logo
logo-text

Download this book within the app

BOLADCT-4

BOLADCT-4
Marinel
"DOC., salamat po sa libreng gamot," ani Aling Nelia.
"Wala po iyon, ingatan niyo po si baby." Inakay ko na ito palabas ng aking opisina. Bumalik ako sa mesa ko at itinabi ang mga health records ng mga bata. Kumatok naman si Nica bago pumasok sa loob ng opisina ko.
"Anong drama mo?" aniya.
"Ha? Bakit?" takang tanong ko pa.
"Punuan yata ang schedule mo ngayon Nel at agad-agad ka pang kumuha ng special class tutorial para kay Clayd. May na kain ka?" Napatawa ako sa kanya.
"Wala naman. Masama bang magpaka-busy?" Kumikit-balikat ito at nagdududang napatitig sa akin.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" aniya. Agad akong napayuko.
"Wala!" sagot ko pa.
"Nel," anito.
"Wala talaga," tanggi ko.
"Marie!" Natigilan ako. Minsan lang niya ako tawaging Marie at alam kong galit na ito.
"Nagkita kami ni Caldwill at..." Agad namang nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko. Agad naman siyang napalapit sa akin. I composed myself.
"I saw Caldwill. I just don't saw him because he was the guest speaker of that conference," umiiyak kong kuwento.
"God! Patawarin mo ako Marinel. Kasalanan ko ito, dapat nagtanong-tanong muna ako." Nailing ako at pinahiran ang mga luha ko sa mata.
"Wala kang kasalanan Nica. Siguro nga nagkataon lang na nando'n din siya. Patawad kung naglihim ako sa iyo. Ayaw ko lang kasing pag-usapan ang tungkol sa kanya," wika ko.
Ayaw ko pag-usapan ang tungkol kay Caldwill, lalo pa no'ng may maganap sa aming dalawa.
"Naintindihan ko Nel. Apektado ka pa rin ba hanggang ngayon?" Napatango ako.
"Alam mo namang kahit na gano'n ang nangyari ay mahal ko pa rin siya Nica. Ang iniisip ko ngayon ay si Clayd. Masiyado siyang apektado at nag-aalala ako para ro'n." Siya naman ang napabuntong-hininga.
"Kung bakit ba naman kasi hindi ka na lang magsinungaling kay Clayd." Nailing ako at napatayo.
"Kung sasabihin ko ba sa kanya na patay na ang ama niya, may magbabago ba Nica? Paano kung bigla silang magkita? Masasaktan si Clayd. Mas mabuti pang sabihin ko sa kanya ang totoo," paliwanag ko.
Hindi pa alam ni Clayd ang totoo. Wala akong sinabing kahit ano sa kanya pero mukhang kailangan ko na sabihin sa kanya ang totoo tungkol sa ama niya. He's too young for this but Clayd is a smart boy. I know he would understand me.
"Kailan mo sisimulan?" Napabaling ako kay Nica.
"Ngayon mismo," sagot ko. Bumukas naman bigla ang pinto at iniluwa nito ang anak kong si Clayd.
"Ma, I perfect my exam!" Tumalon-talon pa ito kaya mabilis ko siyang kinarga.
"Talaga? Ang talino naman ng baby ko." Hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi. Umupo ako sa sofa habang kandong pa rin siya.
"Labas muna ako," ani Nica. Ngumiti lang ako. Itinabi ko naman ang hawak na papel ni Clayd.
"Anak, do you want to know about your father?" Nagliwanag naman ang mukha nito at napatango.
"Is he alive?" Nangingilid ang mga luha kong napatango sa kanya.
"Maiintindihan mo naman si Mama 'di ba?" Again, he nodded and played my I.D strap.
"Hindi kami okay ni Papa mo e, kaya wala siya rito." Nalungkot naman ang mukha nito.
"Is he mad at me?"
"No baby. Hindi niya kasi alam." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko nang makita kong naluluha na rin ang anak ko. Agad ko siyang niyakap.
"Please don't cry baby. Please don't blame your Papa." Umurong naman ang anak ko at pinahiran ang mukha ko gamit ang kanyang pinong mga kamay.
"I'll be a good man Ma, I promise!" Mas lalo akong naiyak. Who would have thought that a kid like him will understand our situation?
"Do you want to see his picture?" Agad siyang umiling.
"Okay," wika ko at muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Siguro ay ayaw niya na umasa na babalikan pa kami ng ama niya. Mariin akong napapikit. Patawarin mo ako anak.
"Gusto mo mamasyal baby?" wika ko.
"I just wanted to eat ice cream," he said while smiling at me.
"Okay!" Inayos ko ang sarili ko at muli ay kinarga ang anak ko. Kinuha ko ang pitaka ko at lumabas ng aking opisina.
"Nica, wala na bang darating na pasiyente?" tanong ko. Hindi ako kinibo ni Nica dahil abala ito sa pagtitig ng kanyang monitor. At nang matingnan ko ito ay ngalingali kong nakutusan ito.
"Nel naman e!" Napairap ako.
"Kababae mong tao, nanonood ka ng x-men!" Ngumuso naman siya.
"Minsan lang naman! Ito talaga! Tag-tuyot ako for three years a!"
"Landi! Manood ka niyan sa bahay, huwag dito at baka mapanood ni Clayd."
"Mama, I love to watch x-men too. Wolverine is the best!" singit ni Clayd. Natampal ko ang noo ko at muling nakutusan si Nica.
"Yeah!" Kunwari ay sang-ayon ko.
"Schedule ko?" tanong ko muli.
"Ay na kay Lorna," sagot niya. Ang sekretarya kong si Lorna talaga ang taga-pangasiwa ng schedule ko araw-araw dito sa clinic. Sa katunayan pa nga niyan ay kasosyo ko si Nica sa klinikang ito. Palagian lang siyang naka-duty dito dahil ayaw niya raw maburyo sa bahay namin.
"Inutusan ko bumili ng lunch 'yon. Where are you going ba?" ani Nica.
"Diyan sa tapat, sa ice cream parlor," sagot ko.
"May safari playground na sila Nel. Clayd can play there." Natuwa naman ako sa narinig ko.
"Talaga? That's good!" masigla kong wika.
"Tawagan mo ako kapag dumating na si Lorna," bilin ko pa.
"Yes po!" Tinaboy pa nito ako at bumalik sa kapanonood sa laptop niya.
"Si ate Lorna ba sumundo sa iyo?" tanong ko habang papatawid kami sa kalsada.
"Opo. Can I play there Ma?" Itinuro pa niya ang safari playground na karugtong lang ng ice cream parlor.
"Oo naman," sagot ko at mabilis na humakbang papasok sa tindahan.
"Play muna or eat?" tanong ko pa.
"Play!" sagot niya agad. Agad ko siyang ibinaba at nagbayad sa kahera ng isang oras na paglalaro niya sa loob.
Napatakbo agad ang anak kong si Clayd at nagsimula nang maglaro. Umukupa rin ako ng isang mesa kung saan ko madaling makikita ang anak ko. Nag-order na rin ako ng pagkain namin para naman hindi ako antukin sa pagbabantay kay Clayd. Habang abala ako sa pagkain ay bigla namang may umupo sa harapan ko. Natigilan ako at natulala saglit.
"Andy," utas ko.
"I knew it's you!" masayang wika niya pa at dinukwang ako upang yakapin. Kumalas din naman ito at napangiti sa akin na abot hanggang tainga.
"It's so nice to see you here Nel! God! Muntik na kitang hindi makilala. My Ms. Universe before and today are so much opposite! Wow!" nagagalak pa nitong sambit. Mariin kong nakagat ang aking labi at napayuko.
"Patawarin mo ako Andy," mapait kong wika. Wala akong ibang masabi kundi ang humingi ng tawad sa kanya. Three years ko rin siyang kinalimutan. Dahil sa sobrang pursigido kong maayos ang buhay ko ay sinadya kong kalimutan din si Andy kahit na ang totoo'y wala naman siyang kinalaman sa problema namin ni Caldwill. Kinalimutan ko ang pagkakaibigan naming dalawa at alam 'yon ng Diyos kung gaano ito kasakit para sa akin. Lumipat naman ito nang upo sa tabi ko at niyakap ako.
"I miss you Nel, so much! That time, I felt like I lost my little sister when you decided to forget me too." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak at yumakap sa kanya pabalik.
"I missed you Marinel," Andy said.
"Na-miss din kita Andy," garalgal na boses kong sagot. Kumalas ito sa akin at biglang ginulo ang aking buhok.
"Gumanda ka lalo, kumusta ka na? Mukhang umasenso ka sa loob ng tatlong taon," aniya. Pinahiran ko ang mga luha ko at masiglang napangiti sa kanya.
"Heto, may sarili na akong klinika, diyan lang sa tapat. May kaliitan pero ayos naman ang takbo ng klinika. Ikaw?" Napalumbaba naman ito.
"Still a happy go lucky man and still searching for his true love." Napatawa ako sa sagot niya.
"Ikaw na ang mayaman," kumento ko.
"Nagpapatakbo rin naman ako ng negosyo ng pamilya namin Nel. In fact? I owned this building and this store. At ngayon lang ako nakadalaw dito. Hindi ko alam na ikaw pala ang may-ari ng Kiddy Clinic na 'yan," aniya. Napatango-tango ako.
"Kasosyo ko si Veronica riyan. Hindi ko kakayanin kapag ako lang ang mag-isang magpatakbo ng klinika." He smiled at me.
"You've grown up so well Marinel. Buti at hindi sumabog ang ulo mo sa kare-review para lang maipasa ang board exam sa kursong 'yan." Napanguso ako.
"Konti lang pero naka-one take exam lang ako ha," pagmamayabang ko. At may sakit pa ang anak ko nang mga oras na iyon.
"It seems like you are in a better path Nel and I am so proud of you," he seriously said.
"Salamat Andy," wika ko at niyakap siya.
"Please don't leave again without any notice," he said.
"Opo, last na iyon," sagot ko bago kumalas sa kanya.
"Nakaka-miss ka talaga!" Sinuntok ko siya sa balikat ng marahan.

Book Comment (12)

  • avatar
    Wilson Aguas

    i love it

    09/05

    Β Β 0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    πŸ’žπŸ’žπŸ’ž

    21/03

    Β Β 0
  • avatar
    ritzie

    nice po

    09/12

    Β Β 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters