Tondo that lacks books, and that is the school you go to, gusto ko lang sanang tumulong."
Oh. Tumango tango ako.
"So? Napag isipan mo na ba?" Tumingin sya sa akin at kay Mama.
"Ayoko po sanang pumayag dahil baka kung anong mangyari sa anak ko habang malayo sya sa amin," si Mama ang sumagot. "Tsaka nag aaral pa sya. Paano sya makakapag aral doon? Tsaka mahihirapan sya kung pagsasabayin nya ang pag aaral at pagtatrabaho..." nag aalala talaga si Mama.
"Don't worry. Ako na ang bahala sa paglipat ng school ni Amora," ani Mrs. Salvador na nagpagulat sa aming lahat. "I will also take care of her daily allowance hanggat hindi pa sya sumasahod. I will also take care of her uniform and the school suplies that she needs. May tutulugan rin sya ng maayos and she can be with other maids that I'm sure she can get along with."
"Ano?" Gulat na sinabi ni Mama. "S-Sigurado po ba kayo dyan?"
"Of course. I will really take care of everything she needs. And don't get me wrong, I have no bad intentions with Amora. Baka isipin nyo may masama akong balak kaya sobra sobra ang mga gagawin ko. Gusto ko lang makatulog tsaka kapag sumahod naman na si Amora, titigil na ako sa pagtulong sa kanya."
Napangiti ako at tumingin kay Mama. Sa itsura nya palang alam kong nagdadalawang isip pa sya pero dahil sa saya at pagka excite ko, agad ko nang tinanggap ang trabaho.
"Sige po, payag na po ako," sabi ko.
"Amora," pagtawag ni Mama.
Binalingan ko sya at nawala ang ngiti ko nang makita ang nakakunot nyang noo.
Bumuntong hininga ako. "Mama, hindi ba napag usapan na natin ito kagabi? Magiging maayos lang po talaga ako. Pagbubutihin ko ang pag aaral ko at pangakong hindi ko papagurin ng masyado ang sarili ko. Hmm?"
Tinitigan nya ako sandali at maya maya ay bumuntong hininga na lamang.
"Wala naman na akong magagawa..."
Ngumiti at nayakap pa sya sa sobrang tuwa. Nagpasalamat rin ako kay Mrs. Salvador at kinamayan sya muli.
"Kailan po pala ako magsisimulang magtrabaho?" Tanong ko nang paalis na sana sila.
"Oh, right. I forgot," ngumiti sya at humarap muli sa amin. "Kung pupwede sana ay bukas na agad."
"Po? Bukas agad?!" Sabay sabay na sabi ng mga kaibigan ko sa gilid.
Tumango si Mrs. Salvador. "Don't worry. Pauuwiin ko naman si Amora sa pasko."
Ngumiti ako. "Sige po!"
Ngumiti sya at muling nagpaalam sa amin. "Bukas ay susunduin ka ng tauhan namin. Bukas ng umaga."
"Opo!" Ngumiti ako at kumaway.
Sumakay na sya sa sasakyan nya. Muli syang kumaway at ngumiti sa amin bago pa man maisarado ng kanyang bodyguard ang pintuan.
Napapangiti akong tumingin kay Mama na wala manlang bahid ng tuwa. Humalakhak ako at niyakap sya.
"Mama, wag na kayong magtampo. Magiging maayos lang talaga ako roon. Tsaka ayaw nyo nun? Hindi nyo na kakailanganin pang magtrabaho at mabibigyan ko na rin si Amara ng sapat na pera para sa mga projects nya sa school, para hindi na bumaba ang mga grades nya. Diba?"
Tumango sya at hinarap ako. Hinawakan nya ang mukha ko. "Basta mag iingat ka roon. Wala ako sa tabi mo kaya kailangan mo nang alagaan ng mag isa ang sarili mo, naiintindihan mo ba?"
Tumango ako at ngumiti. "Opo. Kaya ko naman na ang sarili ko, matagal na," humalakhak ako.
Niyakap nya ako at niyakap ko naman sya pabalik. Ramdam ko ang pag ayaw nya sa bagay na ito pero wala na syang magawa pa. Alam nyang hindi nya ako mapipigilan sa mga bagay na gusto kong gawin lalo na sa bagay na ito kung saan makakatulong ako sa kanila.
"Amora naman, eh..." nagmamaktol na sabi ni Sofia. "Kailangan mo ba talagang umalis?"
Humalakhak ako sa mga nakabusangot nilang mukha. Gabi na at nandito pa rin sila sa amin, ayaw umuwi. Dito na sila nakikain noong tanghalian at bumili pa sila ng meryenda kanina. Nabusog tuloy ako.
"Akala ko ba ayos lang?" Sabi ko.
"Eh, oo nga pero hindi ba napaka bilis naman? Gosh! Bukas agad?" Ngumuso si Bea.
"Oo nga," ani Joy. "Kailangan mo ba talagang umalis agad?"
Nagkibit balikat ako. "Iyon yung sabi, eh."
"Hay nako!" Si Pearl. "Kung hindi ko lang talaga kilala si Mrs. Salvador, baka inisip ko nang scam lang yan at baka dalhin ka sa kung anong bar," ngumuso din sya.
Humalakhak ako.
"But seriously?" Ani Sofia. "Are you really sure about this?"
"Oo naman, noh. Basta tungkol sa pagtulong kina Mama, sure na sure ako."
Inirapan nya ako. "Iyan tayo, eh. Napaka bait na kahit kamatayan, kayang harapin basta para sa pamilya. Alam mo bang nakakainis ka?"
Matamis akong ngumiti. "Kayo naman. Alam ko namang mamimiss nyo lang ako. Wag kayong mag alala, uuwi naman ako buwan buwan..." emosyonal ko pang sinabi.
"Yuck!" React agad ni Pearl.
"Tigilan mo nga yan," nandidiring ani Thea.
"Umalis na kaya tayo?" Sabi naman ni Joy.
"Mas mabuti pa nga," ani Bea.
"Tara na," ani Sofia.
Humalakhak ako sa kanila. Tumayo sila at akmang aalis pero nang hindi ko sila pigilan ay matalim nila akong tinignan pagkatapos ay bumalik sa inuupuan nila kanina. Tumawa naman ako nang tumawa pagkatapos ay mas lalo pa silang ininis.
Hawak ang nag iisang picture ni Papa kung saan pinaka tago ko talaga sa akin dahil lahat ng picture ni Papa ay tinapon na ni Mama. Pinakatitigan ko ang mukha nyang malaki ang pagkakahawig sa akin.
Naalala ko ang sinabi ni Mama kanina. Na patay na si Papa kaya wala sya dito ngayon.
Nangilid ang mga luha ko.
Hindi pa patay si Papa. Hindi pa sya patay. Nasabi lang yon ni Mama dahil alam kong malaki ang galit nya sa kanya. Alam kong sobra syang nasaktan. At habang binabalikan ko ang araw na iyon ay nasasaktan rin ako ng sobra.
"Papa!" Iyak ko habang pinipigilan syang mag impake ng damit.
Sampong taong gulang palang ako noon habang si Amara naman ay siyam na taong gulang palang. Wala akong tigil sa pag iyak habang pilit na pinipigilan si Papa sa kung ano man ang gusto nyang gawin.
"Papa!" Umiiyak na rin si Amara.
"Brayden, pag usapan natin to. Ano bang problema?" Namumugto na rin ang mga mata ni Mama.
Binuhat nya ang bag na puro damit nya ang laman. Pilit ko iyong inagaw sa kanya ngunit masyado akong mahina para magawa iyon. Ni hindi yon nabitawan manlang ni Papa.
"Patawarin mo ako, Anna," hinawakan nya ang ulo ni Mama at inilapit sa kanya. Hinalikan nya sa noo si Mama. "Patawarin nyo ako..."
"Papa!" Halos mamaos ako nang maglakad palayo si Papa.
Agad syang sinundan ni Mama na nagmamaka awa ring wag syang umalis. Humabol kami ni Amara at naabutan namin silang nandoon sa pintuan. Nakatalikod si Papa habang hawak hawak sya sa braso ni Mama. Humahagulgol si Mama at nagmamaka awa syang wag nang umalis si Papa.
Humarap si Papa kay Mama at hinawakan ito sa ulo. Ngumiti sya. "Nandyan yung ipon ko. Gamitin nyo yon, ha?" Tumulo ang kanyang mga luha. "Patawarin nyo ako," hindi na nya napigilan at nayakap nalang nya si Mama.
Niyakap nya lang rin kami ni Amara at hinalikan sa noo pagkatapos noon ay agad agad na syang umalis nang hindi manlang kami nililingon.
Humabol ako sa kanya. Nagtatakbo ako kahit pinipigilan na ako ni Mama. Nagtatakbo ako kay Papa at tinawag sya nang tinawag hanggang sa tumigil sya at humarap sa akin.
"Ano ka ba, Amora?" Lumuhod sya at pinantayan ako. Umiiyak na rin sya. "Bumalik ka na roon..."
"Bakit po kayo aalis? Ano po bang problema?" Umiiyak kong tanong, mahigpit ang kapit sa damit nya sa takot na umalis sya ng tuluyan.
"Anak... kailangang umalis ni Papa. Kailangan mo yung intindihin..."
"Bakit kayo aalis? Kailangan kayo babalik? Papa, wag mo akong iwan..."
Pumikit sya at niyakap ako ng sobrang higpit. Sobrang higpit na para bang ayaw nya akong pakawalan. Niyakap ko rin sya ng mahigpit sa pag asang mapipigilan ko sya sa pag alis dahil alam kong hindi nya ako kayang tiisin.
"Papa, wag po kayong umalis..."
Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at nginitian ako kahit punong puno na ng mga luha ang kanyang mga mata.
"Alagaan mo ang sarili mo, ha? Alagaan mo ang Mama at kapatid mo. Wag mo silang pababayaan lalo na ang Mama mo. Kapag umiyak sya, patahanin mo, ha? Sabihin mo sa kanyang mahal na mahal ko sya..." hinalikan nya muli ako sa noo. "Mahal na mahal ko kayo..."
"Papa!" Sigaw ko nang tumayo na sya at iwan ako roong mag isa. "Papa, wag mo kaming iwan!"
Sa panghihina ko ay napaupo na lamang ako sa sahig at nanlalabo ang mga matang pinanood syang naglalakad ng mabilis dahil sa mga luhang nasa aking mga mata. Humagulgol ako roon habang patuloy pa ring tinatawag si Papa.
Parang gripong tumulo nang tumulo ang mga luha ko habang inaalala ang nakaraan. Ayoko na sanang balikan pa yon pero patuloy na bumabalik sa isipan ko ang pangyayaring iyon. At hanggang ngayon sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari. Sobrang sakit pa rin. Sobrang nakakapang hina pa rin. Sobrang nakakaiyak pa rin.
Ayokong umasang babalik pa sya dahil wala naman syang ipinangako, ni wala nga syang sinabing babalik sya. Pero hindi ko alam kung bakit may parte pa rin sa puso ko ang umaasang babalik pa sya sa amin.
Galit ako. Sobrang galit na galit ako. Kasi sa pagkaka alam ko wala naman kaming problema noon. Wala naman silang pinag awayan ni Mama. Hindi naman sila nagsigawan noong araw na yon. Ayaw pa nga ni Mama na umalis sya. At sobrang nasaktan si Mama sa mga nagdaang araw. Kaya galit ako. Dahil hindi ko manlang nalaman ang dahilan nya kung bakit nya kami iniwan. Ni wala manlang syang sinabing dahilan, hindi nya ako binigyan ng dahilan. Basta nalang nya kaming iniwan.
Kahit ilang beses kong isipin kung anong problema, wala akong mahinula, wala akong maisip. Dahil bago nangyari yon, maayos na maayos pa kami. Sobrang saya pa namin. Kaya nagagalit ako sa kanya sa pag iwan sa amin nang walang dahilan. Para akong broken hearted. Sobrang sakit.
Papa... magtatrabaho na ako ngayon. Gagawin ko na yung sinabi mong alagaan ko sina Mama at Amara. Gagawin ko na yun kaya pwede bang umuwi ka na? Pwede bang bumalik ka na sa amin?
Oo galit pa rin ako sayo. Pero syempre gusto pa rin naman kitang bumalik. Mahal kita, eh. Mahal na mahal kita. Miss na miss na kita.
Tinabi ko ang picture ni Papa sa bag ko at pinunasan na ang mga luhang nagkalat sa aking pisngi. Humiga ako at humarap kay Amara dahil baka magising si Mama at makita pa ang namumugto kong mga mata.
Bahagya akong ngumiti.
Tatanggapin ko na yung trabaho, Papa. Kaya umuwi ka na, ha?

Book Comment (97)

  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    18d

      0
  • avatar
    Jhon Cedric Cape

    it's so good

    23d

      0
  • avatar
    AlamanAira

    A high qualite

    15/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters